Ryan (POV)
Pagkatapos naming pakainin ang inaanak ko ay umupo kami sa kanilang sala. Hindi naman akong pwedeng lumabas dahil ang ibinigay sa akin na damit ni Kuya Natan ay white t-shirt at short pambahay na damit. Nakalimutan ko kasi ang phone ko, magpadala sana ako kay Yaya ng formal na damit para dalhin dito.
Naging babysitter pa tuloy ako sa araw ng binyag ng aking mga inaanak. Napatingin ako sa aking relo mag alas kwatro na ng hapon at patapos na ang binyag.
Pinaharap ko si Baby sa aking habang siya ay nakatayo.
"Hey, baby hindi ka ba na boboring kay Ninong? anong gagawin natin, uupo lang sa sala?" Sunod-sunod na tanung ko. Nakangiti lang siya at ang maliliit na daliri ay nakasubo sa maliit niyang bunganga. Halos isang oras din kaming nag-usap at ako lang ang nagsasalita puro lang siya tawa at ngiti. Sinubukan ko na ipaupo sa couch pero umiyak siya kaya kinuha ko din siya agad. Nakita ko ang isang ksambahay, kailangan kong gumamit ng banyo.
"Baby, jijingle si Ninong, ibigay muna kita sa yaya mo. Huwag kang iiyak mabilis lang ako." Sabi ko sa iyakin kong inaanak, may banyo sila sa first floor kaya doon na ako pumasok. Pagpasok ko palang sa Cr ay narinig ko na ang malakas na iyak ni Autumn. Agad kong umihi at naghugas ng kamay. Pagkabukas ko ng pinto ay nabungaran ko ang Yaya niya na hirap nahirap siyang patahanin. Kinuha ko siya agad, pag karinig ng boses ko ay tumahan na siya.
"Ay naku Sir parang dito na kayo titira sa Mansion, ayaw na kayong pauwiin ni Autumn. Sa totoo lang Sir naawa ko sa bata na yan, iyak ng iyak lalo na sa gabi halos hindi na matulog ang mga magulang niya kakaiyak niya. Natitigil na lang yan pag inantok na sa pagod kaiiyak. Hindi naman pwedend hayaan na umiyak dahil nangingitim ang mga labi na na parang mawawalan ng hininga. Ngayon ko nga lang narinig na tumawa siya." Napabuntunghininga ako sa aking narinig, hindi pwede akong mag stay dito dahil may trabaho ako.
Pagbalik namin sa sala, ay halos nandoon na lahat ang pamilya na naka upo. Ang mga bisita ay nag siuwi na rin. Gusto ko na rin mag paalam pero paano? Nararamdaman ko narin ang gutom dahil salad lang ang kinain ko kanina.
"Pasensiya kana Kuya Ryan, napasubo ka tuloy sa pag aalaga kay Autumn. Pwede bang tsaka kana umalis kapag tulog na siya?" Napalunok naman ako, gaano katagal iyon? Damn!
"Anong oras siya natutulog?"
"Mga alas otso Kuya, pakakainin ko lang siya ng dinner niya at iinum ng gatas niya mamaya tapos matutulog na siya." Napatingin ako sa kanyang mukha wala na ang make up niya kaya kita sa mga mata nito ang matinding pagod at puyat. Tinignan ko ang aking relo mag-alas syete na ng gabi isang oras na lang kaya pumayag nako at isa pa naaawa ako kay Summer hindi biro ang may apat na anak kahit may mga Yaya pa.
Habang pinapakain namin si Autumn ay lumapit sa akin ang lalaking kamukha ni Tito, kakambal pala siya ni Summer. Nag usap kami saglit at nagpaalam na rin siya na umuwi.
Pagkakain niya ay, tinuruan ako ng yaya niya kung paano mag palit ng kanyang diaper Pero halos masuka ako dahil nag ebak siya sa kanyang diaper. Kahit nag lagay ako ng mask pero kita ko ang ebak niya kaya namuo ang pawis sa aking nuo. Nasusuka talaga ako, habang siya ay pinapaliguan ay nagsuka ako sa banyo at nakikita ng dalawang Yaya.
"Naku Sir! masasanay din kayo." Sambit ng katulong habang nag mumumog ako. Tapos nang pinaliguan si Autumn at agad na ibinigay sa akin na nakabalot ng towel dahil mag simula na namang umiyak. Pinanuod ko kung paano nila lagyan ng diaper ang batang iyakin. Nakahawak pa ako sa kamay niya para alam niyang nasa tabi lang niya ako.
Pag katapos ay handa na ang bottle na gatas daw ni Summer, umupo kami sa rocking chair at agad kong isinalpak sa bunganga niya ang kanyang gatas. Ilang saglit ay naubos na niya ito at inilagay ko sa maliit na mesa ang bote. Inilagay ko ang kanyang mukha sa aking balikat at sabay marahan hagod sa likod nito. Narinig ko ang malakas niyang pag burp, hindi man ako marunong mag-alaga ng baby pero may mga napanuod naman ako sa mga movies kung paano patulugin ang baby. Hindi ako marunong kumanta kaya nag hmmmm na lang ako. Ilang saglit ay tulog na siya, tumayo ako mula sa rocking chair at pinatay ang mga ilaw. Ang dim light lang ang hinayaan ko na naka on. Dahan-dahan kong nilagay sa crib at umalis na ako sa kanyang kwarto. Sabi ni Summer ay talagang mag-isa siya sa kwarto, hindi pwedeng makasama ang tatlo niyang kapatid dahil sa pagiging iyakin nito. Paglabas ko sa kwarto ay siya namang paglabas ni Kuya Natan. Alam kong pinanuod niya kaming dalawa ng inaanak ko.
"Thanks again Ryan pwede kanang mag-asawa." Sabi nito, hindi ko alam kong matatawa ako dahil seryoso ang pagkasabi niya kahit kailan talaga si Kuya ay intimidating.
"Sige Kuya uwi na ako."
"Yung damit mo pina laundry ko at ipahatid na kita sa driver gabi na. Dito kana kumain ng hapunan."
"Sige Kuya salamat nalang pero sa bahay na ako kakain." Sagot ko.
Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso ako sa kusina, nadatnan ko si Yaya na nag liligpit kasama ang dalawa pa naming kasambahay.
"Ya, may makain ba?"
"Mayroon pa anak, upo ka at iinit ko lang." Sagot ni Yaya kaya umupo ako sabay masahe ko sa aking braso. I think, I need a back massage.
"Anong nangyari bakit iba na ang suot mo?" Tanong ni Yaya habang pinapainit ang aking dinner.
"Naiihan po ako ng isa kong inaanak na iyakin." Sagot ko.
"Ay alam mo anak may paniniwala sa probinsiya namin na kapag naiiihan ka ng baby sa unang pag kikita niya ay magiging malapit kayo sa isa't-isat isa."
"I think that is true yaya dahil halos ako lang ang gusto niyang mag-buhat sa kanya, kung kukunin siya ng kanyang mga magulang ay iiyak siya hanggang hindi ko siya binubuhat." Sambit ko na napapahilot parin sa aking braso.
"Dapat ihanda mo na ang iyong sarili sa pagiging Ama ng inaanak mo kung ganun." Napailing na lang ako na ipinag patuloy ang pagkain ko dahil gusto ko nang humiga sa aking kama. Pagkatapos kong kumain ay nag paalam na kong umakyat sa aking kwarto. Nag shower lang ako ng mabilisan at nag suot ng aking damit na pantulog. Agad akong humiga sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung nananaginip ako pero parang may kumakatok sa aking pinto, iminulat ko ang aking mga mata. May kumakatok nga, napatingin ako sa orasan mag-ala una na ng madaling araw. Bumangon ako at binuksan ang aking pinto, ang Mommy ko.
"Mom." Sambit ko na nahihirapan na ibukas ang aking mga mata.
"Tumawag si Summer,yung inaanak mo, hindi nila mapatahan."
"What!" Sambit ko at inisip ang inaanak na sinasabi ni Mommy. Ninong pala ako ng mga anak ni Summer at nag sink in na sa akin ang lahat.
"Ok Mom, I have to go." Kinuha ko ang aking telepono at susi ng aking sasakyan.Nakatingin lang sa akin si Mommy na natataranta at iniwan siya sa pintuan ng kwarto ko. Habang palabas ako sa bahay ay tumawag ako kay Summer na paparating na ako, Ilang saglit lang ay ipinasok ko na ang aking sasakyan sa loob ng Mansion nila. Agad akong pumasok sa bahay at sumakay ng elevator. Pag bukas palang ng elevator ay rinig ko na ang malakas na iyak ng aking inaanak. Patakbo akong pumasok sa kawrto nila, maraming suka ang sahig at naiiyak na si Summer na pinapatahan siya. Si Kuya Natan ang kumuha ng panlinis sa sahig. Agad kong kinuha ang bata kay Summer.
"Shhhhh, Ninong is here enough crying. Mahinang bulong ko sa kanyang tenga sabay hinahagod ko ang kanyang likod. Ilang saglit ay huminto na siya sa pag-iyak.
"I am sorry Kuya Ryan kung naistorbo kita." Sambit ni Summer na naka upo sa rocking chair, tapos na rin si Kuya na nilinis ang sahig.
"It's ok, matulog na kayo. I will handle it." Sagot ko, nakakaawa ang itsura ni Summer na ngingitim ang kanyang mga mata. Halatang kulang ito sa tulog pati si Kuya Natan. Pag labas nila ay kinausap ko ang aking inaanak, nakatingin siya sa aking mga mata habang nagsasalita ako.
"Paano kung babalik na ako sa America? sino ang mag papatahan sa iyo ng pag iyak? Kawawa ang Mommy at Daddy mo." Sambit ko na nakatingin lang siya sa akin." Napailing nalang ako. Nilaro ko muna siya bago ibinigay ang kanyang gatas, pag kapainum ko ay pinag burp ko siya. Ilang saglit ay nakatulog na siya, dahan-dahan kong ibinaba ko siya sa kanyang crib pero ang problema ay nagigising siya. napatingin ako sa oras mag-alas tres na ng umaga. Hinila ko papalapit ang krib sa kama, pinahiga ko siya sa crib na gising pero hindi ko binitawan ang kanyang kamay hanggang humiga na ako sa kama. Tumagilid ako paharap sa kanya at hinahaplos ang kanyang tiyan. Nakatulog na siya, dahan-dahan kong inaalis ang kamay ko sa tiyan niya pero napapagalaw siya kaya hindi ko na inalis pa. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakatulugan ko na lang na nakahawak ang kamay ko sa kamay niya.
Paggising ko ay napatingin ako sa aking paligid nasa pink room ako at wala sa aking kwarto. Napatingin ako sa tabi ko may crib at nakalusot ang kamay ko na nakahawak sa batang mahimbing na natutulog. Ramdam ko ang aking kamay na namamanhid, sa pagod ko kagabi ay nakatulog na pala ako dito sa kwarto ng aking inaanak. Napatingin ako sa oras mag alas nwebe na ng umaga.
Hindi ko pwedeng alisin ang kamay ko sa kamay niya dahil magigising siya. Mahimbing pa man din ang tulog niya. Hinayaan ko muna na nakahawak siya sa isang daliri ko, ipinikit ko ang aking mga mata. I lang saglit ay naramdaman ko ang pag subo niya sa daliri ko kaya agad akong bumangon. Siguradong gutom na siya.
"Good morning iyakin." Mahinang sambit ko at natawa siya. Kinuha ko siya mula sa crib at dinala ko siya sa banyo, may mga bagong panlinis ng ngipin doon kaya ginamit ko. Parang ama na ako sa lagay na ito dahil buhat ko siya habang nag sisipilyo ako. Pag katapos akong nag sipilyo ay nag text ako kay Summer. Halata kasing puno na ang diaper niya at kailangan ko din na gumamit ng toilet.
Ilang saglit ay may kumatok sabay bukas ng pinto, si Kuya Natan.
"Summer is still sleeping." Sagot niya na halatang bagong gising lang din siya.
"This is the longest hour of sleep we had, thanks Ryan." Dagdag pa nito. Ibinigay ko sa kanya si Autumn at agad na pumasok ulit sa banyo. Rinig ko ulit ang iyak niya, pagkatapos kong umihi ay naghugas na ako ng kamay. Pag bukas ko ay tapos na ni Kuya Natan na palitan siya ng diaper. Agad ko itong kinuha dahil nangingitim na naman ang mga labi. Pag kakuha ko ay tumahan na siya agad. Nakita ko ang pag iling ni Kuya Natan.
"Ako ang gumawa pero iba naman ang gusto niya." Rinig ko na mahinang sambit niya.
"Sige Kuya baba lang kami at Pakainin siya." Paalam ko
"Ok sunod na ako. Feel at home" Sagot niya.
Pagdating namin sa sala ay nag lalaro ang tatlo niyang kapatid na nakaupo sa sahig pero may makapal na kama para kahit mapahiga sila ay hindi sila masaktan. Pinakain ko muna siya at habang pinapakain siya ay tinanung nila ako kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi na garlic rice at ham. Nagpasalamat ako at niluto naman nila agad ito. Bago nila ginawa ang breakfast ko ay binigyan muna nila ako ng kape. Kaya habang sinusubuan ang iyakin kong inaanak ay nag kakape ako at na sisiyahan na pinapanuod ang tatlo niyang kapatid na masayang nag lalaro.
Inihain na nila ang aking breakfast, mabilis akong kumain dahil parang na boboring na siya na naka upo sa high chair niya. Pag katapos kong kumain ay kinausap ko siya na makipag laro sa mga kapatid niya. Itinabi ko siya sa lalaki niyang kambal at binigyan ng laruan. Hindi naman siya umiyak kaya masaya ako na pina panuod sila. Napatingin ako sa oras mag alas onse na, kailangan ko na ding umuwi at maka ligo.
"Ya, kailangan ko nang umuwi." Mahinang bulong ko.
"Baka iiyak yan." May pag aalanganin na sagot niya.
"Hindi naman po siguro." Hinubad ko ang aking damit na pang itaas at itinabi ko sa kanya para pakiramdam niya ay nasa tabi lang niya ako.
Inalis ko ang sapin ng aking mga paa at patakbong lumabas. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa sasakyan na ako. Pag uwi ko sa bahay ay nakatingin sa akin ang aking mga magulang.
"Bakit ka half naked anak?"
"Iniwan ko sa baby ang damit ko para pakiramdam niya ay nasa tabi niya lang ako Mom. She doesn't let me do anything."
"Ano kaya kung dalhin mo din siya dito, gusto din namin siyang alagaan anak."
"Ok Mom, tatanungin ko pa sa mag asawa." Nagpaalam na ako para maligo at bisitahin ang aking mga emails.