Episode 12.

3005 Words
THIRD PERSON Sa harap ng buwan ay nakatayo siya, sa harap ng buwan ay nagtatanong siya kung bakit nangyari sa kanya 'yun. In a front of dark place ay lumuhod siya sabay humagulhol. Saksi ako buwan sa lahat ng pag-iyak niya, kung nakakapagsalita lamang ang buwan ay sasabihin nitong tama na... huwag na siyang humagulhol gabi-gabi dahil nabibingi na 'to. Gabi-gabi ay saksi ang buwan kung paano siya umiyak at humagulhol. Ang buwan ang patunay na mayroong p'wedeng iyakan dahil hindi ito manghuhusga, nakatingin lamang ito habang hinahanap niya ang mga bituin na bigla siyang iniwan. Isa siya sa mga bituin, at nang siya ay umiyak ay saksi ang buwan na wala siyang ibang hiniling kung hindi ang mahalin... sila. ** "Nahanap mo na ba kung nasaan na ang mga ranks? They ruin our business!" sigaw ng isang matipunong lalaki na si Ex na leader ng mafia group na binangga ng mga ranks. "Sa katunayan boss ay oo," "Ano pang hinihintay mo?! Susugod tayo! O kahit ako lang!" "P-pero boss, ang akala natin ay hindi na nila ka-group si rank two... pero nasa bahay sila nito," "Ano?! Alam talaga ng mga ahas na 'yan kung saan sila magtatago. Hayaan mo, gagawa pa rin ako ng paraan. Si rank one ba ay nandoon din?" "Wala po akong alam eh, ang alam lang naman po natin ay hindi na nila ka-group si rank two. Sa tingin niyo po ba ay kaya natin silang talunin? Baka kahit baril natin ay wasakin lang nila gamit ang kanilang mga sipa." "Hindi natin kailangang matakot lalo na kay rank two, safe pa rin tayo dahil wala si rank one." "S-sige po, Boss Ex, sa palagay niyo po ba ay may mga equipment sila?" "Wala, hindi sila gano'n, ang gamit lamang nila sa pakikipaglaban ay ang kanilang malakas na suntok at sipa." "Hindi pa rin ako naniniwala na kaya nilang maiwasan ang bala. Pero kakayanin po natin sila!" "That's the spirit line one!" "Salamat po boss, Ex!" "Huwag mong kalimutan na sabihan sila line one, sila line two, and thirty na maghanda sila." "Yes boss! Uhm, to be fair po... huwag na kaya tayong gumamit ng mga equipment? Dahil baka isipin ng mga ranks na magaling lang tayo dahil may mga gamit." "Exactly, line one! Pero kailangan natin ng gamit, ayaw ko mang aminin pero hindi natin kakayanin ang mga 'yun ng walang kagamitan. They are full trained martial artists, lalo na ang kanilang rank one na sobra kong kinatatakutan." "Bakit naman boss Ex?" "Dahil sinipa na ako no'n, masasabi kong sobrang lakas niyang sumipa at siya ay walang awa kung bumali ng buto. Sa una pa lang, alam na niya na ako ang boss sa mafia group pero hindi man lang siya natakot kahit may baril ako. Pero noong nakalaban ko siya ay naka-ninja outfit siya." "Gano'n po ba? Pero hindi pa rin tayo magpapatalo boss!" "Oo! Teka, anong group ng mga gangsters ang nakalaban nila? Na sinumbong din nila sa mga police?" "Carzi group po, tutulungan ba natin sila? O makikipagtulungan tayo?" "Hindi tayo makikipagtulungan sa mababang uri ng mga fighters. Gangsters are considered as sh*t fighters, ang alam lang ng mga 'yan ay manggulo pero hindi ang totoong laban. Unlike mafias na fully armed." TRES Pagkagising ko ay agad akong tumingin sa bintana sabay tumingin sa langit, grabe ang sarap pagmasdan ng langit. Pagkatingin ko sa baba ay... teka?! Totoo ba 'tong nakikita ko? May mga naglalaban! Teka?! Ano'ng gagawin ko? Nakita ko lahat ng ranks kasama si Uno na nakikipaglaban sa mga lalaking may mga baril, grabe, hindi sila natatamaan? Immortal ata ang mga ranks. Dito lang ba ako? Wala naman kasi akong maitutulong sa kanila sa totoo lang. Pinanuod ko sila... grabe! Ang galing! Halos lahat nang sumusugod sa kanila ay natutumba. "Tres!" Pagkalingon ko ay si Tita Jenika na mukhang natatakot, "Tita?! Okay lang po ba kayo?" "Sabi ni Uno hindi raw safe rito! Tara sa underground!" "Saan naman po?!" Bigla akong hinila ni Tita Jenika sabay bigla niyang inangat 'yung kama ko. Nakita ko 'yung isang maliit na square na may nakapinta na isang magandang babae. "P-painting lang naman po 'yan ng isang babae, 'di ba?" Hindi sa akin sumagot si Tita, nagulat ako nang biglang bumukas 'yung painting... pagkasilip ko ay mayroong hagdan. "Mauna ka na, Tres!" Agad akong bumaba... grabe tumingin ako sa paligid, para pala 'tong URB. "Tita, okay ka lang po ba?" "Oo naman, mabuti nalang at nasabihan agad ako ni Uno." "T-tita... hindi po ba sila mamamatay dun?" "Tres, hindi sila mamamatay, okay?" Tumango ako kay Tita sabay humikbi, "Tita, ang yaman niyo naman po sobra... hindi ko akalain na may underground po pala rito." "Si Uno ang nag-isip na magpagawa ng underground if ever na may mangyari ay may matataguan." Ngumiti ako kay Tita sabay inikot ko ang lugar. Simple lamang, parang isang bahay pero 'yung bahay na pang mayaman talaga. Napansin ko rin na parang may kakaiba sa lugar na 'to. "Hija, gutom ka na ba?" "Opo Tita, pagkagising ko kasi ay agad kong nakita na may kalaban na sila." "Naiinis ako sa mga ranks, dinamay nila ang anak ko. Nananahimik na nga siya pero dumating pa sila... pero wala naman akong magagawa dahil may kakayahan ang anak ko sa pakikipaglaban." "Magdasal nalang po tayo, Tita..." Tumango sa akin si Tita Jenika, sabay kaming nagdasal. Nang matapos kaming magdasal ay agad akong nilutuan ni Tita Jenika ng pagkain. "Tita? Nasaan po ang asawa niyo? Si Tito po," "Bumalik na siya sa city eh, hindi naman niya mapilit si Uno na bumalik ulit do'n." "Bakit po? Sabi rin po ni Maria na marami kayong business tapos si Uno ay nandito lamang." "Mayroon kasi siyang hindi maiwan dito, Tres," "Talaga po?" "Kung tatanungin kita, may lugar ka ba na ayaw mo nang umalis?" "Meron po, Tita Jenika... kung may lugar po na ayaw ko nang umalis ay sa sementeryo po, kasi doon po nakalibing ang pinakamamahal kong Lolo." "'Diba, mayroon tayong gustong-gusto piliin, pero may mga taong hindi mapili 'yun kasi pinagpapatuloy ang buhay. Si Uno kasi ay iba, hindi siya gano'n, hinahayaan nalang namin siya dahil wala nang mas sasakit pa sa nangyari sa kanya." "Gano'n po ba... hindi ko na po tatanungin kung ano 'yun." Tumango lang si Tita Jenika, tahimik lamang kaming kumakain. Nang matapos kami ay agad akong nagligpit ng mga pinggan sabay naghugas. "Hija, what's your name again? Your full name," "Tita Jenika, ako po si Treseya Cream Salvador, hehe!" "R-really?" "Bakit po parang nagulat kayo?" "Based kasi sa mga kumare ko ay ang Salvador na surename ang nangunguna sa list ng mga mayayaman dito sa ating bansa." "Hahaha! Hindi po totoo 'yan Tita! Doctor po ang Daddy ko at si Mommy naman po ay anak nang may-ari ng isang kompanya pero hindi po siya sinusuportahan." "But it means, mayaman pa rin kayo..." "Nasa middle class lang po, hehe! Kayo nga po ang mayaman eh, aba'y may pa underground pa, hahaha!" "Hahaha! Ang funny mong bata ka, I hope na ikaw ang the one ng anak ko, I want to see him happy again." "Malabo po siguro 'yun. Uno said na mayroon na po siyang minamahal noon, I respect his words Tita. Kahit naman po masungit si Uno minsan ay mabait siya. And Tita, okay lang naman sa akin. Ang mahalaga po sa ngayon ay ang maging safe tayo at sila Uno." "Talaga? Sinabi niya 'yan sa'yo? Y-yes, sana nga Hija." "Yes po Tita, tsaka hindi naman po ako umaasa sa kanya, magkaibigan lang po kami." "Nagsisinungaling ka," "Hindi po..." "Nababasa ko sa mga mata mo, Tres. Do you have feelings for my son?" "Wala po, kung meron po ay ang pasasalamat ko sa kanya dahil inaalagaan niya po ako." "I see, hindi ka pa rin ba marunong ng mga basic techniques?" "H-hindi pa rin po tita... sorry po," "It's okay, ang mahalaga ay safe ka. Ano'ng pangalan ng mommy mo?" seryosong tanong ni Tita, "Alexius!" biglang sigaw niya dahil biglang dumating 'yung malaking aso nila. Lumapit kay Tita 'yung aso at sa akin... nagulat ako nang biglang tumango sa akin 'yung aso. Really? "Huwag ka nang magtaka kay Alexius, matalino siyang aso kaya ganyan siya. Akala niya siguro ay amo ka niya." "Haha! Ang cute naman po niya!" "Sa sobrang talino niya ay nakapasok siya dito sa underground, sana lang ay hindi siya nasundan..." Tumango ako kay Tita sabay niyakap ko ang braso niya. Tumingin ako sa aso nila, sobrang laki pero maamo. "T-tita, gusto ko pong lumabas," "Ano?! Pero sabi sa akin ni Uno ay dito lang tayo!" "Alexius, please, bantayan mo si Tita okay?" Tumango sa akin 'yung aso. Grabe ang talino. Hinimas ko ang braso ni Tita sabay bumitaw ako. "Are you sure?" nag-aalalang tanong niya. "T-tita... hindi ko po kayang mag-stay lang dito habang sila ay nahihirapan." "Pero sila kasi ay fully trained! Ano'ng tingin mo sa sarili mo? Malakas?!" "T-tita... please, maniwala kayo sa akin," "Fine, pero paano ka?! May mga baril sila! Baka dumagdag ka lang sa mga problema nila do'n!" "Pero Tita, I can help po!" "Huwag na, please?" "T-tita, sorry!" Agad akong tumakbo sa hagdan sabay agad na bumukas 'yung maliit na square na nasa kwarto ko. Nang makabalik ako sa kwarto ay agad akong sumilip sa bintana. Hindi ako makapaniwala... sobrang daming mga sasakyan, mga sampu. At sa mga sasaktan na 'yun ay ang daming mga nakaitim na lalaki na may mga baril. Hindi nila kakayanin 'yun! Nakita ko ang mga ranks na mga naka-bulletproof tapos may mga arnis stick sila. Kakayanin ba nila 'yun?! Bakit ba kasi ayaw nilang gumamit ng mga baril?! Kanina ay dalawang sasakyan lang ang nasa harapan ng bahay ni Uno ngayon ay sampu na... ito na ba ang katapusan namin? Isa-isa na sumugod ang mga kalaban nila kaya naman agad na natatalo ng mga ranks ang mga lalaking naka-black. Grabe ang galing ni Yuria... walang silbi 'yung baril nung lalaking sumugod sa kanya dahil sa sipa niya. Ang galing! Si Uno naman ay kamay lamang ang gamit kaya tumatalsik 'yung mga baril ng mga kalaban niya. Mabuti nalang talaga na patas makipaglaban ang mga lalaki na kalaban nila dahil hindi sila nagpapaputok nang sabay-sabay dahil kung sabay-sabay ay wala silang laban. Gusto kong lumabas pero paano? Wala akong magagamit para makipaglaban. Agad akong pumunta sa kusina, baka may kutsilyo dito o kawali para naman may panaksak at may shield ako sa mga pangit na 'yun. Nakakita ako nang bolo knife, 'yun bang mahaba na kutsilyo na kung tawagin ay itak, okay na 'to tsaka kawali. Agad akong tumakbo sa labas sabay sumigaw na para bang t*nga, hay naku! May sumugod sa akin na isang lalaki kaya hinampas ko siya ng kawali sabay sinipa ko siya sa kanyang b*yag. Hinampas ko ulit siya sa ulo ng tatlong beses kaya nakatulog siya. Nang lumingon ako sa harapan ko ay may isang lalaki na tinutukan ako ng baril... lagot. "Tres!" sigaw ng isang lalaki. Pagkalingon ko ay si Xerz na medyo malayo sa akin. "Subukan mong gumalaw babae, papatayin kita!" "Patayin mo! Gusto ko na ring mamatay eh, ano pang hinihintay mo b*tch?" Nagulat ako nang bigla niya akong sinipa sa tyan. Ang sakit! Tapos bigla niya akong sinapak kaya bigla akong napahiga. Sisipain niya pa ulit sana ako pero bigla siyang sinipa sa ulo ni Xerz. "Okay ka lang ba? Bakit ka pa lumabas?!" nag-aalalang tanong niya sabay tinulungan akong tumayo. "sa likod lang kita, okay?" Tumango ako sa kanya sabay tumakbo siya kaya agad akong sumunod. "Bakit may dala kang kawali?!" sigaw niya habang tumatakbo kami. "Magluluto ako! Este, lulutuin ko 'yung mga mukha nila sa sampal ng kawali!" "Ang kulit mo talaga!" sigaw niya sabay tumigil kami dahil may lalaki sa harap namin. Agad na bumwelo si Xerz sabay sinipa sa ulo 'yung lalaki kaya nabitawan ng lalaki 'yung baril niya. Humarap 'yung lalaki sa amin sabay agad na sinuntok sa mukha si Xerz. Hinampas ko ng kawali 'yong ulo ng lalaki sabay sumama ang tingin niya sa akin. Sinabunutan ako ng lalaki sabay kinaladkad. "Xerz!" sigaw ko dahil kinakaladkad na ako ng lalaki pero hindi ako matulungan ni Xerz dahil may tatlong lalaki na sumugod sa kanya. "Bitawan mo 'ko!" Hindi nagsalita 'yung lalaki. Patuloy lamang niya akong kinakaladkad, bigla kong naisip na hawak ko pala 'yung itak kaya agad akong tumaob para makita ko 'yung lalaki. Ang sakit sa d*de na makaladkad paharap! Bw*sit kang lalaki ka! No choice, agad kong pinutol 'yung mahaba kong buhok gamit ang itak. Agad akong napatalsik, sayang ang buhok ko! Agad na lumapit sa akin 'yung lalaki sabay sinipa ako sa tyan. "A-aray! T-tama na!" Sasabunutan niya pa sana ako pero agad kong hinawi 'yung itak kaya nagka-sugat siya sa braso. "Sh*t! D*mn you!" sigaw niya sabay sinampal niya ako sa kanan at kaliwa kong pisnge. Sinipa ko siya nang sinipa sabay pinukpok ko siya ng kawali. "Baliw ka! Bakit kawali?!" "T*nga ka! Keysa naman sayo na lumalaban sa babae! Sana ay naging lupa ka nalang o lumot!" Bigla niya akong sinampal sabay sinuntok ang tyan ko. Napaluhod ako kasi sobrang sakit! Kunwari ay nakatungo ako. sinabunutan ako ng lalaki sabay sinipa sa ulo. Hindi na ako natutuwa, galit na ako. "Ahh!" sigaw niya sabay napahiga. Binaon ko kasi sa hita niya 'yung itak. Sabi ko sa'yo, iba ako magalit. Pasalamat ka sa hita ko lang binaon. "Tres!" Pagkalingon ko ay si Xerz na tumatakbo papalapit sa akin. Napangiti ako dahil sa wakas ay safe siya. Tumingin ako sa paligid, sobrang dami pa ring mga lalaki, sobrang busy ng ibang mga ranks sa pakikiglaban. Hindi ba sila napapagod?! Nakita ko si Uno, seryoso siyang nakikipaglaban. Nagulat ako nang hawakan ako sa pisnge ni Xerz. "Tres! Bakit puro pasa 'yang mukha mo?! Okay ka lang ba?!" "O-okay lang ako, pinagsasampal kasi ako ng pangit na 'yun! Pero okay lang ako... ikaw ba?!" "Okay lang din ako! Pero ang dami pang dumarating!" "Ano bang klase ang mga kalaban niyo?! Bakit hindi sila nauubos?!" "Mga mafias kasi sila! Marami silang tauhan! Tres, kailangan mo nang umalis dito!" "Hindi ko kayo iiwan! Wala bang tutulong sa'tin?!" "Hindi ko alam! Wala namang ibang tutulong sa amin!" "Paano na tayo, Xerz?!" "Ikaw ba si rank three?" makapangyarihanng tanong ng isang gwapong lalaki pero mukhang masama. "E-ex?!" hindi makapaniwalang tanong ni Xerz. Ex? Ex niya? "Ex mo? Hindi mo sinabi sa akin Xerz na bisexual ka pala? Okay lang, tanggap kita!" "What are you saying, woman?!" sigaw ng lalaki. "E-ex ka niya 'di ba?" naguguluhang tanong ko. "No Tres, he is the boss of mafia group named Aldeath." Lumaki ang mga mata ko sa gulat... hindi ko akalain na makakakita ako ng boss na isang mafia. Agad na sumugod 'yung boss na si Ex kay Xerz. Agad silang naglaban, nagsuntukan, sipaan pero walang natatalo. Pero sa tingin ko ay mas malakas si Ex. Pinapanuod ko lang sila, para tuloy akong nanunuod nang action movies. Tumingin sa akin si Xerz na para bang pinapaalis na niya ako. Nagulat ako nang tumingin sa akin 'yung boss na si Ex. "Gusto ko na siya ang kalaban ko, kapag natalo niya ako ay ititigil ko ang laban," seryosong sabi niya sabay turo sa akin. "T*ngang t*nga ka na ba?! Ex! Huwag siya! Wala siyang alam! Tama na!" "Imposibleng wala siyang alam, bakit siya nakikipaglaban?" "Ako nalang, Ex. Please, huwag siya..." nagmamakaawang ani ni Xerz. Bakit kasi ako? Nakaramdam ako nang sobrang takot... hindi ko mapigilan na manginig. "Siya ang gusto kong makalaban!" sigaw ni Ex kay Xerz. Bigla akong napaatras. Hinawakan ni Xerz sa kwelyo si Ex sabay sinuntok ito. "Sabi ko na ako nalang!" Sinipa ni Ex sa ulo si Xerz kaya si Xerz ay agad na tumalsik. Grabe... sobrang lakas niya. Sinipa ulit ni Ex si Xerz sabay sinuntok nang sinuntok sa mukha. "T-tama na!" sigaw ko. Ngumisi lang naman sa akin si Ex. "Tumakbo ka na!!!" galit na galit na sigaw sa akin ni Xerz habang sinusuntok siya ni Ex. Sobra akong naaawa kay Xerz dahil puro sugat na ang mukha niya. Bigla akong napaatras nang makita ko si Xerz na nakapikit na... lumingon sa akin si Ex. "Handa ka na ba?" seryosong tanong niya sa akin sabay ngumisi. "H-hindi k-kita k-kaya," "Sorry ka dahil mamamatay ka ngayong araw." "Huwag mo akong patayin! Marami pa akong pangarap sa buhay! Pero kung mapilit ka, sige! Patayin mo na 'ko!" "Wala akong pakialam sa pangarap mo," seryosong ani niya sabay sinugod ako. Akma niya akong susuntukin pero agad akong nakaiwas. Agad akong tumakbo pero nadapa ako, nagulat ako nang makita ko sa harapan mo si Ex habang nakangisi. Agad niya akong sinipa sa tyan, sinipa sa mukha, sinipa sa paa sabay dinuraan. Sana ay sinaksak nalang niya ako para isang sakit nalang. "T-tama n-na p-please!" Hinawakan ako sa buhok ni Ex sabay sinakal ako. "Maganda ka, pero wala kang kwenta kasi mahina ka." "O-oo m-mahina a-ako! Pero tama bang labanan mo ako dahil lang sa mahina ako?! 'Diba hindi!" "Mahina ka, pero madaldal ka. Kaya gusto kong mamatay ka agad." "Patayin mo na 'ko! Ang dami mo pang sinasabi! Ano ka nasa pelikula?! Ang daming sinasabi!" Nagulat ako nang suntukin niya ako sa tyan sabay sinuntok sa mukha. Sobrang pangit na ata ng mukha ko! Kapag ako lumakas ay babawi ako sa mga 'to! Umirap ako kay Ex, nagulat ako nang bigla niya akong sampalin sabay sinipa ako sa tyan kaya agad akong tumalsik sabay napahiga. Babangon na sana ako pero agad niya akong hinila sa buhok sabay kinaladkad. "Tulong!" sigaw ko. Pero tila ba'y walang nakakarinig sa akin. Umiyak nalang ako nang umiyak dahil sobrang sakit nang paghawak sa buhok ko ni Ex at sobrang sakit pa sa likod ko dahil kinakaladkad niya ako. Lalo pa akong nagulat nang isakay niya ako sa kotse niya. "S-saan t-tayo p-pupunta?!" Hindi siya sumagot sabay sinampal niya ako. Ang sakit! Wala akong magawa kaya pumikit na lamang ako. Biglang sumagi sa isipan ko si Uno... U-Uno, nasaan ka ba? Uno... tulungan mo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD