Episode 10

5000 Words
THIRD PERSON Kinaumagahan ay agad na lumabas si Tres dahil sinundo siya ni Maria sa kwarto. Mayroon daw silang practice ng kapatid niyang si Uno. Malungkot na lumabas si Tres dahil baka galit pa rin sa kanya si Uno. Nang makalabas siya ay nakita niya ang gwapong binata, napakaseryoso nito. "Kagabi ba ay nakapag-module ka?" seryosong tanong niya kay Tres. Tumango lang naman ang dalaga sabay ngumiti nang sapilitan. "Handa ka na ba sa mga ituturo ko?" "O-o U-uno," "Nung nasa iskinita, 'yung nahuli kita na ipinatong mo ang legs mo dun sa Manong... magaling kang sumipa, 'yun ba ay tsamba lang?" "O-o, bakit?" "I see, akala ko kasi ay marunong ka talaga. Bakit parang natatakot ka sa akin?" "Hindi 'no!" "Sure? Go have your stretching! Then another exercises that I already said to you before! Now!" Hindi malaman ng dalaga kung ano ang gagawin niya sa pagsigaw ni Uno. Natawa na lamang si Uno dahil alam niyang natatakot ito sa kanya. May bigla siyang naalala, ikinumpara niya ang taong naalala niya kay Tres. Sa isip niya ay hindi kayang pantayan ni Tres ang kakayahan ng taong naiisip niya. Nag-execute si Tres ng mga exercises. Pagkatapos ay lumapit sa kanya, itinapat ni Uno ang dalawa niyang kamay sa kanyang ulo sabay sinabihan si Tres na suntukin niya ang mga kamay nito. Sumunod si Tres, laking gulat ni Uno dahil hindi niya inaasahan na ganoon kalakas sumuntok ang dalaga. Bigla tuloy siyang napaisip kung bakit. Subalit, alam niyang may mga tao talagang mabibigat ang kamay. "Umupo ka, sabay ibuka mo 'yang legs mo," mahinang saad ng binata. "Ano?! Teka, Uno... sure ka? Bakit dito? Hindi pa ako handa!" "Ano bang iniisip mo? I-stretch lang natin 'yang legs mo para kapag sumipa ka ay maayos. Kasama ito sa techniques sa martial arts na ituturo ko." "I see, pero Uno, parang hindi ko kaya." "Kayanin mo, hindi mo alam kung sino ang mga makakalaban mo." "Uno, hindi naman ako gangster! Hahaha! Isang hamak na grade twelve student lang ako. Sa tingin mo ba'y mayroong magtatangka sa akin?" "Gangster lang ba ang dapat handa sa buhay? Gangster lang ba ang may karapatang lumaban? At gangster lang ba ang may karapatang matuto sa laban? Ang mga kababaihan dapat ang matuto ng mga ganito." "Oo nga 'no, kami. Kasi, kami 'yung madalas na sinasaktan ng mga lalaki." "If I have chances to teach every girls, I think no one will hurt." "Ikaw ba? Mayroon ka bang aaminin sa akin, Uno?" biglang tanong ni Tres. "What do you mean?" "About sa'yo, totoo ba na grade twelve student ka pa lang?" Hindi agad nakasagot ang binata. "Hijo, may nagpadala ng sulat," biglang sabi ng matandang lalaki na kakarating lamang. "Para kanino raw po ito, Manong?" "Hijo, hindi ko alam, pinapasuyo lang sa akin na ibigay ko raw rito." Umalis na ang Manong, pagkaalis nito ay agad na tiningnan ni Uno ang letter. Mayroong nakalagay na... for Tres. "Para sa'yo pala ito, Tres," "Talaga?! Baka si Mommy na 'yan!" Agad na kinuha ni Tres ang sulat. Tuwang-tuwa siya nang makita niyang galing ito sa kanyang ina na si Zeroie. "Uno? P'wede bang mamaya nalang tayo mag-practice? P'wede bang basahin ko muna 'to?" "Yes, take your time." Agad na pumasok sa loob si Tres, nang makarating siya sa kwarto ay agad niyang binuksan 'yung letter. Pagkatingin niya ay natuwa siya dahil ang una niyang nabasa ay ang pangalan ng kanyang ina. Nang mabasa niya ang nilalaman ng sulat ay bigla siyang nalungkot, dahil ayon sa sulat, huwag na raw babalik si Tres dahil matagal na raw siyang kinalimutan ng kanyang ina. Galit ang naramdaman ng dalaga, sa isip nito ay dahil lang sa aksidente na hindi naman niya sinasadya ay sisisihin na siya ng kanyang ina. Dahil sa sobrang sama ng loob ay agad na lumabas si Tres. "Uno, mag-practice nalang tayo," seryosong saad niya sa binata. Palihim namang ngumiti si Uno. "May kahoy ba d'yan? 'Yung Mataba," "Tres, bakit?" "Kaya kong suntukin at wasakin 'yun," "Haha! Are you serious?" "Mukha ba akong nagbibiro? Try mo, hanapan mo ako ng kahoy." "Fine," Naghanap ng kahoy si Uno, agad siyang nakahanap ng matabang kahoy na malapad. Sa isip nito'y hindi ito kakayanin ng dalaga. Tanging mga expert martial artist lamang ang nakakagawa nito. Bago siya bumalik, mayroon muna siyang binisita. Hindi maalis sa mata ng binata ang sakit, namumugto ang kanyang mga mata, ngunit agad niyang pinigilan ang kanyang sarili na maging mahina. Nang makabalik siya ay nakita niya si Tres na seryosong nakatayo habang nakapamulsa. "Baka masaktan ka lang kapag winasak mo 'to, Tres," "Sa tingin mo? May mas sasakit pa ba sa nararamdaman ko ngayon? Kahit 'yang kahoy na 'yan ay maiintindihan ako kung may isip at may buhay." Hindi na nagsalita si Uno, inabot niya sa dalaga 'yung makapal at malapad na kahoy. Seryosong tumingin ang dalaga sa kahoy, bumwelo siya sabay sinuntok ito. Nawasak ang kahoy, hindi makapaniwala si Uno sapagkat kahit si Maria ay hindi 'yun kayang gawin kahit na marunong ito sa nasabing gawain na ganyan. "Tres, sabihin mo sa akin... sino ka?" "Ano ka ba Uno, ako lang 'to, si Tres na hindi mahal ng Nanay." Agad na umalis si Tres sa harapan ni Uno sabay agad na pumasok sa loob ng kwarto. Sinundan siya ng binata, ngunit hindi ito pumasok, nasa labas lamang siya ng pinto. "Kahit malungkot ka, huwag mong kakalimutan ang module mo, mag-aral ka pa rin," bulong ng binata mula sa pinto. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi, ang alam lamang niya ay ipagpapatuloy niya kung ano ang nasimulan niya kay Tres. At sa mga susunod niya pang plano. Nang lumabas si Uno ay nakita niya ang kanyang ina na si Jenika. "Anak, we need to go back to city," "Mommy, kaya ba kayo nandito dahil d'yan? Sinabi ko na po na hindi muna ako babalik." "Dahil kanino? Dahil sa kanya?" "Kung sino man ang tinutukoy niyo Mommy ay opo, siya po." "It's almost three years! Bakit hindi ka pa rin makalimot?! Look at you! Nang dahil sa ibang tao ay napapabayaan mo na ang sarili mo! Akala mo ba'y hindi ko alam na nag-aaral ka ulit? Akala mo ba'y hindi ko alam na sinasayang mo ang buhay mo?! Nandito ako anak! Pero bakit sila ang nasa isip mo?!" "Mommy, I'm sorry. Hayaan niyo nalang po ako, please?" "Pasalamat ka anak dahil mahal kita, tsaka mayaman tayo. Paano kung hindi? Sa tingin mo ba may mangyayari sa'yo? Nang dahil sa hinanakit mo ay nasisira ang buhay mo!" "Mommy, please calm down. I will have my good revenge." TRES Ang sakit mo namang mahalin Mama Zeroie. So, alam niya kung nasaan ako? Pero kasi parang imposible naman. O ipinakalat niya lang 'yang mga letter na 'yan? Kaya naman niyang gawin 'yun dahil may mga kakilala siyang mga elite. Gusto kong umalis dito, pero paano? Ayaw ko na rito kay Uno dahil pakiramdam ko ay wala namang mangyayari sa akin dito, mayroon pala... nagmo-module nga pala ako. Ayaw ko nang mag-aral wala namang patutunguhan 'yung buhay ko. Paano kaya ako makakaalis? May pera naman ako sa card ko. Sa URB nalang kaya ako pumunta? Pero ayaw ko ring bumalik dun kasi doon namatay si Ate. Saan ako pupunta?! Parang gusto kong bumalik sa tyan ng nanay ko pero ayaw niya pala sa akin. Sana hindi sila gumawa ng bata, kung ang isang bata ay napapabayaan lang. Tumingin ako sa bintana, parang uulan? Maligo kaya ako sa ulan? Agad akong lumabas sa bahay sabay biglang umulan. Tumalon ako nang tumalon dahil ang lamig ng tubig! Tatalon pa sana ako pero bigla kong nakita si Uno. "Do you want to play something?" seryosong tanong niya sa'kin. "Anong laro naman? Habulan?!" "Tagu-taguan," "Ano? Hahaha!!!" Lumapit pa sa harapan ko si Uno sabay pinantay niya 'yung mukha niya sa mukha ko. "Masaya ka na niyan?" "H-hindi, 'no!" Ano bang nakain ng lalaking 'to? May paglapit pa sa mukha ko, baka maamoy niya ang hininga ko pero mabango naman. "Tres, ang sarap maligo sa ulan, 'no?" "Oo naman, bukod sa parang naka-shower ka ay libre pa ang tubig! Hahaha!" "Joker ka talaga 'no?" "Wow! Ngumiti ka!" "Bakit naman hindi? Tao lang ako," "Hindi ka tao, robot ka! Hahaha!" "Sana'y nasira ako ngayon dahil nabasa ako ng ulan." "Oo nga no, I think ano ka nalang... patatas!" "Bakit patatas?" "Ang sarap mo sigurong maging fries! Hahaha!" Bigla akong natigilan. Ha? Anong maging fries?! "Slow ba ako o mas slow 'yung joke mo?" "Hahaha! Naku, Uno huwag mo nang intindihin, maligo nalang tayo!" "Kumanta ka, p'wede ba?" "Mahal ang talent fee ko! Hahaha! May idol ka bang singer?" "Oo Tres, pero dalawa lang," "Sino naman sila?!" "Ayaw kong sabihin tsk, ikaw ba?" "Sarili ko! Magaling ako 'no, hahaha!" "Kumanta ka kung magaling ka," "Narinig mo na akong kumanta 'di ba, Uno?" "Oo, ang galing mo, p'wede bang marinig ko ulit?" "Mag-send ka muna sa bank account ko para sa talent fee, Hahaha!" "Tss, 'wag nalang, teka kumain ka na ba? Baka sa sobrang lungkot mo ay hindi ka na makakain." "Kumain na ako, Uno." "Gusto mo bang pumunta tayo sa bayan? Maglakad tayo habang umuulan." "Sure ka? Maglalakad tayong basa ang damit? Bakat ang d*de ko-" bigla akong natigilan. Ano ba ang mga sinasabi ko?! "Hindi naman bakat," "Hala! Uno! Tiningnan mo?!" "H-hindi 'n-no, may bra ka naman 'di ba?" "O-oo, sorry, pero paano mo nalaman na hindi bakat?!" "Hinulaan ko lang," Hinulaan daw, ang manyak! Agad namang naglakad si Uno. "Uno! Bakit ka naka-slippers?" "Maglalakad tayo 'di ba?" "Alam mo, kapag naulan ay mas masarap kapag walang tsinelas! Mag-paa tayo! Hahaha!" "Baka makatapak ka ng bubog, kaya mag tsinelas ka, okay?" "Ayaw!" "Ayaw mo? Dito nalang tayo maglakad-lakad, ng naka-paa." "Talaga? Payag ka? Hahaha!" Hindi nagsalita si Uno, teka... bakit mabait siya sa akin ngayon? Naaawa ba siya sa akin? O trip niya lang ako? Pero masaya ako. Ang sarap niyang kasama. "May farm kami dyan sa likod, tara!" "Hala! Tara!" "Tres, mag-send ka muna sa bank account ko ng tour fee," "Hahaha! Nagbibiro ka rin pala?!" "Tara, sumunod ka sa akin." Nang makarating kami ni Uno ay bigla akong namangha, grabe! Ang laki ng farm nila! Bigla naman akong nagulat dahil biglang lumapit sa akin si Alexius, aso ni Uno. "Hello Alexius! Kumusta? Ikaw ba ang bantay ng farm?" masayang tanong ko sa aso, alam kong masaya rin siya dahil gumagalaw ang buntot niya. Mabuti nalang talaga na hindi ako kinagat ni Alexius noon. "Gusto mo ba ng mangga, Tres?" "Oo, Uno!" "Akyatin mo 'yung puno," "Ano?! Hindi naman ako unggoy noong past life ko!" "Ayaw mo pa? Libre na 'yan, kung 'di kita kilala ay pagbabayarin kita." "Basta ba'y kapag nahulog ako'y sasaluhin mo 'ko?" "Bakit hindi?" "Ayiee! Hahaha!" "Basta sa puno ka mahuhulog, sasaluhin talaga kita." "Oo na! Ang pangit mo ka-bonding, sa ganda kong 'to? Ako ang aakyat sa puno ng mangga?" "Sure ka na hindi ka marunong? Dun sa tapat ng bahay niyo na may puno, 'diba nakaakyat ka?" "Mababa lang naman kasi 'yun, Uno!" "Mababa raw pero hanggang third floor ninyo," "Sige na! Pero bakit kailangan na akyatin? Wala bang panungkit? "Kapag libre, aakyat sa puno." Umirap ako sa kanya. Dahan-dahan akong bumwelo sabay umakyat sa puno. Sana naman ay walang mga pharaoh ant o 'yung tinatawag na mga langgam na malalaki, masakit kasi sila kumagat. Nang nasa taas na ako ay kumaway ako sa kanya. "Uno!" Agad na lumingon sa akin si Uno pero walang emosyon na ipinapakita. Ang sarap niyang hulugan ng mangga. Kumuha agad ako ng mangga sabay bumaba na. Nang makababa ako ay may inabot na tuwalya sa akin si Uno. "Para saan 'to?" "Basa ang damit mo, magpalit ka dun sa comfort room ng farm," "Ay wow! Ang yaman talaga, kahit farm may comfort room!" Hindi siya nagsalita sabay kinuha 'yung mangga sa kamay ko. Nang makarating ako sa comfort room ay nakita kong may available na damit, oo nga pala, wala nga pala akong damit. Nang matapos akong magbihis ay agad akong lumabas. Nagulat ako dahil... walang damit si Uno. Teka! Ano ba yan?! Rated spg. Nagtakip ako ng tuwalya sa mukha habang lumalapit sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo?" "Wala! Hahaha! Ang init kasi bigla," "Ako na ang magbabalat ng mangga, maupo ka lang dyan." Tumango ako na parang bata. Hindi ko na tinakpan ang mukha ko dahil baka isipin niya na nahihiya ako sa kanya. Habang nagbabalat siya ay umiwas ako dahil masyadong nakakaakit ang kanyang abs. Ang sariwa at bango ng hangin, higit sa lahat ay walang pollution. "Uno, may asin ka ba dyan?" "Ha? For what?" "Para sa mangga! Hahaha! Hindi mo alam 'yun? Rich kid ka nga," "Hindi, kinakain ko ang mangga na walang sawsawan dahil mas masarap 'yun." "Mas masarap kapag may sawsawan 'no! Try mo kaya! Wala ba talaga kayong asin?" "Sa kusina yata ng farm mayroon, wait ako na ang kukuha." Napangiti ako kasi kumuha siya, hahaha! Ano ba naman 'yan, mahirap talaga kapag mayaman, kahit ang sawsawan na masarap sa mangga ay hindi alam. Nang makabalik si Uno ay may dala siyang asin na nakalagay sa isang mangkok. "Oh, ito na," "Ikaw? Ayaw mo?" "Ayaw ko n'yan, gusto ko ay mangga lang." "Ikaw rin, bahala ka! Hahaha! Alam mo ba na mayroon pang mas masarap na sawsawan dyan?" "Ano naman?" "Bagoong! Amoy v*gina nga lang, 'yung kapag hindi pa naliligo, gano'ng amoy! Hahaha!" "Your mouth," Bigla akong napatigil sa pagtawa. Anong amoy v*gina?! Pero totoo naman 'di ba? Gano'n kasi 'yung amoy ng ano ko kapag 'di pa ako naliligo, hahaha! Agad kong sinawsaw ang mangga sa asin. Grabe, ang sarap talaga. "Bakit napapapikit ka pa?" "Masarap kasi Uno, lalo kapag may asin." Hindi siya sumagot sabay sumawsaw rin sa asin. Naramdaman kong nagustuhan niya dahil hindi siya nagreklamo. "Gusto mo bang mag-harvest pa ng ibang prutas o gulay?" "Sure! P'wede ko bang ibenta?" "Basta bibilhin mo, gets?" "Ay! Akala ko pa naman ay ayuda na!" "Ha? What is ayuda?" "Ayuda is about sa pagtulong," "I see, p'wede pala na mag-harvest tayo tapos ipamigay natin sa mga bata rito. So, ayuda na ang tawag dun?" "Oo, Uno! Weh? Mamimigay tayo?! Wow! Tara na mag-harvest agad!" Agad akong kumuha ng basket sabay agad na kumuha ng mga gulay at prutas. Grabe, ang laki ng farm nila... sana sa akin 'to ipamana ni Uno, hahaha! Baka ako ang long lost sister niya. "Kaya mo pa bang buhatin 'yan?" "Oo naman, Uno!" Halos ma-full na kasi ang basket ng mga prutas at gulay. Sigurado akong matutuwa ang mga bata sa mga prutas, may iba kasing mga bata na ayaw kumain ng gulay. "Uno! P'wede bang pahingi pa ng basket?!" sigaw ko mula sa malayo. Agad naman siyang lumapit sabay ibinigay sa akin ang isang basket sabay kinuha 'yung isang basket na may laman. "Tulungan mo ako, Uno!" "Kanino 'tong farm?" "Sa 'yo!" "Akin pala, so, ikaw ang magha-harvest." "Ang sama ng pagkatao mo!" Ngumiti lang si Uno sabay ngumisi. Kung hindi lang talaga para sa mga bata ay binato ko na 'tong lalaking 'to. "Uno? P'wede mo bang kunin 'yung mga basket?" "Sige, sampu lang naman 'di ba?" "Twenty! Hehe!" "Ano?!" "Kulang pa nga 'yun Uno, sige ka, malulungkot ang mga bata." "Sige, gusto mo pa bang dagdagan? Kay Manong Henry ko nalang ipa-ha-harvest." "Sige! Salamat Uno!" "Welcome, magbihis ka na, aalis tayo mamaya." Agad akong tumakbo sa comfort room sa mismong bahay ni Uno... pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. May nakita akong isang paper bag, teka... ano namang laman nun? Nang buksan ko ay isang pulang magandang dress. Wow! Para sa akin ba 'to? Suotin ko kaya? Pero baka 'di para sa akin 'to. Pagkalingon ko sa salamin ay mayroon pang paper pag, agad ko itong binuksan sabay bumungad sa akin ang isang set ng make-up. Sa akin ba 'to?! Excited na ako! I mean, parang gusto kong mag-make up at magsuot ng dress. Hinawakan ko ang mga make up sa harap ko, may mga liptint, may mga lipstick, may dalawang klase ng blush on, may foundation, concealer at iba pa. Totoo ba 'to? Noong nakasama ko ang mga tropa ko na mga lower class ay tinuturuan nila ako na mag-make up. Marunong naman ako, try ko kaya ngayon? Grabe... pero sino namang bumili nito sa akin? Si Uno kaya? Weh? 'Yung kuripot na 'yun ay bibilhan ako? "What's that?" maarteng tanong ni Maria. Grabe, hindi man lang kumatok. "Wala 'to," "Make ups and one dress, right? Did you bought it for yourself? Or my brother bought that for you?" "Uhm, I don't know," "Really?! I think my brother bought me that things!" "Sa kwarto ko nakalagay, right? Iba naman ang kwarto mo 'di ba? Tsaka mayaman ka 'di ba? Bakit hindi ka bumili?" "You! Why so rude?!" "I'm not rude, I'm Tres," biro ko. "You, b*tch!" maktol niya sabay umalis sa kwarto ko. Wow! Sa kwarto ko talaga? Sabagay, ako naman ang natutulog dito. Humarap ako sa salamin, binuksan ko 'yung liptint sabay inilagay sa aking malambot na labi. Grabe, bagay pala sa akin kapag naka-liptint. Ang ganda ko, ang cute ko! Charot. Hindi naman ako sure sa foundation, baka kapag inilagay ko ay hindi pumantay kaya liptint nalang muna. Isuot ko ba 'yung dress? Parang ang kapal naman ng mukha ko nun kapag sinuot ko 'yun. Kung akin naman kasi, why not? Sige susuotin ko nalang. Nang maisuot ko ay fit na fit sa akin, sleeveless ito... medyo kita 'yung dibdib ko. Mag-jacket kaya ako? Pero parang hindi naman bagay sa dress ko. Nang tumingin ako sa baba ay mayroon pang isang paper bag... teka, ano naman 'to? Agad kong binuksan, nagulat ako dahil may nakita akong isang red flat shoes. Ang ganda naman nito at halatang mamahalin. Sinuot ko sabay umikot ako na parang prinsesa. Agad akong lumabas, pagkalabas ko ay agad na bumungad sa akin si Uno. Nagtakip ako ng mukha dahil nakakahiya, baka kasi pangit ako o hindi para sa akin 'tong mga gamit. Sumilip ako kay Uno, laking gulat ko dahil papalapit na siya sa akin. Nakabihis na rin siya, simple lamang pero 'yung dating ay kakaiba at sobrang lakas. "Ang taray, magbibigay lang ng gulay at prutas naka-dress pa, haha!" biro niya. Teka?! Ano? Binibiro niya ako?! Saksakin mo nalang ako, please! "Magbibihis nalang ako!" maktol ko. "Isusuot mo lang 'yan o magbibihis ka pero ako ang maghuhubad?" Ano?! Agad akong nagtakip ng mukha, grabe, sobra ang kahihiyan ko. "Hindi! Isusuot ko nalang!" "Tara na," aya niya. Agad siyang naglakad papunta sa kotse niya sabay pinagbuksan ako ng pinto. "Nasaan 'yung mga ipamimigay natin?" "Mayroong susunod sa atin na truck," Tumango naman ako sabay sumakay na sa kotse. Tumingin ako kay Uno sabay umiwas din. Tumingin ako sa salamin ng kotse niya, grabe, bakit sobrang pula ng labi ko?! "Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" "Regalo pala 'yun? Para saan?" "Para sa'yo, para naman sumaya ka," "Masaya naman ako, hindi nga lang full charge kagaya sa cellphone, hahaha!" "Ayusin mo rin ang lakad mo, naka-dress ka pero para kang kargador lumakad," Ano?! Kargador?! Grabe naman, ganun na ba ako ka-siga? Hindi kaya! Grabe naman 'to! Hindi kasi ako sanay na rumampa. Kahit nga sa pagkain para akong kargador kumain, para akong gutom na gutom. Kawawa naman si Uno dahil siya ang nagpapakain sa akin. Okay lang, siya naman ang nagdala sa akin dito. "Grabe ka naman sa kargador, hindi naman ako siga!" "You can improve your walk, but I like your walk like a kargador. It's very unique to my eyes." Talaga ba?! Hahaha! Okay lang pala na maging siga ang lakad dahil gano'n ang gusto ng heartrob sa school namin! Hahaha! Hindi na ako nagsalita dahil nahihiya na ako. Teka... kumusta na kaya sila Kenn at Reina? Sana okay lang sila. Biglang tumigil ang kotse sa isang tahimik na lugar, pero may mga kubo. I think bahay ng mga tao rito. Medyo naninibago ako sa paligid, kasi sobrang ganda. Siguro ay ang lamig tumira sa mga bahay kubo. Bumaba si Uno sa kotse, sabay pinagbuksan ako. Nang makalabas ako ay bigla akong nahiya dahil may mga batang lumabas mula sa kanilang mga bahay. Parang artista ang tingin nila sa amin ni Uno dahil 'yung mga bata ay tingin nang tingin. Agad kong tinakpan ang mukha ko dahil nahihiya ako. "Bakit ka nagtatakip ng mukha? Kausapin mo ang mga bata." "N-nahihiya k-kasi ako," "Sayang 'yang dress mo, sige ka," Umirap ako kay Uno sabay ngumiti nang malaking ngiti sa mga bata. Bigla akong nagulat dahil halos lahat sila ay niyakap ako kaya halos ma-out of balance ako. "Ate! Ang ganda niyo!" "Ate?! Ano'ng pangalan niyo po?" Lalo akong nahiya sa mga sinasabi ng mga bata, hehe! Naging instant artista ako for the first time yata. For the incoming youth and parents, please be open minded, na ang paggawa ng isang bata ay malaking responsibilidad at dapat naka-plan. Advance applause and appreciation to the parents who still fighting for their children even life is poor. "Cecil! Tingnan mo oh! May truck na parating!" Napalingon ako sa sigaw ng isang bata dahil may isang truck na parating. "U-Uno, totoo ba 'to?" "Yes, you want to help, right? Then be proud and appreciate the blessings." "Yiee! Salamat!" "Wala ka bang gustong puntahan?" "Wala," "Sa city, sa Mommy mo?" "No, I hate her." "Sabi nila, don't hate your mother the way she is. Did you believe in that belief?" "Yes, because I'm still a good person. In my heart, I don't want to hate anyone... especially my Mommy. Sa sitwasyon na 'to, I can't deny that the reason behind my hate to her is the pain she gave to me. There is no other reason, I love her so much." Nang tumingin ako kay Uno ay parang namumula siya habang umiigting ang panga. Is he angry? Or happy? Pero parang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. "Ikaw ba Uno? May pain ka bang tinatago sa dibdib mo?" "Certainly, our chest is like a wallet because it's a pouch of painful memories. No worries, I'm fine." "I hope too that you will be okay. Uno, can I ask something?" "What is it?" "Saglit lang tayong nagkakilala, bakit ganito ka sa akin?" "Like what?" "Bakit ka mabait? Pero madalas masungit." "I born to be kind," "Ang akala ko ay you born to be wild! Hahaha!" "Your mouth, young lady." "S-sorry!" "Do you want to go to sea?" "Oo naman, basta huwag mo akong lulunurin!" "Why would I?" ** Nasa resort na kami. "Sir, gusto niyo po bang kumanta? Free po!" "No, I think she can do that." Biglang turo sa akin ni Uno. Ano? Ayaw ko, mahiyain ako. Marami kayang tao tsaka baka kapag narinig nila ang boses ko ay baka may makakilala pa sa akin. Pero sabagay, kapag kumakanta kasi ako sa URB ay ibang way, kaya kahit sino ay hindi ako makikilala. "Mam? Are you willing po?" "Sige!" Tumingin ako kay Uno bago tumayo, he just smiled at me. Parang lumakas tuloy ang loob ko. Agad akong tumayo sa mini stage ng rest house. Maraming tao, nakakahiya. "Hi everyone, enjoy your day!" masayang aniko sabay itinapat ang mikropono sa aking labi. Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos kong kumanta. Pakiramdam ko ay nasa URB ako. Ipinagpatuloy ko ang pagkanta hanggang sa makarating ako sa chorus. Nagpalakpakan ulit sila. Tumingin ako kay Uno, blangko lamang ang emosyon niya pero alam kong masaya ang mga mata niya. Pagkatapos kong kumanta ay agad na rin akong bumaba. "Uno, okay lang ba ang pagkanta ko?" "Oo, pero parang may kulang," "Ano naman?" "Puso," Tumawa ako sabay tinapik siya sa balikat. "Hindi ko pa kasi nahahanap ang someone ko kaya hindi ko masyadong feel 'yung kanta, Hahaha!" "Is it a joke?" "Oo natatawa nga ako!" Hindi siya sumagot. "Kakantahin ko nang maayos 'yan once na mahanap ko si the one ko," "Do you really think na may the one ang isang tao?" "Oo naman, bakit mo naitanong? Wala ka bang the one?" pag-uusisa ko, "sorry!" Mayroon nga pala siyang the one pero wala na. "It's okay young lady, next time, watch your small mouth." Tumango ako sa kanya na parang bata. "Uno?!" biglang tawag kay Uno ng isang lalaki na may kasamang magandang babae. "Gelzun, ikaw pala, kumusta?" sagot ni Uno. Umupo naman 'yung Gelzun at girlfriend niya yata sa upuan na available. "Okay naman pare, sister mo?" tanong ni Gelzun sabay tumingin sa akin. "Hindi, she's my friend. She is Tres," "Akala ko'y kapatid mo kasi magkamukha kayo. Hi, Tres and Uno! Meet my fiancee, Natady." Kumaway naman sa amin si Natady na maganda pero mukhang masungit. "May asawa ka na ba Uno? It's been a while noong nawala siya, right?" tanong ni Gelzun. Bigla naman akong nagulat sa tanong ni Gelzun, ano 'to interview? "Wala pa, congrats sa inyo," "Salamat! Ikakasal na kami ni Natady next year," "Yes! Invited ka Uno!" masayang sabat ni Natady. "Invited ka rin, Tres," nakangiting sabi sa akin ni Gelzun. Ngumiti nalang ako pabalik. "Nice, sana ay maging masaya kayo," "Sana ay maging masaya ka na rin. Do you want to drink alcohol? Just for a while," aya ni Gelzun. Tumango lang naman si Uno sabay tumingin sa akin, tumango lang din ako. "Waiter!" sigaw ni Natady. Agad na lumapit sa amin ang waiter sabay um-order si Natady ng alak. Nang may alak na sa harapan namin ay agad akong binigyan ni Natady ng shot glass, grabe halos ma-full 'yung shot glass... may galit yata sa akin. "Sure ka na sa akin 'yan? Halos ma-full," biro ko. Natawa naman si Gelzun. "Ayaw mo?" maarteng tanong niya. Kinuha ko nalang, baka kasi magalit pa 'tong babaeng 'to. "Kapag hindi mo kaya ay ibigay mo sa akin," biglang sabi ni Uno. Halos maduwal ko 'yung iniinom ko dahil sa sinabi niya. "Walang gano'n, let's drink fair," Natady said. "Haha! Ikaw ang hindi fair honey, ang taas ng tagay mo kay Tres." Umirap si Natady sa kanyang fiance na si Gelzun. Tumawa ako kasi totoo naman. Halos kalahating oras na rin kaming nag-iinom, medyo nahihilo na ako, sana ay hindi nila mahalata. Nagkukuwentuhan sila, ako ay nakikinig lang sabay nakikitawa. "Hello, everyone! Who want to dance random dance here in the center of the stage?! There's have a price which is fifty thousand pesos!" masayang sabi ng emcee na lalaki sa stage. Mayroon akong narinig sa mga katabi namin na gusto raw nila. Tumawa nalang ako kasi wala akong pakialam. Nahihilo na kasi ako. Sa aming apat ay walang nagsasalita, mayayaman kasi ang mga kasama ko. Hindi na nila kailangan ng price. Pero... ako'y kailangan ko! "Hey, honey! What is random dance? I'm not familiar," maarteng tanong ni Natady. "Random dance is like free style gano'n like kahit anong step ay p'wede mong gawin. Everyone dance naturally, no chosen step just do moves that makes you happy," sagot ni Gelzun. "Okay, not my type of dance. How about you, Tres?" biglang tanong sa akin ni Natady na mukhang lasing na. "Alam ko 'yan, magaling ako dyan! Hahaha!" Ngumisi naman siya sa akin sabay tumayo. "Waiter! Tres is the one who will dance in our table! She's our representative!" Bigla naman akong napatayo sa gulat. Tumawa ang dalawa sa inasta ko. Nang tumingin ako kay Uno ay nakangiti siya. Nakakahiya naman, hay naku! "Mayroon na pong humamon! Si Mam Tres! Come here po sa gitna!" masayang sigaw ng staff. Parang gusto ko nalang maging poste. Hay naku! Agad akong pumunta sa unahan sabay nagtakip ng aking bibig dahil sa kahihiyan. Marami ng mga nasa gitna, music nalang ang kulang. Pakiramdam ko ay lalamunin ako ng lupa. "Energy! Simulan na ang pagsayaw!" sigaw ng emcee habang nagsasayaw. Bigla namang pinatugtog ang kanta na about random dance. Bigla akong nagulat nang marinig ko. Halos lahat ng katabi ko ay nagsasayaw na. Pero kasi gipit ako! Sasayawan ko talaga 'to, wala akong pakialam kahit na makita pa ako ni Uno! Agad akong kumembot nang kumembot sabay nag-spaghetti pababa dance step pero 'yung kamay ko ay naka-taas. "Woah!" sigaw ko habang nakikipagsabayan sa mga kasama ko sa gitna. Sayaw lang ako nang sayaw habang iba-iba ang step na ginagawa. "Mukhang may panalo na! Si Ate mong naka-red dress! Mukhang sanay na sanay sa sayawan!" sigaw ng emcee. Patuloy akong nagsayaw hanggang sa bigla akong napatingin kay Uno. Hindi ko alam kong mahihiya ako o ipagpapatuloy ko kasi nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Pumikit ako sabay sumayaw ulit nang sumayaw. Nang tumigil na ang kanta ay para kaming mga pagod na kawayan ng mga kasabay kong sumayaw. "Ladies and gentlemen! Eyes here! Mayroon na tayong third place siya ay si ate mong naka-blue! Ang second place ay si ate mong naka-black! At ang ating first place ay si ate mong naka-red dress! Claim your price in our office, Congratulations!" Emcee shouted. Tumalon ako sa sobrang saya sabay nagsayaw ulit. Lahat kami ay nagsayaw hanggang sa natapos na ulit 'yung kanta. Parang ayaw ko nang bumalik dun sa table namin dahil nahihiya talaga ako kay Uno! Parang gusto ko nalang maging potato. Agad akong pumunta sa comfort room sabay nag-ayos ng aking sarili. Sinampal ko ang mukha ko sabay inamoy ang kili-kili ko, baka kasi maasim. "Okay lang na nakakahiya! Basta may fifty thousand! Hahaha! Pero hindi kaya nakakahiya!" parang ewan na sabi ko sa sarili ko sa salamin. Pagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita ang office ng rest house Agad akong pumasok sabay nag-bow sa cashier. Pagkalabas ko ay bigla akong nagulat dahil nakasandal si Uno sa gilid ng pader habang nakapamulsa. "Uno?!" "Bakit parang gulat na gulat ka sa'kin?" "Hahaha! Wala 'to! Bakit ka pala nandito?" "Susunduin ka," "O-okay, Tara na!" Naglakad papalayo si Uno, sinundan ko siya habang nakatingin sa likod niya. Napakaseryoso naman niya, pero pinagtatawanan niya siguro ako kanina. "Ang galing mo palang sumayaw," sabi ni Uno habang naglalakad. Pakiramdam ko'y lalamunin ako ng semento sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD