Adventure

4026 Words
UNO Nagulat ako dahil nasa baba si Maria, pinupunasan niya ang katawan niya. Ang mas nakakagulat pa ay naka panty at bra lang siya. "Sorry, nag-swimming kasi ako sa pool mo, hehe!" "I see... kumain ka nalang dyan, okay?" "Why? Saan ka pupunta?" "May pupuntahan ako," "P'wede ba akong sumama brother?" nakikusap na ani niya sabay pinulupot ang braso niya sa balikat ko. "Importante 'yun," Tumango lang siya sabay ngumiti nang malaki. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa pisnge, sa ilong papalapit sa labi ko pero umiwas ako. "Why? Hindi naman pala tayo magkapatid." "I know," "Alam mo na simula palang? Sana sinabi mo, I'm so in love pa naman sa'yo Uno!" "Kapatid lang kasi talaga ang turing ko sa'yo Maria." "Really? Bahala ka!" maktol niya sabay agad na nagbihis. Pagkalabas ko ay agad akong sumakay sa kotse. Truz texted me kanina na sunduin ko nalang si Tres. I don't know why kung bakit siya pumayag, pero sana ay napatawad na niya ako sa nagawa ko noon. Nang makarating ako sa bahay ni Truz ay nakita ko agad si Tres na nasa labas na ng gate. Marami siyang dalang bag, ganun ba siya ka-excited na makasama ako? I knew, we're twins kasi. Agad siyang kumaway sa akin sabay ngumiti nang sobra. Itinigil ko ang kotse sabay agad niyang binuksan ang pinto. Pagkasakay niya ay tumitig ako sa kanya, grabe ang ngiti na isinalubong niya sa akin. "Handa ka na ba Uno?!" "Saan?" "Sa paglalakbay natin! Hahaha! Bakit parang wala ka sa sarili mo?" "Wala naman," "Excited ka siguro na masama ako 'no? Joked!" "Oo naman, why not... you're my twin sister, right?" "Oo nga! Hehe! Tara na!" Tumango lang ako sa kanya sabay nagmaneho. There is no specific location kung saan sa province nakatira ang retired sensei kaya naman hahanapin ko pa. Kapag tinanong naman daw sa mga tao sa isang probinsya na 'yun ay agad na ituturo. Sa malayong bundok... malayo talaga kaya naman makakasama ko nang mas matagal si Tres. Kagabi ay ipinagdasal ko na sana ay walang mangyaring masama sa kanya. TRES Grabe, halos five hours na ang biyahe ang sakit sa pwet. Kakain nalang ako, inalok ko si Uno pero umiling lang siya. "Uno, malayo pa ba tayo?" "Yes, magtatanong pa ako," Tumango lang ako sa kanya. Biglang tumigil ang sasakyan, pagkatingin ko ay may tao sa gilid. "Manong, p'wede po bang magtanong? Saan po ba matatagpuan ang malayong bundok kung saan nakatira ang isang retired sensei?" malumanay na tanong ni Uno. "Hijo... sigurado ka ba na siya ang hinahanap mo?" "Opo, bakit po?" "Hindi ko akalain na may maghahanap sa kanya na mga mukhang mahihina... pasensya na huwag ka sanang ma-offend, malakas kasi ang sensei na iyon kaya sana ay mag-ingat kayo." "Ganun po ba? Pero dito na po ba 'yun?" "Oo Hijo kaya mag-ingat kayo, oo dito na... pero nakikita niyo 'yan?" Nang tumingin ako sa tinuro ni Manong ay isang bangin. Grabe... "Ano po ang ibig sabihin? Sa bangin po kami dadaan?" "Oo Hijo, sayang lang ang kotse mo sana ay hindi ka nalang nagdala dahil mananakaw lang 'yan dito sa taas." "Manong, paano kami bababa?" "Huwag kang mag-alala dahil may mahaba akong lubid, gusto mo bang hiramin? Itatali ko rito sa taas at kapag kayo ay nakababa na ay aalisin ko na." "Salamat po, uhm how much?" biglang tanong ni Uno. Nakita kong kuminang ang mata ni Manong, kahit naman ako kapag nakarinig ako ng how much hehe! "Totoo po?" "Bantayan niyo na rin po ang kotse ko, uhm fifty thousand po ba is enough?" "Po?! Totoo po?!" "One hundred thousand nalang, hindi kasi ako sure kung ilang araw kami. Syempre kailangan kong bayaran ang araw mo po." "Sige po! Salamat po! Ako na po ang bahala!" Tumango lang si Uno, agad na tumingin si Uno sa akin sign na bumaba na kami. Pagkababa namin ay natanaw ko nang mas malapit ang bangin... nakakatakot. "Natatakot ka ba Tres? Do you remember what I said before?" "Alin naman dun Uno?" "Just hold my hand, kahit malakas na hangin ay hindi ka tutumba." seryosong sagot niya. Bigla akong napatalikod dahil napangiti ako nang sobra. Agad akong humarap sa kanya na kumikinang ang mga mata, hay naku Tres. Bigla namang nagpaalam si Manong na kukunin niya ang lubid. Nakapamulsa lamang si Uno habang nakatingin sa bangin. "Uno, nandyan na si Manong!" Agad na lumapit si Uno kay Manong sabay tinulungan si Manong sa lubid. Grabe ang haba ng lubid, tutulong sana ako pero hinarang ako ni Uno kaya naman nanahimik nalang ako. Nang tumingin ako sa gilid ay may isang kubo, siguro doon nakatira si Manong kasi doon siya lumabas. Mabuti nalang dahil 'di nahuhulog sa bangin ang bahay niya. "Itatali ko na po sa puno!" sigaw ni Manong. Tumango lang naman si Uno habang tinitingnan nang mabuti ang bangin. Nang maitali na ni Manong ang lubid ay tumingin sa akin si Uno, ngumiti lang naman ako sa kanya pero seryoso niyang inilahad ang dalawa niyang kamay. "Uno bakit? Hehe!" "Bababa na tayo, just hold my hand okay? Ikaw ang nasa taas ko kaya naman aalalayan kita." Tumango lang ako sa kanya. Dahan-dahan na bumaba si Uno sabay humawak siya sa lubid, ipinatong niya ang paa niya sa mga bato. "Ikaw naman, kaya mo 'yan!" Dahan-dahan akong bumaba, nang tumingin ako sa baba ay nandoon si Uno kaya hindi ako natakot. "Dahan-dahan lang huh, 'yang paa mo ay ilapat mo sa lupa o sa bato para maka-balance ka! Huwag mong isipin na mataas ang bababaan natin! Isipin mo na kapag nagkamali ka nang galaw ay parehas tayong mahuhulog! Pero huwag mo nang isipin 'yun dahil okay nang ako ang mahulong... huwag lang ikaw! Magtiwala ka sa akin okay? At syempre sa sarili mo!" mahabang paliwanag niya. Napangiti naman ako kasi ang cute niya. "Opo!!!" sigaw na sagot ko habang nakangiti. Dahan-dahan kong iginalaw ang paa ko para makababa kasunod ang aking kamay na mahigpit na nakakapit sa lubid. Nang tumingin ako sa baba ay seryoso lang si Uno. "Tres! Sabihin mo kapag masakit na ang kamay mo! Hahawakan ko ang paa mo o yayakapin kita para makapagpunas ka ng kamay!" "Uno! Basa na ang kamay ko! P'wede bang yakapin mo ako?!" Hindi siya sumagot... nagulat ako nang bigla niya akong niyakap, dahil sa nagulat ako ay bigla kaming gumalaw. Mabuti nalang dahil mahigpit ang pagkakapit ni Uno sa lubid sabay ang isa niyang kamay ay nakayakap sa akin. Nahihiya ako sa ginagawa niya kaya naman agad akong nagpunas. Humarap ako sa kanya. "Okay na Uno... p'wede ka nang bumaba," Tumango lang naman siya sabay dahan-dahan na bumaba. Patuloy lang kami sa pagbaba ni Uno hanggang sa nakababa na kami. "Grabe!" maktol ko habang pinupunasan ang kamay ko. "Masakit ba?" "Oo Uno..." Bigla siyang lumapit sa akin sabay nilagyan niya ng panyo ang aking kamay sabay itinali. "Uno... salamat," "Welcome, kakambal kita kaya hindi ko hahayaan na mapahamak ka." seryosong saad niya sabay tumalikod at agad na naglakad. Sumunod lang naman ako sa kanya sabay napakamot sa aking ulo. Habang naglalakad kami ni Uno ay biglang umulan nang malakas. Bigla siyang lumapit sabay tinakluban ang ulo ko ng jacket niya. "Wala ka bang payong?" "Sorry Uno, nakalimutan ko..." "I see, tara doon sa puno!" aya niya sabay tumakbo kami. Nang makarating kami sa puno ay grabe basang-basa si Uno. Agad ko siyang pinunasan sabay agad niyang hinubad ang suot niya. Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya. "Huwag ka nang magtakip, we're twins." Napakamot ako sa ulo sabay tumingin nalang sa malayo. "Basa ka rin, meron ka bang dalang damit?" "Oo Uno... pero paano ako makakapagbihis?" Hindi siya sumagot, bigla siyang tumalikod kaya naman nagmadali ako para kunin ang aking damit at short. Nang makapagbihis ako ay kinalabit ko si Uno na okay na. Agad siyang humarap sabay ngumiti sa akin kaya naman ngumiti ako pabalik. "Tres, kapag tumila ang ulan ay didiretso na tayo," "Opo..." "Ano ang sinabi ng fiance mo?" "Wala naman, pinagbaon niya lang ako ng bigas at mga delata, hehe!" "Ganun? Mabuti naman, okay ka na ba?" "Paanong okay na ako? Kung ako lang ay oo pero ang puso ko ay hindi." Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Uno. "I'm sorry for everything... siguro kaya tayo pinagsama ngayon ay para bigyan ako ng ating Panginoon ng chance para makapag-sorry ako sa'yo." "Uno... okay na huh, pinapatawad na kita!" masayang saad ko sabay tinapik ko siya sa likod. Habang magkayakap kami ay nakapikit lang ako. Masaya ako ngayon dahil okay na kami, we have peace in our mind and in our hearts. Siguro nga ay ngayon na ang katapusan ng aming nararamdaman, pero hindi ang bagong yugto namin bilang magkakambal. "Tres, sana mabait ang matanda kahit na ang tingin sa kanya ay malakas at nakakatakot..." "Sana nga Uno, uhm hindi ka ba natatakot sa kanya?" "Hindi naman, ang totoo niyan ay ayaw ko siyang labanan dahil matanda na siya. Ang dapat sa kanya ay ginagalang at nirerespeto. He is sensei before, naniniwala ako na mabuti siya. Siguro kaya masama ang tingin ng iba sa kanya dahil gusto nilang utusan ang matanda na gumawa ng kagamitan sa pakikipaglaban para sa masamang gawain." "Tama ka Uno... gusto man siyang patayin ng iba dahil hindi siya sinusunod ay hindi nila magawa kasi malakas ang sensei 'di ba?" "Oo, pero lagot tayo sa sensei dahil parehas lang ang hangarin natin. Ginagawa natin 'to para sa aldeath mafia, kaya sure akong magagalit sa atin ang sensei na 'yon." "Uhm, magsinungaling nalang kaya tayo?" "Ayaw kong magsinungaling. Kasi kung magsisinungaling tayo ay maraming mapapahamak sa kagamitan sa pakikipaglaban na gagawin ng matanda. I think ang mga kagamitan na 'yun ay delikado kaya 'yun ang gusto ng aldeath." "Sa masamang gawain lang nila gagamitin 'yun Uno... huwag na kaya tayong tumuloy, ano sa tingin mo?" "Uhm, tutuloy pa rin tayo Tres... ako ang bahala, magtiwala ka lang sa akin." "Sige Uno, naniniwala naman talaga ako sa'yo!" "Haha! Salamat," "'Yan! Dapat tumatawa ka kahit kaonti, bagay sa'yo hehe!" "Tumila na ang ulan, tara na Tres." agad na naglakad si Uno kaya naman sumunod ako sa kanya nang nakangiti. Gubat ang aming pupuntahan, kinakabahan ako baka may cannibal huhu! Pero hindi naman ako pababayaan ni Uno. "Tres gutom ka na ba?" "Hindi pa Uno, sige na maglakad na tayo," Naglakad kami nang naglakad. Nagulat ako nang biglang tumigil si Uno. "Huwag kang maglakad... may kakaiba akong nararamdaman," utos ni Uno. Nagulat ako nang bigla siyang kumuha ng bato sabay binato sa dadaanan namin. Mas nagulat ako dahil may biglang kumislap. "Mabuti nalang dahil hindi ikaw ang naunang naglakad, kung hindi ay nakuryente ka. Hindi ko akalain na may ganito rito, mag-ingat nalang tayo Tres, okay?" "Opo!" Hinawakan ako ni Uno sa kamay sabay iniwas ako sa apat na wire na hindi masyadong nakikita na nakakakuryente. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa nakarating kami sa isang ilog na may mga malalaking bato. "Ang sarap ng hangin!" masayang sigaw ko. Akma akong lalapit sa ilog pero hinawakan ako ni Uno sa kamay. "Huwag... sobrang itim na ng ilog, pakiramdam ko ay maraming mga linta dyan." "Ganun? Try natin! Tara lumangoy!" "Hindi p'wede," Tumango lang naman ako kay Uno sabay nag-pout. Iisa lang ang daan simula kanina kaya naman pakiramdam ko ay hindi kami maliligaw. "Tres, ayaw kong makapitan ka ng mga linta kaya naman dadaan tayo sa malalaking bato." "Sige!" "Pero hindi madali dahil maraming lumot ang mga bato, madudulas tayo kapag hindi tayo nag-ingat. Palagi mong isipin 'yung sinabi ko na just hold my hand..." "Alam ko na Uno... kahit malakas na hangin ay hindi ako tutumba, hehe! Sige na tara na!" Naunang maglakad si Uno, nang makataas siya sa bato ay hinawakan niya ang kamay ko para ako naman. Nang makaakyat ako ay madudulas sana ako pero bigla akong hinawakan ni Uno sa aking bewang. "Mag-iingat ka, kung hindi man natin maiwasan na mahulog ka ay ako nalang... okay na ako nalang ang makapitan ng linta, huwag ka lang." bulong niya habang nakahawak sa bewang ko. Napatalikod ako kasi masyadong nakakakilig ang sinabi niya, hay naku! Mali ang iniisip ko, kinikilig lang ako kasi concern ang kakambal ko. Dahan-dahan na umi-split si Uno para makarating sa kabilang bato, pero hindi siya umalis kaya nagulat ako... nanatili lang siyang naka-split. Nagulat ako dahil tumitig siya sa akin. "Gawin mong tulay ang hita at binti ko, habang naka-split ako ay hahawakan nalang kita para hindi ka mahulog." "Pero Uno! Mabigat ako... kaya mo ba? Kakayanin ko namang mag-split!" "Hindi p'wede, ayaw ko dahil baka ma-out of balance ka. Sige na tumawid ka na, gawin mo akong tulay." Tumitig lang ako sa kanya sabay napangiwi. "Dadaan ka ba o dadaan ka?" "Wala sa pagpipilian hehe!" "Tres, huwag ka nang makulit!" pagpipigil na sigaw niya. Agad naman akong sumunod, dahan-dahan akong tumawid sa binti niya... sana ay hindi mabali. "Uno!" sigaw ko habang nakapikit. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman nakalakad ako nang mas mabilis at nakarating sa kabila. Nang makarating ako ay inalalayan ko si Uno, ngumiti siya sa akin sabay pinisil ako sa pisnge. Dahil sa may sampu pang malalaking bato na may lumot bago makarating sa kabilang area ay ganun ulit ang ginawa namin. Ang lakas ni Uno grabe... nagpapasalamat ako sa sakripisyo niya. Nang makarating kami sa kabilang area ay agad kong niyakap si Uno sabay hinalikan ko siya sa pisnge. Ngumiti lang naman siya sa akin. Agad siyang naglakad kaya naman sumunod nalang ako. Naglakad kami nang naglakad hanggang sa bigla siyang napaupo sa puno. "Tres, kumain muna tayo kasi gutom na ako. Ikaw ba? Gutom ka na?" "Oo! Hehe!" "Sige, may dala naman akong kanin na luto na kaya hindi na tayo magluluto. Mayroon din akong adobo na niluto just for you kasi alam kong paborito mo 'to. Tara kumain na tayo!" masayang saad ni Uno sabay inabot sa akin ang mga pagkain. Masaya kaming kumain, pero ang awkward para sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami ng sampung minuto hanggang sa naglakad ulit kami. Hanggang sa may natanaw kami na isang malaking bundok, sa ibabaw ng bundok na 'yun ay may isang temple... 'yun na siguro ang bahay ng sensei. Nakakatuwa dahil malapit na kami! "Medyo malayo pa tayo, malapit lang tingnan dahil nasa taas tayo. Tara bumaba ulit tayo dahil may bangin," saad ni Uno sabay hinawakan ako sa kamay. "Pero paano tayo makakababa?" "Kakapit tayo sa mga bato since mayroon namang mahahabang mga bato. Huwag kang matakot dahil kahit lumakas ang hangin ay sa isang kapit ko lang sa'yo ay hindi ka malalaglag." Ngumiti ako nang malaki kay Uno sabay tumango. Nauna siyang bumaba, nakita ko na kumapit siya sa mga bato. Nang may space na ay agad akong bumaba, kumapit ako sa bato sabay inayos ko ang pagkakapatong ng paa ko sa mga bato. Nanginginig ako dahil malakas ang hangin, baka kasi bigla akong madala... pero mabigat naman ako kaya hindi 'yan. "Tres! Huwag kang kabahan para hindi mabasa ang kamay mo dahil sa pawis!" sigaw ni Uno mula sa baba. "Oo!" sigaw ko naman habang nilalakasan ang loob ko. Nang makababa kami ay agad akong nilapitan ni Uno. Pinagpagan niya ang suot ko sabay pinunasan ang kamay ko. Napangiti ako kasi mabuti ang puso niya. Totoo nga na magkakambal kami dahil we have pure hearts about sa pagtulong sa kapwa. Naglakad nang naglakad si Uno kaya naman sumunod ako agad sa kanya. Bumungad sa amin ang isang bundok. "Kaya ba nating akyatin 'yan Uno?" "Kumapit ka lang sa akin," Tumango lang ako sa kanya sabay ngumiti. Biglang tumakbo si Uno sa isang area kung saan may mga putol na kahoy, agad siyang kumuha ng tatlo sabay lumapit sa akin at binigay sa akin ang dalawa. "Para saan ang mga ito Uno?" "Itutukod natin sa lupa para hindi ma-out of balance. Dalawa ang sa'yo baka kasi madapa ka kapag isa lang," "Ayie! Salamat Uno Co!" "Haha! Welcome," agad na naglakad si Uno kaya sumunod lang ako nang sumunod. Paakyat ang aming nilalakad kaya naman ang sakit na ng tuhod ko. "Masakit na ba ang tuhod mo? Gusto mo bang buhatin kita?" "Uno huwag na!" Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Nanlaki ang mga mata ko kaya nabitawan ko ang dalawang kahoy. Ngumiti lang nang kaonti sabay naglakad na. Habang buhat niya ako ay grabe ang hiya na nararamdaman ko. "Uno! Ibaba mo na ako please?" "Bakit? Kakambal kita kaya hindi kita ibababa," "Nahihirapan ka kasi!" "Really? Nabasa mo ba sa isip ko na nahihirapan ako? Kung nabasa mo o nakita mo ay ibababa kita. Pero dahil hindi ay kakargahin lang kita." Pumikit nalang ako dahil sa hiya. Naglakad si Uno nang naglakad. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa tapat na kami ng isang maliit na temple. Agad akong binaba ni Uno. Nagulat ako dahil may isang matanda na lumabas, seryoso siyang nakatingin sa amin sabay biglang lumipad papunta sa harapan namin. "U-Uno..." kinakabahan na bulong ko kay Uno. Hinawakan niya ako sa kamay sabay pinisil niya sign na huwag akong kabahan. "Sino kayo? Ano ang karapatan niyo na pumunta sa aking bahay?!" galit na galit na sigaw niya. Bigla akong napaatras. "Nandito po kami dahil gusto naming magpagawa ng mga kagamitan sa pakikipaglaban." "Para saan?! Para sa gawaing masasama?!" "Opo," seryosong sagot ni Uno. "Ano?!" agad na sinuntok ng matanda si Uno sa tyan kaya naman si Uno ay napahiga. Bigla akong nagtakip ng bibig dahil sa gulat. Nang tumingin ako kay Uno ay nahihirapan siyang tumayo. Pero nakatayo pa rin siya sabay humarap sa matanda. "Opo, dahil 'yun ang utos sa amin. Umamin naman po ako na magpapagawa kami ng kagamitan para sa masamang gawain pero hindi naman po ibig sabihin nun ay gusto ko o gusto ng kasama ko! Naipit lang po kami at inutusan." "Ganun ka ka-honest? Sigurado ka? Karamihan kasi sa mga pumupunta rito ay mga sinungaling. Nakakatuwa naman at nagsabi ka agad. Pero ang tanong... gagawan ko ba kayo? Haha!" "P'wede niyo naman po kaming gawan ng kagamitan pero 'yung hindi po ganun kalakas." "Nagbibiro ka ba? Hindi ako papayag." "Paano ko kayo mapapapayag?" "Bakit naman ako papayag? Si Thirstein ba kayo?" "Hala!" sigaw ko sabay tumingin kay Uno. Nanlaki rin ang mga mata ni Uno sabay tumitig sa matanda. "Kilala niyo po si Thirstein?" nagtatakang tanong ni Uno. "Oo naman, siya ang kaisa-isang babae na tinuruan ko ng martial arts. Ako ang nag-iisa niyang sensei na nagturo at naghubog sa kanya. Wala akong ibang tinatanggap sa aking bahay kundi siya lang, wala ng iba." "Paano kung sabihin ko po sa inyo na si Thirstein ay girlfriend ko noon?" "Bakit noon lang? Nag-break na ba kayo?" "Hindi na po siya babalik dito kaya huwag na kayong umasa. Ang girlfriend ko po na si Thirstein ay patay na." "Ano?! Hindi 'yan totoo!" "'Yun po ang totoo... sorry po," "Ikaw?!" turo sa akin ng sensei. Dahil sa gulat ko ay napaatras ako. "B-bakit p-po?" kinakabahang tanong ko. "Your eyes... you look like her, pinsan mo ba siya o kapatid?" "Hindi ko po siya kilala, ang boyfriend niya lang po ang kilala ko. Sa katunayan po niyan ay tinuruan ako ni Uno ng martial arts, hehe!" "Really? Ipakita niyo nga sa akin ang galing niyo!" agad na bumwelo si Sensei sabay lumipad papunta kay Uno. 'Yun bang lipad na napapanuod natin sa tv na magagaling na mga martial artist, hindi lipad na katulad sa ibon tss. Dahil sa kaba na nararamdaman ko ay umatras ako. Agad na naglaban si Uno at ang sensei. Palaging natatamaan ni sensei si Uno pero hindi man lang natatamaan ni Uno si sensei. Nagulat ako nang biglang lumipad si Uno kaya naman tinulungan ko siya, agad niya akong tinulak dahil sisipain sana ako ng sensei. Tatayo na sana ako pero nakita ko sa harapan ko ang sensei kaya naman agad ko siyang sinipa sa paa pero sinipa niya rin ako sa paa nang mas mabilis kaya lalo akong napahiga. Agad siyang sinipa ni Uno sa likod pero pinilipit lang ni sensei ang paa niya. Agad akong tumayo sabay niyakap ko ang sensei, nagulat ako nang umatras ang sensei sabay agad akong napatama sa kahoy. "Mga mahihinang nilalang, hindi niyo ako kaya. Umalis nalang kayo, I need Thirstein hindi kayo." "Pero wala na siya!!!" galit na sigaw ni Uno. "Sinungaling, hindi mamamatay si Thirstein dahil malakas siya. Pwera lang kung pinagplanuhan siyang patayin." seryosong sagot ng sensei. "Masakit sa akin ang nangyari sa kanya, p'wede bang iwasan nalang natin na pag-usapan si Thirstein?" "Sabihin mo sa akin Hijo, minahal mo ba ang estudyante kong si Thirstein?" "Opo!! Wala akong ibang minahal kung hindi si Thirstein lang! Araw-araw ay hinihiling ko sa buwan na sana bumalik siya o kahit makasama ko siya kahit sa panaginip!" "Nakikita ko naman sa mga mata mo na minahal mo siya, pero sabihin mo sa akin, bakit ko kayo hahayaan na pumasok sa bahay ko?" "P'wede po bang ako ang sumagot?" sabat ko. Tumango lang naman ang sensei. "Dapat niyo po kaming papasukin dahil mabuti kaming tao. Hindi po kami masama, sa katunayan nga po niyan ay mabuti talaga si Uno dahil si Uno ay tinanong ko noon. Noong tinanong ko siya kung ano ang purpose ng buhay ay ang sagot niya ay ang maging mabuting tao." "Sige, pumasok kayo sa bahay ko." seryosong saad ng sensei sabay agad na pumasok sa loob. Nagkatitigan kami ni Uno, tumango siya kaya naman naglakad ako papalapit sa bahay. Nang makapasok kami ni Uno sa loob ng bahay ni sensei ay grabe! Ang daming mga kagamitan like baril, mga espada, shuriken, blades at iba pa. Wow! "Namangha ba kayo? Ang dami ng mga kagamitan ko 'no? Pero walang nakikinabang." "Gusto niyo po ba na gamitin ko ang mga 'yan sa mga masasama? Hahaha!" masayang sagot ko. Tumitig lang naman ang sensei sa akin kaya naman nanahimik ako. "Alam niyo ba na ang estudyante kong si Thirstein ang pinakamahina sa batch ng mga estudyante ko noon. Pero siya naman ang maging pinakamalakas. Her father enrolled her to me, noong pumunta sila rito ay hindi ko gusto ang ugali ng ama niya. Masyadong mayabang porke mayaman." "Sensei, hindi ko po nakilala ang Tatay ni Thirs." seryosong sagot ni Uno. "Bakit naman?" "Misteryoso po siya, pero isa lang po ang alam ko. 'Yun ay ayaw sa akin ng Daddy niya. Anonymous ang Dad niya pero pinipilit na paglayuin kami." "Nabasa ko noon sa mata ng Tatay niya na masama itong tao. Pero ayaw kong manghusga, hanggang sa grabe siya sigawan ng Dad niya habang nag-aaral sa akin. Sabi ko huwag mangialam, mabuti naman dahil nakinig ang Dad niya." seryosong saad ni sensei. Tumango lang naman kami ni Uno. "Sensei, nagtuturo pa po ba kayo ng martial arts?" masayang tanong ko. "Hindi na, bakit magpapaturo ka ba? Based sa iyong galaw ay malakas ka na kahit papaano. Namangha nga ako sa mga galaw mo, you look like Thirs and act like her." "Talaga po?!" Tumango lang naman si sensei sabay hinimas ang mga kagamitan niya. "Gusto ko man kayong gawan ng mga kagamitan ay hindi maaari. Mapapapunta lang ito sa mga masasama." "P'wede po bang class A lang ang gawin niyo?" biglang tanong ni Uno. "Paanong class A?" "'Yun po ang gamit na kinopya lang sa orihinal na gamit pero hindi magiging katulad ng orihinal na gamit." "I see Hijo, kumbaga isang palpak na kagamitan. P'wede rin, para habang ginagamit nila ang ginawa ko ay mapahamak sila hindi ang mga taong bibiktimahin nila." Tumango lang naman si Uno sabay ngumiti. "Sana po ay i-consider niyo ang mga sinabi ko..." "Sige, sa ngayon ay magpahinga muna kayo. Bukas ay may gagawin ako... at kayong dalawa." seryosong saad ng sensei sabay pumasok sa kwarto niya. "Dito nalang tayo magpahinga Tres, humiga ka rito sa tabi ko... matulog ka at huwag mag-isip nang negatibo. Just sleep," Pagod na nga ako kaya naman humiga ako sa tabi niya. Si Uno ay nanatiling nakaupo. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya nahiga, ang sinagot niya lang ay babantayan niya lang ako. Sinabi ko na magpahinga na rin siya, tumango lang naman siya sabay ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD