Chapter 2

1571 Words
Ryan (POV) Mga importante lang na dokumento ang iuuwi ko sa Pilipinas. Hindi na ako nag impake pa ng mga damit dahil hindi na naman ako magtatagal babalik din ako dito sa Amerika. Pag baba ko sa elevator ng Hotel ay halos lahat ng trabahador ay hinihintay ako. Napangiti ako na tumingin sa kanila. Nagpasalamat ako sa pag-aalaga nila sa akin ng halos dalawang taon. Ang mga iba ay naiiyak sa aking pag-alis dahil ma mimiss daw nila ako. Araw-araw din kasi nila ako nakikita and I treat them like a family. Nag hihintay na ang sasakyan na maghahatid sa akin sa paliparan kaya tuluyan na akong nag paalam sa kanila. Halos 15 hours din ako sa eroplano, medyo nabagot din ako. Ayoko kasing maki pag usap sa mga tauhan ko kung hindi importante lalo na kung babae. Ang akala nila ay isa akong 3rd s*x dahil wala pang napabalita na naging kasintahan ko. Napabuntunghininga akong lumabas sa airport at sumakay ng Taxi, I will surprise them. Napatingin ako sa oras alas singko palang ng umaga at alas diyes ang binyag ng mga aanakin ko. After 2 years ay ganun pa rin ang Manila, ma traffic parin lalo na sa oras na ito dahil pasukan ng mga nagtratrabaho at mga studyante. "Saan po pala tayo Sir?' Tanong ng driver sa taxi. "Sa Belmonte mansion po Manong." Magalang na sagot ko. "Mayaman nag pamilya na yan at ang balita ko ay may-isa silang anak na lalake." Saad ng driver, hindi ako umiimik tinignan ko lang siya. "Alam mo bilib din ako sa mga Belmonte na yan." "Bakit po?" Tanong ko. "Ang balita ko ay maraming benefits ang mga trabahador nila at mataas pa ang kanilang pasahod." Sagot niya at tinignan niya ako sa rear mirror. "Kilala mo ba ang nag-iisang anak nila? May larawan siya sa google pero napaka bata pa niya doon. Anong posisyon mo sa kompanya nila anak." Sagutin ko sana siya pero saktong nasa harapan na kami ng bahay. Dahil wala naman akong gamit at maliit na attaché case lang ang dala ko ay hindi na siya bumaba. "Magkano po Kuya?" Tinignan niya ang metro. "Five hundred eighty-one pesos Sir." Sagot niya. Kumuha ako ng limang libo at ibinigay sa kanya. "Tip na po ang sukli." Saad ko, natulala siya sa akin na parang hindi makapaniwala. "Maraming salamat Sir." Sagot niya at tuluyan na akong lumabas sa sasakyan. Pagdating ko sa gate ay pinindut ko ang scanner at itinitok ko ang aking mukha doon. Nag bukas ang malaking gate at nagulat ang mga guard na nag kakape. "Sir, Ryan! Sabay nilang pagbigkas ng pangalan ko. Sinenyasan ko sila na tumahimik. "Wala ba kayong mga bagahe Sir?" "Wala po Kuya, Ang mga magulang ko ba ay nasa loob ng bahay?" "Opo Sir." Sagot ni Kuya Aldo, nakangiti akong iniwan sila. Pagpasok ko sa bahay ay walang tao sa sala kaya dumeretso ako sa aking kwarto, bukas ito at parang may naglilinis. Likod palang ay alam kong si Yaya kaya niyakap ko siya habang nakatalikod. "Ay butiki!" Sambit niya at napaharap sa akin. Sa una ay natulala siya at hindi naka pagsalita. "Hoy Yaya!" Sambit ko dahil tulala parin siya. "Ikaw ba talaga yan Ryan?" Tanung niya na naluluha na. "Opo Yaya." Sagot ko at niyakap siya ulit. "Ikaw nga hindi mo pa rin pinapalitan ang pabango mo, mas lalo kang gumandang lalake at lumaki ang katawan mo anak." Ngumiti lang ako. "Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?" "Hindi po pa Yaya, nasan po sila?" "Nasa kwarto palang sila." "Sige po Ya, maliligo lang ako ng mabilisan at surpresahin ko sila." "O sige nak at ihanda ko ang paborito mong agahan." masayang sambit ni Yaya. Napatingin ako sa aking kwarto, wala na ang mga larawan namin ni Summer. Inalis siguro ng mga magulang ko. Mabilis akong naligo at pumili ng damit na pormal para sa binyag. Mag alas nwebe palang kaya may oras pa akong mag-pakita sa mga magulang ko. Lumabas ako sa aking kwarto at umakyat sa 3rd floor dahil nandoon ang master's bedroom ng aking mga magulang. Ilang sandali ay nasa harapan na ako ng kwarto nila. Pinihit ko ang sendura ay nakabukas ito, ugali talaga ng mga magulang ko na hindi mag-lock ng kwarto nila. Binuksan ko ito, magsalita sana ako pero nagulat ako sa aking nabungaran. Parehong hubad ang aking mga magulang at nag se s*x. "What the f**k Mom! Dad!" Malakas na sambit ko at pareho silang napatingin sa akin. Agad kinuha ng Daddy ang kumot para takpan ang hubad nilang katawan. "What the f**k Son! get out!" Sambit ng Daddy. "Anong get out, Gago ka ba!" Sabat ng Mommy ko bumangon siya at hinila ang malaking kumot na pantakip sa kanyang hubad na katawan ang Daddy ko naman ay kinuha ang unan para takpan niya ang ari nito. "Love naman, hindi pa tayo tapos." Bulaslas ng Daddy ko. Palapit na si Mommy sa akin. "I will just wait for you downstairs." Saad ko "Wait anak, pa hug muna." Pag mamaka awa ng Mommy ko at pawisan siya. "What! No Mom, see you downstairs." sagot ko at tuluyan na akong lumabas sa kwarto nila, napailing ako dahil ako ata ang nag surpresa sa kanila. Well, nasa 40s pa lang sila kaya active pa ang s*x life nila. My Mom is 43 and my Dad is 45 and they look younger sa edad nila. Pagbaba ko ay na amoy ko ang paborito kong garlic rice, umupo muna ako sa sala. Habang hinihintay na maluto ang agahan. Pag-upo ko ay napansin ko ang isang envelope na nasa ibabaw ng mga mail. Tumayo ako at tinignan ito, invitation sa binyag. Napangiti ako dahil may larawan ng mga quadruplets sa invitation, ang dalawa ay nakuha ang kutis ni Kuya Natan at ang dalawa ay kay summer. I am proud na isa ako sa napili nilang ninong sa apat na napaka cute na bata. Inilagay ko sa center table para hindi ko makalimutan na dalhin mamaya. Naiiling ako dahil naririnig ko ang aking mga magulang na nag babangayan pababa sa hagdanan, dinig na dinig ang boses ng aking ama na patapusin siya. Napa hilot ako sa aking noo, alam ko ang ibig niyang sabihin. Pag baba nila sa hagdan ay agad akong niyakap ni Mommy. "Ang baby ko." Sambit niya at niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya ng pabalik at napatingin ako kay Daddy. "Sinabi ko saiyo na i surprise mo ang Mommy mo, hindi ko sinabi na pati ako. Masakit tuloy ang puson ko." Mahinang sabi ng Daddy ko. "Tumigil ka na diyan Renato dahil kagabi ka pa." Sagot ng Mommy ko. "Seriously Mom, Dad! sa harapan ko?" "Sorry na anak, gusto ka lang naman namin na dagdagan." Sagot ng Daddy ko na nakangiti. "Dagdagan? I am 23 now Dad dapat noon pa!" Sagot ko na hindi makapaniwala sa aking narinig. "Akala namin kasi anak, mag-aasawa ka ng maaga kaya hindi kana namin dinagdagan pa dahil bata ka palang ay may binabakuran kana. Eh sa iba naman siya napunta, sana kami na ang may apong quadruples." Sabat ng Mommy ko na parang siya ang hindi naka move on. Noong nililigawan ko kasi si Summer ay lagi kong inimbita sa bahay namin dati at gustong-gusto niya si Summer. "Ayan ka naman hon, naka moved on na ang anak natin." Sabat ng aking ama at nagyakapan sila. "Oo na, titigil na ako. Sayang napaganda ni Summer." Sagot ng Mommy ko kaya napailing nalang ako. "Sasama ba kayo sa binyag?" "Oo anak, gusto din namin makita ang mga bata." "Eh, bakit hindi pa kayo nag palit?" "Eto kasing Daddy mo, namimilit kaya ayokong magtagal sa kwarto." "Masakit nga sa puson Hon, tapos dadalo tayo sa binyag. Gusto mo bang hihilain kita sa rest room nila?" "Syempre hindi, diyan ka muna anak at magpapalit na kami." Sabi ng Mommy ko. Pag akyat nila sa hagdan ay nakita ko pang hinampas ni Daddy ang pwet ng Mommy ko. God! My parents hindi parin sila nagbago. Pagkalipas ng trenta minuto ay handa na ang mesa pero wala pa ang mga magulang ko. Sabi ni Mommy ay mag papalit lang sila kaya napag desisyonan ko na hintayin sila para makasama ko naman sila sa mesa sa unang araw ko sa bahay pero pagkalipas ng trenta minuto ay wala pa sila. Damn! itinuloy yata nila ang na udlot nilang ginagawa kaya napagpasyahan kong mauna nang kumain dahil 9:30 na. Habang kumakain ako ay narinig ko na ang masayang tawa ng aking ama. Itinuloy nga nila ang naudlot nilang ginagawa kanina. I hope na hindi namabuntis si Mommy dahil matanda na ako para magkaroon pa ng kapatid. "Pasensiya na Anak, ang Daddy mo kasi napaka kulit." "Gustong-gusto mo naman, bakit ako lang." Sagot ng Daddy ko na may panunukso. Talo pa nila ang mga teenager at bagong honeymoon. "Just eat Mom, Dad. Malalate na tayo." Saad ko sa kanila. "Malapit lang naman anak ang bahay nila, don't worry hindi tayo ma lalate. Alam mo na Filipino time. May niligawan ka ba o naging kasintahan sa America anak?" "Busy ako Mom at wala akong natipuhan." "Anak 23 kana dapat kahit girlfriend ay mayroon ka. Sige ka pag bibigyan ko ang Daddy mo na dagdagan ka." "What!" Sambit ko na lang at napatingin ng salitan sa kanilang dalawa. Narinig ko pa ang pagtawa ni Yaya sa likuran ko. My parents are giving me a headache.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD