Engagement party | What if?

4524 Words
TRES Pakiramdam ko ay tinatamad akong bumangon. Bigla namang bumukas ang pinto... "Anak, your Daddy is preparing for the engagement party..." "What?!" napatayo ako sa gulat. "Anak... wala rin akong magagawa," "Lagi naman Mama, kailan ka ba may nagawa para sa akin? 'Di ba dati ay palagi mong inuuna si Ate Dos kahit hindi mo siya anak?!" "I'm sorry Tres!" umiyak nang umiyak si Mama. Umupo lang ako sa kama sabay tumulala. "Mama tell me, kaya ba ako gustong maipakasal ni Daddy sa anak ng kumpare niya for business ay dahil sa ginagantihan niya ako dahil ako ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya?" "Anak... aaminin ko na may bad side ang Daddy mo, pero anak alam kong mahal ka niya," "Kung mahal niya ako bakit niya ako ipapakasal sa lalaking hindi ko mahal?! At sa lalaking hindi ko kilala?!" "Anak, sabi kasi sa akin ng Dad mo ay kailangan niyang makipag-partner sa kumpare niya para suportahan ang hospital sa ibang bansa kung saan siya nagtatrabaho..." "Naniwala ka naman Mama?! Ginagawa niya 'to dahil nawala ang kaisa-isa niyang anak na mahal na mahal niya at mahal na mahal mo!!! Kung alam ko lang na mamamatay si Ate ay dapat ako nalang ang naunang magpakamatay!" "Anak! Huwag mong sabihin 'yan please?! Anak... mahal na mahal kita, alam kong may pagkukulang ako sa'yo noong bata ka. Pero anak kasi inalagaan ko rin ang kakambal mo... pero inilayo siya ni Zuryon kapalit ng pagpapatira niya sa'yo 'di ba?" "Mama, gaano mo ba kakilala si Daddy?" "He has a lot of insecurities anak dahil sa ginawa ko siyang kabit. I had my husband before, habang nagsasama kami ay hindi ko sinabi kaya galit na galit siya. Hindi ko rin masisisi ang Daddy mo..." "Pero kawawa naman si Uno!!!" "Oo anak alam ko... pero nangako naman ang Daddy mo sa akin na nasa mabuting kalagayan si Uno. Kaya huwag na huwag ko raw guguluhin si Uno. Anak... grabe rin ang galit ng Dad mo sa kanya..." "I see... pero Mama! Ayaw ko pong magpakasal!" "Anak... tara na sa baba, ipinapatawag ka kasi sa akin ng Daddy mo." "M-mama!!!" "Anak please," "Nasaan po pala ang totoo kong Papa? Is he still alive?" "Patay na siya anak," "I see, alam niyo po ba kung saan ang puntod niya?" "Hindi anak, all this time ay nakatutok lang ako sa Daddy mo..." "I see," "Handa ka na bang bumaba? Magbihis ka na muna at maligo..." malumanay na ani ni Mama sabay niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ko siya sa pisnge sabay nagpaalam na maliligo na ako at magbibihis. Sinabi ko rin na susunod na lang ako. Hindi ko na sinabi kay Mama 'yung about sa hospital at resort ni Dad. Baka kasi mag-away pa sila... at baka ako rin ang sisihin ni Dad dahil sinabi ko. Bakit ngayon ko lang napansin na napakamisteryoso ni Dad? Kahit na ayaw ko sa engagement party ay naaawa ako kay Dad. All my life kasi ay siya ang nagparamdam sa akin na dapat akong mahalin. Hindi ko akalain na hindi ko siya tunay na Daddy kasi sobrang maalaga siya sa akin keysa kay Ate Dos. Agad akong naligo at nagbihis. Nagulat ako dahil may white simple gown sa kama ko. Agad ko namang sinuot, nang tumingin ako sa salamin ay ang ganda ko... pero hindi ako masaya. Sino kaya ang magiging fiance ko? Sana naman ay mabait. Iba talaga kapag mayaman para sa negosyo ay ipapakasal ako kahit na I'm still studying and young. Nang tumingin ako sa table ay may isang sulat. Agad kong binasa... 'Sa susunod ay huwag kang mamamasok ng kwarto, hindi ako ang unan mo.' Nang tumingin ako sa likod ng papel ay may nakasulat pa na... 'Sa bintana na kita idinaan dahil bukas naman ito.' "Ano?!" sigaw ko. Bigla kong naalala na uminom nga pala kami ni Miss Maritues kagabi. Pagkatapos kong sumuka kagabi ay wala na akong ibang maalala, bakit ganun?! Sino naman ang nagsulat ng letter?! Hay naku, bakit ba ugali ko nang pumasok sa isang kwarto sa tuwing nalalasing ako?! Nakakahiya ka self. Nang matapos akong magbihis ay agad akong bumaba. Bigla kong naisip si Uno, itapon na ang nararamdaman. "Ang ganda mo anak sa dress mo, inaayos na ng kakilala ko ang venue, handa ka na ba for the engagement party?" masayang tanong ni Daddy Zuryon. "Hindi po ako handa," "Maging handa ka na, always wear your gummy smile in front of many people okay? Tandaan mo, ang kumpare ko ay owned a lot of properties so that may maganda ka ng future." "Daddy sabihin mo nga sa akin, ginagantihan mo ba ako dahil namatay si Ate Dos dahil sa akin? Dad, hindi ko po 'yun sinasadya. I'm sorry, pero sana naman Dad ay huwag niyo akong tanggalan ng karapatan." "Ano bang sinasabi mo anak? Pinapatawad na kita. Ang gusto ko lang ay maging maayos ang buhay mo! At syempre para lumakas ang hospital sa ibang bansa!" pagpipigil na sigaw niya. Tumango lang ako sabay ngumisi. Nang tumingin ako kay Mama ay nakabihis na din siya. Ngumiti lang sa akin si Mama na para bang sinasabi niya sa akin na kaya ko 'to. "I already contacted Uno Co, your twin brother to attend. It's for both of you to realized na hindi kayo nararapat sa isat-isa dahil magkakambal kayo. Gusto kong masaksihan ni Uno ang engagement party, kaya naman sana ay tinanggap niya ang aking invitation." "D-Daddy..." "Bakit parang nanghihina ka Treseya Cream Salvador?!" galit na sigaw niya. Yumuko lang naman ako. "Daddy, ang sakit po para sa akin na makita ko si Uno sa engagement party..." "Pigilan mo ang sakit na nararamdaman mo. Bulag ka lang sa pagmamahal Treseya, kaya mo siya mahal ay dahil kakambal mo siya!" "I see..." Umalis si Dad sa harapan ko. Agad akong niyakap nang mahigpit ni Mama. Grabe maghiganti si Daddy, sagad sa buto. Biglang sumigaw si Daddy na aalis na raw kami. Hinawakan ako nang mahigpit ni Mama sa kamay sabay naglakad kami. Sana ay maging maayos ang lahat, pakiramdam ko kasi ay hindi ko kakayanin. Nang makarating kami sa isang malaking building ay nagtaka si Mama dahil nag-bow sa amin ang lahat habang naglalakad kami sa red carpet. Mama is so simple kasi, sanay siya sa simpleng pamumuhay simula noong nakaaway niya ang mga magulang niya. Sino ba naman ang magbo-bow sa amin, nasa middle class lang naman kami... pero hindi pala. Ang daming sikreto ni Daddy. In-offer ni Daddy ang kanyang braso sa akin, kumapit ako sa kanya... kaming dalawa ni Mama. Habang naglalakad kami ay para kaming mga celebrities dahil ang daming mga camera. I can't imagine na mangyayari sa akin 'to. Pinagbuksan kami ng isang lalaking naka-tuxedo ng pinto. Pagkabukas ay bumungad sa amin ang isang elegant family style na catering. Green ang theme, my favorite color... "Anak, umupo ka na muna sa harapan, mamaya ay darating na ang kumpare ko kasama ang pamilya niya." seryosong ani ni Dad. Tumango lang naman ako kay Dad. Nang makarating ako sa unahan ay umupo ako, grabe ang elegant talaga. May lumapit na waiter sa akin na inalok ako ng tubig, agad kong tinanggap dahil baka mahimatay ako kapag nakita ko kung sino ang pakakasalan ko. Nagulat ako ng may isang lalaki na nag-perform with violin... grabe ang sarap pakinggan dahil ang galing niya. Unti-unting bumukas ang isang malaking pinto. Nang tumingin ako kay Mama at Daddy ay seryoso lang silang nakatingin sa isang malaking pinto habang dahan-dahan na bumubukas. Agad na may naglakad na isang matandang lalaki... nagulat ako nang may humawak sa kanyang braso na isang magandang babae. Sa likod niya ay may isang babae rin at lalaki. Hindi ko sila masyadong matanaw dahil medyo malayo pa sila. Pero tanaw ko kung gaano sila ka-elegant. Biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello? Reina?" "Kyah!!! Proud na proud talaga ako sa'yo dahil inalis mo na ang maskara mo! Grabe ka girl trending ka! Hahaha!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Reina. Siguro ay hindi niya pa alam ang nangyari sa akin. "Reina..." "Yes?!" "Ikakasal na ako..." "Ano?! Hahaha! Lasing ka ba?" Tumawa lang naman ako sabay binaba ko na ang phone. Ayaw ko muna na magdrama kay Reina, may problema rin si Reina kaya nirerespeto ko siya. Alam ko naman na makikinig siya pero tsaka na, kakausapin ko naman siya. "Kadin!" Nang lumingon ako ay sumigaw si Daddy habang papalapit sa isang matanda pero gwapong lalaki. Kadin? Who is he? Nagulat ako nang makita ko si Tita Jenika, si Maria... at si Truz?! Mas nagulat ako dahil dahan-dahan na may naglakad papalapit... siya ay si Uno. Teka... ang ibig sabihin ba nito ay Co ang pakakasalan ko?! Sino? Si Truz? "Tres, come here!" masayang tawag sa akin ni Daddy. Agad akong lumapit, nakayuko lang ako kasi hindi ako makapaniwala. "Hi Tres!" masayang bati sa akin ni Maria. "I can't believe na magiging sister in law kita! And I can't believe na kakambal ka pala ni Uno?! Wow!" masayang dagdag niya. Ngumiti lang ako sa kanya sabay yumuko. "Tres! Nagkita ulit tayo, na-miss kita Hija!" masayang ani ni Tita sabay niyakap ako ng mahigpit. "Na-miss ko rin po kayo..." "Anak magkakilala kayo ni Jenika?" masayang tanong ni Dad. "Yes po dahil sa kanila ako tumira noong nawala ako..." "I see, naging mabait naman ba ang anak ko Jenika?" "Oo naman Zuryon, hehe!" "Hi Hija! I'm your Tito Kadin, welcome to my family! I will be your Daddy, hehe!" "Hello po I'm Treseya Cream po..." nahihiyang pagpapakilala ko. Agad akong niyakap ni Tito Kadin. "Can we talk Zuryon?" seryosong tanong ni Tito kay Daddy. Nakita ko na nag-uusap si Mama at si Tita Jenika, si Maria ay nakasunod lang sa kanila kaya naman si Truz nalang ang nasa harapan ko. Pero may isang tao pa ang nasa likod niya... siya ay si Uno. "Tres, kumusta?" masayang tanong ni Truz. "Okay lang ako..." "Grabe ang pangyayari 'no? Alam ko na nasa isip mo ay parang kayo ang itinadhana ni Uno dahil sa nagsama kayo ng ilang buwan sa probinsya, tapos biglang malalaman natin na kakambal mo pala siya..." "Truz..." In-open niya ang dalawang kamay niya na sign na yakapin ko siya. Agad ko siyang niyakap sabay umiyak ako, hinimas niya lang ang ulo ko. "Tahan na Tres... pero payag ka ba na magpakasal sa akin?" "Truz... alam mo naman ang sagot 'di ba? Pero wala tayong magagawa dahil ang mga magulang na natin ang nag-decide." "Kaya nga, pero huwag kang mag-alala Tres, sa papel lang tayo kasal. Okay?" Dahil sa sobrang sarap pakinggan ng malumanay na boses ni Truz ay mas niyakap ko siya nang mas mahigpit. Grabe, he is very caring talaga sa akin. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya. "Go ahead, kausapin mo si Uno... hihintayin kita, okay?" Tumango lang ako sa kanya, hinimas niya ang ulo ko sabay pinisil ang pisnge ko. Agad na naglakad si Truz papalayo sa akin. Agad kong nakita si Uno... blangko lamang ang mukha niya, walang emosyon kahit isa. Lalapit na sana ako pero agad akong hinarang ni Maria. "Kyah! Tres?! Ikaw pala si mask girl?! Bakit hindi mo sinabi agad?! P'wede ba akong magpa-picture?!" "Hahaha! Maria naman, para namang iba ako sa'yo, hehe!" Tinapik niya ako sa pwet sabay kinuha ang phone niya sabay nag-selfie kami. Tumalon nang tumalon si Maria sabay nakita kong she post it to her account. "Salamat Tres! Sige na susunod muna ako kay Truz, see you later!" Nagyakapan kaming dalawa. Nang umalis si Maria ay agad akong lumapit kay Uno. "Ang bilis ng panahon, engagement party niyo pala ito ni Truz... nice congrats," saad ni Uno habang nakapamulsa. By the way, he is wearing shades. "Kaya nga Uno, uhm... since magkakambal naman tayo p'wede bang maging malapit tayo sa isat-isa?" "P'wede bang huwag muna? Pero p'wede naman kahit ngayon lang. Tama na siguro 'yung magkakambal nalang tayo. I just attend here dahil pamilya ko pa rin ang Co." "I see, uhm ano palang plano mo?" "Sa buhay ko? I think habambuhay ako sa business ko, I will paint and paint." "Wala ka bang balak mag-asawa?" "Paano ako magkakaasawa? Kung 'yung babaeng mamahalin ko sana ay kakambal ko pala? Sabihin mo sa akin Tres, makakapag-asawa pa ba ako?" Yumuko ako dahil naramdaman ko ang bawat linya na sinabi niya. "U-Uno... huwag mong sabihin na minahal mo rin ako?" "Noong nakita kita sa Music room na nangialam ka sa akin, doon palang ay may nararamdaman na ako sa'yo." Nanginig ako sa sinabi niya sabay namugto ang mga mata ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kaya naman agad ko siyang niyakap. "Uno!" malumanay na sigaw ko habang yakap ko siya. Niyakap niya rin ako pabalik sabay umiyak ako nang umiyak. Hinarap niya ako sa mukha niya. "In our next life, sana ay hindi na tayo paglaruan ng tadhana. Sana ay hindi rin tayo related as family... kasi masakit, sobrang sakit. Sana sa next life natin ay maayos na ang ating love story... sa ngayon kasi ay kakambal kita at kakambal mo ako." hinimas niya ang pisnge ko. "Masakit man pero handa akong maghintay hanggang mangyari ang next life natin." Wala akong nasabi, tumulo lang nang tumulo ang luha ko sabay niyakap ko siya nang mahigpit. Hinimas niya ang tainga ko sabay hinarap niya ako sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya. "Tahan na my little sister, I'm always here... mahal kita," Mas hindi ko napigilan ang mga luha ko na kumawala kaya naman niyakap niya ako nang mas mahigpit. Hinalikan niya ako sa pisnge sabay hinimas niya ang aking likod. Agad akong tumalikod sa kanya sabay pinunasan ko ang luha ko. Agad akong naglakad kung saan ako nakaupo kanina. Nang makarating ako ay inalalayan ako ni Truz na makaupo. Magkatabi na kami ni Truz, si Truz ay hinawakan lang ang kamay ko sabay hinimas. "Today is the day that my son Truz will be engaged to Treseya! Cheers!" sigaw ni Tito. Masaya silang nag-cheers, kami naman ni Truz ay nag-cheers din. Nang tumingin ako kay Uno ay nakaupo lang siya sa isang table. "I will let my daughter to be wife of Truz Co! Cheers!" masayang sigaw ni Daddy. Masaya sila, samantalang ako ay hindi. Agad na lumapit si Tita Jenika kay Truz sabay may binigay siya kay Truz na isang maliit na box. Nagpalakpakan sila nang mahawakan na ni Truz ang isang maliit na box. Tumitig sa akin si Truz sabay ngumiti. Nang buksan niya ang isang box ay naglalaman ito ng isang gold ring. "Tres, can you be my wife?" masayang tanong ni Truz. Hindi ako nakapagsalita. I think napilitan lang din si Truz dahil sa business, Truz is a business man kasi. I think naman ay magiging mabuting asawa sa akin si Truz dahil si Truz ay mabait. Tumingin ako kay Uno, nakatingin lang siya sa akin... nagulat ako nang ngumiti siya. Isang ngiti na hindi ko inaasahan, isang ngiti kasi na hindi totoo. "Yes Truz..." malumanay na sagot ko. Nagsigawan ang lahat, tumingin ako sa kanila sabay ngumiti nang sapilitan. Agad na sinuot ni Truz ang singsing sa akin, napangiti ako kasi dahan-dahan niyang hinimas ang daliri ko. "Tres, magiging mabuti ako sa'yo..." bulong niya sa akin sabay niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik sabay tinapik ko siya sa likod. Agad kaming nag-celebrate ng pamilya Co. Nang tumingin ako kay Daddy Zuryon ay masaya siya, napangiti ako dahil nakabawi na ako sa kanya. Inaamin ko na hindi siya naging masama sa akin kaya siguro panahon na para magbayad ako sa kanya. Niyakap ako ni Tita, ni Tito, at ni Maria. Nagkwentuhan lang kami sabay kumain. Si Uno ay tahimik lang kaya hinayaan ko nalang siya. "Mom and Dad, may meeting po ako can I go now?" biglang sabi ni Truz. "Iiwan mo ba rito ang fiancee mo? Isama mo siya," ani ni Tito Kadin. "Oo nga! Go Truz," dagdag ni Maria. "Sasama ka ba sa akin?" tanong ni Truz. "Bakit mo pa siya tinatanong Hijo? Magiging asawa mo na siya so isama mo siya kung saan ka pupunta," pangaral ni Daddy. "Opo Tito Zuryon," tumango siya kay Dad. "Let's go Cream?" nakangiting tanong niya. He offer his hand, agad kong hinawkan ang kamay niya. Nang tumingin ako kay Uno ay nakatingin siya sa amin. "Uno, do you want to come with us?" malumanay na tanong ni Truz. "For what? Dito muna si Uno," maktol ni Maria. "Aalis na ako." seryosong ani niya sabay naglakad papalayo. "My son is very serious talaga, but he's kind..." malumanay na paliwanag ni Tito Kadin. "Kumusta naman ang anak ko? Okay lang ba siya sa piling niyo?" tanong ni Mama. "Oo naman, he is very kind, hehe!" masayang dagdag ni Tita. Agad akong hinila ni Truz. Nang makarating kami sa labas ay magkatabi lang ako kotse niya at ni Uno. "Saan mo gustong sumakay?" malumanay na tanong ni Truz. "What do you mean, Truz?" "I respect you Cream, kung gusto mong sumakay kay Uno ay okay lang. Magpahatid ka nalang sa kanya sa opisina ko." "Talaga? P'wede?" Tumango si Truz sa akin sabay ngumiti. Grabe, he is so kind. Agad akong lumapit sa kotse ni Uno, agad namang bumukas ang pinto. Agad akong sumakay sabay ngumiti ako kay Uno. "Hindi kita kayang iwasan Tres, you still my twin." "Yes, kakambal mo pa rin ako so p'wede bang mag-usap tayo kahit minsan lang?" "P'wede naman, if you need me go lang." "Uhm, salamat huh... Uno, ihatid mo raw ako sa opisina ni Truz." "I see," Tumango lang ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang inayos ang seat belt ko kaya naman napaiwas ako nang tingin sa kanya. Habang nagmamaneho siya ay seryoso lang siya, malamang! Wala naman sigurong nagtatawa na tao habang nagmamaneho. "Do you want to explore to my gallery? Bago sana kita ihatid sa office ni Truz, may meeting pa naman siya." tanong niya. "P'wede ba Uno? I mean okay lang ba sa'yo?" "Yes, ikaw okay lang ba sa'yo?" "Oo naman, hehe!" Tumingin lang ako sa bintana. Agad kaming nakarating sa isang malaking building kung saan ako pumunta dati. Nang makapasok kami ay itinuro niya sa akin ang mga painting niya. Tumango lang ako nang tumango dahil ang ganda ng mga gawa niya. Aakyat na sana ako papunta sa second floor pero pinagbawalan niya ako kaya naman sa first floor lang kami. Pinakain ako ni Uno, grabe ang daming pagkain. Nagkuwento lang siya sa akin about sa tagumpay niya sa gallery niya. I'm so proud of him. "Hi Uno! Sino siya? Hehe!" tanong ng isang magandang babae. "She is my long lost twin, Treseya." "Really? Kaya pala magkamukha kayo. Wow! Hi Tres!" Ngumiti ako sa kanya sabay tumango. "Tres she is Fani one of my painter." "I see, hello Fani! Hehe!" Niyakap lang ako ni Fani sabay nagpaalam na magpi-paint pa raw siya. "Uno... can I hug you?" "F-for what? "Uhm, as your twin sister hehe!" Hindi siya nagsalita, tumango lang siya kaya naman agad ko siyang niyakap. Miss na miss ko na siya, bakit ba kasi hindi nalang kami? Hay naku. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Uno. "Hello?" sagot ni Uno. Hinayaan ko siyang makipag-usap, mukhang masaya siya at comfortable sa kausap niya. "Make sure na alagaan mo siya, okay?" huling sabi ni Uno sa kausap niya then pinatay niya ang tawag. Nang tumingin si Uno sa akin ay ngumiti lang siya. "Uno, let's go?" "Sige, ihahatid na kita sa office ng fiance mo..." "Salamat," "Welcome..." Inalalayan akong tumayo ni Uno. Nang makarating kami sa labas ay sumakay kami sa kotse niya. Nakatingin lang ako sa bintana, masaya ako ngayon kasi nakasama ko si Uno Co na lalaking pinapangarap ko pero bawal, haha! Masaya na ako dahil kakambal ko siya, I already accepted it. Nang makarating kami sa isang malaking building ay agad kaming naglakad ni Uno. Naglakad siya papasok sa opisina kaya naman sumunod lang ako. "Magandang hapon Sir Uno!" bati ng mga staff. Grabe, sa kanila rin siguro ang building na 'to. Habang naglalakad kami ay tumigil si Uno sa isang pinto. "Ito ang opisina ni Truz, go pumasok ka na... hintayin mo nalang siya dahil busy siya sa meeting." "I see, salamat Uno..." "Welcome, good bye," seryosong ani niya sabay tumalikod. Pinanuod ko ang kanyang paglayo... naalala ko 'yung sinabi niya na handa siyang hintayin ang aming next life dahil baka sakali ay hindi na kami magkakambal o magkamag-anak. Nang makapasok ako sa office ni Truz ay grabe... sobrang ganda! Ang linis niya sa office. Nang tumingin ako sa mga picture niya ay ang cute niya tingnan. Umupo lang ako sabay sumandal sa upuan. Hindi ko akalain na hindi ako magiging malaya sa pagpili ng taong aking mamahalin. Kahit na kakambal ko si Uno ay nagtataka ako dahil hindi pa rin mawala ang kakaibang nararamdaman ko sa kanya. I'm still into him. Nagulat ako nang bumukas ang pinto. "Cream? Nandito ka na pala, I'm sorry if I'm late!" nag-aalang ani ni Truz sabay hinalikan ako sa pisnge. "Okay lang, alam ko kasi na busy ka, hehe!" "I see, tara sa labas!" masayang aya niya. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin. Nang makalabas kami sa office niya ay ang daming mga empleyado ang nakatingin. "Everyone, she is my fiance! Cream! Welcome here and treat her as your boss," Nagpalakpakan naman ang karamihan. "Congrats po!" "Congratulations Sir!" Ilan lang 'yan sa mga pagbati ng mga tauhan niya. Napangiti ako kasi ang cute, hehe! Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Truz sa harap nila. Napatitig ako kay Truz, napangiti ako dahil ang nakikita ko sa mukha niya ay si Uno... pero mali 'to! Mali ang nasa isip ko. "Cream, do you want to go out? Since tapos na ang meeting ko," "Sure, saan mo ba gusto? Hehe!" "Ikaw Cream, saan mo ba gusto?" "Hindi ko alam, hehe!" "Do you want to go to the wedding dresses para makapili ka ng gown mo? Para na rin makita mo ang gown mo," "Truz, sure ka na ba sa akin?" "Yes Cream, remember I'm a business man, your dad has a lot of influence that my company really needs. But don't worry about how I treat you Tres, I still treat you nice." "I mean... handa ka bang itali ang puso at pagkatao mo sa akin? "Sa'yo ko dapat itanong 'yan Cream, kasi ikaw ang mas nirerespeto ko. Handa ka na ba talaga?" "Bakit hindi? Mabait naman ang mapapangasawa ko..." "Matututunan mo ba akong mahalin, Cream?" "Oo naman Truz... ikaw ba?" "I will still learn to love you, but I will treat you as my sister." "Truz... salamat huh!" Agad akong niyakap ni Truz sabay hinimas ang buhok ko. Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas kami ng building. Habang tumatakbo ang sasakyan ay nakatingin lang ako sa bintana. Agad kaming nakarating sa isang magandang building. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami. "Welcome Sir Co! Siya na po ba ang iyong fiancee?" "Yes, let her choose her gown," Tumango lang naman ang magandang babae. Inalalayan ako ng babae sabay ipinakita sa akin ang mga gown. Siguro kung ikukwento ko kay Reina ang mga nangyayari sa akin ngayon ay mahihimatay siya, haha! "I like this one!" "You have a good choice Mam! Ito na po ba?" Tumango lang ako sa kanya. Agad akong lumabas, nakita ko si Truz na seryosong nagce-cellphone. Tumago ako sa isang gilid, tumitig ako kay Truz... he is so handsome, kind and caring sino ba naman ako para hindi siya mahalin? I'm so lucky to have him na. "Cream, what are you doing there? Come here," malumanay na ani niya. May inabot na broshure ang babae sabay tiningnan ni Truz ang tuxedo para sa kanya. Tumingin lang ako and I decided kung ano ang susuotin niya. "Cream, gutom ka na ba? Let's eat," Tumango lang ako, he offer his hand kaya naman hinawakan ko ang kamay niya. Nang makarating kami sa isang restaurant ay inasikaso niya ako. Sinubuan niya pa nga ako, nag-joke rin siya kaya tawa ako nang tawa. "Do you want to see my house?" Tumango lang ako sa kanya. Nang makasakay kami sa kotse niya ay tumingin lang ako sa bintana. UNO "Sir, halos one hundred canvas na po ang napipintahan niyo... ayaw ko sanang mangialam pero Sir halos dark po lahat at wala pong buhay lahat." biglang sabi ng staff ko. Hindi ko siya pinansin, masama bang magpinta nang magpinta hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko? Ang balak ko lang noon ay ang maghiganti, bakit parang ang sakit? Bakit parang ngayon ko lang nare-realize na mahal ko talaga si Tres?! Nung tinawag na Cream ni Truz si Tres ay parang nanginig ang dugo ko sa galit. Pero wala akong magagawa, she is my twin sister. Um-order ako ng isang apat na case ng alak. Nang dumating ay uminom lang ako nang uminom. "Thirstein, bumalik ka na please? Alam kong malabo pero sana ay yakapin mo ako kahit ngayon lang..." Biglang pumasok sa opisina ko si Fani, nakangiti lang siya sabay niyakap ako. Inilagay niya ang kamay niya sa leeg ko. Nagulat ako nang halikan niya ako sa pisnge, ilalapit niya pa sana ang labi niya sa labi ko pero agad akong umiwas. "What's your problem? Ang daming alak," "Gusto ko lang mag-inom Fani... masama ba?" "Hindi naman, I'm just worried... teka, ikaw ba ang nag-paint ng mga 'to? Grabe, I can't believe." "Wala naman akong pakialam sa opinion mo, my painting is still beautiful even thougn it's dark." "I see, uhm Uno... do you have a girlfriend? Bakit kasi hindi nalang tayo?" "Find another guy, I'm busy loving myself." Yumuko lang naman si Fani. Tinungga ko ang alak sabay nagpinta nang nagpinta. TRES Ginising ako ni Truz, nang tumingin ako sa harapan ko ay may isang malaking bahay. Agad kaming pumasok, grabe... ang laki! "Ang bahay na 'to ay magiging sa 'yo na rin..." "Ang ganda Truz, salamat..." Tumango lang si Truz sabay inalalayan akong maglakad. Nang makapasok kami ay gawa sa ginto ang bahay, parang bahay lang ni... Uno. Napangiti ako nang maalala ko siya. "Nakangiti ka, do you remember something? Or someone?" "Wala naman, hehe!" "Cream, hindi kita pipilitin na mahalin ako. As your fiance, aalagaan lang kita... 'yun lang." "Talaga? But how about kapag kasal na talaga tayo? 'Di ba we need to have our baby?" "Yes, because he's the one who manage my business someday... pero kung ayaw mo na magkaanak tayo ay we can adopt one baby naman." "Truz... I think hindi naman tama 'yun lalo na kung kaya naman nating gumawa..." "Yes, pero Cream hindi p'wede na mag-s*x tayo na hindi mahal ang isat-isa. I think we can adopt naman, to save one baby and to take care of baby." "Sabagay, malapit din kasi ang puso ko sa mga baby o bata, hehe!" "Nice, uhm Cream... what if someday naging mapaglaro ang tadhana? Paano pala kung hindi talaga kayo magkakambal ni Uno? Babalikan mo ba siya? For me it's okay naman..." Hindi ako agad nakasagot, yumuko ako dahil parang imposible naman ang pangyayari na ganun. Ang tadhana ay mapaglaro, pero hindi naman ibig sabihin ay paglalaruan niya ulit kami ni Uno na hindi pala kami magkakambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD