Ryan (POV)
Makalipas ng ilang buwan at taon ay hindi na ako nakabalik pa sa Amerika dahil sa aking inaanak. Ang unang salita na lumabas sa kanya ay Ninong at sumunod ang pangalan ko ka selos na selos ang kanyang mga magulang sa akin. Halos sa bahay na nila ako tumira ng dalawang taon nang mag-apat na taon na siya ay nawala na ang sakit niyang Colic pero sa akin lang siya nakikinig. Ako na rin ang nag potty train sa kanya. Lagi niya akong hinahanap at ako ang taga hatid sundo niya sa kanyang preschool.
Dalawa at kalahating oras lang ang klase niya kaya sinusundo ko siya sa bahay nila ng 8:30 am at ihahatid ng alas dose na dahil sabay kaming nag lalunch. Pag kahatid ko sa bahay nila ng tanghali ay bumabalik na ako sa aking opisina. Ang tatlo niyang kapatid ay mga yaya nila ang nag hahatid sundo sa ibang preschool na malapit sa Mansion. Si Autumn lang ang naiba dahil mas pinili niya ang preschool na malapit sa aking opisina.
Nabuntis ulit si Summer at another set of quadruplets kaya ng nanganak ay mas lalong napalapit sa akin si Autumn ako na ang uma attend pag may school meeting at program sa school nila. Minsan ay napag kakamalan na ako ang kanyang ama dahil tinatawag niya akong Daddy kaya tinatawag nila akong hot single Dad.
"Ninong, sa bahay ninyo ako matutulog ngayon." Sabi niya ng ihatid ko siya sa bahay nila after lunch. Sa edad niyang apat ay magaling siyang mag salita at higit sa lahat ay magaling mag drama na sinasakyan ko naman kaya spoiled na spoiled siya sa akin.
"Mag paalam ka ng mabuti sa Daddy mo." Sagot ko.
"Sige po Ninong."
"Pag pinayagan ka, sabihin mo sa Yaya mo na mag message sa akin para sunduin kita after work."
"Opo Ninong, always check your phone then." Napailing na lang ako sa bossy kong inaanak.
"Bye-bye now to Ninong." Sabi ko at pinag buksan siya. Naghihintay naman ang Yaya niya sa kanyang paglabas.
"Bye, my favorite Ninong." Sambit niya sabay yakap sa akin at hinalikan ko ang kanyang bunbunan. Hinintay ko munang makapasok sila sa loob bago ako umalis. Napatingin ako sa aking phone may message si Lanie. Siya ang girlfriend and I can say that she is my first girlfriend sa edad ko na 26. Ipapakilala ko siya ngayong gabi sa aking mga magulang at kay Autumn sana ay magustuhan nila si Lanie. She is a Pediatrician kaya I am sure magugustuhan niya si Autumn.
Pag dating ko sa aking opisina ay agad na sinabi ang schedule ko for the afternoon. May meeting ako ng 2 pm sa isang Japanese national napatingin ako sa oras still early para pumunta sa restaurant na pa dadausan ng aming meeting. Umupo ako at agad binuksan ang aking laptop may conference meeting kasi kami tru video call ng mga tauhan ko na namamahala sa aming kompanya sa America. Buti at pumayag sila na kahit gabi sa kanila ay tuloy ang video call namin. Marami kaming tinalakay isa na dito ang pagdagdag ng sahod ng mga tauhan ko, pumayag ako na madagdagan ng 5 percent ang sahod nila dahil ang beach and resort namin sa Miami ang nangunguna ngayon sa America.
Pagkatapos ng video call ay bumaba na ako at sumasakay sa aking sasakyan kasama ang aking secretarya. She is around 40 at maasahan siya talaga. Minsan kasi noon ay dinadala ko si Autumn sa aking opisina, kahit hindi niya trabaho na alagaan ang inaanak ko kung may importante akong meeting ay ginagawa niya.
Pumasok kami agad sa restaurant at nakaupo na ang isang Japanese at may kasama siyang babae. Ito ang kanyang Pilipina na secretarya at translator. Maganda ang aming naging usapan, siya ang maging kasosyo ko sa ipapatayong hotel and resort sa Japan.
Nakahanda na agad ang aming kontrata, 60% share ang akin siya naman ay 40%. Pinirmahan naman ito agad at umalis na ako dahil nag message ang Yaya ng aking inaanak na matutulog siya sa bahay. May text din si Lanie, pwede ko na daw siyang sunduin. Damn! Pinili ko na unang sunduin si Autumn kahit makalapit bahay namin dahil ayokong bubungaran niya akong ng nakasimangot na nguso.
Hindi na bumalik ang seckretarya ko sa opisina, pinauwi ko na rin siya. Gusto ko sana siyang ihatid pero nabasa niya ang mensahe ng Yaya ni Autumn. Alam niya na ayaw ng inaanak ko ang nag hihintay.
Buti at madaling natapos ang meeting ko sa aking kasosyo sa negosyo hindi rush hours kaya paglabas ni Autumn sa gate nila ay sakto naman ang dating ko.
Lumabas agad ako sa aking sasakyan at binuksan ang pintuan para sa kanya. She is so cute na naka ngiting pumasok sa aking sasakyan. I help her to buckle up at umupo na ako sa driver's seat.
"Anak may pupuntahan pa tayo ha."
"Saan po Ninong?"
"Makikilala mo siya mamaya." Sagot ko at pinaandar ko na ang aking sasakyan.
Habang nag mamaneho ako ay lagi ko siyang tinitignan sa mirror. Behave siyang naka upo at nakatingin sa labas.
"Gusto mo bang mag pa music ako anak?"
"Sige po Ninong, I want Disney songs po." Sagot niya.
Nag patugtug ako ng Disney songs, sinasabayan niya ito at minsan mali ang lyrics niya kaya napapangiti akong nag mamaneho. Inihinto ko ang aking sasakyan sa gate ng bahay nila Lanie, hindi na ako bumaba pa. Tinawagan ko siya sa telepono.
Me: Hey Love nasa harapan na ako ng bahay ninyo.
Lanie: Come inside, Love.
Me: I will just wait for you here.
Lanie: My parents want to see you.
Me: Sa susunod na lang.
Lanie: OK then.
Pinatay na niya ang tawag.
"Ninong sino ang sabi mo na Love?" Tanung ng inaanak ko na mag kasalubong ang kilay.
"My girlfriend Anak." Sagot ko.
"Ah, babae na friend." Sambit niya.
"Yes, anak."
"Dapat ako lang Love mo wala nang iba, agagalit ako pag may love ka na iba. Ok, lang na Love mo sina Lolo at Lola dahil Love ko din sila." Seryosong sabi niya.Damn!
Nakita ko ang pag bukas ng gate nila Lanie kaya lumabas ako agad at pag buksan siya ng pinto sa harapan.
"Thank you, Love, You are such a gentleman." Sambit niya at napansin ko na may dala siyang maliit na maleta.
"What is this for?" Tanung ko sa maleta.
"Mga gamit ko, I decided na matutulog ako ngayon sa bahay ninyo. Ipakikilala mo naman na ako sa mga magulang mo hindi ba?" Napalunok ako sa narinig ko, that is too fast.
Hindi na ako naka sagot pa,pagpasok niya ay pinatay niya ang Disney music na pinatutugtug ko.
"Ninong, pinatay niya oh." Sumbong ng inaanak ko.
"Hey, may bata pala diyan. What is your name sweetheart?" Malambing na tanung ni Lanie.
"My name is Autumn Sandoval 4 years old." Completong sagot ng inaanak ko.
"You so adorable!" Bulaslas ni Lanie at pinaandar ko na ang sasakyan.
"Ninong, yong songs po." Agad ko naman nakuha at pinatugtug ulit ang Disney songs. Nakita ko ang paglagay ng earphone sa tenga ni Lanie.
"Ayaw mo ba ng Disney music?" Tanung ko.
"Whole day ko na kasing naririnig sa clinic ko kaya, kung pwede ay ayokong pakinggan kung wala ako sa trabaho." Sagot niya at ibinalik ang earphone.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa garahe. Unang pinag buksan ko ang aking inaanak at agad siyang nag pabuhat sa akin. Sumunod na pinag buksan ko si Lanie, napansin ko na may pagka seryoso na ang kanyang mukha. Hindi tulad kanina na giliw na giliw siya sa aking inaanak. Binuksan ko ang kompartment at nilaban ang gamit nilang dalawa. Habang buhat ko si Autumn ay bitbit ko ang gamit niya kaya wala nang space sa kamay ko na hilain ang maliit na maleta ni Lanie.
Napansin naman niya na hindi ko na mahahawakan ang gamit niya kaya siya na ang humila. Alam ng mga magulang ko na ipakikilala ko ngayon si Lanie kaya masaya din silang makilala siya. Pagdating namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng mga magulang ko pero nagulat sila dahil buhat ko si Autumn.
"Autumn apo kooooo!" Sigaw ni Mommy na agad kinuha sa braso ko ang aking inaanak . Pati ang Daddy ko ay aliw na aliw na pinag hahalikan siya.
"Loloooooo hindi pa ako naliligo baho akooo." Sambit niya na tumatawa sa saya sa mga halik ni Daddy. Nakangiti akong pinag mamasdan sila. Doon ko napansin si Lanie, damn! muntik ko nang makalimutan.
"Mom, Dad. Sambit ko na agaw atensiyon sa kanila. Doon sila napatigil sa pag lalaro kay Autumn at napalingon sa amin.
"Lanie ang girlfriend ko and they are my parents." Pagpapakilala ko.
"Hi, nice to meet you, Lanie." Sambit ng aking Ina, hindi na niya ma beso si Lanie dahil buhat niya ang inaanak ko si Daddy nalang ang yumakap sa kanya.
Napansin ko ang tingin ni Mommy sa maleta na dala ni Lanie pero hindi siya umimik.
"Lolo gutom na ako." Dinig ko na reklamo ng aking inaanak, napatingin ako sa oras. Mag alas otso na pala ng gabi.
"Ok let's go eat kanina pa handaang mesa." Sabat ng Mommy ko.
Pinag hila ko ng upuan si Lanie at umupo ako sa tabi niya. Napagitnaan namin ni Mommy si Autumn. Maraming tinanung ang Mommy ko kay Lanie at ako naman ay busy na tinutulungan ang aking inaanak dahil hindi niya maabot ang mga ulam na gusto niya. Halos lahat ng ulam na gusto niya ay malapit sa akin kaya nasa kanya ang atensyon ko.
Naunang natapos kumain ang inaanak ko, sinamhan siya ni Yaya na manuod muna at pagkatapos ay papaliguan. Masaya naman ang usapan namin, habang kami ay kumakain. Pagkatapos naming kumain ay nag sabi si Lanie na mag Cr siya, sinamahan ko siya hanggang sa pinto ng Cr. Bumalik ako sa sala at nandoon ang aking mga magulang.
"Son bakit may maleta?"
"Dito daw siya matutulog Mom." Sagot ko.
"Ok, matulog siya sa isang guestroom." Nagsalubong ang kilay ko sa aking narinig akala ko ok sila kay Lanie.
"Bakit guestroom Mom? I have my room." Sagot ko.
"Sigurado kana ba sa kanya?"
"I thought gusto na ninyo mag kaapo?"
"May apo naman na kami, huwag mo muna siyang buntisin. Kailan mo siya nakilala?
"Last month Mom." Sagot ko.
"Niligawan mo ba siya?"Tanung ni Daddy, napalunok ako dahil hindi ko siya niligawan. Basta, we agreed na relationship muna at baka ma develop pumayag ako dahil hindi na ako mag sasayang ng oras pa.
Papalapit na si Lanie kaya iniba ng mga magulang ko ang usapan. Ang inaanak ko naman ay tinulungan ni Yaya na maligo. Nagpaalam ang mga magulang ko na aakyat na pero sigurado ako na kay Autumn sila pupunta. Niyaya ko si Lanie at binuhat ang maleta niya. Dinala ko siya sa isang guestroom at binuksan ko ang pinto.
"Wow, ang ganda ng room mo Love. I like the color neutral siya pwede sa babae at lalaki." Sambit niya.
"This is not my room Love, isa itong guestroom." Sagot ko at paka kagat labi.
"What! Are you serious?"
"We are not really in relation yet at ayaw kong madaliin ang lahat." Seryosong sagot ko.
"Don't worry, naka pills ako hindi ako mabubuntis. Ayaw mo bang malaman kung we are also compatible on the bed?"
"Fine, let's go to my room. Sambit ko at agad siyang yumakap sa aking mga braso. Maybe it's time for me to experience having s*x hindi na lang puro mariang palad.
Pagpasok namin sa aking kwarto ay napatigil kami dahil naroon si Yaya, Autumn at mga magulang ko.
"Ninong gusto kong matulog sa tabi mo." Sambit niya na naka pajama na at ready nang matulog. Napatingin ako kay Lanie na nag iba ang awra ng kanyang mukha.
"Can you sleep with Lolo and Lola tonight?"
"Ayoko ko Ninong, last time doon ako nag sleep ang ingay nila." Napatingin ako sa aking mga magulang. Ang Daddy ko ay napatingin sa ceiling at ang Mommy ko ay napatingin sa celphone niya.
Humiga na siya sa kama, hindi ko na siya pwedeng paalisin pa dahil siguradong sasama ang loob niya sa akin.
"Pwede bang tumabi sa atin si Tita Lanie mo?"
"What!" mahinang sambit ni Lanie.
"Yes Ninong pero dapat sa gitna ako." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mommy.
"Ok, anak sa gitna ka." Sagot ko dahil super late na para sa edad niya ang matulog ng alas onse ng gabi. Umalis na sila at kami nalang tatlo ang natira sa kwarto ko. Nagpaalam na maligo si Lanie, binasaan ko naman ng kids book ang inaanak ko bago matulog. Pag labas ni Lanie ay napalunok ako dahil naka nightie's siya at aninag ang thong niya pati ang n*****s niya dahil wala siyang suot na bra.
"Anak, mligo lang si Ninong saglit ah." Paalam ko sa aking inaanak. Mabilis akong naligo at lumabas na nakatapis lang dahil narinig ko ang pag-iyak ni Autumn.
"What happened?" Tanung ko.
"Nag usap lang kami at sinabi niya na ayaw niya sa akin. Sinabi ko na maging asawa mo na ako at dapat magustuhan niya din ako tapos umiyak na siya." Sabat ni Lanie.
"Anak." Tawag ko kay Autumn na nakayuko at humihikbi. Bigla niya akong niyakap at bumulong.
"Ayaw ko sa kanya Ninong bad siya, she pinch may palad." Masamang tinignan ko si Lanie.
"That is not true love." Sagot niya. Buhat ko si Autumn at kumuha ng pamalit. Agad akong nag suot ng damit at pinaupo ko siya sa aking lap. Binuksan ko ang aking laptop at ni rewind ang video ng 15 minutes. Kita sa video ang pagpasok ko sa banyo. Lumapit si Lanie kay Autumn na binubuklat ang kids book.
"Get out of this room right now." Nagsalubong agad ang kilay ko.
"Ayoko po, madilim sa labas." Sagot ng inaanak ko.
"Matulog ka doon sa Lolo at Lola mo!"
"Ayoko po, kay Ninong ako matulog."
"Ganun ah." Galit na sambit ni Lanie at kinuha niya ang palad ni Autumn at kitang kita ko kung paano niya ito kinurot. Galit akong tumingin kay Lanie.
"Get out of this house right now!" Sigaw ko at tinakpan ang tenga ng inaanak ko.
"Let me explain Love."
Agad akong lumbas sa aking kwarto buhat si Autumn at kinatok ang mga magulang ko.
"What happened Son? Bakit umiiyak ang apo ko."
"Sinaktan siya ni Lanie, I don't want to see her Face Mom baka pulis pa ang matawagan ko."
"Anoh! Pwes ako ang tatawag ng pulis." Sagot ni Mommy na galit na galit. Pinalabas ko si Lanie sa aking kwarto na naka nighties at isinara ang pinto. Ang mga magulang ko na lang ang bahala sa kanya.
"Stop crying now anak, Ninong will kiss your palm and the pain will go away." Sambit ko at hinalikan ang maliit niyang palad. Namumula ito at halata ang dalawang kuku na bumaon. I will make sure na matangglan siya ng lisensya lalo na at mga bata ang pasyente niya. Ilang ulit kong hinalikan ang kanyang palad hanggang tumigil na siya sa paghikbi. Bago ko siya pinahiga sa kama ay pinainum ko muna siya ng tubig. Hinalikan ko ang kanyang noo at tuluyan na siyang nakatulog.