Italy x pain

1902 Words
TRES Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko sa labas si Uno. Si Truz ay ilang araw nang hindi umuuwi dahil nasa business trip siya sa ibang bansa kasama si Tito pero kahit ganun ay hindi nawawalan ng update si Truz sa akin. Nakakatuwa dahil kahit sobrang busy niya at sobrang lungkot dahil sa pagkawala ni Maria ay nakakapag-text pa rin siya sa akin simula umaga hanggang gabi. Agad akong bumaba, pagkababa ko ay pinapasok ko agad si Uno. May dala siyang mga maleta. "Uno wait lang huh, I will also get my maleta hehe!" Tumango lang naman siya sabay ngumiti. Pagkababa ko ay agad akong tinulungan ni Uno. Naglakad kami sabay agad na sumakay sa kotse niya. "Uno... alam kong masakit ang nangyari sa pamilya niyo, alam ko rin na sila ang mas itinuturing mong pamilya. Uno... nandito lang ako huh!" "Salamat Tres, sa ngayon ang iisipin muna natin ay ang mission na mahanap ang step sister ni Ex." "Step sister niya? Bakit naman niya pinapahanap?" "Siguro 'yun ang mas kagustuhan ng big boss dahil ang big boss ay magulang ni Ex at ng step sister niya," "Woah! I see, kaya pala mayabang ang lalaking 'yun!" "Bukod sa boss si Ex ay anak pa siya ng big boss, sana lang ay mahuli rin sila ng mga police." "Sana... pero malabo kung protektado sila ng mga may mga katungkulan din. Mahirap ang hustisya ngayon sa totoo lang." "I see, hindi na mawawala ang mga ganyan. Naturingang mga nag-aral ng ilang taon pero nagpapabayad lang." "Nakakatawa ang mga ganyan! Hahaha!" Nagtawanan lang kami ni Uno. Nang makarating kami sa airport ay agad din kaming nakasakay sa eroplano. Nang makarating kami sa italy ay dumiretso agad kaming dumiretso sa kilalang grand hotel sa italy dahil doon daw nag-stay ngayon ang step sister ni Ex. "Tres magpahinga muna tayo bago natin puntahan ang sister ni Ex, tara na." "Sa iisang kwarto?" "Yes, why not? Magkakambal naman tayo right?" "Oo! Hehe!" "Let's go," Sumunod ako kay Uno habang kinakamot ang aking ulo. Nang makarating kami sa room ay grabe sobrang ganda! "Uno... payag ka bang mamasyal muna tayo dito sa italy bago natin puntahan ang sister ni Ex?" "Hindi ako sigurado..." "Bakit hindi? Sa atin naman ang pamasahe mabuti sana kung sagot ni Ex ang mga expenses natin pero hindi! Hahaha! Tara?!" "Saan ba ang lugar dito na magandang puntahan?" "Sa Colosseum! Tara?!" Tumango lang si Uno, dahil sa sobrang excited ko ay hinila ko siya. Agad kaming nakarating sa Colosseum. Woah! "Uno! Let's take a selfie!" "W-what?" "Can we?!" "O-okay!" Hinila ko si Uno papalapit sa akin. Nang magkadikit na ang mga mukha namin ay agad kong kin-lick ang camera para makuhaan kami. I set our picture as my lockscreen... nakakatuwa lang kasi, ang ganda nang kuha namin. "Ang ganda pala rito 'no Tres? Ang ganda ng lugar na ito para sa pagpo-propose." "Oo nga Uno... balang araw ay may madadala ka rin dito, 'yun bang tamang tao na! Hahaha!" "Tamang tao ka naman, you're my sister sa mata ko ay tamang tao ka at natatangi." Sa sinabi niya ay napangiti ako nang sobra. Kung hindi ko lang talaga siya kakambal ay gusto ko siyang maging akin, he is so serious yet napapangiti niya ako. "Uno!!" sigaw ko sabay sumakay ako sa likod niya. Alam ko na nagulat siya kaya naman humalakhak ako. "Tres!" sigaw niya habang nakahawak sa likod ko. Tumawa lang naman ako nang tumawa, "Since magkakambal naman tayo ay sasakay na ako sa likod mo! Para naman hindi na awkward na magkasama tayo! Hahaha!" Agad niyang hinawakan ang hita ko sabay pinakapit ako nang mas mahigpit sa leeg niya. "Kumapit ka tatakbo ako, haha!" Tumakbo nang tumakbo si Uno, ako naman ay tuwang-tuwa habang sumisigaw at habang tinataas ang aking kamay na para bang ako si superman. Grabe! Ang saya! "Woah!!" sigaw ko nang ibaba ako ni Uno sa isang magandang upuan. "Ang bigat mo grabe," "Huh? Hindi kaya! Hahaha!" "Uhm, nauuhaw ka na ba Tres?" "Hindi pa naman Uno ikaw ba?" "Uhm wait bibili lang ako ng ice cream doon at tubig!" agad na tumakbo si Uno sa isang vendor. Nang makabalik siya ay inabot niya sa akin ang tubig at ice cream. Agad kong dinilaan ang ice cream, nang maubos ay uminom ako nang tubig. Nagulat ako nang makita kong nakatitig sa akin si Uno. "Ang amos mo." ani niya sabay agad akong pinunasan ng panyo. "S-salamat!" "Hey! We are singer who want to help those children who have cleft lip, we invite two of you to sing with us and let see how many people will give money! Are you willing?" tanong ng isang italian na lalaki na may kasamang dalawang lalaki na may gitara at iba pang mga kagamitan sa pagkanta. "Uno, cleft lip 'di ba bingot sa tagalog?" "Oo Tres, are you willing ba?" "Oo naman!" "Yes, we are willing." sagot ni Uno. "Woah! Nice! Who will sing?" "Uhm... us! Me and my twin brother will sing together!" excited na sigaw ko sabay umupo sa tapat ng microphone. Si Uno ay umupo sa aking tabi. "What song do we sing?" tanong ko sa lalaki. "You know Try Everything by Shakira?" "I see, music of zootopia movie. Ikaw ba Tres alam mo? Ako alam ko ang kantang 'yon." sagot ni Uno sabay tanong niya sa akin. "Oo Uno! Woah! Tara!" "I won't give up... No, I won't give in till I reach the end And then I'll start again, No, I won't leave..." kanta ko sabay tumingin ako kay Uno. "I want to try everything I want to try even though I could fail..." kanta ni Uno sabay ngumiti. Tuwang-tuwa ang tatlong italian dahil maraming mga tao ang lumalapit sa amin sabay hinuhulog ang pera sa isang box na may picture ng mga batang bingot. Woah! Mabuti ang mga puso ng mga tao rito lalo na ang tatlong italian. Nang matapos ang aming pagkanta ay nagpasalamat sa amin ng sobra ang tatlong italian. Mas nagpasalamat kami ni Uno sa kanila dahil maganda ang kanilang hangarin. "Saan pa tayo pupunta, Tres?" "Uhm, nagugutom na kasi ako Uno can we eat?" "Okay, where? Uhm alam ko na tara!" Agad kaming tumakbo ni Uno, pero bigla kaming hinabol ng tatlong italian. Nang tumigil kami ay gamitin daw muna namin ang bike ng isa sa mga kasamahan nila sabay ibalik nalang daw namin sa parking lot kung saan ito naka-park. Agad namang tumango si Uno. Nang makasakay si Uno sa bike ay hinawakan ni Uno ang kamay ko. "Saan mo gustong sumakay? Sa harapan ko o sa likod ko?" "H-huh?" "I mean sa bike," "Ikaw ang bahala... hehe!" Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Uno sabay pinaupo niya ako sa harapan niya. "Uno... p'wede naman siguro na sa likod nalang ako hehe!" "Ayaw ko, baka kasi mahulog ka, mas mabuti nang nasa harap kita para nakikita kita. Baka kasi kapag sa likod ka ay paglingon ko ay wala ka na pala." Napangiti naman ako sa sinabi niya sabay kinurot ko ang kamay niya. "Hahaha! Ikaw talaga! Let's go!" Nanlaki ang mga mata ko dahil tumigil kami sa isang lake. "Uno, ano ang tawag sa lugar na ito?" "Ito ang lake como, ang ganda 'no?" "Oo Uno!!!" "Enjoy-in mo ang view," "Grabe! Ang ganda!" "Tara doon! May isang restaurant na kung saan p'wede mong makita ang lake habang kumakain tayo." Tumango ako kay Uno sabay ngumiti, nang makarating kami sa restaurant ay tinawag niya ang waiter. Tinanong niya kung ano ang gusto ko kaya agad naman akong pumili. Masaya akong nakatingin sa lake, grabe ang lawak! Nasa harap ko na ang mga pagkain, nang tikman ko ay ang sarap sobra. Nang tumingin ako kay Uno ay seryoso lang siyang nakain habang nakatingin sa view. Pagkatapos kong kumain ay nag-selfie ako nang nag-selfie hanggang sa ma-full storage, hehe! Pero bago ma-full ang phone ko ay kukuhanan ko nang pasikretong picture si Uno. Uno is very aesthetic, the way he porma, the way he stands, the way he smile and laugh and even he's serious. Nang matapos kaming kumain ay niyaya niya ako na bumalik na kami sa grand hotel kaya naman pumayag ako dahil pakiramdam ko ay pagod na ako. Binalik namin ang bike sabay pumunta na kami ng grand hotel. Agad na naglakad si Uno papunta sa kwarto ng step sister ni Ex, sumusunod lang ako sa kanya. Nang tumingin si Uno sa isang papel ay tumingin siya sa number sa taas ng pinto ng isang kwarto pero may tatlong lalaki ang nakaharang. "Sino kayo?" seryosong tanong ng lalaki. "Ikaw sino ka?" tanong ni Uno. "Haha! Ako lang naman ang tauhan ni Mam!" Susuntukin na sana ng lalaki si Uno pero biglang nakaiwas si Uno. Sinugod siya ng dalawa pang lalaki pero binalibag lang ni Uno. Nang sugudin siya nang isang lalaki ay sinipa niya sa ulo. Agad na kumatok si Uno sa pinto, unti-unti niyang hinawakan ang doorknob pero nakita kong sisipain siya ng isang lalaki kaya naman hinawakan ko sa paa ang lalaki sabay pinilipit ko. "Are you okay, Tres?" "Oo, buksan mo na ang pinto!" Agad na binuksan ni Uno ang pinto. Nang bumukas ang pinto ay may isang maputing babae na mahaba ang buhok ang nakatalikod. "Sino kayo? Ano ang kailangan niyo sa akin?" tanong ng babae habang nakatalikod. Grabe... ngayon lang ako natakot sa boses ng isang tao. "We are here dahil pinapahanap ka ng kapatid mong si Ex na boss ng aldeath mafia." "Talaga? Sana ay hindi nalang kayo nagsayang ng panahon dahil wala naman akong pakialam sinasabi niyong aldeath mafia." sagot ng babae. Nagulat ako nang biglang sumara ang pinto sabay sinugod kami ng mga tauhan ng babae. Sumuntok sila nang sumuntok pero hindi nila kami matamaan, mga weak. "Ano bang kailangan niyo sa amo namin?!" "Hoy! Pinapahanap nga siya ng kapatid niya okay?! Boss 'yun ng isang mafia group!" sigaw ko. "Talaga?! Hindi niyo ba kilala ang babaeng nasa loob?! Baka kapag nakita niyo siya ay magulat kayo at matakot!" "Bakit sino ba siya?" seryosong tanong ni Uno. "Siya ay isang malakas na babae, she is fully trained martial artist and wala siyang kinatatakutan. We are here to protect her kahit ayaw niya dahil kaya niya ang sarili niya, pero sa kagustuhan ng kanyang ama ay nandito kami. Hindi niyo siya makukuha!" sigaw ng lalaki sabay sinugod kami. Sinuntok ko siya nang sinuntok sabay sinipa ko siya sa ulo. Si Uno ay pilit na binubuksan ang pinto pero naka-lock. Ako naman ay kinakalaban lang ang mga lalaki. Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay sinuntok ko nang sinuntok ang mga lalaki sabay bigla silang nakatulog. "Uno tulungan na kita!" Agad naming pinagtulungan na buksan ang pinto, ako ang sumisipa sabay si Uno naman ang sumusuntok sa doorknob. Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto, bigla kaming napahiga ni Uno. Nakita namin ang isang babae na nakatalikod pa rin. "Ano bang kailangan niyo sa akin?" madiin na tanong ng babae. Ito na naman ako... natatakot sa kanya. "Ikaw ang kailangan namin," sagot ni Uno. "Paano kung sabihin ko sa'yo na kailangan din kita?" Nang lumingon ang babae ay grabe... sobrang ganda niya! Sobrang tangos ng ilong, sobrang puti ng balat, singkit ang mga mata, mataba ang pisnge, pula ang labi, makapal ang kilay, malaki ang boobs, at maganda ang hugis ng katawan! Wow! "T-Thirstein?!" gulat na gulat na sigaw ni Uno sabay napaluhod siya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD