Masayang puso | Challenges

4170 Words
TRES Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nagulat ako dahil nakatayo sa tapat namin si sensei na may hawak na baril. Nagulat ako kaya naman bigla kong hinila si Uno kaya agad siyang nagising, sabay kaming napaupo na gulat na gulat. "Akala ko ay hindi pa kayo magigising, babarilin ko na sana kayo." malumanay pero nakakatakot na saad ni sensei sabay tumalikod siya. "Ano po bang pangalan niyo? Sensei po kasi ang nasa isip ko... hindi niyo naman kami estudyante, hehe!" biglang tanong ko. "Just call me Reij, then don't call me sensei. Sumunod kayo sa akin!" Agad kaming tumayo ni Uno. Agad na lumabas si Reij, kasunod niya kami. Nang makalabas kami ay tumingin sa amin nang seryoso si Reij. "Gusto ko na mag-igib kayo ng tubig sa isang ilog sa pa-kanan sa gubat, Gusto ko ay maraming tubig. Magdala kayo ng mga drum nandoon sa likod ng bahay ko." seryosong saad niya sabay tumalikod Tumitig sa akin si Uno, "I will get my bag and ang mga drum. Kukunin ko rin ang bag ko na may laman na mga prutas para may makain ka sa gubat, okay?" "Sige Uno, hihintayin kita hehe!" Ngumiti lang naman siya sabay pumasok. Nang makalabas si Uno ay dala na niya ang bag at tatlong malaking drum. "Let's go, oh ito." abot niya sa akin ng isang apple sabay naglakad siya nang naglakad. Sumunod lang ako sa kanya habang kinakagat ang apple, ang tamis parang siya. "Narito na tayo sa ilog!" sigaw niya sabay agad na tumakbo habang hinihila ang tatlong drum gamit ang isang lubid. "Oo nga! Hehe!" Nang makalapit ako sa kanya ay tumitig siya sa akin kaya naman nahiya ako. "Ikaw ang idol kong si mask girl, hindi ko akalain na ikaw 'yun kasi mas magaling ka sa tuwing kumakanta sa URB... sino ang nagturo sa'yo?" "H-hindi ko matandaan Uno, ang alam ko lang ay magaling ako, hehe!" "I see, sobrang galing mo talaga. I'm your fan since day one, and sa tuwing tinitingnan kita ay hindi ako makapaniwala tapos kakambal pa kita. Ako na ang pinakaswerte na tao sa mundo dahil may talented akong kakambal, haha!" Sa sinabi niya ay napangiti ako nang sobra sabay agad ko siyang niyakap. Agad siyang humiwalay sa akin sabay nilagyan na ng tubig ang isang drum, agad ko naman siyang tinulungan para mabilis naming mapuno ang tatlong drum. Siguro ay nahihiya siya, pero basa ko sa mga mata niya ang isang liwanag. Agad niya akong niyaya pagkatapos naming makapag-igib ng tubig sa ilog. Grabe, habang tinutulak namin ang drum ay hirap na hirap ako dahil ang bigat kasi sobra kahit hindi ko naman binubuhat. Ano kayang gagawin ni Reij sa mga tubig? Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Reij ay nasusunog ang bahay niya. "Tres! Huwag kang lalapit! Ano kayang nangyari?! Nasa loob pa kaya si Reij?! Baka mapahamak siya!!!" "Uno ano ang gagawin natin?!" "Tres! Tulungan mo akong itapon ang tubig sa nasusunog na bahay!!" "Paano?! Bubuhatin natin ang drum?! Wait baka may tabo sa likod o timba!!" sigaw ko sabay agad na tumakbo papunta sa likod. "Tres! Mag-iingat ka!!!" pahabol na sigaw niya. Nang makarating ako sa likod ay may dalawang timba kaya naman kinuha ko agad. Nang makarating ako sa harap ni Uno ay ibinigay ko agad sa kanya ang isang timba. Agad kong kinuha ang isa sabay kumuha ako ng tubig sa drum sabay tinapon ang laman sa apoy. Mabilis ang kamay ni Uno sa pagsalok sa tubig kaya naman biglang nawala ang apoy. Kalahati lang ang nasunog sa bahay, mabuti nalang dahil malakas at mabilis kumilos si Uno. "Uno! Nasaan kaya si Reij?!" "Dyan ka lang okay?! Hahanapin ko siya sa loob! Safe naman sa kalahating parte ng bahay kaya huwag kang mag-alala!" agad na tumakbo si Uno papalapit sa bahay. Ako ay natataranta kaya naman nagdasal nalang ako. Ano bang ginawa ni Reij?! Nagluto ba siya sabay napabayaan niya? Hay naku. Tumingin ako kung saan pumasok si Uno... bakit ang tagal niyang makabalik?! Susunod na sana ako pero biglang lumabas si Uno. "Tres! Wala siya sa loob!" "Huh?! Nasaan kaya siya?!" "Tres, sa palagay ko ay hindi naman talaga siya napahamak o may naiwan na niluluto. Sa palagay ko ay tinakasan niya tayo... sa palagay ko ay hindi talaga ito ang totoo niyang bahay." "Kung ganun ay mailap pala talaga si Reij, siguro ay hindi talaga siya naniwala sa mga sinabi natin..." "Oo... kung bumalik nalang kaya tayo sa city, Tres?" "Ano? Bakit naman? Nandito na tayo Uno kaya huwag nating sukuan si Reij o kung sino man siya!" "Pero paano ka? Paano kung mapahamak ka?" "Kaya ko naman ang sarili ko. Ikaw kasi ang nagsisilbing lakas ko..." seryosong ani ko pero bigla namang tumalikod si Uno. "Oo kaya mo, pero hindi ko kaya na mapahamak ka kaya naman gagawin ko ang lahat huwag ka lang masaktan o masugatan." Dahil sa hindi ko mapigilan ang emosyon ko ay bigla ko siyang niyakap. "Uno, salamat huh... mahal kita kakambal ko!" Napangiti ako nang sobra dahil niyakap niya rin ako pabalik. "Ayaw ko na mapapahamak ka Tres, umuwi nalang tayo. Sige na maglakad na tayo pabalik." Tumango lang naman ako kay Uno. Agad kaming naglakad kung saan kami dumaan... pero bakit wala na ang daan na dinaanan namin kanina? "Uno... parang may mali, bakit parang naiba ang daan?" "Kaya nga Tres, may kakaiba sa gubat na ito..." Naglakad lang nang naglakad si Uno habang hinahanap ang daan, ako naman ay sumusunod lang sa kanya. "Hindi ko talaga mahanap Tres!" "Talaga?! Hay naku Uno... pagod na kasi ako p'wede bang magpahinga muna tayo rito sa ilalim ng puno?" "Sige, maupo na muna tayo." Agad kaming umupo sa ilalim ng puno, ang sarap sa pakiramdam dahil ang lamig. Kumuha ng prutas si Uno sa bag niya sabay kumain, inalok niya ako pero tumanggi ako. Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain, he looks so innocent yet his eyes full of fire. "Tingnan mo nga naman oh! May mag-asawang nagho-honeymoon sa gubat! Hahaha!" Nang lumingon kami ni Uno ay may sampung lalaki na may baril ang bumungad sa amin. Bigla nila kaming tinutukan ng baril kaya naman niyakap ako ni Uno. "Boss, patayin na natin ang dalawang 'yan?!" sigaw ng isang lalaki sabay dumidila. "Hahaha! Huwag! Alam mo naman na nagho-honeymoon tapos papatayin mo?!" "Ano ang magandang gawin boss? Isama natin sila sa grupo natin at maging rebelde?!" "Hahaha! Hindi! May plano ako sa dalawang 'yan! Hoy kayong dalawa!" Tumingin kami ni Uno dun sa boss, habang nakatutok ang baril sa amin ay masama ang tingin ni Uno sa boss. "Uno... wala tayong magagawa may mga baril sila," bulong ko. "Kaya nga, pasensya ka na Tres dahil nakalimutan ko sa sasakyan ko ang mga gamit ko sa pakikipaglaban..." bulong niya rin. "Ano ang pinagbubulungan niyo?!" sigaw ng boss. "W-wala p-po!" sigaw ko. "'Yan ang gusto ko sumasagot! Hahaha! Ang ganda mo, naisahan ka na ba ng asawa mo?" Nagtawanan ang mga kasamahan ng boss, nang tumingin ako kay Uno ay nakayukom lang ang kamao niya. "Boss! Patayin na natin ang dalawang 'yan para mag-honeymoon sila sa langit! Hahaha!" sabat ng pangalawang lalaki. "Ayaw ko, hoy kayong dalawa!" sigaw ng boss sa amin habang tinututok sa ulo namin ang baril niya. Mabilis kaming tumingin ni Uno, mahigpit ang pagkakayakap ni Uno sa akin sabay hinihimas niya ang likod ko. Nanginginig na kasi ako dahil sa takot. "Bakit narito kayo sa gubat huh?! Balak niyo bang hanapin si Reij?! Hahaha! Mailap ang matandang 'yun, kami ngang malalakas ay hindi siya mahanap! Kayo pa kaya? Hahaha!" mapang-insulto na sigaw ng boss. "In your dreams! Hahaha!" pang-aasar ng pangatlong lalaki. Ang iba pang lalaki ay tumatawa lang habang nakatutok sa amin ang kanilang mga baril. "Since honeymoon niyo naman! P'wede ba kayong maglaplapan sa harap namin in just five minutes?!" utos ng boss. Ano?! T*ngina mo! "Boss! Seryoso?! Hahaha! Bakit hindi nalang ikaw ang lumaplap sa babae!" "Oo nga 'no! Hahaha! Teka, hihingi muna ako nang permiso sa asawa niya! Hahaha! Hoy lalaki, papayag ka ba?!" "Hindi," seryosong sagot ni Uno habang masama ang tingin sa boss. "Hindi raw boss! Hahaha! Patayin mo na ang lalaking 'yan! Bakit hindi?! Dahil siguro ay magkapatid sila!" sigaw ng pangalawang lalaki. "Kung magkamag-anak kayo ay ako ang lalaplap sa labi ng kasama mo. Pero kung asawa mo siya ay ikaw ang lalaplap sa kanya. Ang tanong... kaano-ano mo ang babaeng 'yan?!" malakas na sigaw ng boss. Agad kaming nagkatitigan ni Uno, sa isip ko ay ayaw kong sabihin ni Uno na magkakambal kami dahil ayaw kong malaplap ng isang masamang tao at isang pangit. "Tres... wala namang malisya sa'yo ang gagawin natin 'di ba? Magkakambal naman tayo," mahinang bulong ni Uno. "Oo Uno... sabihin mo nalang na mag-asawa tayo dahil ayaw kong makalaplapan ang masamang tao na 'yan!" mahinang bulong ko rin. Tumango lang naman si Uno sa akin. "Asawa ko siya," walang ganang sagot ni Uno. "Weh?! Baka ayaw mo lang na ipalaplap siya sa akin?! Hahaha!" "Asawa ko talaga siya." seryosong saad ni Uno sabay hinila niya ang mukha ko. Nagulat ako dahil... dahil biglang lumapat ang pink na labi ni niya sa akin, dahil sa gulat ko ay hindi ko maigalaw ang aking labi. Hala! Napapikit ako dahil nalasahan ko ang kanyang labi... sobrang tamis at sobrang bango. "P*tanginang laplapan 'yan magkadikit lang?! Tumabi ka dyan lalaki ako na!" sigaw ng boss. Nagtawanan naman ang mga lalaking kasama niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko... dahil sa takot ay pumikit ulit ako sabay iginalaw na ni Uno ang labi niya. Nagulat ako nang ipasok niya ang kanyang dila sa aking bibig. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko kaya naman iginalaw ko na rin ang aking labi. Dahan-dahan na ginalaw ni Uno ang labi niya sabay kiniskis sa labi ko. Halos mabaliw ako sa ginagawa niya kaya naman nakapikit lang ako. Sinakop ni Uno ang labi ko kaya naman lumaban ako... hanggang sa bigla siyang bumitaw. "Okay ka na? Okay na kayo?" seryosong tanong ni Uno. Bigla namang tumawa nang malakas ang boss, "Masunurin naman pala kayo! Hahaha! Tara na mga kasamahan ko, uuwi na tayo! Ang sarap ng scene na 'yun! Hahaha!" Agad na nag-alisan ang sampung lalaki. Nagtakip ako ng bibig sabay umiyak nang umiyak. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Uno. "I'm sorry... sana ay mapatawad mo ako sa ginawa ko Tres!" Nang tumingin ako kay Uno ay namumugto ang mga mata niya sabay may tumulo na luha. Nagpunas ako ng luha sabay pinunasan ko rin siya. "Uno... it's okay, okay lang ako huh! Wala namang malisya 'yun dahil magkapatid tayo. Mayroon ngang mga americans father na hinahalikan sa labi ang kanilang mga anak dahil mahal nila ito, ganun sila magpakita ng pagmamahal, respeto at higit sa lahat ay open-minded sila. Uno... okay lang talaga ako." "Sigurado ka ba? Hay naku! Sorry!" agad akong niyakap nang mahigpit ni Uno. Tinapik ko lang ang likod niya sabay tumawa nang tumawa. "Why?" tanong niya na mukhang naguguluhan sa akin. "Ang tamis pala ng labi mo kakambal ko! Hahaha!" Napakamot siya sa ulo, "Syempre, inaalagaan ko ang labi ko para sa tamang tao." "Huh? What do you mean?" "Ikaw ang first kiss ko Tres..." "Hala! Totoo?! 'Di ba in a relationship ka before kay Thirstein?!" "Oo, pero sa pisnge ko lang siya hinahalikan. Natatakot kasi ako na baka kapag hinalikan ko siya sa labi ay maghiwalay kami. Pumayag naman si Thirs na ganun dahil sabi niya ay maghihintay siya." "I see, sorry huh! Ako pa ang first kiss mo... hindi naman ako tamang tao para sa'yo." "Tamang tao ka naman, kakambal ko nga lang. Okay na 'yun Tres, siguro ay hindi counted 'yun dahil magkapamilya naman tayo." "Oo nga! Hahaha! Uhm Uno..." "Ano 'yun Tres?" "Sa totoo lang ay ikaw rin ang first kiss ko..." "Really? Wala ka bang naging boyfriend noon kakambal ko?" "Wala, kahit naman g*go ako nun at walang ibang ginawa kung hindi mag-inom sa kanto ay wala naman akong naging jowa. May mga nanliligaw sa akin pero wala akong pakialam, ang gusto ko lang dati ay ang malasing." "I see, sorry rin dahil nakuha ko ang first kiss mo. Huwag kang mag-alala... nagawa lang naman natin 'yun dahil mahal natin ang isat-isa dahil sa magkakambal tayo." "Oo Uno, salamat huh! Ikaw talaga ang superhero ko!" "Hahaha! Hindi naman," "Woah! You laugh?!" "H-hindi 'n-no," "Nakita ko kaya! Ang cute mo talaga Uno!" agad kong pinisil sa pisnge si Uno sabay tumawa nang tumawa. Nagulat kami ni Uno dahil may biglang lumipad sa isang puno. Nang bumaba siya ay bumungad sa amin si sensei Reij. "Bakit ngayon lang kayo? Ano bang ginawa niyo sa amin? Pinagmukha mo kaming tanga!" galit na sigaw ni Uno. Agad niyang sinugod si Reij sabay susuntukin niya na sana pero agad siyang hinawakan sa braso ni Reij sabay pinilipit ang braso niya. "Binigyan ko lang kayo ng isang pagsubok pero uuwi na agad kayo?! Mahihina talaga kayo!" "Ikaw ang mahina dahil lumalaban ka sa mahina," seryosong sagot ko sabay ngumisi. Nagulat ako nang biglang tumitig sa akin si Reij at si Uno. Bakit? May masama ba akong nasabi? "Hija! Your line... it reminds me of someone," "Wala po akong pakialam Reij, sana naman ay i-consider niyo ang effort namin! Hindi naman po kami masamang tao!" "Fine, sumunod kayo sa akin. Malayo pa ang bahay ko rito, ang totoo niyan ay sa kabilang gubat pa. Nililigaw ko lang sila rito sa unang gubat para magmukhang t*nga. Nararapat lang naman sa kanila na iligaw dahil masama ang hangarin nila, tara na maglakad na tayo!" Agad kaming tumango ni Uno. Nang maglakad si Reij ay sumunod lang kami. Grabe, sa kabilang gubat pa pala ang bahay niya... matalino talaga siya. Kahit si Tatay sa labas ay ang alam ay dito mismo sa gubat na ito nakatira si Reij dahil dito siya nananatili at nanliligaw ng mga nagtatangka sa kanya. Woah! He is so smart. "Bilisan niyo!" sigaw ni Reij habang lumilipad sa mga puno. Ang galing niya! Bigla ko namang naisip si Thirstein, ganito siguro kagaling si Thirs. Hay naku, bakit ba ako nai-insecure sa kanya? Karelasyon siya ng kakambal ko noon kaya naman dapat maging masaya lang ako para sa kanila. Walang patutunguhan kung mai-insecure lang ako kay Thirs. Habang tumatakbo kami ni Uno ay inabutan ako nang tubig ni Uno, agad ko namang ininom sabay tumakbo ulit. Sana ay hindi kami maiwan ni Uno dahil ang bilis tumakbo ni Reij. "Tres! Bilisan mo!" Tumango lang ako kay Uno saby tumakbo nang tumakbo. Nahuhuli na ako! Pero nagulat ako nang biglang tumigil si Uno, hinintay niya ako na makalapit sa kanya sabay hinila niya ako. Tumakbo kami nang tumakbo, napangiti ako dahil ang sarap sa pakiramdam na sabay kaming tumatakbo. Sa isang lugar na mukhang disyerto ay tumigil si Reij. Bumwelo siya sabay sumipa nang sumipa. Nagpa-practice ba siya? Hingal na hingal akong nanuod sa kanya. "Uno, bakit siya sumisipa?" "Trip niya lang, nagpa-practice siya. Kung curious ka sa kanya ay lapitan mo siya sabay magpaturo ka, haha!" Ngumisi ako kay Uno sabay lumapit kay Reij. "P'wede niyo po ba akong turuan?!" "Sige," "Hala! Totoo po?" "Ayaw mo?" "Tara po!" "Go have stretching and exercise!" sigaw niya. Naalala ko naman 'yung sinabi ni Uno kaya napangiti ako. In-execute ko ang mga stretching at ang mga exercise na sinabi sa akin ni Uno noon. Habang nage-exercise ako ay nagulat ako nang bigla akong sipain ni Reij sa tyan, agad akong napaupo. Biglang lumapit si Uno sa akin sabay inalalayan ako. "Tres, okay ka lang?!" "Paano siya magiging malakas kung palagi kang nandyan sa tabi niya?! Ano huh?! Sa tuwing madadapa siya ay tutulong ka?! Parang tinuturuan mo siya para masanay na palaging may kasama at maging mahina! Mahina na nga 'yang babaeng 'yan ay mas hihina pa!" galit na sigaw ni Reij. Nanginig ako dahil sa takot, pero dahil sa ayaw kong tawagin akong mahina ay tumayo ako. "Sino po ang sinabi niyong mahina? Wala pong pangalan kaya hindi ako 'yun!" agad akong bumwelo sabay in-execute ko ang butterfly kick. Nanlaki ang mga mata ni Reij nang matamaan ko siya sa ulo. "Sabihin niyo sa akin, ako po ba ay mahina? Paano ba 'yan? Natamaan ko kayo, hahaha!" Nagulat ako nang bigla akong sipain ni Reij sa ulo. Agad akong napaupo, tatayo na sana ako pero sinipa niya ulit ako sa ulo kaya naman napahiga ako. Hindi ako nagpatalo, agad akong tumayo sabay in-execute ko ang butterfly kick sabay natamaan ko siya sa tyan kaya siya ay napaatras. Bumwelo ako sabay itinapat ko ang dalawang kamao ko sa mukha ko. Sumuntok ako nang sumuntok sa hangin, lumapit ako kay Reij sabay sinuntok ko siya sa tyan nang malakas kaya bigla siyang napahiga. "Ayaw ko na sinasabihan akong mahina dahil lalo akong nagiging malakas." seryosong saad ko sabay agad akong lumapit kay Uno. Nang makalapit ako kay Uno ay nagulat ako nang may sumipa sa likod ko. Nang hawakan ko ang bibig ko ay may pula... may dugo sa aking bibig. "Tres!!!" malakas na sigaw ni Uno. Bigla akong nahilo... UNO Agad akong tumakbo papalapit kay Tres dahil may dugo na lumabas sa bibig niya sabay bigla siyang natumba. Nang makalapit ako sa kanya ay nakapikit na siya, tinapik ko ang mukha niya pero hindi siya nagigising. "Masyado siyang mayabang sa kakayahan niya, ikamamatay niya 'yan," seryosong saad ni Reij. Tumingin ako sa kanya nang masama, "Hindi 'yun pagmamayabang, ang tawag dun ay pagmamahal sa kakayahan!" "Buhatin mo na siya sabay sumunod ka sa akin, ako ang bahala sa lunas niya." malumanay na sagot niya sabay tumakbo. Agad kong binuhat si Tres sabay tumakbo, sinundan ko lang kung saan papunta si Reij. Nagulat ako namg bigla siyang tumalon sa isang lupa na malalim, agad akong sumilip pero madilim ang lupa. "Tumalon ka na! Hindi sa kabilang bundok ang bahay ko! Dito ako nakatira sa sarili kong underground! Bilisan mo dahil magsasara na!" Hindi na ako nagdalawang isip pa kaya naman agad akong tumalon. Nang tumalon ako ay naramdaman ko ang isang malambot na kama sa likod ko. Bigla namang bumukas ang ilaw, nang tumingin ako kay Tres ay nasa ibabaw ko siya. "Ilagay mo siya sa kama, ako ang bahala sa kanya, mamaya ay magigising na siya." Tumango lang naman ako kay Reij, agad niyang inasikaso si Tres. May pinahid siya at may pinatak sa bunganga ni Tres kaya naman nakampante ako. Nagmasid ako sa paligid, ang linis ng underground niya at maraming mga bakal na kagamitan sa pakikipaglaban. "Nakikita mo ang mga 'yan? Akin lahat ang mga 'yan, kay Thirstein ko sana ipapamana ang mga kagamitan na gawa ko... pero sa sinabi mong patay na siya ay wala na akong mapagmamanahan." "P'wede niyo naman pong itago lang dito..." "Hindi p'wede Hijo, balang araw ay mahahanap din ito ng mga taong naghahangad sa mga kagamitan ko. Ang sa akin ay ayaw kong mapapunta sa kanila ang delikadong mga kagamitan na ito, dahil isang pitik lang sa mga kagamitan na gawa ko ay makakapatay ng ilang libong tao. I don't want to spread evil to others, I want them to learn to spread kindness." "Humahanga ako sa inyo, kaya pala humble si Thirstein dahil ang genuine ng mga sinasabi ng sensei niya. Alam niyo po ba? Noon ay gusto namin ng mga kaibigan ko na magpaturo sa kanya... pero ayaw niya po, natatakot kasi siya na baka gamitin lang namin sa masama. Noong may isang anonymous boss ang humawak sa amin para mag-training ay si Thirs ang gusto niyang maging instructor kaya naman natuwa kami ng mga kaibigan ko." bumuntong-hininga ako, "Hindi po ginamit sa kasamaan ng mga kaibigan ko ang natutunan nila kay Thirs dahil hanggang ngayon ay tumutulong ang mga kaibigan ko sa mga police para mahuli ang mga masasamang grupo ng mga tao." "I see, good to hear. Ikaw ba Hijo? Saan mo naman nagamit ang itinuro sa'yo ng aking estudyante na si Thirs?" Gusto ko sanang sagutin si Reij na... na nagamit ko sa pagpatay mismo kay Thirs ang itinuro niya sa akin. Ang sakit nun... hindi ko nga mabigkas sa bibig ko, ang sabihin pa kaya kay Reij? Baka mapatay niya ako dahil sa galit. "N-nakikipaglaban din po ako sa mga masasamang tao," "Bakit parang kinakabahan ka, Hijo? May masama ka bang nagawa? Ganyan kasi ang reaksyon ng mga estudyante ko noon kapag may nagawang mali. Kinakabahan sila at pinagpapawisan, you can tell me Hijo kung ano ang problema. Pero sa ngayon ay nirerespeto kita." "S-salamat po..." "Hijo, gusto mo ba ang mga kagamitan ko?" "Ano pong sabi niyo?" "Sa'yo ko nalang kaya ipamana dahil kasintahan ka naman ni Thirs?" "Hindi ko po deserve ang mga kagamitan, pasensya na po... hindi ko po matatanggap." "Bakit? Dahil ba nakokonsensya ka?" "A-ano p-pong ibig niyong sabihin?" "I mean, nakokonsensya ka ba dahil maraming masasamang tao ang mamamatay kapag ginamit mo ang mga kagamitan ko?" "A-ah... opo, ganun na nga po." "I see, pero minsan... hindi mo alam na ang kalaban mo ay malapit lang sa'yo at nakatanaw kaya kailangan mong maging handa dahil kung hindi ka handa ay papatayin ka ng kalaban mo nang wala kang laban. Minsan, kailangan mo ring pumatay para maiwasang mamatay." "Hindi po totoo 'yan, minsan kailangan mo ring isipin na ang pagpatay ay hindi sagot para maiwasang mamatay o para maging malaya sa mga masasama. Ang pagpatay po ay isang malaking kasalanan," "Bakit mo naman nasasabi 'yan nang ganun kadali? Hindi ka pa ba nakapatay?" Ang sakit naman ng tanong mo Reij, kung sagutin kaya kita na ang napatay ko ay ang pinakamamahal kong babae? Nang dahil lang sa anonymous boss na nag-utos sa akin? Kapalit para makasama ko ko raw ulit si Mama Zeroie. Simula bata palang ako ay galit na ako kay Mama, pero noong nangako sa akin ang anonymous boss ay hindi ko maitanggi sa aking sarili na hinahanap-hanap ko si Mama. Sa pagkasabik ko kay Mama ay nawala sa akin ang pinakamamahal kong babae. Hanggang ngayon naman ay walang pakialam sa akin si Mama, hindi worth it na ipinaglaban ko siya na makakasama ko ulit siya. Pero sa tuwing iniisip ko na hindi worth it na ipinaglaban ko si Mama ay nakokonsensya ako, mahal ko pa rin kasi siya at Nanay ko pa rin siya. Ang t*nga ko dahil naniwala ako sa anonymous boss na 'yun. Kapag nakilala ko ang boss na 'yun ay hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya. Sana ay mahanap na siya ng mga ranks, sila rin naman ang may kasalanan dahil nagpahawak sila sa anonymous boss na 'yun dahil sa pera. Biglang sumagi sa isip ko kung paano ko hinalikan at nilaplap ang labi ni Tres, I'm sorry Tres. Pero bakit sa kabila nang nangyari ay masaya ang aking puso? TRES Iminulat ko ang aking mga mata, bigla kong nakita si Uno sa aking tabi. Nakangiti lang siya habang hinihimas ang aking buhok. "Magpahinga ka na Hija, pasensya ka na sa nagawa ko, bilang kapalit ay gagawan ko na kayo ng class A na kagamitan para may maidala kayo sa mga masasamang tao na nag-utos sa inyo." Tumango lang naman ako kay Reij sabay ngumiti, nang tumingin ako kay Uno ay ngumiti rin siya. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya, bigla naman akong binuhat ni Uno para makaupo. Nakita namin na gumagawa na ng mga gamit si Reij, nang magkatinginan kami ni Uno ay ngumiti lang kami sa isat-isa. "Bale sampu ang ginawa kong kagamitan sa pakikipaglaban, para madala ninyo ang mga gamit ay hatiin niyo ang mga kagamitan. Tres sa'yo ay lima, Uno sa'yo ay lima rin. Mag-iingat kayo!" seryosong paliwanag ni Reij. "Hindi ko po kakayanin, si Tres po kasi ay masakit ang likod. Gusto ko po siyang buhatin." "Sige Hijo, ikaw na ang magdala nang sampung kagamitan, ako na ang magbubuhat kay Tres dahil kasalanan ko naman. Hija, huwag kang mag-alala dahil gagaling ka na bukas, okay?" Tumango lang naman ako kay Reij sabay ngumiti. Nagulat ako nang biglang lumipad si Reij, naglakad siya habang buhat ako sabay tumatakbo rin. Mabilis kaming nakarating sa taas kung saan nandoon ang kotse ni Uno. Agad akong binaba ni Reij sabay isinakay sa loob ng kotse, nagpasalamat lang ako sa kanya at ngumiti. "Ang tagal po ni Uno... tulungan niyo na po siya please?" Tumango lang naman si Reij at humingi ng sorry sa akin, agad ko naman siyang pinatawad. Pagkatapos nang kalahating oras na paghihintay ko ay biglang bumukas ang kotse, mabuti nalang dahil si Uno ang pumasok. Agad niyang pinalagay sa likod ng upuan ang mga kagamitan. Agad kaming umalis, habang nagmamaneho siya ay isang kamay lang ang gamit niya. Ang isa niya kasing kamay ay nasa likod ko, hinihimas nila lang... sabi ko sa kanya ay huwag na pero hinihimas niya nang hinihimas. Sabi niya ay matulog nalang ako dahil mahaba pa ang biyahe. Bago ako pumikit ay yumakap muna ako kay Uno, niyakap naman niya ako pabalik. Hindi ko man masabi pero masaya ang aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD