Isla x unexpected x kiss

4366 Words
TRES Para akong t*nga habang masayang nakahiga sa upuan sa private plane ni Uno. Katabi ko si Uno, sabay nasa likod namin si Tita Jenika at si Maria. Iniisip ko kung ano bang gagawin ko sa isla, hehe! Paborito ko kasi ang dagat lalo na ang mga nasa dagat. ** Agad kaming nakarating sa isla. Grabe, sobrang ganda! May sumalubong sa amin na isang lalaki. "Welcome to the Happy island! Hello Madam Jenika, Mam Maria at Sir Uno! Uhm, sino po siya?" masayang bati niya sabay tumingin sa akin. "She is Tres, Marn. Mayroon na ba kaming room? And how about the foods? Gutom na kasi kami, hehe!" masayang saad ni Tita Jenika. "Hello po mam Tres! Yes po, follow me po!" masayang saad niya, tumango lang ako bilang paggalang. Sumunod kami kay Marn, agad kaming nakarating sa isang malaking house of happy island. Grabe, ang bongga ng mga lamesa, mga ilaw at ang mga tao rito. "Hi babes!" masayang sigaw ng isang babae. Pagkalingon ko ay isang babaeng maganda sabay lumapit kay Uno. "Hello, Maria! Hello Tita!" dagdag niya pa. "Wala akong pakialam sa'yo," seryosong sabi ni Maria. Grabe, mataray na naman siya, hahaha! Nang tumingin ako kay Tita Jenika ay ngumiti lang siya sa babae. "Ang hard mo naman Ate..." "Sino ka ba sa tingin mo Hwena?" "Tama na 'yan, Hwena is my friend." awat ni Uno. "Tita, bakit parang kilala kayo ng mga tao rito?" bulong ko kay Tita. "Nagbakasyon na kami rito dati, si Hwena ang anak ng may-ari ng isla, hehe!" "Talaga po? Wow!" "Kaya kailangan natin siyang pakisamahan, hahaha!" bulong ni Tita sabay hampas sa akin. Tumawa lang ako nang pasikreto. "Let me tour you!" sigaw ni Hwena sabay hawak sa braso ni Uno. Feeling ko mas sasabog pa si Maria sa akin dahil namumula ang mukha niya. "Hwena, alam mo? Kung hindi ka lang anak ng may-ari ay nilunod na kita!" sigaw ni Maria. Bigla naman akong natawa. Napangiwi lang si Hwena sabay tumingin sa akin, "Sino ka? Hehe!" "Girlfriend siya ni Uno so back off!" pagtataray ni Maria. Nanlaki ang mga mata ko. Mas nagulat ako nang itulak ako ni Maria kay Uno. Nagulat ako nang bigla akong nayakap ni Uno dahil sa sobrang lakas nang tulak ni Maria. "Totoo ba Uno?" tanong ni Hwena. "N-No, sige na samahan mo muna ako sa office niyo dahil kakausapin ko si Daddy mo for business purpose." seryosong sagot ni Uno. Agad na hinawakan ni Hwena ang braso niya sabay agad silang umalis. "Nakakainis siya!" sigaw ni Maria. Agad naman siyang hinawakan sa kamay ni Tita Jenika. "Shh, let's go to our room dahil kakain pa tayo. Ikaw ba Tres?" "Tita... p'wede bang gumala muna ako? Gusto ko po kasing maglakad sa dagat, hehe!" Tumango lang sa akin si Tita at si Maria. Agad akong naglakad sa dagat, grabe ang sarap sa pakiramdam. Uhm, bakit parang ang lungkot ko? Bakit parang naiinis ako kay Hwena? Hay naku, ano bang laban ko sa kanya? Mayaman siya eh. Biglang may lumapit sa aking lalaking waiter. "Mam! Welcome po! Kumain po muna kayo," "Ha?" "Naggagala po ako para pakainin ang mga visitors, wala naman po kasing napunta rito na mga low class kaya po inaasikaso ko kayo, hehe!" "Hindi kita gusto," diretsong sabi ko. Bigla naman siyang nalungkot. "Bakit naman po?" "Oo hindi afford ng mga low class na pumunta rito pero sana huwag mong ipamukha. Nasaan ang discipline mo? Tsaka umalis ka sa harap ko, kakain ko kung kailan ko gusto." Agad akong umalis, sa tono kasi ng pananalita niya ay nakakainsulto. Well sensitive akong tao, bahala siya. Hay naku! Bakit ba ang sungit ko?! Kasalanan mo 'to Hwena eh. Umupo ako sa isang lamesa, agad na may nag-serve sa akin. Mga masasarap na pagkain at mga inumin. Nag-bow pa sa akin 'yung waiter. Parang mga prinsesa ang mga tao rito... grabe, sana all. Kumain ako nang kumain, sayang 'to libre rin eh. Pagkatapos kong kumain ay may nakita akong isang fitting room kaya naman agad akong lumapit. "Mam, do you want to change your outfit to our elegant swimsuit?" biglang sabi ng isang magandang babae na mukhang staff dito. Ngumiti lang ako sa kanya sabay tumango. "You may enter the fitting room po, then choose your desire swimsuit. I'm sure Mam na mapapatulala ang boyfriend o asawa niyo dahil sa ang ganda ng hubog ng katawan niyo, hehe!" Tumawa lang naman ako sa sinabi ng staff sabay agad na pumasok sa fitting room. Grabe, ang daming mga swimsuit. Pero may isang swimsuit akong nagustuhan... kulay purple, grabe ang ganda! Agad kong sinuot sabay nag-pose ako sa salamin. Medyo nahihiya ako dahil malaki ang dibdib ko at matambok ang pwet. Baka kasi mabastos ako ng ibang lalaki, pero duh! Hindi ko naman kasalanan na maliit ang utak nila na ang kaya lang nilang isipin ay kamanyakan. Well wala akong pakialam, susuotin ko 'to with confident. Agad akong lumabas, hindi naman bago dahil halos lahat ng mga girls dito ay mga naka-swimsuit. Pagkalabas ko ay confident akong lumakad, hinayaan ko nalang 'yung mga lalaking tumitingin sa akin. Agad akong pumunta sa tabi ng dagat, umupo ako sabay nilaro ang buhangin. Nagsulat ako sa buhangin ng Tres love Lolo. Lolo, miss na kita... si Ate rin ay miss na miss ko na rin. Kung alam ko lang na mapapahamak si Ate ay sana'y hindi ko na tinuloy. Tumingin ako sa langit, "P'wede po ba akong humiling? P'wede bang makasama ko ulit si Ate kahit imposible?" Nalungkot ako kasi tanging ingay lang ng alon ang naririnig ko, pero kahit ganun ay masarap sa tainga. Alam ko namang hindi sasagot ang langit, gusto ko lang marinig niya ang aking kahilingan. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Uno na gagawa siya ng imposibleng pangyayari para sa akin. Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay Hwena at Uno. They are friends pala, bakit hindi nalang sila? Tss. "Hi Miss!" sigaw ng isang lalaki. Pagkalingon ko ay may tatlong lalaki na nakahubad, naka-summer short lang sila. Ewan, hindi maganda ang aking nararamdaman sa mga 'to. "Hi Miss! Ang ganda mo naman..." sabi ng isa pang lalaki. "Miss! Ang sexy mo," sabi pa ng pangatlong lalaki. "Ah," walang ganang sagot ko. "Chill with us baby!" aya sa akin ng isang lalaki sabay hinawakan ako sa braso. "Bibitawan mo ako o lilipad ka?" seryosong tanong ko sabay ngumisi. "Ay pare matapang!" sabat ng pangatlong lalaki. Mas hinigpitan pa ng lalaki ang pagkakahawak niya sa akin. "Matapang ka?" "Alam mo, wala pang nakakahawak sa akin ng ganyan." bigla akong lumingon sa kanya sabay hinawakan ko ang braso niya sabay binalibag ko siya. Aawatin sana ako ng dalawang lalaki pero sinipa ko sila sa ulo. Agad na tumayo 'yung lalaking binalibag ko sabay susuntukin sana ako pero bigla ko siyang sinuntok sa sikmura. "Sino ka?! Bakit sa kabila ng maganda mong mukha ay malakas ka?!" singhal niya sa akin. Hindi naman ako nagsalita. Umupo ulit ako sa buhangin sabay nilaro ang buhangin. Nararamdaman ko na susugurin niya ako mula sa likod kaya agad akong humarap sabay binato ko siya ng buhangin. Natamaan ang mata niya kaya nagsisigaw siya. Susugurin na rin sana ako nung dalawang lalaki pero hinagisan ko rin sila ng buhangin kaya tumakbo sila. "Mga bastos!" sigaw ko. Umupo ulit ako, sabay nagsulat sa buhangin. Yumuko ako kasi kakaibang lungkot ang nararamdaman ko. Gusto kong matulog sa tabi ng dagat dahil dito ay payapa. Nagulat ako nang may sumipa sa ulo ko kaya naman agad akong napahiga. Sa sobrang hilo ko ay hindi na ako nakatayo, naramdaman kong may dalawang kamay na humawak sa braso ko. Nang itinayo nila ako ay sinipa ulit ako sa mukha ng isang lalaking hindi ko maaninag. "Ano ka ngayon? Hahaha!" Bigla ko siyang naaninag, siya 'yung lalaki kanina! "Mas proud pa ako sa mga bakla dahil sila kayang rumespeto sa babae na nakatalikod. Kayo ay isang basura dahil sinaktan niyo ako ng nakatalikod! Duwag ang mga kagaya ninyong lalaki!" Bigla akong sinuntok sa sikmura ng katabi ko kaya napaupo ako. Bumwelo 'yung lalaki sa harapan ko na para bang sisipain ako, sinabunutan ako ng katabi kong lalaki sa buhok kaya naman napangiwi ako sa sakit. Nang sisipain na ako ng lalaki ay bigla siyang tumalsik... teka, sino ang sumipa sa kanya?! Nang tumingin ako ay may isang magandang babae na nasa edad forty na ang nasa harapan ko. Naka-sunglasses siya sabay ngumisi. "Itapon niyo ang tatlong 'to sa dagat." makapangyaring utos ng babae sa mga lalaking nakaitim. Agad namang hinawakan ng mga lalaking nakaitim ang tatlong lalaki na nambugbog sa akin. "Madam! Huwag naman po!" "Sige na, itapon niyo." seryosong saad niya sabay tumingin sa akin. Nahihirapan akong tumayo, nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay sabay itinayo. Nang tinanggal niya ang sunglasses niya ay... teka! Parang kilala ko siya! "You? We meet again!" masayang sigaw niya. "Miss Park Allym?!" gulat na sigaw ko. "Yes! Nice to meet you again, hindi ko akalain na nandito ka rin pala... kumusta ka?" "Okay lang po! Alam niyo po ba na sobrang saya ko dahil nakita ko kayo!' "Talaga, Hija? What's your name again?" "I'm Treseya Salvador po, hehe!" "I see, are you rich?" "P-po? Ay hindi po! Nilibre lang po ako ng kaibigan ko rito! Hehe!" "A-ah, a-akala ko ay oo..." "Bakit po?" "Mali lang ata ang hinala ko, hehe! Teka, sino ba 'yung mga nambastos sa'yo? Pinatapon ko na sila. Ayaw ko ng may mga g*ago sa aking isla." "H-hala! Kayo po ang may-ari ng napakagandang isla na 'to?!" "Shh, huwag kang maingay, p'wede mo bang i-promise sa akin na wala kang pagsasabihn? Kahit kasi ang anak ko ay hindi 'yun sinasabi sa iba kaya sana ay ikaw rin." "Opo! Hala! Salamat po sa pagtulong niyo, huh!" "Wala 'yun, welcome..." "Teka... so anak niyo po si Hwena?" "Yes, do you know her?" "Hindi po, narinig ko lang kanina na anak siya ng may-ari ng isla, hehe!" "Yes, even my daughter Hwena ay hindi ipinagsasabi na anak ko siya o ako ang mag-ari. Ang asawa ko lang ang nagpapatakbo ng isla kaya siya ang kilalang may-ari. Hope na secret natin 'to. I don't know why, sobrang gaan ng loob ko sa'yo, Hija." "Talaga po? Yiee, salamat po! Yes po hindi ko po ipagsasabi, nirerespeto po kita! Hehe!" "Sa nakita ko ay hindi ka pa alisto sa pakikipaglaban, do you want me to teach you some techniques on how to fight, Hija?" "P-po? Marunong po kayo?" "Sa tingin mo ba ay hindi tatalsik ang manyak na 'yun kung hindi ako marunong?" "Ay, oo nga po pala! Hahaha! Sorry po!" "You're welcome, now let me test your capability. Let's fight!" Nagulat ako sa sinabi niya. Mas nagulat ako nang akma niya akong susuntikin pero agad akong nakaiwas. Ako naman ang sumuntok sa kanya pero hindi ko siya natamaan, nasipa niya ako sa sikmura. Grabe, ang sakit niyang sumipa. Nagsuntukan lang kami nang nagsuntukan with sipa pero hindi ko siya matamaan. Siya lang ang nakakasuntok sa akin pero hindi naman madami. Itinaas ko ang kamay ko na sign na suko na ako. "Grabe ka po! Ang galing niyo!" "Well I deserve this, alam mo ba? Bata palang ako ay sinasanay na ako ni Dad." "Talaga po? Gusto niyo po ba ang ginagawa niyo?" "Ang totoo niyan ay hindi, pero sa tuwing hindi ako nagpa-practice ay malamig ang pakikitungo niya sa akin kaya naman nag-practice ako kahit na labag sa loob ko para lang maka-close ko siya. Pero worth it naman pala dahil kahit nasa forty na ang edad ko ay malakas pa ako. Kaya ikaw, when someone teach you how to fight ay huwag kang tatanggi. Lalo na't ang mga kalaban mo ay minsan ay hindi mga ibang tao... kung hindi ang pamilya mo." Grabe... tumango lang ako nang tumango sa kanya. Grabe si Miss Park Allym, sobrang lalim niyang magsalita. "Opo! Hehe! Alam niyo po ba? Na natutuwa ako sa inyo, kasi kung kayo ang Mama ko ay feel ko na nakapa-supportive niyo! Hehe!" "Pero hindi ako ang Mama mo," malungkot na ani niya sabay tumingin sa dagat. Sumuntok siya nang sumuntok sa hangin, ginaya ko lang siya dahil idol ko na siya. "Halika sa tabi ko, hahawakan kita then isipa mo ang paa mo sa likod." Agad akong sumunod sa kanya. Agad kong ini-raised ang paa ko sa likod sabay itinaas ko nang itinaas hanggang sa maabot ko ang ulo ko. Teka... ganto rin 'yung pinagawa sa akin ni Uno, hehe! "Marunong ka bang sumipa?" "Hindi po ako sure, tinuturuan palang po ako..." "I see, then i-practice nang sumipa hanggang sa maabot mo ang taas. Okay?" pangaral niya sabay sumipa nang sumipa. Ginaya ko lang siya sabay napangiti ako dahil grabe... ang swerte naman ni Hwena sa Mama niya. Bukod sa mabait ay marunong pang makisama. "Tara Tres, you can join me kakain tayo." Agad akong sumunod sa kanya. Umupo kami sa isang magandang table. Sabay may nilagay na pagkain ang mga waiters. Grabe... ang sasarap! "Ang dami naman po, hehe!" "Kumain ka lang, para naman lumakas ka, always remember na malakas ka okay? Huwag kang magpapatalo sa mga masasamang nilalang dyan. Malakas ka na sa isip, kumain ka pa ng masusustansya para mas lumakas ka." pangaral niya. Tumango lang naman ako sabay kumain nang kumain. "Tita, nahanap niyo na po ba ang anak niyo?" "Hindi pa eh, but I'm trying my best. Balang araw ay makikita ko rin ang pinakamamahal kong anak." seryosong ani niya sabay kumain ng seryoso. I hope na ganyan si Mama Zeroie sa akin, buti pa si Miss Park hinahanap ang kanyang anak. Samantalang ako ay pinadalhan pa ng sulat ni Mama Zeroie na huwag na akong bumalik. Hay naku, minsan unfair din ang parents eh. Ang sakit namang mahalin ni Mama Zeroie. Nang matapos kaming kumain ay ginamot ni Miss Park Allym ang sugat ko mukha. May nilagay siyang ointment, grabe, sobrang lambot ng kamay niya. Sobrang ganda niya rin sa malapitan, I really like her. Pagkatapos niya akong gamutin ay nagpaalam na ako sa kanya, baka kasi hanapin na ako ni Uno. Pero baka kasi kasama niya pa rin si Hwena. Nang tumingin ako sa langit ay gabi na, niyakap ko ang sarili ko dahil malamig na. Grabe, hindi ko na ata alam kung paano umuwi dahil ang lawak ng isla. Kiniskis ko ang kamay ko sa braso ko dahil nilalamig na talaga ako. Nagulat ako nang may long jacket na nakalagay sa braso ko, nang lumingon ako kung sino ay si... Uno. "Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba pumunta?" nag-aalalang tanong niya. Hindi naman ako sumagot. "You also wearing swimsuit, bagay sa'yo. But malamig na kaya I cover you long jacket..." Hindi pa rin ako nagsalita, naiinis pa rin ako sa tuwing iniisip ko na magkasama sila ni Hwena. Sabi ni Uno ay business purpose raw, paano kung 'yung Dad ni Hwena ay ipakasal sila? Hay naku. "Nasaan ang kwarto ko? Gusto ko na kasing magpahinga Uno." "Ihahatid kita later, uhm, gusto ko lang sabihin na proud ako sa'yo nung kumanta ka. Ang galing mo..." "T-thanks..." "Teka, kumain ka na ba?" "Oo Uno, ikaw ba?" "Yes, kasabay ko si Hwena and her Dad." Tumalikod ako sabay ngumisi, Hwena na naman. Ihampas ko kaya 'tong lalaking 'to kay Hwena? Oo maganda si Hwena, sobrang ganda niya. Pero wala akong pakialam, magsama pa sila. "Tres? Are you sick? Hindi ka kasi masyadong maingay..." "Hindi naman, wala lang ako sa mood." "I see, can we sit here?" Turo niya sa tabi ng dagat. Tumango lang ako sabay umupo sa buhangin. Mabuti nalang talaga ay may long jacket, ang lamig kasi. "Uno!" biglang tawag ng isang babae. Pagkalingon ko ay si Hwena kaya naman tumingin nalang ako sa dagat. Naramdaman kong magkatabi na sila ni Uno. "Hi Hwena, how are you?" "I'm fine, I'm just sad because my Mom... wala siyang oras sa akin. Pero sa paghahanap sa anak niya ay meron." "I see, don't be sad Hwena," "Hi Tres! How are you?" masayang tanong niya sa akin. "O-okay naman," "I see, uhm, are you the long lost twin of Uno? Hahaha! Magkamukha kasi kayo!" "R-really?" naguguluhang tanong ko. "Ganyan talaga 'yan si Hwena Tres, kahit kanina ay 'yan din ang tinatanong niya sa akin kung kakambal kita." "Hahaha ang cute ninyo! Twins! Hahaha" biro ni Hwena. Alam mo Hwena nakakasakit ka na. Akala ko couple kami na mapagkakamalan mo pero twins talaga? Bitter ka girl? "Hwena!" tawag ng isang lalaki na mayroong kasamang isa pang lalaki. Silang dalawa ay guwapo. "Hi cousins! Meet Uno and Tres!" "Hi, Uno and Tres, I'm Ern!" "Hi sa inyo! I'm Rne!" Uno whispered, "Hi," "Hello!" bati ko. Umupo silang dalawa sa tabi ni Hwena. Maya-maya pa ay may isang waiter na may dalang mga alak. "Let's drink!" masayang sigaw ni Hwena. I feel insecure the way she smile, kahit ako ay nabibighani. Paano pa kaya si Uno? Haha! "You're Tres, right? Can I sit by your side?" tanong ni Ern. Tumango lang naman ako sabay ngumiti. Nang tumingin ako kay Hwena ay sobrang lapit niya kay Uno. Parang gusto ko silang paglayuin, tss. "Tres, kakambal ka ba ni Uno? You look like him," nagtatakang tanong ni Ern bago inumin ang alak sa shot glass. Isa pa 'to eh, sarap kutusan. Umiling lang ako dahil naiinis na talaga ako. Nang ako na ang iinom ay tinungga ko ang isang bote ng alak. Nagulat ako nang hawakan ako sa braso ni Uno. "Baka malasing ka..." awat niya sa akin. Pumiglas ako, tinungga ko pa rin. "Grabe ang lakas mo palang mag-inom?" hindi makapaniwalang tanong ni Hwena. "Hahaha! Ako pa ba? Laking alak ata 'to, hahaha!" "I-I s-see, hahaha!" naguguluhang aniya sabay niyapos ang braso ni Uno. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit. Isa pa, umisa ka pa. Susuntukin na kita. "Are you okay?" tanong ni Ern. "Oo naman, uhm Ern, can we go out here? Gusto kong lumayo rito. Tara, maglakad sa tabi ng dagat." "Sure," Nang tumayo ako ay bigla ako hinawakan sa kamay ni Uno. "Where are you going?" "Maglalakad kami ni Ern," "Do you trust him?" seryosong tanong niya habang nakatitig sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya. "He is my cousin Uno, so don't worry! Give them time, hehe!" sabat ni Hwena. "Hindi p'wede, baka may iba pang mangyari kay Tres. Dito ka lang." seryosong utos niya. Bigla naman akong natakot. Si Hwena naman ay mukhang disappointed. "Hindi ako aalis, basta sa gitna niyo ako ni Hwena." "W-what?!" naiiritang tanong ni Hwena. "W-why?!" naiiritang tanong ko rin. Biglang umusog si Hwena kaya umupo ako sa tabi nila. Uminom lang kami nang uminom. Si Hwena ay biglang umalis dahil pinatawag siya ng daddy niya pati ang mga pinsan niya. Ngayon ay dalawa nalang kami ni Uno, dahil sa hilo ay yumapos ako sa braso niya. "U-Uno t-tell me, do you love me?" "Lasing ka na ata? Tara, ihahatid na kita." "No, I'm not! Please answer me... do you love me?" Hindi siya nagsalita, bumuntong-hininga lang siya sabay pinasandal ako sa balikat ko. Napangiwi ako dahil ayan na naman siya, he treated me again as his little sister. Tumayo ako. "Kung hindi mo sasabihin na mahal mo ako ay tatalon ako sa dagat!" "Haha! Kahit lasing ka ay funny ka pa rin, Tres." Dahil sa sama ng loob ko ay agad akong pumunta sa dagat sabay agad na naglakad papalayo. "Tres!" habol na sigaw ni Uno. Nang nasa gitna na ako ay parang malamim na... hala! Agad akong bumalik pero nahihirapan ako. Nagulat ako nang biglang may yumapos sa akin sa baba. Nang makita ko ang mukha niya ay si Uno na nakakunot ang noo. "D*amn! Young Inaya, bakit ba ang kulit mo?! Kung may nangyari sayong masama ay hindi ko alam ang gagawin ko!" Humikbi ako dahil nasaktan ako sa pagsigaw niya. Pinunasan niya ang luha ko sabay binuhat ako papunta sa buhangin. "I'm sorry, ayaw ko lang na mapahamak ka..." "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko!!!" "Tres, lasing ka na... so please, stop." "Anong stop?!" sigaw ko sa kanya. Sa sobrang inis ko ay bigla ko siyang niyakap, umalis ako sa pagkakayakap sabay inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Akma ko siyang hahalikan pero bigla niya akong tinulak. "I can't do this, young Inaya." "Why?! Because of your Thirstein?!" "No, it's because of one big reason. Kung pipilitin mo akong sabihin ay masasaktan ka lang. Magpahinga ka na." seryosong saad niya sabay binuhat ako. Hindi nalang ako nagsalita. Bigla ko siyang kinagat sa leeg, agad siyang umiwas sabay hinawakan ako sa bibig. "Antok ka na, it's time to sleep beautiful." Umirap ako sa kanya. Nang makarating kami sa kwarto ay bigla niya akong hiniga sabay agad siyang umalis. Ang pangit niya ka-bonding. Gumulong ako sa higaan sabay agad na tumalon, hay naku wala akong magawa! Sumilip ako sa bintana, ang tahimik sa labas. Tanging alon lang ang gumagalaw. Bakit parang sobra 'yung lungkot ko? Agad akong lumabas, naglakad ako nang naglakad hanggang sa nasa tabi na ako ng dagat. Niyapos ko ang aking sarili... nagulat ako nang may isang batang lalaki ang lumapit sa akin. "Gabi na, bakit nandito ka pa? Baka malunod ka..." bulong ko sa kanya habang nakatingin sa dagat. "Marunong po akong lumangoy. Gusto ko lang umupo rito sapagkat ninanais kong ilabas ang aking sama ng loob sa dagat." Totoo? Grabe, he is only nine years old lang ata. Sabagay, pain visible to all age. "What the problem, you can tell me..." "Bakit po? Dagat ka po ba?" "W-what?! Hahaha!" masayang sagot ko sa bata. Hanep, grabe sumagot. "What's your name? Po?" "I'm Tres, and you are?" "I'm Nih, nandito ako kasi nag-aaway na naman sila Mommy at Daddy sa loob. Natatawa nalang ako dahil pinapakita pa nila sa akin, isa ba akong audience? Patawarin nawa." "W-what?!" gulat na gulat na sigaw ko. "S-sorry... I didn't expect na ganyan ka magsalita, you are too young kasi. Uhm, bakit naman ganun ang parents mo?" "Hindi ko po alam, bata pa ako 'di ba? May mga hindi ako naiintindihan, pero isa lang po ang naiintindihan ko. 'Yun ay ang hindi sila marunong makiramdam kung ano ang nararamdaman ko. P'wede naman silang mag deep talk katulad nung sa parents ng kaibigan ko, naiinggit ako sa magulang niya kasi 'yung parents niya ay very considerate." "Nih, huwag mo muna silang problemahin... sa ngayon ang mai-advice ko ay huwag mo nalang silang pakinggan kapag nag-aaway. Or you can open up with them na hindi ka comfortable sa ganung set up." "I already said, don't you dare to ask what my Mommy answered? She said, you are too young. Don't be so dramatic. And that's hit me hard." seryosong saad niya habang nakatingin sa dagat. Nang titigan ko siya ay namumugto ang mga mata niya. "Nasaan ang magulang mo?" "P-po? For what?" "Sasakalin ko," "W-what? Ate..." "Hahaha! Joked! 'Wag kang matakot, gusto ko lang kasi na isampal sa kanila na dapat hindi sila nag-anak kung sasabihan lang nila na madrama ang anak nila kapag nag-confess ng feeling. Like talaga ba?! Ang isang anak ay hindi lang basta ginagawa! Isang malaking responsibilidad 'yan! Tapos kapag 'yung anak mo ay tahimik tapos madrama ay hindi iintindihin?! Dapat ang anak ay tinitingnan kung okay pa ba! Kung nahinga pa! At tanungin kung ano ang problema!" sigaw ko. Nagulat ako nang seryosong nakatitig sa akin 'yung batang lalaki. "Galit na galit ka po, but I love the way you are. Alam mo po, kapag naging magulang ka ay sure akong magiging mabuti ka. Salamat sa gabing ito Binibini." seryosong sabi niya sabay niyakap ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang sweet ni Nih, niyakap ko rin siya. Naglakad ako sa tabi ng dagat, tahimik ang paligid. Wala ng mga tao dahil gabi na. Gusto ko lang talagang maglakad nang maglakad. I just want to exhale my feelings through fresh air. Nang makarating ako sa maliwanag na area ay may mga taong nagkakantahan, nagsasayaw, nag-iinom at 'yung iba ay rated spg. Pumunta ako sa isang elegant house sabay pumasok sa loob, grabe ang ingay. May sumalubong din sa akin na mga lalaking naka-topless sabay niyayaya akong sumayaw, tumatanggi na lamang ako. Agad akong humingi ng alak aa waiter, I miss this scenes, pero sa simpleng lugar lang ako umiinom. Uminom ako nang uminom hanggang sa malasing ako. "Miss, do you want me to help you?" "Help yourself, I can manage myself." "Okay, just call for the staff if hindi mo na kaya. Bye," S-sino ba 'yun! Tss! Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman lumabas ako. Naglakad ako nang naglakad, biglang tumigil 'yung mundo ko nang makita ko si Uno sa harapan ko. Pero naka-side view siya. Lalapitan ko na sana siya pero... pero bigla siyang hinalikan ni Hwena. Naghalikan sila... a-ano?! Nakita kong hinarap ni Uno si Hwena sa akin. Nagkatinginan kami ni Uno... walang emosyon ang kanyang mga mata, ang nakikita ko lang ay gusto niya ang ginagawa niya. "I wish, na hindi na lang kita minahal. Ang sakit mong mahalin." Kahit masakit ay tumitig pa rin ako sa kanila. Hanggang sa pumasok sila sa isang kwarto habang naghahalikan. "You don't deserve that man, you love him right?" Nang lumingon ako ay s-si... Miss Park Allym. "Mali po bang magmahal ng isang tao? Bakit?" "Ako rin ay nagmahal na noon, pero inanakan lang. Bumalik siya sa real wife niya, minahal ko siya pero wala ring kwenta." "Ganun po ba? Tinanggap niyo nalang?" "Bakit hindi? Love is also acceptance. Kaya ikaw, tanggapin mo na hindi ka gusto ng lalaking 'yun." "Anak niyo po si Hwena, 'di ba? Bakit si Uno pa ang gusto niya?" "I can't answer you, matigas ang ulo ng anak ko. She said she loves Uno, so accept the fact na baka sila talaga." "Sabagay, hindi naman niya hahalikan si Hwena kung hindi niya gusto." "But take note, Hija. Hindi lahat ng hinahalikan ay mahal. May dalawang uri 'yan, una ay may hinalikan siya dahil gusto kang pagselosin at pangalawa hinalikan niya kasi gusto niya lang. So be careful, but it's based lang naman sa opinion ko." Yumuko lang ako, hindi ko na alam ang iisipin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD