Ryan (POV)
Napakalapit ng Mansion ni Kuya Natan sa bahay, pwede namin lakarin ito pero napag pasyahan ni Mommy na magpahatid na lang kami sa aming driver dahil naka takong siya ng mataas.
"Sigurado ka ba Hon na dahil sa takong mu ay hindi makalakad?" Tanong ng Daddy ko na parang tinutukso si Mommy.
"Oo naman! bakit ano sa palagay mo?" Napatikhim muna si Daddy bago sasagot pero pinigilan ko na siyang sagutin ang Mommy dahil kasama namin si Kuya Aldo nakakahiya.
Pagdating namin ay bumababa kami agad at agad din na umalis si Kuya Aldo dahil walang space na pagparkingan ng sasakyan. Sa gate pa lang ay maganda na ang dekorasyon na pambinyag may malaking trampoline din na larawan ng mga Quadruplets at kasama nila ang kanilang mga magulang. They look good and happy, pati ako ay napasama sa ngiti nila pero ang isang sanggol ay mukhang kagagaling lang sa iyak dahil pulang pula ang mukha niya.
"Tama na ang titig anak, pasok na tayo." Bulong ni Mommy na nasa likuran ko. Pag pasok namin sa gate at agad kong ipinakita ang invitation card. Pinapasok naman nila kami at may usherette na umalalay sa amin patungo sa aming upuan. Napatingin ako sa paligid, simple lang ang binyag, hindi magarbo na gaya ng inaasahan ko.
Ilang saglit ay tinawag kaming mga ninong at ninang. Tumayo naman ako at pumunta agad sa harapan. Sabi ng tagapag salita ay pumunta kami sa Church ng lugar namin. Apat lang kaming ninong, ang tatlo ay mga kaibigan ni Kuya Natan at Apat din ang mga ninang. Kilala ko ang isa kahit maaki ang pinayat niya si Danna. Tahimik lang ako na sumusunod sa sinabi nila. Kahit paano ay naramdaman ko na importante parin ako kay Summer.
Sumakay kami sa isang malaking Van nagkasya kaming lahat na mga aanak sa binyag. Kung tutuusin ay pwede naman namin lakarin, pero narinig ko na bilisan daw habang hindi pa umiiyak si Autumn. Pag karinig ko ng pangalan ay alam kong isa ito sa Quad. Tahimik kaming lahat sa Van, except Kuya Caleb na parang kinukilit si Kuya Harry. May narinig ako na pangalan ng babae at hinahanap niya ito.
Ilang saglit ay huminto na ang Van, sumunod sa amin ang mga magulang ni Kuya Natan at Summer. Agad kaming pumasok sa Church may kasama na isang lalaki ang mga magulang ni Summer pero hindi ko kilala. Kamukha niya si Tito Adam, hindi kaya bunsong kapatid ito ni Tito? Umupo ako sa tabi ni Kuya Josh dahil iba ang awra ni Kuya Harry, wala naman akong hinanakit sa kanya kahit mahigpit siya noon kay Summer habang may amnesia noon si Kuya Natan.
Kauupo ko pa lang ay pinatawag na kami agad sa harapan at binigyan ng tig-iisang kandila. Ito ang unang kong manganak ng binyag kaya tahimik lang ako na sumusunod. Nakapalibot kami sa Pari, napatingin ako kay Summer. Sakto naman na tumingin siya sa akin kaya nag ngitian kami. Nakatingin pala sa amin si Kuya Natan na masama ang tingin sa akin kaya napayuko ako. He never changes, possessive parin siya kahit asawa na niya ang babaing minahal ko noon. Tag-isa sila na hawag na bata babae, ang mga magulang ni Kuya Natan ang may hawak sa dalawa.
Nag umpisang magsalita ang pari, biglang umiyak ang isang bata na hawak ni Summer. Napatigil ang pari sa pagsasalita dahil halos hindi namin marinig ito sa lakas n g boses ng aanakin ko sa binyag ang iyak. Lumapit ang mga magulang ni Summer para patahanin ito pero mas lalo siyang umiyak. Pulang-pula na ang mukha, kinabahan ako dahil parang nangingitim na ang labi. Agad na lumapit si Kuya Caleb hindi din niya mapahinto ito.
"Damn! kaya kong magpalabas ng bata pero ang magpahinto ng umiyak ay hindi ko kaya." Mahinang sambit niya.
"Gago, huwag kang mag mura dito kaya ka tumatandang binata." Saad ni Kuya Josh, mahinang napatawa ang mga ninang.
Hindi pa ako nakahawak ng bata kahit kailan, pero naawa na ako dahil nangingitim na ang mga labi nito. Lumapit ako kay Caleb at nag aalangan na kuhanin ang bata. Itinaas ko ang dalawang kamay ko, agad namang ibinigay ni Kuya Caleb. Pag kahawak ko sa bata ay agad kong pina dantay ang baba niya sa balikat ko sabay halos sa likod niya. Ilang beses ko itong ginawa at tumahan na siya agad. Napatingin silang lahat sa akin, feeling ko tuloy expert na ako sa pag patahan ng batang umiiyak.
Napag pasyahan nila na ako na muna ang mag bubuhat kay Autumn para matapos na ang binyag. Sumang ayon naman ang pari, kaya walang nagawa si Kuya Natan. Nang ipahiga ko ito sa aking braso at bubuhusan na ng tubig ang kanyang noo ay tahimik lang si Autumn at nakatingin sa akin na parang kinikilala niya ako. Napatitig din ako sa kanya, kamukhang -kamukha niya ang kanyang ina. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang tinititigan siya, mas kumuslit sa aking puso ng ngumiti siya sa akin pabalik. Namihang na pa ah ang mga kasama ko nang makita nilang ngumiti siya.
Natapos ang binyag na buhat ko parin siya, sa lahat ng larawan namin ay siya lang ang buhat ko dahil, kapag kinukuha siya sa aking bisig ay biglang na lang siyang iiyak. Kahit pag balik namin sa Mansion, nakangiting sinalubong ako na hawak si Autumn.
"Patingin nga siya anak." Sambit ng Mommy ko kaya pinaharap ko ang mukha ni Autumn sa kanila.
"She is so adorable." Sambit ng Daddy ko.
"Pwede bang pabuhat din." Sabi ni Mommy, ibinigay ko sa kanya ang bata. Agad siyang umiyak kaya kinuha ko din agad. Kahit din kay Daddy umiyak din siya.
"Bakit saiyo lang niya gusto mag pabuhat?" Tanong ng Mommy ko.
"Hindi ko nga alam din Mommy kahit sa Church, iyak siya ng iyak. Naawa ako dahil kahit sino ang humawak sa kanya ay hindi siya mapatigil haggang nangitim na ang mga labi. Nang subukan kong buhatin ay tumigil siya at hanggang ngayon ay sa akin lang siya nag papabuhat.
"Baka senyales yan anak na dapat mag ka anak ka narin." Samit ng Mommy ko.
"O baka naman, senyales na maging big brother kana." Sabat ng Daddy ko.
"Dad!" Napailing ko na sambit at lumapit sa akin si Summer na may dalang bottle na may gatas.
"Kuya, oras na siyang dumede." Ibinigay niya sa akin ang bottle at napatingin ako sa kanya.
"How?" Tanong ko.
"Hay, naku anak. Ganito umupo ka at pahigain mo sa braso mo tapos ilagay mo lang ang tsupon sa bunganga niya." Sabat ni Mommy.
"Pasensiya na Kuya Ryan, saiyo lang tumatahan ang inaanak mo." Saad ni Summer na nakangiti. Ginawa ko ang sinabi ni Mommy, mukhang gutom nga siya.
"Lagi ba siyang umiiyak?"
"Oo Kuya, may Colic kasi siya at mahirap talagang patahanin pag umiyak.Pag kaubos niya iyan ay siguradong makakatulog na siya at pag kagising na ay pakakainin namin ng mga mashed na gulay. Sige Kuya at titignan ko pa ang tatlo mong inaanak." Paalam niya, ina na talagang umasta si Summer and I can see that she is a great Mom.
"Hay ang pinapangarap ko na manugang, napaka ganda parin niya." Bulaslas ni Mommy.
"Mom, stop baka marinig ka nila nakakahiya. Mauna na kayong kumain." Saway ko sa Mommy ko.
Habang dumede siya ay nakatitig parin siya sa akin, she got a very beautiful face with chubby cheeks. Nginitian ko sa at ngumiti din kaya tumulo tuloy ang gatas sa gilid ng labi niya. May towel na ibinigay sa akin si Summer kasama ng bottle milk. Ginamit ko ito na pinam punas sa gilid ng labi niya pababa sa leeg niya. Naubos niya ang gatas at pinatayo ko siya. Mamaya ay narinig ko ang malakas niyan pag burb.
Napatingin ako sa mag-asawa alaga din nila ang dalawang batang babae at ang batang lalaki na inanak ko din ay buhat ng Mommy ni Kuya Natan.
"Parang sa akin kana muna baby, busy ang Mommy at Daddy mo." Sabi ko sa kanya na nakatayo sa aking hita at nakaharap sa akin. May sinabi din siya na parang naintindihan ang sinasabi ko. Nakakatuwa siyang bata, mamaya ay mukha na siyang inaantok kaya inilagay ko ulit ang mukha niya sa aking balikat at nag lakad lakad ako na buhat siya. Ilang minuto din akong nag lakad, iginilid ko ng konti ang kanyang mukha para makita ko kung tulog na siya. Napangiti ako dahil mahimbing na siyang natutulog.
Lumapit ako kay Kuya Natan dahil hindi ko mahanap si Summer. Tinapik ko ang balikat niya at napalingon siya sa akin.
"Kuya, tulog na siya." Mahinang sambit ko.
"Oh, ok follow me." Sabi niya. Pumasok kami sa loob ng Mansion nila at sumakay sa elevator. Huminto kami sa second floor, sumunod lang ako sa kanya at huminto siya sa isang kwarto. Binuksan niya ito at may isang crib doon at higaan.
"You can put her in the crib." Utos niya. Dahan-dahan ko naman na ibinaba siya sa crib, isang taon palang siya ay napakabigat na niya.
"Kuya wala ba siyang kasama habang natutulog?"
"I will watch her on my phone." Sagot ni Kuya kaya lumabas na kami sa kwarto.
"Thanks for the help."
"Ok, lang Kuya." Sagot ko.
Pagkalabas namin sa mansion ay nagpaalam na ako kay Kuya, lumapit ako sa aking mga magulang na kumakain.
"Where is the baby?" Tanong ni Mommy.
"Tulog na siya Mom, nasa kwarto na siya ngayon." Sagot ko at napa masahe sa aking braso dahil parang nangawit ako sa ilang oras na pag buhat sa aking inaanak.
"Ok, get some food son." Napainat ako at tumayo. Salad lang ang kinuha ko dahil naparami ako ng breakfast kanina. Pagkakuha ko ng salad ay bumalik ako kina Mommy.
"Bakit salad lang ang kinuha mo?"
"I am still full Mom, naparami ako ng kanin kaninang umaga." Sagot ko at inumpisahan ko nang kainin ang salad na kinuha ko. Pagkatapos kong kumain at lumapit sa akin si Summer.
"Kuya, pwede bang puntahan mo si Autumn ayaw niyang tumahan, nag susuka na siya kakaiyak." Sambit ni Summer na may pag aalala.
Lakad patakbo kaming pumasok sa Mansion at pinuntahan ang iyakin kong inaanak. Dalawang kasambahay ang nasa loob at si Kuya Natan. Ang dalawang kasambahay ay nililinis ang sahig habang si Autumn ay hubad na hawak ni Kuya. Agad ko siyang kinuha at pinatahan. In just a second ay tumigil agad ito.
"I feel warm in my stomach at parang may mainit na tumutulo sa aking kamay." Mahinang sambit ko.
"Ohhh, inihian ka niya Kuya." Sambulat ni Summer na napatakip sa kanyang labi.
"Aanong gagawin ko na?" Tarantang sambit ko dahil tumulo din yata pababa sa boxer ko.
"I have new spare clothes and a boxer. Pwede kang mag shower muna.
"Paano si Autumn? Siguradong iiyak na naman siya pag binitiwan siya ni Kuya Ryan?"
"Bilisan ko nalang mag-shower." Sagot ko.
"Wait kukunin ko muna ang mga damit niya na pamalit." Umalis si Kuya Natan at ilang saglit ay inabot sa akin ang damit. Nasa kabilang kwarto lang pala ang room nilang mag asawa. Bago ko ibinigay ang iyakin kong inaanak ay kinausap ko muna na mag shower lang ako ng mabilisan at huwag siyang iiyak. Nakatitig siya sa akin na parang naiintindihan ang sinasabi ko.
Ibinigay ko siya kay Kuya Natan, lumipat sila sa kabilang kwarto para linisan din siya. Mabilis akong nag shower at naka damit na nang lumabas. Sakto lang ang ibinigay ni Kuya, halos magka sing laki na kasi kami ng katawan. Hindi tulad noon na patpatin ako.
Narinig ko ang malakas na iyak ni Autumn habang nililinisan siya. Kawawa naman, habang hinihintay ko sila I googled what is Colic. Binasa ko ang ibig sabihin at inintindi itong mabuti. Colic is frequent, prolonged, and intense crying or fussiness in a healthy infant. Colic can be particularly frustrating for parents because the baby's distress occurs for no apparent reason and no amount of consoling seems to bring any relief.
Ang pinag tataka ko ay kung bakit, humihinto siyang umiyak kapag buhat ko siya. Ako ba ang stress reliever niya? Nakadamit na ang aking inaanak at umiiyak parin pag pasok nila sa kwarto. Agad akong tumayo at kinuha agad siya.
"Shhhhh, ok ok now." Sambit ko na inaalo siya. Tumigil naman siya sa pag iyak. Nang kumalma siya ay bumaba na kami. Sa loob ng bahay nalang namin siya pinakain. Habang buhat ko siya ay sinusubuan siya ng isang kasambahay. Ang mag-asawa naman ay lumabas para tignan ang mga bisita at ang tatlong bata. Damn! this is hard for them.