Isasayaw kita

4414 Words
THIRD PERSON Nakatingin si Uno sa langit habang umiiyak, "Naalala mo pa ba 'yung hiniling ko sa'yo? Na sana ay makasama ko ulit si Thirs. Bakit hindi mo ako pinagbibigyan? Oo alam kong patay na siya at hindi na babalik pa! Pero kahit sa panaginip ay hindi mo man lang siya pinapakita sa akin. Masama bang humiling? Simple lang naman ang hiling ko, ah!" Napaluhod ang binata, ang binata ay parang isang bampira. Sa gabi ay siya ay umaalis para lamang masaksihan ang madilim na langit at buwan. "Matagal ko nang hiniling sa'yo 'yun pero hindi mo ako pinagbigyan! Ikaw rin! Isa ka pang buwan ka! Kayo nalang ba ang palagi kong kakausapin sa tuwing mahina ako? Andyan nga kayo pero hindi niyo naman tinutupad 'yung kahilingan ko!" yumuko ang binata. "Ang makasama ko ulit siya ay okay na... kahit sa panaginip o ang pagbigyan akong makasama siya ulit." TRES Pagkagising ko ay agad akong naglipit ng higaan. Dumiretso ako sa kusina dahil magluluto ako, hehe! Napaginipan ko kasi ang kapal daw ng mukha ko kasi hindi ako nagluluto o nagsasaing sa bahay nila Uno. Tumingin ako sa ref, puro gulay ang laman kaya ngumiti lang ako kasi mag-e-experiment ako ng isang masarap na ulam. Nang matapos akong magluto ay biglang dumating si Maria. She is wearing sexy pantulog kaya napatulala ako. "Tres, sabi pala ng may katungkulan dito ay mamaya na ang contest..." "Seryoso?" "Oo eh, nabago raw ang schedule. Uhm, sino bang gagawa ng kanta?" "Ako, hehe!" "Really? Writer ka pala?" "Hindi naman, hehe! Mahilig lang akong magsulat. Noong ipinanganak kasi ako ay puro sama na ng loob ang natatanggap ko kaya lahat ng sakit ay isinusulat ko nalang, hahaha!" "Ganun ba? Ang cute! Uhm, Tres, 'diba may kakantahin kayo na ginawa mo bale sabi ng may katungkulan ay kumanta pa raw kayo ng isa na gawa niyo rin..." "Ay ganun? Saan nga ulit?" "Sa bayan, hehe! Ano kaya mo bang gumawa ng dalawang kanta?" "Mayroon akong isang bala para sa isang kanta na kakantahin, sa ngayon ay magfo-focus muna ako sa kakantahin namin ni Uno. Uhm, 'yun bang isang kanta ay sabay rin naming kakantahin?" "Sige, hindi Tres bale ang sabi kasi ay kung dalawa kayo ay 'yung isa lang ang kakanta! Hehe! Goodluck!" "Salamat Maria, manuod ka huh!" "Oo naman! Proud ako sa inyo!" "Salamat, Maria!" Tumango lang sa akin si Maria. Uhm, nasaan kaya si Uno? Agad akong lumabas kasama ang niluto kong gulay. Hindi ko pala naalok si Maria, sana ay kumain siya mamaya. Nang tumingin ako sa paligid ay wala si Uno, uhm... nasaan kaya siya? Bigla ko namang nakita si Manong Henry. "Manong Henry! Nakita niyo po ba si Uno?" "Hija, nasa farm siya sa katunayan ay pinapasabi niya na kung makita kita ay papuntahin kita sa farm, hehe!" "Salamat po! Uhm, p'wede niyo po bang tikman ang niluto ko?" "Ay! Wag na po, nakakahiya naman po..." Hindi ako pumayag, binigyan ko sa isang kutsara si Manong Henry. "Ano pong lasa?" Napangiwi siya, "Masarap! Maasim, hehe!" "Talaga po? Salamat po! Bye po!" Agad akong tumakbo sa farm, tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nadapa ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil biglang lumipad 'yung niluto kong gulay. Halos maiyak ako dahil nasa lupa na. Mas lalo akong nagulat nang biglang... may bumuhat sa akin! Nang humarap ako sa kanya ay si... Uno! "Ilan ang nahuli mong langgam?" Hinampas ko siya sa balikat, ngumisi lang siya sabay binaba ako. Nagulat ako nang pinunasan niya ang aking tuhod. "Uno! A-ako na! Hehe!" ano bang nangyayari sa akin, hay naku. "Sayang 'yung niluto ko!" "Niluto mo 'yun? Pupulutin ko kasi p'wede pa naman," "O-o... ano?! Marumi na 'yan eh! Nakakainis ang lupa rito!" "Hindi ka pa ba kumakain? May pagkain sa farm," "Para sa'yo kasi 'yan!" "Uhm, I see, bumawi ka nalang sa susunod." seryosong sagot niya sabay tumalikod. Sumunod lang ako sa kanya. Habang naglalakad kami papuntang farm ay hindi ko mapigilang mapangiti. Self, bakit? Nawa'y patawarin ang aking kakaibang nararamdaman. "Uno! Ngayon pala 'yung contest!" sigaw ko mula sa likod niya. Agad siyang humarap sa akin sabay kumunot ang noo. "Kaya mo bang gumawa ng on the spot na kanta?" Ngumisi ako sa kanya sabay kumindat, "Baka hindi mo alam na pro ako pagdating sa ganito? Hahaha! Joked!" Ngumiti lang siya sabay naglakad na. Ang totoo nyan ay kinakabahan ako, kahit na alam kong mamaya pa 'yung contest ay baka hindi umabot. Nang makaupo kami ni Uno sa tabi ng puno ay may mga pagkain na. Nilagyan niya ako sa mangkok ng mga gulay. "Uno, ano ba ang magandang theme sa kanta? 'Yung kakaiba naman sana kasi puro hugot na ang gagawin at kakantahin ng iba, hehe!" "I think mas may impact kapag about sa parents, kung paano iniwan ng parents." seryosong sagot niya sabay umalis. Ay? Attitude? Napansin ko talaga na parang hate ni Uno ang word na parents, siguro may pinagdaanan lang siya noon na wala akong karapatan para mangialam. Kung ang gusto niya ay about hate, pwes ang gagawin ko ay about love and respect for parents, hehe! I know na mabuting tao si Uno. Hindi niya lang pinapakita dahil ayaw niyang maging mahina, walang anak ang hindi mahal ang magulang. Pero sa nakikita ko naman ay close si Uno at si Tita Jenika, tsaka sa Daddy niya ay wala sigang issue. Hay naku, wala naman akong alam kaya mananahimik na lamang ako. Ang tagal niya bumalik. May nakita akong papel at ballpen sa lamesa kaya naman kinuha ko. Umakyat ako sa taas ng puno sabay doon umupo. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay bigla akong nakaisip ng theme. Uhm, gusto ko ay about sa slow dance, about sa couple na mag-slow dance. Uhm, paano ko naman mai-include ang tungkol sa magulang? Hmm. Bigla ko namang nakita si Manong Henry sa baba, nagtatanim siya... grabe ang sipag naman niya. Nagulat ako dahil habang nagtatanim ay bigla siyang sumasayaw! Hahaha! Ang cute. Biglang may pumasok sa isip ko, I imagine na nasa harap ako ni Manong Henry then sumasayaw ako. Kumbaga kunwari siya 'yung Tatay ko then magsasayaw ako sa harapan niya para sumaya siya. Uhm, p'wede na pero parang may kulang. Isali ko kaya si Uno sa imagination ko? Pumikit ako, inisip ko na nag-slow dance kami sa harap ni Manong Henry, then si Manong Henry ay proud habang nakangiti sa amin. Uhm, ano kayang magandang lyrics dun? "Isasayaw kita sa harap ng 'yong Ama at Ina..." mahinang kanta ko habang nilalagyan ng tono. Hala! Ang ganda! Perfect! I think 'yang lyrics na 'yan ay pang chorus. Nag-isip pa ako ng iba pang lyrics. Napangiti ako kasi may mga naisip na ako. Haha! Humanda ka Uno Co, you hate it but you will love this song. Ang title nito ay 'Isasayaw kita' hay naku, I'm in love with the title. Nang tumingin ako sa baba ay wala pa rin si Uno. Nasaan kaya siya? Nang tumingin ako kung saan nagtatanim si Manong Henry ay doon ko nakita si Uno. Nagulat ako nang nakabihis siya na pang farmer, mas nagulat ako dahil nagtatanim siya. Totoo?! Sabagay, farm naman nila 'to, Uno bagay na bagay sa'yo. Agad akong bumaba sa puno sabay agad na tumakbo sa kanila. "Manong Henry! Kakantahan kita, pakinggan mo po!" Masaya namang tumango si Manong Henry kaya kumindat ako sa kanya. "Isasayaw kita sa harap ng 'yong Ama at Ina..." malumanay na kanta ko habang nakatingin kay Uno. Inaasar ko talaga siya, hahaha! Sana lang ay samahan niya ako sa pagkanta. "Gawa niyo po 'yan Mam Tres? Ang galing niyo po!" masayang sagot ni Manong Henry sabay pumalakpak. "Ay! Huwag na po kayong mag po sa akin! Hahaha! Salamat po! Ikaw ba Uno?! Ano ang masasabi mo?" Kumunot ang noo ni Uno sabay bumuntong-hininga, "Maganda," "Talaga?! Hahaha! Well, salamat!" "Welcome," seryosong ani niya sabay bumalik sa pagtatanim. "Manong Henry, ang sungit niya 'no! Hahaha!" "Hahaha! Ganyan lang po si boss pero mabait po 'yan! May ginintuang puso! Hehe!" "Oo nga po, uhm, Manong Henry bilang nakatatanda. Ano po ang maiisip niyo sa pasilip sa kantang ginawa ko?" "Maganda Tres, halimbawa ako ang iyong magulang tapos kinantahan ka sa harap ko ni Uno ng ganung kanta ay matutuwa ako kasi nirerespeto niya ang existence ko at ng aking asawa." "Ay! Bet! Hahaha! May pa existence ka po, ah!" "Hahaha! Ikaw talagang bata ka, alam mo 'yang ugali mo na palaging masaya ay hindi mahirap mahalin. Sa palagay ko ay bagay kayo ni boss kasi siya ay masungit, hahaha!" Sa sobrang laugh trip ay pinalo ko sa balikat si Manong sabay nagtawanan kami, hahaha! Lt ba naman si Manong Henry parang teenager. "Sige na Tres, magtatrabaho na muna ako!" masayang paalam ni Manong Henry. Ang sweet niya, hehe! I wish he is my Lolo. Naalala ko na naman si Lolo. "Lolo Henry!" masayang tawag ko sa kanya. Bigla siyang lumingon, nagulat ata sa sinabi ko. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya sabay niyakap ko siya. Hindi ko alam, hindi ko mapigilan ang sarili ko, he reminds me of Lolo. Sobrang comfortable ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong itulak. "T-Tres! Pasensya na po! Marumi kasi ako!" parang nandidiri na ani niya sa sarili niya sabay pinagpagan ang braso ko. "Lolo Henry, stop! I don't care kung marumi kayo. Marumi man ang damit niyo, ang pagkatao niyo ay hindi." malumanay na paliwanag ko sa kanya. Namugto ang mga mata niya sabay ngumiti sa akin nang malaki. "Salamat Tres, maraming salamat!" Agad ko siyang niyakap. "Alam niyo po ba, you remind me of my Lolo, hindi ko po kayo niyayakap dahil sa parang kayo siya. Niyakap ko po kayo kasi mabuti po kayong Lolo..." Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap. Hinawakan niya ako sa pisnge sabay kinurot. "Hija, salamat talaga... sana ay pagpalain ka pa ng ating Panginoon. Sana ay matupad mo ang mga pinapangarap mo, sana ay makatulong ka pa sa iba." Ngumiti ako kay Lolo Henry sabay agad na nagpaalam na pupuntahan ko si Uno. Nang makalapit ako kay Uno ay seryoso lang siya sa pagtatanim. "Uno sabay tayong kakanta, huh!" "It is okay that I will just in playing guitar? I'm not comfortable to the song and its theme." Bigla naman akong nalungkot, "P'wede bang kahit 'yung intro lang? Please? Then ako na sa lahat!" Tumango lang naman siya, "Ano ba ang chords?" "Wait! Kakantahin ko para naman masabayan mo ang tono, hehe!" "Sige, pero dun nalang sa puno... umupo ka muna dun, hintayin mo ako dahil magbibihis muna ako." Tumango ako sa kanya. Agad siyang umalis para magbihis. Agad akong tumakbo papunta sa puno. I read the lyrics, then I try na kantahin with tono na gusto ko. Uhm, 'yun ang ganda! Nang lumingon ako sa harapan ko ay biglang nag-slow motion ang lahat. Si Uno ay naka-sunglasses, nakasimpleng black t-shirt, short na parang pang-summer then may hawak siyang gitara. Hala! Ang guwapo! Bigla akong napatayo at napatingin sa aking sarili, grabe parang hindi kami bagay. Bago pa makarating si Uno ay tumakbo na ako papunta sa bahay. Agad akong naligo sabay nagbihis. Humarap ako sa salamin, may nakita akong isang blue dress sa likod ko. Teka... binili na 'yun sa akin ni Uno? Totoo? Nang tiningnan ko 'yung dress ay may nakalagay na note. 'Sa akin galing 'to Tres, enjoy the contest.' -Maria Napangiti naman ako, salamat Maria. Agad kong sinuot ang dress sabay inayos ko ang aking buhok, 'yun bang may pa-wave hair then kulot. Nag-lip tint din ako sabay naglagay ng blush on. Ang ganda ko na... pero hindi pa rin ako gusto, charot. Agad akong lumabas sabay nagtungo sa puno sa farm. Nakita kong binabasa ni Uno 'yung papel na sinulatan ko ng aming kakantahin. I just smiled, alam ko kasi na hindi niya magugustuhan, hahaha! Pero deep inside ay gusto niya talaga. Nagulat ako nang tumingin siya sa akin, he still using sunglasses kaya naman hindi ko alam kong ako 'yung tinitingnan niya o hindi. "This lyrics is nice, but still I don't like." "Hahaha! Sa puso mo alam kong gusto mo 'to! Naku!" "Kantahin mo na, habang kumakanta ka ay kakapain ko sa gitara para naman handa tayo mamaya." Tumango ako sa kanya sabay umupo. "By the way, ang ganda mo," Halos mahulog ako sa upuan, Uno... bakit ka ba ganyan?! Nag-inhale, exhale ako. Agad kong kinanta ang aking gawa, nakapikit ako habang kumakanta. Sobrang sarap kasing pakinggan. Bigla ko tuloy naalala si Mama Zeroie, I love her so much, I love Daddy so much. Sana ang lalaking nakatadhana sa akin ay kantahin 'to sa harapan nila habang sumasayaw kami ng slow dance. Pero malabo kasi mukhang hindi ako gusto ng taong mahal ko. "Nice, intro lang ang sa akin." seryosong ani niya sabay patuloy na kinukuha ang tono sa gitara niya. Ang galing niya palang maggitara, nakaka-inlove. He is very talented. Pinanuod ko lang siya habang naggigitara. "Ang galing mong maggitara!" masayang sigaw ko sabay pumapalakpak. Inalis siya ang sunglasses niya. "Gusto mo bang turuan kita?" "H-ha? H-hindi na! Hahaha!" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sabay lumapit sa akin. Pumunta siya sa likod ko sabay ibinigay sa akin ang gitara. Hinawakan niya ang kamay ko sabay ipinahawak sa string ng gitara... ano ba 'yan, nanginginig ang kamay ko. Dahan-dahan niya akong tinuruan... "Bakit ang tigas ng kamay mo? Just focus," Napangiwi ako, sino ba naman ang hindi titigas ang kamay... guwapo ang nagtuturo. "Anong oras mamaya? Sinabi ba ni Maria?" "Uhm wait, itatanong ko sa kanya..." Tumango lang siya, agad akong pumasok sa bahay. Nakita ko si Maria habang nanunuod. Agad ko siyang niyakap. "Salamat sa dress!" "Ang ganda! Welcome!" "Uhm... Maria, anong oras ba mamaya?" "Six pm daw, huwag kayong male-late huh!" "Hindi ka ba manunuod?" "Hindi eh, may aasikasuhin pa kasi ako sa business namin. May mga darating na bibisita sa farm, hehe!" Tumango lang ako sa kanya. Agad akong lumabas. "Uno! Six pm daw, three palang naman so makakapag-practice pa tayo." Tumango lang siya, "Sige, practice lang tayo hanggang sa ma-perfect natin." Nag-practice kami nang nag-practice hanggang sa nakuha na namin kung paano namin kakantahin. "Ang galing mong gumawa ng kanta, but still I don't like the song." "Okay lang na hindi mo gusto, hahaha!" pang-aasar ko. Nag-practice ulit kami. Hanggang sa five pm na kaya naman agad kaming umalis ni Uno gamit ang kotse niya. Pumunta kami sa bayan, nang makarating kami ay maraming tao tapos ang ingay. Ang daming tumitingin kay Uno, ang gwapo niya kasi. Naglakad kami papuntang backstage, nandun na rin 'yung iba pang mga contestants. Nag-register na kami ni Uno sabay umupo. Nagulat ako nang may biglang lumapit sa amin na isang magandang babae na may hawak na gitara. "Hi, do you have your partner?" "Yes katabi ko siya, hindi mo ba nakikita? O ayaw mo lang siyang tingnan?" pagsusungit ni Uno. Grabe, kabog. "A-ah, I'm sorry... akala ko kasi ay sinusuportahan ka lang niya. I thought na sister mo siya or twin? Kasi magkamukha kayo." nahihiyang paliwanag ng babae. Hindi siya pinansin ni Uno. Grabe, kahit ang iba ay napapansin na para kaming magkakambal o magkapatid. Ganun ba ka-obvious ang mukha namin? Hahaha! "Magsisimula na ang contest, goodluck!" masayang anunsyo ng isang magandang babae. Nang tumingin ako kay Uno ay napakaseryoso niya. Ayaw niya talaga siguro, napilitan lang siya para makabawi sa akin. Lahat ng contestants ay pinaupo sa unahan para mapanuod ako iba. Halos tatlong grupo na rin ang nakakapag-perform, grabe ang gagaling nila! Nakaka-proud! "Kayo na po ang sunod," malumanay na saad ng isang babae. Tumango lang ako sabay hinawakan ko si Uno sa kamay para umakyat ng stage. "It's a big honor na sumali si Co sa ating paligsahan! We all know that their family done a lot in our province! Give them applause!" masayang ani ng emcee. Wala lang naman kay Uno sabay umupo kaming dalawa. Hinawakan niya ang gitara niya. Magsisimula na kami, grabe nakakakaba. "May kulang sa'yong mga mata huwag mo nang sabihin aking sinta, sapagkat mayroon tayong gagawin na ikagagalak mo... Sa tuwing tinitingnan kita'y pinapaalala mo na mahalin ang magulang at sarili. Labis kitang hinahangaan, ngayon ay..." kanta ni Uno sa Intro habang naggigitara. Grabe, ang galing niya. Kahit ayaw niya sa kanta ay nahuli ko na kinanta niya ito with puso. Maraming mga nagpalakpakan at kinilig. Ako naman ang kakanta sa chorus, itinapat ko ang mikropono sa aking labi. "Isasayaw kita sa harap ng 'yong Ama at Ina... Mamahalin ko rin sila kagaya ng pagmamahal ko sa'yo... Hayaan mong magsayaw tayo sa harapan nila nang makita nila ang sayaw ng ating pag-ibig, Hayaan mong hawakan kita na para kong asawa... Ilagay mo ang iyong kamay sa aking balikat, Iingatan kita habang tayo'y sumasayaw, simbolo na tayo'y nagmamahalan..." kanta ko sabay bumuntong hininga, grabe ang emosyon na ibinigay ko. Ang ganda kasi ng kanta. Napangiti ako ng marami ang nagpalakpakan, kumaway lamang ako sa kanila. "Pumili ng taong mahal din ang magulang mo, kaya ako ngayon ay pinipili ka..." kanta ko sabay tumitig ako kay Uno. Tumili ang lahat dahil sa nakatitig lang ako kay Uno. Tumitig din siya sa akin habang naggigitara... grabe, ang sarap sa pakiramdam. "Aking sinta, magsayaw tayo sa harap nila Ipaparamdam ko sa kanila na bawat galaw nati'y iisa... Isasayaw kita, aking prinsesa... Isasayaw kita hanggang gabi hanggang sumikat ang araw, kahulugan na magsasama tayo habambuhay...." patuloy na pagkanta ko habang dinadama ang lyrics. Kinanta ko ulit ang chorus sabay maraming nagpalakpakan at tumayo. "Ang galing niyo!" "Grabe ang chemistry!" "Galing! Go, more!" Sigawan ng mga nanunuod na tao. Ang saya nila, nakakatuwa naman. "Isa pa raw!" kantiyaw ng emcee. Bumulong ako kay Uno, sabi ko sa kanya na may kakantahin akong isang special na kanta na gawa ko rin. Pumayag naman siya, inabot ko sa kanya ang isang papel na may chords ng aking kakantahin kaya hindi siya mahihirapan. Ngumiti ako sabay itinapat ang mikropono sa aking labi. Maraming nagpalakpakan dahil sa unang intro ay naggitara muna si Uno. Bumuntong hininga ako, "Ang title po ng ginawa kong kanta ay Parang tayo parang hindi. Sana po ay magustuhan niyo..." Nagpalakpakan naman ang karamihan. Grabe, nakakakaba. "Parang tayo, parang hindi... Nagsimula sa simpleng usap, sa simpleng tanungan, na nauwi sa kulitan... at hindi akalain na hahanap-hanapin, hanggang sa lumalim! ako'y nahulog na..." kanta ko habang nakatitig kay Uno. Pakiramdam ko ay marami ang mga kinikilig, isa na ako dun. Pero kasi masakit 'tong kanta, haha! "Walang tayo pero gusto naman ang isat isa... walang tayo pero iba maglambingan, P'wedeng magselos, bawal magreklamo... dahil nga sa walang tayo, Oh, wala! Maling isipin na akin ka... maling isipin na may tayo dahil wala, oh wala!" kanta ko sa chorus habang dinadama ang masakit na lyrics. Nang tumingin ako sa mga nanunuod ay ang lungkot nila. Relate ba kayo? Hahaha! Tumitig ako kay Uno, wala man lang siyang emosyon habang naggigitara. "Ilang ulit nagparamdam ilang ulit nagparinig... Tila ba'y ika'y manhid, sabi mo kakain lang... pero hindi ka na bumalik, Oh hindi na!" kanta ko sabay ni-repeat ko ang chorus. "Hanggang sa nalaman ko... meron ka ng bago, malayo sa dating tayo dahil mayroong kayo... May matatawag na kayo, tayo ay wala... Tayo ay hanggang dun lang, oh hanggang dun lang..." kanta ko sa last part. Binigay ko lahat ng emosyon ko habang nakatitig lang kay Uno. Nagpalakpakan ang karamihan. "Kakaiba ang last song! Parang patama kay Uno! Hahaha!" kantiyaw ng emcee. Napakamot lang ako sa ulo dahil parang totoo, hahaha! Pagkatapos naming kumanta ay bumaba na kami. Pinanuod namin ang iba pang nag-perform, sobrang sarap nilang panuorin kaya naman tawa lang ako nang tawa. Si Uno ay seryoso lamang, tss. "Tapos na ang laban! Ang mananalo ay may free trip sa isang isla! Give them applause!" masayang sigaw ng emcee. "Ngayon, ang panalo ay sina Tres at Uno!" masayang anunsyo niya. Bigla akong tumayo sabay pumalakpak, pero si Uno ay gwapo mode pa rin na napakaseryoso tss. Agad ko siyang hinila sa unahan ng stage sabay lumapit kami sa emcee. Binigyan kaminng emcee ng tig dalawang mic. "Maraming salamat po sa mga judges at sa mga nanuod! Na-appreciate ko po kayo!" masayang sigaw ko. Nagpalakpakan naman sila. "Thank you sa lahat," seryosong ani ni Uno. Pagpasensyahan niyo na ang kasama ko, may regla! Hahaha! "Salamat po talaga!" masayang dagdag ko. "Wait, about the price... hindi ko siya tatanggapin." Nanlaki ang mga mata ko, ano?! Uno naman! "Hindi ko siya tatanggapin dahil ako na mismo ang sasagot ng ticket nila papunta sa isla na 'yun, napanuod ko kasi sila. Magagaling silang lahat, they well deserved to go there too... with us. About naman sa cash price, donate it to every children, be honest." Nanlaki lalo ang mga mata ko... grabe Uno! Milyon ata ang halaga ng magagastos mo dahil ang dami nila! Bente ang sumali tapos 'yung iba ay may tatlo at lima pang ka-group. Grabe ka, Uno! Ang yaman mo talaga. "Seryoso?! P'wede rin ba akong sumama?! Joked!" masayang biro ng emcee. Tumawa naman ang karamihan. Tumingin ako sa mga contestants grabe ang saya nila. Tumalon pa nga ang iba, ikaw ba naman makapunta sa isang isla with free ticket which is included na dun 'yung package na pagkain. Agad akong hinila ni Uno papasok sa kotse dahil ang dami ng tao ang lumalapit sa amin. Nang makaupo ako sa front seat sa tabi niya ay tumitig ako sa kanya. "Sure ka talaga?!" "Kailan pa ako nagbiro, Inaya?" "Hahaha! Ewan, hehe!" Ngumiti lang siya sa akin sabay nagmaneho na. Nang makauwi kami sa bahay ay agad na lumapit sa amin si Maria. "Grabe, balita na agad dito sa baryo na manlilibre ka raw ng ticket? Isama niyo ako!" Tumawa naman ako sa inasta niya. "Of course, kasama kayo ni Mommy..." "Salamat!" masayang sigaw ni Maria sabay pumasok sa loob. Nang tumingin ako sa likod ay seryosong naglakad si Truz papunta kay Uno, tatawagin ko sana siya pero bigla niyang sinuntok si Uno sabay sinipa sa likod. "Ano?! Ikaw ba 'yung nagdala ng bulaklak sa kanya at cake?! Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no! Ikaw 'yung dahilan tapos ngayon ay pumunta ka dun?!" "Truz! T-Tama na!" awat ko sabay pumagitna sa dalawa. Nang tumingin ako kay Uno ay ngumisi lang siya habang pinupunasan ang kanyang labi. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang kapal ng mukha mo, Truz." "Hindi mo alam? Sa akin sana siya bago pa siya namatay!" "Ano? Nananaginip ka ba?" "Hindi, ako ang mahal niya hindi ikaw!" galit na sigaw ni Truz. Si Thirs ba ang pinag-aawayan nila? Iba talaga kapag talented at maganda, pinag-aagawan. "Truz, tama na... wala na siya 'di ba? Sana naman ay respetuhin mo 'yun." Agad na umalis si Truz, seryosong pumasok si Uno sa bahay. Bumuntong-hininga na lamang ako kasi wala naman akong magagawa. Pumunta ako sa farm kung nasaan si Lolo Henry, umupo ako sa tabi niya. "Lolo, bakit po kaya magkaiba ang trato ng nanay sa anak?" "Hindi naman 'yan totoo, depende lang kung hindi anak. Kapag kasi hindi anak ay medyo malayo ang loob. Pero kung mabuting tao naman ay tatanggapin niya 'yun at dapat na tanggapin." "So it means 'di ako anak ni Mommy?" "Tungkol pala sa'yo, Hija. Alam mo, walang nanay ang hindi mahal ang anak. Maaaring nakakagawa sila ng mali pero sana ay mapatawad natin sila. Mahalin natin ang ating mga magulang, sila ang susi sa matagumpay na pag-ibig." "Salamat po, Lolo," malungkot na sagot ko. "Hija, bumalik ka sa inyo, hanapin mo ang sagot." "Parang ayaw ko pa po..." "Bakit? Ayaw mo bang umalis dahil sa isang tao?" "O-opo... kakaiba po kasi ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na po ata kayang lumayo sa kanya." "Si Uno ba ang tinutukoy mo? Kung gusto mo siya ay magparamdam ka, pero kasi babae ka. Hayaan mong siya ang magparamdam sa'yo, you are princess." "Hindi niya po ako gusto..." "I think because of Thirstein..." "O-opo... Lolo, sino ba si Thirstein? P'wede niyo po bang ikuwento sa akin?" Tumango siya sabay lumapit sa akin. "Si Thirstein ay isang talented na dalaga. Tapos na sila sa pag-aaral ni Uno, balak na nilang magpakasal pero hindi natuloy. Ano ang dahilan? Hindi ko 'yan maikukwento. Si Thirstein ay kilala bilang isang magaling na martial artist, ang kuwento sa akin ni Uno ay si Thirs ang nagturo sa kanila para maging magaling. Pero sa kabila ng pagiging perfect niya ay may hindi pa siya kayang gawin noong nag-aaral sila ni Uno. 'Yun ay ang kumanta, si Uno ang dahilan at sino ang nagturo sa kanya kung paano kumanta kaya siya gumaling. Baka hindi mo naitatanong, si Uno noon ay isang magaling na singer sa kanilang paaralan... pero ngayon ay hindi na, wala ng puso." mahabang paliwanag ni Lolo. Tumango lang ako sabay yumuko. "Alam mo, the way na tingnan ka ni Uno ay masasabi kong mahal ka niya..." dagdag niya pa. "T-talaga p-po?" "Oo, pero basa ko sa mga mata niya na gusto ka niya. Pero may mali kaya hindi ka niya p'wedeng gustuhin..." "Talaga po?! Grabe, paano niyo naman nalaman?" "Tres, I'm psychologist before when I was adult. Pero kagaya ni Uno ay namatayan din ako ng fiancee. Kaya mas pinili kong manilbihan sa kanila at mamuhay ng simple para makalimutan ko siya. Sana lang ay huwag nang gumaya sa akin si Uno na tumandang walang kasama. Sapat na sa akin na naaalagaan ko ang farm nila, utang na loob ko sa kanila na nakapagtapos ako noon. Pero mas gusto ko na simple lang ang buhay ko." Grabe, hindi ko akalain na psychologist pala si Lolo. Naniniwala ako sa mga sinasabi niya, hehe! "Lolo, basahin niyo ang mga mata ko... mahal ko na po ba siya?" "Kahit hindi ko basahin, I already knew..." "Lolo, sure ka ba na dito ka lang?" "Oo naman Hija, masaya ako rito katulad mo. Pero ikaw kasi ay may buhay na iba sa city, kaya naman ay harapin mo." "Lolo, anak ba ni Tita Jenika si Uno?" Nagulat si Lolo sa itinanong ko. Umiwas siya nang tingin sa akin sabay hindi nagsalita. "Hija, magtatanim na muna ako huh! Mahal ka nun, torpe lang! Hahaha!" biro niya. Ngumiti lang ako sabay tumango at kumaway. Ang daya ni Lolo, hehe! Ang sarap magkwento sa mga taong handang makinig. 'Yung tipong hindi ka huhusgahan sa tuwing naririnig nila 'yung problema. Literal na listener at pro sa advice, yet 'di mapanghusga. Nang tumingin ako sa langit ay madilim na pala. Nakakita ako ng maraming mga bituin. Ang dami nila sabay kumikinang pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD