not visible

3220 Words
THIRD PERSON In this story you will not know the villain until you realize... villain is everywhere. Villain is very invisible to see but when deeply understand the words... villain is the villain itself who is not visible. Nasa isang bar ang isang tao na nakamaskara. Mayroon siyang nakitang isang tao na nag-iinom sa kanyang tabi. "Kilala kita... anak ka ng isa sa pinakamayaman sa ating bansa," "Wala akong pakialam sa'yo! Bakit ka nakamaskara?" "Sabihin na nating... anonymous akong tao. Ikaw, bakit ka naglalasing at mukhang wala sa sarili?" "Mayroon akong gustong makuha, pero hindi ko makuha." "P'wede kitang matulungan, gusto mo ba ng isang kasunduan?" "Ano namang kasunduan ang sinasabi mo?!" Agad na inabot ng taong nakamaskara ang isang kasulatan. Nang makita ito at mabasa ng taong kausap niya ay bigla siyang nagulat. "A-ano? Teka sino ka ba?!" Biglang nag-alis ng maskara ang tao, laking gulat ng isang tao dahil hindi niya akalain na ang isang tahimik na tao na kilala niya ay isa palang masama. "Ayon sa kasulatan ay sa akin ka ng ilang years, para lumakas ka ay tuturukan kita ng mga gamot. Handa ka na bang mamuhay sa langit?" "P-pero... paano naman ako?" "Huwag kang mag-alala, wala pa akong na-handle na napabayaan ko. Sisiguraduhin ko sa'yo na pagkatapos ng gabing 'to ay magiging anghel ka sa sarili mong langit. Hahaha!" "Pero paano kung tumanggi ako?" "Hindi ka na makakatanggi pa," agad na tinutukan ng taong nakamaskara ang kausap niya ng isang baril. "Kapag tumanggi ka ay maaga kang makakarating sa langit. Mamili ka, ang tumira sa langit o ang makarating sa langit?!" "You're so creepy!! Kapag nalaman 'to ng ano ko ay lagot ka!" "Sa tingin mo ba ay malalaman niya? Kung kilala kayo bilang isang mayaman ay mas mayaman pa ako sa inyo. Kaya kong tapalan ng pera ang pinagmamalaki mo. Ngayon ay pumirma ka na!" Umiyak nang umiyak ang tao habang pumipirma. Gustuhin man niyang tumanggi pero natatakot siya sa kayang gawin ng anonymous na tao. Napaisip ang tao sa nilalaman ng kasulatan, iyon ang kanyang ninanais pero baka lalo siyang mapahamak. Agad na hinila ng mga tauhan ng anonymous na tao ang taong pinapirma niya. Nang makarating sila sa isang lugar na maganda ay itinulak ng anonymous na tao ang tao na pinapirma niya sabay tinurukan ng maraming gamot. Creepy ang anonymous na tao sapagkat sa kanyang lugar na maganda ay may mga naka-stock o nasa freezer na patay na tao. Humalakhak ang anonymous na tao nang maisip niya ang kanyang gagawin sa isa sa mga ito. May tumawag sa anonymous na tao. "Kapag hindi ko pa siya nahanap, papatayin kita." UNO Iminulat ko ang mga mata ko, nang tumayo ako ay nakatulog pala ako sa sofa ni Tres sa kwarto niya. Pagkauwi kasi namin sa bahay ni Truz ay wala siya, I'm sure na busy siya sa work niya. Mabuti nalang dahil dito ako natulog, may mag-aasikaso kay Tres. Agad akong naglakad papalapit sa kanya sabay hinawakan ko ang leeg niya. Mabuti nalang dahil hindi siya nilagnat, mabisa ang ginamot sa kanya ni Reij. Magluluto muna ako bago ko dalhin kay Ex ang mga kagamitan. Pagkatapos kong magluto ay pumasok ako sa kwarto ni Tres, ginising ko siya sabay pinaupo. "Okay ka na ba? Hindi na ba masakit ang likod mo? Kakain ka huh, okay?" sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti lang naman siya sa akin. "Nasaan si Truz? Wala pa ba siya? Uno may niluto ka rin ba na pagkain para sa kanya? Nakakaawa kasi siya dahil busy siya sa work niya..." "Tres, ang sabi ko ay susubuan kita. Ibang tao na naman ang iniisip mo, sa katunayan ay may niluto rin ako para kay Truz kaya huwag ka nang mag-alala okay?" "Oo... sorry, uhm salamat huh!" Ngumiti lang ako sa kanya sabay sinubuan ko siya. Nang matapos siyang kumain ay ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Agad akong nagpaalam sa kanya na aalis ako para ihatid kay Ex ang mga kagamitan. Agad akong sumakay sa kotse. Nang makarating ako sa elegant bodega ni Ex ay agad akong pinagbuksan ng mga tuhan niya. Habang hila ko ang mga kagamitan sa pakikipaglaban ay naisip ko si Tres, sana ay okay lang siya kahit wala ako sa tabi niya. "Ang bilis mo namang makabalik! Hahaha!" Nang lumingon ako sa likod ay si Ex pala. "Narito na ang mga kagamitan para sa pakikipaglaban." "Ano?! 'Yan lang?" "Haha! Nagbibiro ka ba? Alam mo ba na mahirap mapapayag ang matanda?" "Alam ko Uno, sige... I think sapat na 'yan." Ngumisi ako sa kanya sabay tumalikod, nagulat ako nang biglang tumunog ang mga kagamitan. Sign na hinawakan 'yun ni Ex, pagkalingon ko ay nakatutok sa akin ang isang baril na ginawa ni Reij. "Hahaha! Maganda ang isang 'to!" Tumingin lang ako nang seryoso kay Ex, sige iputok mo... sa'yo 'yan tatama. "Pero hindi ko muna gagamitin sa'yo dahil sayang ang bala, hahaha!" "P'wede na ba akong umalis, Ex?" "Uhm, teka!" "Ano ang problema mo?" "May isa pa akong mission." "Ano?! Hindi ka ba nagsasawa sa mga pinapagawa mo, Ex?" "Nagrereklamo ka ba?!" Nagulat ako nang bigla akong sinugod ni Ex sabay sinuntok niya ako sa tyan, dahil sa sobrang inis ko ay ibinalibag ko siya sabay sinipa ko siya sa mukha nang dalawang beses. "Huwag mo akong angasan Ex, ako ang rank two. Kahit ang isang katulad mo na boss ay hindi ako matatalo." "Hindi nga kita matatalo, para ka namang hayop dahil inuutusan kita! Hahaha!" "Okay lang na ikumpara mo ako sa isang hayop, keysa naman sa katulad mo hindi ka nga hayop pero umaasta kang na**lol na hayop." Agad akong sinugod ni Ex, sumuntok siya nang sumuntok pero hindi ako nagpapatama. "May ipapahanap ako sa inyo na isang tao. She is my step sister, she is the daughter of the big boss." seryosong saad niya sabay tumingin sa malayo. "Ito nalang ang isa kong kahilingan na mission, hanapin niyo siya para naman makabawi na kayo nang tuluyan." I see, anak pala siya ng big boss ng aldeath mafia kaya malakas ang loob niya. "Where's her picture?" "Hindi ko siya ipapakita wala naman akong picture niya. Sabi ng isang tauhan ni Big boss ay na-detect daw nila ang kapatid ko sa italy dahil sa impormasyon na ibinigay ng sarili niyang ama. " "So what do you mean? Pupuntahan pa namin ni Tres ang kapatid mo sa italy?" "Why not?! Hahaha! 'Di ba gusto mo namang kasama ang pinakamamahal mong si Tres?!" "Shut up Ex! She is my twin sister!" "Alam ko, pero nababasa ko sa mga mata mo na mahal mo pa rin siya. Hahaha! Uhm, payag ka ba sa alok ko na hanapin niyo sa italy ang kapatid ko?!" "What's her name?" "Hindi ko alam, isa siyang anonymous. Puntahan niyo siya sa italy, I will give her address." "Sige pumapayag ako," "Uno, nasaan na nga pala si rank one? Naalala ko dati ay nakalaban ko na siya pero hindi ko nakita ang buong mukha niya, tanging mata niya lang." "Wala na siya, patay na." "Hahaha! Good to hear!" "Aalis na ako, just email the adress to me." TRES Nang bumukas ang pinto ay nakita ko si Truz. "Cream, kumusta ang pinuntahan niyo ni Uno? Hindi ka ba nasaktan?" "Hindi! Okay lang ako! Hehe!" Agad na lumapit sa akin si Truz sabay bigla akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako dahil mas mahigpit ang kanyang yakap. Nang tumingin ako sa kanya ay nakapikit siya, napagod siguro siya sa trabaho niya. Truz, I will train my heart to love you, even though in my life story and in my heart I was into Uno. Niyakap ko pabalik si Truz, hinawakan ko ang ulo niya sabay ipinatong sa unan. Grabe, ang bilis naman niyang makatulog. Agad akong tumayo, pero bigla akong nahilo. Nagulat ako nang may nag-pop up sa isip ko na isang pangyayari na blurred. Grabe, sobrang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ang likod ko, mabuti nalang dahil hindi masakit. Grabe kasi ang sipa ni Reij, nakakamatay. Agad akong umalis sa kwarto. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa may nakita akong swimming pool. Natuwa ako kaya naman agad kong hinubad ang suot ko sabay agad akong nag-swimming. Ang lamig ng tubig kaya naman umahon ako agad. Pagkaahon ko ay agad akong nagpunas ng aking sarili, mabuti nalang dahil may available na tuwalya. Nagulat ako nang makita ko si Uno sa harapan ko na mukhang nagulat, agad akong nagtakip ng tuwalya. "It's okay, you swim so okay ka na?" "Oo Uno... salamat huh!" Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Nang lumingon ako ay si Truz, bigla niya akong hinalikan sa pisnge. "I miss you..." bulong niya. Ang bango ng hininga niya tsaka ang bango niya. I can't stop myself na humanga sa kanya, oo mas matanda siya sa akin pero mas gusto ko 'yun dahil matured siya mag-isip. Nang tumingin ako kay Uno ay umiwas siya nang tingin. "Uno? Bakit nandito ka pa? Ano na naman ang kailangan mo?" "Kailangan ko ulit si Tres para sa isang mission." "Talaga?" bumuntong-hininga si Truz sabay tumitig sa akin. "Kung papayag ang fiancee ko ay walang problema." "Truz, gusto ko rin kasi na makasama pa nang mas matagal ang kakambal ko kaya oo pumapayag ako. Truz, salamat sa pagpayag huh! Salamat kasi hinahayaan mo akong makilala ko nang lubusan at mas makasama ko pa ang kakambal ko." Agad akong niyakap ni Truz, "Cream, para sa'yo ay walang problema, importante sa akin na masaya ka. Ayaw kitang ikulong sa bisig ko kahit fiancee na kita. Oo contracted tayo because of business pero hindi ibig sabihin nun ay binili kita. You are like a bird, you can fly freely and can be happy without a cage." Sa sobrang saya ko sa sinabi niya ay niyakap ko siya nang mahigpit sabay hinalikan ko siya sa pisnge. Agad niya akong hinalikan sa noo, sa ilong at sa pisnge... he is so sweet. Mas niyakap ako ni Truz nang mas mahigpit kaya naman napangiti ako nang sobra. Nang tumingin ako kay Uno ay nakatingin nga pala siya, agad akong humiwalay kay Truz. "Cream, sige na mag-usap na muna kayo ni Uno. May meeting ako ngayong gabi kaya naman tutulog muna ako." niyakap niya ulit ako sabay hinalikan sa pisnge. Ngumiti ako sa kanya sabay pinisil ko ang pisnge niya. Agad akong lumapit kay Uno. "Ano naman ang bagong mission ni Ex?" "Hanapin daw natin ang step sister niya sa italy." "W-what?! Sa italy?" "Yes, bakit parang nagulat ka?" "Dream ko kasi na makapunta doon! With right person! Hahaha!" "Pupunta tayo, handa ka na ba?" "Oo! Kailan ba? Ngayon na?" "Oo kapag sinend ni Truz ang address ay agad tayong pupunta sa italy. Gusto ko rin na makapunta doon dahil maganda ang lugar." "Kaya nga Uno! Tsaka masaya ako dahil kakambal ko ang kasama ko, okay lang kahit hindi right person na makakasama ko habambuhay. At least ang one and only kakambal ko! Mahal kita!" Agad kong niyakap si Uno nang mahigpit dahil sa tuwa, hinalikan ko rin siya sa pisnge. Bigla ko tuloy naalala 'yung laplapan namin... grabe, sobra akong nahihiya. "Tres, nag-email sa akin si Truz na puntahan nalang daw natin ang step sister niya sa italy after five months." "Sige, umuwi ka na muna Uno at magpahinga, mahal kita kakambal ko!" "I love you too Tres, magpahinga ka na rin, alagaan mo ang fiance mo." Five months later... UNO Agad akong pumunta sa bahay ni Truz dahil nag-email sa akin si Ex na puntahan na raw namin ang step sister niya, nang makapasok ako ay nakita ko si Tres at Truz na masayang kumakain. Biglang hinila ni Truz si Tres sabay pinaupo sa lap niya. "Hi," malumanay na ani ko. Agad namang lumingon ang dalawa. Agad na napatayo si Tres. "Ngayon na ba kayo aalis?" tanong ni Truz kay Tres. "Oo p'wede na ba akong mag-impake, Truz?" "Sige," Pinanuod kong tumakbo si Tres, grabe ang saya niya. Napangiti ako dahil magkakasama ulit kami. Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. "Hello? Mommy bakit po?" "Anak! Si Maria ay nagpakamatay sa kwarto niya! Uminom siya ng asido kaya ang itim ng mukha niya at sunog ang lalamunan! Anak pumunta ka rito isama mo si Truz!" "Ano?!" "Uno? Ano ang problema?!" biglang tanong ni Truz. Pinatay ko na ang tawag, tumitig ako kay Truz sabay napaluhod ako. "Truz... nagpakamatay raw si Maria! Uminom daw ng asido sabi ni Mommy!!" "W-what?!" Agad akong tumakbo kung nasaan si Tres, agad ko siyang nakasalubong na dala na ang mga maleta niya. "Tres, hindi tayo matutuloy dahil si Maria ay nagpakamatay!" "Ano? Totoo ba 'yan Uno?!" Hindi ako nakapagsalita. Agad akong niyakap ni Tres, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sobrang sakit para sa akin nun. Pumunta pa siya sa akin noong nakaraan tapos I just ignore her. "Bumaba na kayo dyan! Pupunta na tayo sa bahay ni Daddy Kadin!" sigaw ni Truz mula sa baba. Agad kaming bumaba ni Tres, seryoso lamang si Truz na tumingin sa amin sabay agad na lumabas. Sumunod kami sa kanya sabay sumakay kami sa kotse ni niya. "Ano bang naisip ng kapatid natin Uno?! T*ngina naman! Halos lahat na nga ng bagay ay nasa kanya, mayaman na tayo, maganda siya pero bakit nagpakamatay pa siya!" "Hindi ko rin alam... minsan hindi dahil nasa kanya na ang lahat ay okay na 'yun. Malalim siguro ang pinagdaanan niya, kung ano man 'yun ay wala tayong karapatan na husgahan siya. " wala sa sariling sagot ko. "Grabe... hindi ako makapaniwala," biglang saad ni Tres. TRES Nang tumigil ang sasakyan ni Truz ay bumungad sa akin ang isang mansion... grabe, mas malaki pa sa bahay ni Truz at Uno. Inalalayan ako ni Truz sa pagbaba, grabe... sobrang laki ng gate nila parang gate ng langit. Malaki kasi ang gate ng langit sa mga napapanuod ko, parang ganun. Agad na tumakbo si Truz papunta sa loob. Naiwan kami ni Uno, agad akong hinawakan ni Uno sa kamay sabay tumakbo kami nang sabay. Agad na may sumalubong sa amin na mga men in black na may bitbit na isang bangkay. Pinigilan sila ni Truz, nang buksan ni Truz ang tela na nakatakip sa bangkay ay napaluhod siya at halos masuka. "Maria kapatid ko!!!" humahagulhol na iyak at sigaw ni Truz. Grabe... nakakaawa siya. Agad namang tumakbo si Uno papalapit kay Truz, napaluhod si Uno nang makita niya si Maria at bigla siyang napaupo. Agad akong lumapit sa kanila. Halos bumaliktad ang sikmura ko dahil sa itsura ni Maria, yet she still beautiful. Ano namang dahilan niya kung bakit siya nagpakamatay? Hay naku, mabuti pa naman ang kanyang puso. "Saan niyo siya dadalhin?!" sigaw ni Truz. "Ike-cremate na raw po siya sabi ng inyong Daddy Kadin," sagot ng tauhan. Mahigpit ang kapit ni Truz kung saan nakalagay si Maria pero agad din siyang bumitaw sabay humagulhol. "Mga anak!!!" umiiyak na sigaw ni Tita Jenika. Grabe, naaawa ako sa kanila. Agad na niyakap ni Tita ang dalawa niyang anak, iyak lang nang iyak si Truz pati na rin si Uno. Lumapit sa akin si Tito Kadin, "I can't believe na mawawalan ako ng anak, Hija. Maria is my princess, hindi pa ba naging sapat sa kanya ang kayamanan namin?" "Tito... baka may malalim po na dahilan si Maria, pero kung ano man po 'yun ay hindi po sagot ang pagpatay sa sarili." "Hija, sobrang sakit nito para kay Truz... alagaan mo ang anak ko huh? Magiging busy nalang muna ako sa mga business ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko." "Tito... ayaw niyo po bang magbakasyon muna? Kasama niyo naman po si Maria, pinagmamasdan niya po kayo ni Tita." "Hija, kapag wala akong ginagawa ay mas lalo akong magiging malungkot. Hija, alagaan mo si Truz at si Uno huh? Mahal na mahal ko ang mga anak ko kaya naman mahalin mo sila..." Agad kong niyakap si Tito Kadin, grabe... sobrang nakakaawa siya. Lumapit din ako kay Tita Jenika sabay niyakap ko siya. Pumasok na kami sa loob, tulala lang si Tito at Tita. Si Uno at Truz naman ay umiiyak lang. Una kong niyakap si Tita at Tito kasunod ang dalawang magkapatid na si Truz at Uno. "Uno, alam kong kapatid mo rin si Maria at masakit sa'yo ang nangyari, nandito lang ako..." bulong ko kay Uno sabay hinalikan ko siya sa pisnge. Hinaplos lang ni Uno ang aking braso. "Truz, fiance ko... alam kong mabigat ang nararamdaman mo pero nandito lang ako huh!" mahinang bulong ko kay Truz sabay hinalikan ko rin siya sa pisnge. Maya-maya pa ay dumating ang mga men in black, dala na nila ang gold na jar. Cremated na si Maria, grabe... ang bilis ng panahon. Pakiramdam ko tuloy ay nakakatakot na mamatay... parang ang hirap iwanan ng mundo. Lalong humagulhol sila Tito at Tita nang mahawakan nila ang jar. Niyakap nila ito sabay humagulhol. Lumuhod sa harapan nila si Truz at Uno. Ako naman ay niyayakap lang ang dalawa... alam kong masakit ang mawalan Tito, Tita, Truz at Uno. Naramdaman ko rin 'yan noong nawala si Ate Dos ko... sana ay humilom din ang mga sugat sa inyong mga isip at puso. Ipinagdadasal ko ang kapayapaan sa puso ni Maria dahil kaya siya nagpakamatay ay may galit, tampo, at poot sa kanyang puso. Iyak pa rin nang iyak si Tito at Tita. Si Truz naman ay nakayakap lang kay Tita habang tulog... pagod ang fiance ko, sana ay sa akin nalang siya yumakap pero okay lang dahil si Tita ang home niya. "Tres, after one month na siguro tayo pumunta sa italy... kailangan ko pang damayan ang Mommy at Daddy ko." "Uno okay lang huh!" agad kong niyakap si Uno sabay tinapik ko ang kanyang likod at hinimas. ** Tatlong linggo na ang nakalipas, tuwing gabi ay lasing na umuuwi si Truz. Ngayong gabi ay hinihintay ko siya, nagulat ako nang bumukas na ang pinto. Hay naku, lasing na naman siya. "Cream!" sigaw niya sabay niyakap ako. Agad ko naman siyang niyakap pabalik. Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko sabay pinahara ako sa likod. "Truz... why?" kinakabahan na tanong ko. He just kiss my shoulder and then paakyat sa leeg ko. "C-Cream, p'wede ba kitang solohin ngayong gabi?" Nang tumingin ako sa kanya ay mapungay ang mga mata niya. Patuloy lang siya sa paghalik sa leeg ko. Pumikit nalang ako dahil kasama na ata to sa kontrata... fiance ko na siya kaya sige lang gawin na niya ang lahat. Mabigat kasi ang pinagdadaanan niya kaya wala naman akong magagawa. Dahan-dahan niyang hinawakan ang palda ko... niyakap niya ako nang mahigpit sabay hinalikan ulit ako sa braso. Agad niya akong hinarap sa kanya, hahalikan na niya sana ako sa labi pero umiwas ako. "Tres! I'm sorry..." malumanay na bulong ni Truz sabay niyakap ako. "Sorry... hindi ko 'yun gagawin sa'yo, huwag kang matakot sa akin huh?" "Truz... salamat!" agad ko siyang niyakap pabalik. Nang tingnan ko si Truz ay tulog na siya kaya naman hiniga ko siya sa sofa sabay kinumutan. Truz... alam kong masakit, pero kaya mo 'yan. Biglang tumunog ang cellphone ko. "Tres aalis tayo, pupuntahan na kita bukas. Bukas na ang flight natin papuntang italy." "Sige... Uno," Pinatay na niya ang tawag. Nang tumingin ako kay Truz ay parang hindi ko siya kayang iwanan ng mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD