The Fight

4119 Words
TRES Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakatali ang mga kamay at paa ko sa sa isang upuan. Nasaan ako?! "Kung walang tutulong sa akin! Bahala kayo!" sigaw ko habang sinusubukang alisin 'yung tali sa kamay ko. Pero sobrang higpit, last na araw ko na siguro ngayon. "Manahimik ka lang dyan, babae," seryosong sabi sa akin ng isang gwapong lalaki. Siguro ay tauhan siya. "Pakialam mo, huh? Pakialam mo?" naiiritang tanong ko. "Line one, nagpapahinga na po si boss Ex. Mamaya niya raw po kakausapin ang babaeng 'yan. Tsaka may mga tauhan pa tayo sa bahay ni rank two, marami pa sila do'n." "Noted line two, sige dapat lang na magpahinga si boss Ex. Sigurado akong mamamatay sila dun dahil marami tayong mga tauhan na sumugod." Line one? Line two? Boss Ex? Ang corny naman ng pangalan ng mga Aldeath mafias tss, corny. "Ano ang connection mo sa kanila? Sa mga ranks," seryosong tanong nung line one. Ngumisi lang ako sabay nilabas ko ang dila ko para asarin siya. "Nang-aasar ka ba?!" "Napipikon ka naman? Hahaha!" Nagulat ako nang sipain ako ng lalaki sa tyan. Bakit ba ang hilig nilang manakit?! Oo mafia sila pero wala silang karapatan na manakit ng tao dahil lang sa sinumbong ang business nila. Kasalanan nila 'yun kasi illegal ang activities nila. "Line one! Huwag daw sasaktan ang babaeng 'yan, si boss ang bahala sa kanya." Tumango naman si line one dun sa line two, ang ko-corny niyo tss. Tumango nalang ako, siguro pagkatapos magpahinga nung boss nila ay bubugbugin na naman ako nun. Wala na sigurong tutulong sa akin. Sana sinaksak nalang nila ako para isang sakit nalang. "Kumain ka na," Pagkalingon ko ay si line two, may hawak siyang tray ng pagkain. Sana nilagyan nila ng lason. Nang binaba niya 'yung tray ay lugaw ang pagkain na may ipis sabay tubig na kulay yellow... kadiri. "Bakit ko kakainin 'yan? T*nga ka ba? O b*bo ka?" "Kakainin mo ba 'yan o gusto mong makarating sa langit gamit ang sandata ko?" "Isa kang walang kwentang nilalang dito sa mundo, lahat nang ginagawa niyong kasamaan ay hindi niyo madadala sa impiyerno. Akala niyo ba? Na kung makarating kayo sa impiyerno ay boss pa rin kayo? Hahaha! T*nga, pahihirapan kayo ng demonyo do'n." "Hahaha! Oh?" "Baliw ka," Susuntukin niya sana ako pero biglang dumating si Ex. "Sige ituloy mo, ako ang sasapak sa'yo." Biglang nag-bow 'yung line two. "S-sorry po! Aalis na po ako!" Agad na lumapit sa akin si Ex sabay dinuro ako sa noo. "Sabihin mo sa 'kin, gaano mo kakilala ang mga ranks?" "Hindi ko sila kilala, si Uno ay kaklase ko lang. Nagkaroon ako ng problema sa Mama ko kaya kasama ko ngayon si Uno." "Nice, straight to the point. Alam mo ba ng dahil sa kanila ay nasira ang isa kong business?!" "O-oo, pero labas na ako do'n." "Haha! Hindi! Dahil maglalaban pa tayo. Wala pang isang oras ay nandito na sila. Hindi ka matitiis ng mga 'yun. Pinasabi ko sa mga tauhan ko na sabihin sa kanila na ititigil ko lang ang laban namin kapag natalo mo ako." "Wala akong laban sa'yo! Please lang!" "Wala nga ba? Sa tingin ko naman ay may laban ka dahil patas akong pakikipaglaban sa'yo." "Paano kung mamatay ako? Ititigil mo na ba ang laban?" "Ang sabi ko, ititigil ko lang ang laban kung matatalo mo ako. Kaya pilitin mong mabuhay, kung malapit ka nang mamamtay ay tawagin mo na ang guardian angel mo para bigyan ka ng pangalang pagkakataon." "A-ang sama ng ugali mo!" "Hihintayin ko na pumunta sila rito, tapos ay panunuorin nila ang laban natin. Masaya 'yun 'diba? Hahaha!" Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Tuso pala ang mga mafia lalo na ang boss nila. Hindi ko akalain na grabe ang ugali nila. Sabagay, isa lang naman akong estudyante na walang alam sa mga ganito. Akala ko ay sa television lang may ganto pero nag-e-exist pala ang mga basurang 'to. "Kainin mo 'yan! Para lumakas ka!" sigaw niya sa akin sabay tinuro 'yung pagkain na madumi. "Hindi ko kakainin 'yan, mamatay ka man." Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. Kapag ako nakatakas ay kakasuhan ko talaga ang lalaking 'to, kung ako nga na babae ay nasasaktan niya... paano pa 'yung ibang babae? "Kainin mo 'yan!" "Ayaw ko! Ikaw ang mauna!" Ngumisi siya sa akin sabay itinapat ang mukha niya sa mukha ko. Nagulat ako nang bigla niyang kinuha 'yung kutsara sabay kinain niya 'yung lugaw na may ipis. Hindi ako makapaniwala, grabe ang bituka ng lalaking 'to. "T-tama na please!" nandidiri na sigaw ko. Tumawa lang siya nang malakas sabay sumandok nang isang kutsara sa lugaw. Bigla niyang itinapat sa bunganga ko. "Ibuka mo 'yan, kung ayaw mong bala ang ilalagay ko sa bunganga mo." Wala akong nagawa, binuka ko ang bunganga ko kaya agad niyang pinasok 'yung kutsara na may laman na maduming lugaw. Sa isip ko ay siya nga ay kumain kaya okay lang na ako rin. Halos maduwal ako pero wala akong magawa. "Verygoood, magpahinga ka, hihintayin pa natin sila." Tumango na lamang ako. Hindi ako makapaniwalang mangyayari sa akin ang mga ganitong pangyayari. Sobrang sakit ng mukha ko at tyan, pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. "Sino siya?" makapangyarihan na tanong ng isang babae na nakamaskara. Nasa malayo lamang siya at hindi man lang lumalapit. Sino siya? Based sa postura niya ay mukha siyang kagalang-galang at nakakatakot. Maganda ang pangangatawan niya pero parang hindi siya young adult, I think nasa thirty plus na siya or forty plus. "Siya po 'yung kaibigan ni rank two," malumanay na sagot ni Ex. Mukhang takot siya, siguro ang boss nila ay ang babaeng 'to. "Bakit hindi si rank two ang dinala mo?" madiin na tanong ng babae. Kahit ako ay natakot, the way na magsalita siya. "May gagawin lang po ako sa babaeng 'to para pumunta ang mga ranks dito. Gusto kong mapanuod nila kung paano mahirapan ang babaeng 'to." "Babae pa rin 'yan, pero ikaw ang bahala. Hindi ako mangingialam sa gagawin mo. Siguraduhin mo lang na kapag pumunta dito ang mga ranks ay papatayin mo sila, kasama na 'yang babae." seryosong sabi ng babae. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakamaskara siya at sobrang layo niya. Naririnig nila ang isat-isa dahil may echo dito sa bodega. "Nakita mo 'yun? Siya ang big boss namin, kaya isang maling galaw ko lang ay mamamatay ako, kaya makisama ka. Huwag kang mag-alala, tutuparin ko 'yung pangako ko sa'yo na ititigil ko ang laban kapag kinalaban mo 'ko. Pero ikaw lang ang hahayaan kong mabuhay, hindi ang mga ranks." "Sa tingin mo ba ay matatalo mo sila, b*tch?" "Oo! Kaya swerte ka kung matalo mo ako, pero kung ikaw ang matatalo ko ay lahat kayo ay papatayin ko." "Imposibleng manalo ka, lalo na kay Uno na si rank two." "Malakas ang paniniwala mo sa kanya, huh? Mahal mo?" "Ikaw ba si Marites?" "Who is that?!" "Chismosa ka kasi," Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. Buwesit ang lalaking 'to, kawawa ang magiging asawa niya dahil sobrang tapang niya. Lahat ng lalaki ay deserve mahalin at magkaroon ng partner, pero si Ex ay hindi deserve magkaroon ng girlfriend. "Wala kang mapapala sa akin Ex, hindi ako makikipaglaban sa'yo kung papatayin mo lang din sila pagkatapos kong manalo o matalo." "Maayos akong kausap, sige, kapag nanalo ka ay lahat kayo ay palalayain ko. Ako na ang bahala na magsabi kay Madam na pinatay ko kayo. Kahit papaano ay patas pa rin ako." "T-totoo?" "Mukha ba akong nagbibiro?" "H-hindi, s-salamat," "Ulitin mo! Lakasan mo!" "Salamat, Ex!" Ngumisi si Ex sabay umalis sa harapan ko. Sana ay huwag nang pumunta sila Uno dito, ayaw ko silang mapahamak. Kung last na araw ko na talaga sa mundo ay okay lang, tsaka kung last na araw ko na ngayon ay sana ay makasama ko ang Mama ko at makahingi nang tawad sa kanya. UNO Halos hindi maubos ang mga kalaban namin, naiinis ako kasi hindi ko akalain na madami pala sila. May sumugod sa akin na isang lalaki kaya agad ko siyang sinipa sabay tumalsik. "Xero! Ikaw muna ang bahala rito, titingnan ko lang sila Mommy, okay?!" paalam ko kay Xero na abala sa pakikipaglaban. Tumango kang siya kaya agad akong umalis. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ni Tres at agad na pumasok sa secret underground. Pagkababa ko ay nakita ko si Mommy na kasama si Alexius. "Anak?! Kumusta ka?!" "Okay lang po ako mommy, ikaw po ba?" "Anak ko, okay lang ako... pero si Tres," "Nasaan po si Tres?!" "Anak lumabas kasi siya, pinigilan ko siya pero hindi siya nagpasabi! Ang kulit niya anak! Please, hanapin mo siya... please?!" "Sige mommy! Mag-ingat po kayo rito, huh? Promise?!" "Oo anak, promise! Sige na! I love you anak!" "I love you too, mommy!" Agad akong tumakbo. Bakit ba kasi ang kulit mo Tres?! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong magalit pero nag-aalala talaga ako. Pagkalabas ko ay nakita kong marami pa rin ang mga tauhan ni Ex sa bahay ko. Kapag nakaharap ko ang lalaking 'yun ay papatayin ko siya. Mabuti nalang talaga dahil walang namamatay sa mga ranks. Tumakbo ako nang tumakbo nang biglang... "U-Uno!" Pagkalingon ko ay si Xerz? Nakahiga siya sa damuhan sabay puro pasa ang mukha. Agad ko siyang tinulungan para tumayo. "S-salamat rank two! Nakita mo ba si Tres?!" "Ano?! Nandito ba siya kanina Xerz?!" "O-oo Uno! Hindi mo ba siya napansin kanina? Nakikipaglaban din siya pero nasaktan siya!" "Ano?! Nasaan na siya?! Sana ay tinawag mo ako kanina! Hindi ko naman alam na nandito pala kanina 'yun!" "Hindi ko alam, pero kanina ay dumaan kami sa'yo hindi ka lang namin natawag kasi busy ka sa pakikipaglaban." "Hindi mo ba talaga alam?! Isipin mo! Please lang!" "Teka... ay oo! Naalala ko na! Bago ako mawalan nang malay ay..." "Ano?!" "Uno! F*ck!" "Bakit?! T*ngina sabihin mo!" "Bago ako mawalan nang malay ay gusto siyang kalabanin ni Ex! Sa totoo niyan ay nasaktan nga siya ni Ex, Tsaka ito pa, gusto siyang kalabanin ni Ex para raw tumigil na si Ex sa pakikipaglaban." "Ano?! Wala kang nagawa?! Bakit hindi mo siya pinagtanggol?!" "Uno sinubukan ko, okay?! Pero ang lakas ni Ex." "Ano'ng silbi ng pagiging rank three mo?!" galit na sigaw ko. Bigla akong nakonsensiya dahil sinukat ko ang kakayahan niya. Biglang tumango si Xerz na para bang naaawa siya sa sarili niya. "Sorry Xerz, hindi ko sinasadya." "Okay lang Uno, kasalanan ko talaga sorry rin!" "Tara! Hanapin na natin siya!" Agad kaming tumakbo ni Xerz, nakita namin si Maria na busy sa pakikipaglaban. Mukhang nahihirapan siya kaya agad namin siyang tinulungan ni Xerz. Sinipa ko 'yung dalawang kalaban ni Maria sabay sinundan ni Xerz nang suntok 'yung dalawa kaya agad silang natumba. "Thanks, brother!" masayang sigaw ni Maria sabay niyakap ako. Inalis ko ang pagkakayakap niya. "Okay ka lang ba?" "Oo brother, pero sobra akong natatakot! P'wede mo ba akong samahan?" "Magpasama ka nalang kay Yuria, she will save you, I promise." "Pero brother!" "Nawawala kasi si Tres! Kailangan ko siyang hanapin!" "Pero paano naman ako?!" "I said kay Yuria ka magpasama, hindi pa natatalo sa laban si Yuria kaya alam kong she will protect you!" "Sige! Umalis kayo!" maktol ni Maria sabay agad na pumunta kay Yuria na abala sa pakikipaglaban. "Saan naman kaya natin hahanapin si Tres?" "Hindi ko alam Xerz, wala naman akong alam kay Ex." "Uno!" Bigla akong tinulak ni Xerz, nang lumingon ako kung bakit ay may isang lalaki na babarilin sana ako. Tinutukan niya ulit kami ng baril. "Sabihin mo sa akin, nasaan ang boss mo?" "Bakit ko sasabihin sa'yo? Sino ka ba?" "The rank two," "Sige! Pinapasabi rin ni boss Ex na pumunta raw kayo sa elite bodega!" "Paano kami makakapunta do'n?" "Sumama kayo sa akin!" Nang naglakad 'yung lalaki ay sumunod kami sa kanya. Agad kaming sumakay sa kotse. Sana lang ay walang mangyaring masama kay Tres. "Ang iba niyo pang kasamahan ay susunduin ng mga tauhan ni boss." "Bakit?" seryosong tanong ko. "Nais kasi ni boss Ex na masaksihan niyo ang laban nila ni Tres." "Ano?!" susugurin ko na sana 'yung lalaki pero pinigilan ako ni Xerz. "Huwag mo siyang patulan, baka hindi tayo makarating sa lugar nila." "Pero hindi siya kaya ni Tres! 'Yung sinabi mo kanina ay akala ko'y naglaban na sila?! Hindi pa pala tapos?! Hindi siya kaya ni Tres!" "Alam ko, sana ay may magawa pa tayo. Sa ngayon ay magdasal nalang tayo... okay?" Tumango nalang ako kay Xerz sabay nagdasal sa isip ko, ngayon nalang ulit ako lumapit sa Diyos. Sana ay pakinggan niya ako dahil hindi niya ako pinakinggan noon, pero kahit ganun ay naniniwala ako sa kanya. Siguro 'yung nangyari dati ay may dahilan, wala akong magagawa dun dahil hindi ko hawak ang aking tadhana. Nang makarating kami sa lugar na kung saan nandun si Tres ay namangha ako, kasi hindi lang ito basta bodego dahil maganda ang pagkakagawa dito. Tres, hindi ko hahayaan na mamatay ka. Agad kaming sumunod ni Xerz sa tauhan ni Ex, hindi ko akalain na ang mababangga ng mga ranks ay ang aldeath group pa. Mayaman ang may-ari ng grupo na 'to at hindi dapat kalabanin. Sana ay ibang grupo nalang ang nabangga nila, mas mayaman pa sa mayaman ang may-ari ng aldeath group. Agad kaming nakarating sa malaking theater seating na parang sinehan dahil katulad sa nasa sinehan ay may stage at screen din at mga upuan. Nasa bandang itaas ang upuan namin. "D'yan lang kayo umupo, dahil mamaya ay makakapanuod kayo ng isang palabas! Hahaha!" nang-aasar na sabi ng tauhan ni Ex. Umupo ako, nagulat ako nang biglang bumukas 'yung ilaw... at mas lalo akong nagulat dahil si Tres ay nasa gitna. Nakatali siya sa isang upuan, nakatali ang kamay at paa niya. Mas lalo akong naaawa nang makita ko ang mukha niya... puro pasa, kitang-kita ko ang mga pasa niya sa gilid ng mata kahit may blindfold siya, mayroon din sa pisnge. F*ck! Pupuntahan ko na sana siya pero may sampung lalaki na tinutukan kami nang baril. "Isang maling galaw niyo lang, mamamatay kayo." seryosong sabi ng isa sa mga tauhan ni Ex. Nakatayo pa rin ako, akma akong susugod pero hinawakan ako sa braso ni Xerz. "Calm down, wala naman sigurong mangyayari..." "Paano ako kakalma Xerz?! Ano?! I just watch her na mamatay? Ganun ba?! Hindi nga kaya ng babaeng 'yan na sumipa nang malakas! Nakakasipa man siya pero tsamba lang! Sige! Sabihin mo sa akin!" "S-sorry, I understand... kasalanan namin 'to. Kung hindi namin sila binangga ay sana wala siya dyan. Kinausap ko na si Ex na ako nalang... pero ayaw niya talagang pumayag." "Bakit ba kasi ayaw niya?! Alam kasi ng t*ngang 'yun na mahina si Tres! Mamamatay siya! Hindi ko kayang panuorin siyang ganyan. Oo naiinis ako sa babaeng 'yan pero concern pa rin ako! Kaklase ko pa rin siya na pakialamera. Hindi ko makalimutan 'yung sinabi niya sa akin na isapuso ko 'yung pagkanta! Alam ko kung paano isapuso 'yun pero siya 'yung nagpaalala! Bukod pa dun ay siya ang..." "U-Uno, sorry talaga, pasensya na... sana ay makagawa tayo ng paraaan." "Paano?! Tingnan mo nga! Ang daming mga baril na nakatutok sa atin hindi lang 'yang mga lalaking nasa harapan natin!" "U-Uno... k-kasalanan ko 'to, sorry!" "F*ck!" Sinuntok ko nalang 'yung armrest sa sobrang pagkainis ko. Hindi ko kayang tingnan si Tres na nasa ganyang kalagayan habang nakaupo ako! Ako ay di-mapakali kaya agad akong tumayo. "Umupo ka lang!" sigaw ng lalaking may baril na nakatutok sa amin. "Required ba talaga na umupo?!" "Oo! Paano mo mae-enjoy ang panunuod?!" "F*ck you!" galit na sigaw ko sabay umupo nang masama ang loob. Biglang bumukas ang pinto sabay pumasok ang iba pang ranks. Agad silang inilapit sa amin ng mga tauhan ni Ex. Seryoso lamang ang mga ranks kasi alam nilang may kasalanan sila sa akin. "Hindi ko inasahan na aldeath ang binangga niyo, ngayon, ang kaibigan ko ang napahamak." "S-sorry, Uno," malumanay na sabi ni Yuria. "Pasensya ka na, Uno..." saad ni Xero. "Sorry!" nahihiyang sigaw ni Caral. "Pasensya na, Uno," sabi ni Xeri. "Sorry, rank two," saad ni Xern. "Kaya naman ni Tres 'yan! Bakit kasi nangialam pa siya!" sigaw ni Xert. Umigting ang mga panga ko sabay lahat nang galit mula sa dugo ko ay umakyat sa utak ko kaya agad kong hinawakan sa kwelyo si Xert sabay sinipa ko siya sa mukha kaya bigla siyang napaupo. "Sa oras na may mangyaring masama sa kanya, pasensyahan tayo, magbabayad kayong lahat," seryosong saad ko sabay umupo. Wala akong pakialam sa iisipin nila, ang alam ko lang ay responsibilidad ko ang babaeng 'yan. Oo galit na galit ako sa kanya dahil sa... pero hindi ko kayang tiisin si Tres. Namatay 'yung ilaw... then turn on again, hindi lang si Tres 'yung nakikita ko sa harapan ko pati na rin si Ex. Gustong-gusto ko siyang patayin, pero hindi ako masama katulad niya kaya bakit ko gagawin 'yun. May lumapit sa amin na sampung lalaki sabay may nilagay na rope sa harap ng upuan namin, may mga blade na nakadikit para siguro hindi kami tumayo kung may mangyayaring masama. Niyukom ko ang kamao ko at pinikit ang mga mata ko. "Everything will be okay..." bulong ni Xerz. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sa kanya, sa kanila. "Handa na ba kayong manuod nang isang magandang palabas, ranks? Hahaha!" nang-aasar na sigaw ni Ex. Sa sobrang sama nang tingin ko sa kanya ay nagmumukha na siyang demonyo. "Kinalaban niyo kasi ang business ng aldeath, hindi niyo ba alam na ang may-ari ng aldeath ay kayang bilhin ang mga buhay niyo? Hahaha! Ngayon, hindi ko man kayo masaktan, ang masasaktan naman ay ang kaibigan niyo. Patas lang tayo... palihim niyong sinira 'yung isa sa mga business namin kaya ngayon ay palihim ko ring sasaktan ang kaibigan ninyo, Hahaha!" dagdag niya pa. Naaawa ako sa sarili ko, kasi isa akong inutil na rank two na walang magawa. Paano kung mamatay si Tres? Hindi p'wede 'yun, hindi siya puwedeng mamatay! Nang tumingin ako sa kanila ay inalis ni Ex ang blindfold ni Tres, mas lalo akong naaawa kay Tres dahil bumungad sa akin ang mukha niyang puro pasa. "Hindi niya kakayanin 'yan," saad ni Maria mula sa likod ko. "Nagsisimula palang ang training niya sa atin, tapos napasabak agad siya sa ganitong situation. Na-guilty ako kasi binigla ko 'yung pag-split niya," sabi ni Yuria sa likod. "Hindi ko siya kayang panoorin!" sigaw ni Caral sa likod. "Wala ba tayong magagawa?!" galit na sigaw ni Xero. "Wala, kinausap ko na si Ex na ako nalang pero ayaw niya talaga," sagot ni Xerz. Gusto kong sigawan ang mga ranks ngayon, pero isa rin ako sa mga inutil dahil wala akong magawa. Nakayukom nga ang kamao ko, hindi naman makasuntok, wala ring kwenta. ** THIRD PERSON Sa 'di kalayuan na lugar, may isang sikreto. "S-sino ka?! Nasaan ako?!" sigaw ng unknown person. "Ako po ang bahala sa inyo," malumanay na sagot ng babaeng nakamaskara. "Ano bang nangyari sa 'kin?!" "Hindi ko po masasabi sa ngayon... pero ipangako niyo po na mananatili kayong buhay." "Gusto kong umalis dito!" "Hindi po p'wede..." "At bakit?! Hindi ganitong buhay ang gusto ko! Palayin mo 'ko!" "Hindi naman po kayo nakakulong, may plano po sa inyo ang boss ko." "S-sinong boss?! Parang awa mo na! Uhh! Bakit ang sakit ng ulo ko?!" sigaw ng unknown person. "Dahil po 'yan sa gamot na itinurok ko sa'yo," seryosong sagot ng babaeng nakamaskara sabay umupo. "Bakit parang... bakit parang wala akong maalala?!" "Side effects po ng gamot," "Ano bang plano niyo sa akin?! Gagawin niyo ba akong robot?! Ibebenta niyo ba ako sa matatanda?! Gagawin niyo ba akong tauhan?! Gagawin niyo ba akong gangster?!" "Advance ka po mag-isip... sa ngayon ang isipin niyo po ay ang mabuhay kayo dahil pagkalabas niyo po rito ay may malaking surpresa para sa inyo," bumuntonghininga ang unknown person. Umirap siya sa babaeng nakamaskara. Tumingin siya sa paligid, nasa isang maliit na kwarto lamang sila pero elegant room ito dahil may aircon at maayos ang room. Wala man lang bintana kaya gusto niyang makaalis dahil pakiramdam niya ay boring dito. "Huwag po kayong makaramdam nang boredom," dagdag ng babaeng nakamaskara. "Bakit? Sa tingin mo sa ganitong lugar hindi ako mabo-boring?" "Bakit naman po kayo mabo-boring? Sa katunayan po niyan ay kakagising niyo lang ngayon." Biglang napaisip ang unknown person, tama ang babaeng nakamaskara, kakagising niya lang kanina pero para bang agad niyang nakalimutan. "Ano bang nangyari?" seryosong tanong ng unknown person. "Aalagan kita," "Mukha ba akong sanggol?!" "Hindi po, pero isa kayong regalo..." "Regalo?! Ako? Ako ay isang regalo?! Kanino?!" "Kapag sinabi ko po kung kanino ay parang hindi na 'yun sikreto, 'diba po?" pamimilosopo ng babaeng nakamaskara. Sinuntok ng unknow person ang kanyang mukha sabay sumipa nang malakas. "Ayaw ko ng ganito! Nahihirapan talaga ako sa ganito!" "Huwag na po kayong mag maktol, baka po pumangit ang regalo..." "Gano'n lang ba 'yung tingin mo sa 'kin?! Isang regalo?! Hindi ako binebenta!" "Sinabi ko po ba na ibebenta ka? Hindi ka po ibebenta ng boss ko dahil mayaman siya. Mayroon lang po siyang plano sa'yo." "Ano ang plano niya?!" "Sabihin na po nating ireregalo niya kayo sa isang bituin." "Ano?!" "Secret! Hahaha!" "S*iraulo ka! Anong bituin?! Ang bituin nasa langit! Kung ganun... ireregalo niyo ang kaluluwa ko?!" "Grabe naman kayo mag-isip, hindi naman kami masama. Nakikipaglaro lang naman ako sa'yo." "Please, be serious," "Kumain ka po muna, then may ibibigay ako sayong mga materials." "Anong klase mga materials?!" Tumawa lamang ang babaeng nakamaskara sabay umalis. Natakot ang unknown person, sinuntok niya nang sinuntok ang ulo niya pero wala talaga siyang maalala. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya dahil sumasakit ang ulo niya sa tuwing mag-iisip siya. Nang bumalik ang nakamaskarang babae ay may mga bitbit siyang art materials. "I'm not a painter!" maktol ng unknown person. "Then paint," pamimilosopong ani ng babaeng nakamaskara. "Ano bang trip mo, huh?! Ang gulo mo kausap." Akmang lalapit ang unknown person sa babaeng nakamaskara pero agad na sumakit ang kanyang tyan. "Umupo ka lang, isipin mo kung anong ipipinta mo." "I'm not a painter nga 'diba?!" "Para hindi ka maboring ay 'yan nalang ang gawin mo, hindi mo ba alam na ang daming gustong mag-paint pero wala silang materials? Ikaw halos kumpleto na pero ayaw mo pa. Huwag kang maaarte, think how lucky you are." "Yes I'm luck kasi mayroon kang ino-offer sa akin na mga ganyan, pero sa tingin mo ba ay magiging masaya ako dahil araw-araw 'yan lang ang gagawin ko?! Na nakakulong ako sa isang kwarto?!" "And so? Then be happy, swerte ka pa kasi sagot namin ang pagkain mo." "No, magiging masaya lang ako kung palalayain niyo ako rito." "Magugustuhan mo rin ang art, makakapag-focus ka pa dahil tahimik dito." "May nagawa ba akong mali sa inyo dati? O sa past life natin kaya kinukulong niyo ako dito?!" "Wala, mayroon bang kinukulong na sinusuhulan pa nang art materials at pagkain? Partida naka-aircon ka pa." "Hindi pa rin sapat 'yun! Hindi ko nga maalala kung sino ako tapos ganito gagawin niyo sa akin ng boss mo?!" "Okay lang 'yan, magtanim ka lang nang sama ng loob, anihin mo soon hahaha!" "May nakakatawa ba dun?! Mas nakakatawa 'yang maskara mo," "Hindi 'no, nakamaskara ako kasi I'm a secret person." "With secret personality? Hahaha! Ang corny!" "Hindi nagiging corny ang isang pagkatao ng isang tao nang dahil lang sa kakaiba sila, mas magiging corny ang personality ng isang tao kung masama sila." "And do you think na hindi ka masama?" natatawang tanong ng unknown person. "Hindi, hindi ko mai-coconsider na masama ako dahil wala naman akong pinatay na tao at wala akong tinatapakang tao." "Ano ako? Hindi mo ba ako tinatapakan?" "Hindi, inaalagaan kita," seryosong sagot ng babaeng nakamaskara. "Fine, susubukan kong magpinta. Masaya ka na?" "Yes, go paint, baka makilala ka pa bilang artist at baka kumita ka pa." "Really?" masayang tanong ng unknown person. "Yes, mayaman ang boss ko, he own seven gallery and you know what? Those seven gallery have every paintings of someone." "Sino naman 'yun? Ganun siya kahalaga sa amo mo?" "Yes, may picture niya ako, here!" Agad na tiningnan ng unknown person 'yung picture. "Parang nakita ko na siya, before..." "I think so, uhm, kapag natuto ka na magpinta, can you please paint that person? Para naman may kabayaran ka sa pag-aalaga ng amo ko sa'yo." "S-sabagay... pero kaya ko kaya?" "You can do it, just believe in yourself. Ang mga artist ay hindi ipinanganak para maging perpekto, ipinanganak sila para ilabas ang kanilang talento kahit may pagkakamali dahil katanggap-tanggap sila. Kung may mali man, lahat naman nang bagay ay napag-aaralan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD