Ryan (POV)
Mahimbing ang tulog na ng inaanak ko, dahan-dahan akong umalis sa kama at lumabas para tignan kung nakaalis na si Lanie. Paglabas ko sa kwarto ay dinig ko ang malakas na sirena ng sasakyan ng mga pulis. Agad akong bumaba at patakbong lumabas. Galit na galit ang Mommy ko.
"Walang hiya ka, tao ka naming pinapasok dito sa aming pamamahay tapos sasaktan mo lang ang Apo ko Doctor ka pa man din!" Malakas na sigaw ni Mommy.
"Sino po ang mga magulang ng batang sinaktan?"
"Si Natan Sandoval." Sagot ni Daddy.
"Ha si General Sandoval po ba?"
"Yes." Sabat ko.
"Sige pusasan na yan, anak pa ni General ang sinaktan niya." Sambit ni Hepe.
"Love, you can't do this to me, kurot lang ang ginawa ko." Sambit ni Lanie na umiiyak.
"Sinaktan ninyo parin ang bata Ma'am, maliit o malaki physical abuse parin." Sabat ng isang pulis.
Tumawag ako agad kay Natan para ipaalam ang nangyari, ang ikinababahala ko ay baka hindi na niya payagan ang inaanak ko na matulog sa bahay pero kailangan niyang malaman. Ilang ring muna bago niya ito sinagot.
Natan: Yes Ryan
Pabulong niyang sagot, napahigpit ang hawak ko sa aking telepono dahil alam kong inaalagaan niya ang bagong quad niya tapos mag hating gabi na tumawag ako.
Ryan: May mga pulis ngayon sa bahay.
Natan: Why? what happens? Nandiyan si Autumn hindi ba?
Sunod-sunod na tanung niya na papalakas ang boses.
Ryan: I have this girl na dinala sa bahay at sinaktan si Autumn. Ipapadala ko ang Video.
Natan: What the f**k Ryan!
Malakas na sigaw nito, narinig ko si Summer na pinakakalma si Natan.
Summer: Papanoorin namin ang video, tulog naman ang mga bata palabas na kami sa bahay.
Ryan: Ok nandito pa ang mga Pulis.
Pinatay na ni Summer ang tawag. I lang saglit lang ay dinig namin ang harurut ng mabilis na sasakyan na papalapit. Agad na lumabas si Natan at Summer na naka roba. Lahat ng mga pulis ay sumaludo sa kanya.
Agad na lumapit si Natan kay Lanie at sinampal ito ng malakas. Sa lakas ng pagkasampal ay napa upo pa siya.
"You don't have any right to hurt my daughter!" Malakas na bulyaw ni Natan na galit na galit. Nakayakap sa kanya si Summer.
"Enough Love, nan diyan na ang mga pulis."
"Sir, sumunod na lang kayo sa prisinto para mag hain ng reklamo."
May tinawagan si Kuya Natan, sumunod kami sa mga pulis. Naiwan ang mga mgulang ko para bantayan muna nila si Autumn sa aking kwarto habang wala pa ako.
Pagdating namin sa Pulis station ay nandoon sina Kuya Caleb at Kuya Harry. Agad na sampahan ng kaso si Lanie, lalo na may video ang ginawa niyang pananakit at nakunan ko pa ng larawan ang palad ni Autumn na may bakas ng dalawang Kuku at bahagyang nangitim. Iyak ng iyak si Lanie na nagmamakaawa lalo na at pinakan sela agad ni Kuya Harry ang lesensiya niya bilang Doctor. Ang masama pa ay may share pala ang mga magulang ni Lanie sa Negosyo ni Kuya Natan alam ko na ang susunod na mangyari.
"Kuya I am sorry." Mahinang sambit ko. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat.
"I watched the Video, wala kang kasalan. But next time kung mag papatulog ka ng babae sa kwarto mo ay huwag mong patulugin ang anak ko sa bahay ninyo." Seryosong sambit niya.
"Ok, Kuya." Sagot ko nalang at hindi na ako nag bigay ng paliwanag pa. Hindi ko naman talaga inaasahan na matutulog si Lanie sa bahay. Pero nakahinga ako ng maluwag dahil ibig sabihin ay pwede pang matulog ang inaanak ko sa bahay namin.
Pagdating ko sa bahay ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto. Tulog ang aking mga magulang at napaigtnaan nila ang inaanak ko. Hindi ko na sila ginising pa, kumuha ako ng unan at natulog sa Sofa.
Nagising ako ng may tumatapik sa aking pisngi.
"Ninong, jijingle ako." Antok na saad niya. Naalala ko marami pala siyang ininum na tubig kanina bago natulog. Agad akong bumangon at hinawakan ang kanyang maliit na kamay. Pumunta kami sa banyo, marunong na siyang gumamit kaya inihanda ko na lang ang tissue na pamunas niya. Pagkatapos niya ay iniabot ko ang tissue siya na ang nag punas at nagbalik sa pambaba niyang kasuotan. Kinuha ko ang upuan para tumayo siya doon at hugasan ang kanyang mga kamay. Tinulungan ko siyang maghugas.
"Ouch!"
"Bakit anak?"
"Mahapdi ang palad ko Ninong." Sambit niya, agad kong tinignan ang palad niya. Nagkasugat nag palad niya sa kuku ni Lanie. Sa nipis ba naman ng skin ng apat na taong gulang at pinanggigilan na kurutin ay talagang magkakasugat ito. Agad kong inilapit sa malamig na tubig para maalis ang sabon. Dahan-dahan ang pag tuyo ko sa palad niya.
"Gusto mo bang lagyan natin ng band-aid?"
"No need Ninong, basta no more sabon po." Cute na sagot niya. Binuhat ko siya at pinatay ang ilaw sa banyo.
"Ninong, bakit dito sleep sina Lolo sa kwarto mo at sa sofa ka natutulog?"
"Na miss ka daw nina Lolo kaya gusto ka nilang katabi." Sagot ko na lang.
"Eh, paano yan na miss kita. Dapat katabi din kita." Napangiti ako sa sinabi ng kutingting kong inaanak.
"Hindi tayo mag kakasya sa kama ko anak, kaya sa sofa na ako natulog."
"Matulog tayong dalawa sa sofa kung ganun Ninong."
"Hindi tayo mag kakasya anak."
"I have an idea!" bulaslas niya na itinaas pa ang hintuturo niya pataas at malapit sa kanyang sintido.
"What is your idea?" Nakangiting sagot ko.
"Sa kwarto nila tayo matutulog." Excited na sagot niya. Kilala ko ang mga magulang ko alam kong marami silang anik anik doon at ayokong makita ng aking inaanak.
"How about sa guest room tayo matutulog?" Napa usli ang nguso niya.
"Hindi ba good ang Idea ko Ninong?"
"Good anak pero, baka babalik sila doon sa kanilang kwarto tapos nandoon tayo natutulog. Gigising na naman tayo at babalik sa kwarto ko. Kaya sa guest room nalang tayo para deretso ang tulog natin. Puyat ka na anak, hindi maganda sa edad mo ang napupuyat hindi ka tatangkad.
"Hali ka na Ninong, matulog na tayo sa guestroom." mabilis niyang hinila ang kamay ko. Binuhat ko siya at lumabas kami sa kwarto ko. Sa kabilang kwarto kami natulog. Pinahiga do siya sa kama at kinumutan. Pinaandar ko ang aircon at pinatay ko na rin ang mga ilaw kaya sobrang dilim ng kwarto. Hindi kasi siya makatulog kung may naaaninag siyang liwanag. Lumapit ako at nakimut na rin dahil malaki ang kumot sa guestroom.
"Good night anak." Mahinang sambit ko.
"Good night Ninong, la love kita." malambing na sagot niya dumukwa ako at hinalikan ang kanyang noo. Iba ata ang nahalikan ko dahil paran basa ang labi ko.
Ipinikit ko na ang aking mga mata at natulog narin.
Kinabukasan ay late na akong nagising, napatingin ako sa tabi ko. Mahimbing parin ang tulog ng inaanak ko kaya dahan-dahan ang pag bangon ko para maligo. Naka suot lang ako ng roba dahil wala akong damit sa kwarto na ito. Mahimbing parin ang tulog niya kaya mabilis akong pumunta sa kwarto ko na mag bihis. Mahimbing din ang tulog na mga magulang ko na mag kayakap. Mabilis akong nagbihis at pinuntahan ang inaanak ko. Pagbukas ko ay gumagalaw na siya at ang kamay niya ay naglalakbay sa kama. Napangiti ako dahil parang hinahanap niya ako kaya agad akong lumapit sa kanya.
"I am here anak." Mahinang bulong ko.
"Ninonggg!" Sambit niya na anto na antok parin.
"Gusto ko rin maligo Ninong para mabango ako gaya mo."
"O sige, tutulungan ka ni Yaya."
"Sige po Ninong pero ipaalala mo na huwag lagyan ng sabon ang ouchy ko."
"Yes anak, I will." Sagot ko at binuhat na siya.
Agad kong tinawagan si Yaya, umakyat naman siya agad. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kagabi kaya awang -awa siya kay Autumn.
"Anak, wait ka ni Ninong sa baba."
"Sige po Ninong, hintay mo ako ah huwag kang kain."
"Oo, sige maligo ka na."
Pag baba ko ay nasa sala na ang aking mga magulang na nag kakape.
"Anong nangyari sa pulis station anak."
"Makukulong si Lanie at no bail dahil nang nalaman nila na nakakulong ito dahil sa pananakit ng bata ay maraming mga magulang ang pumunta kanina sa pulis station na nagreklamo."
"Bakit ngayon lang sila nagreklamo?"Tanung ni Mommy.
"Kahit kasama ang mga magulang na mag pacheck up ay hindi nila nakikita ang pananakit ni Lanie, palihim pala ang pagkurut niya kapag ang bata ay iyak ng iyak. Ang akala ng mga Ina ay takot lang sa doctor at injection ang mga anak nila."
"God! kaya anak, be careful lalo na kung hindi mo kilala ng lubusan ang isang tao. Hindi lahat ng malambing magsalita at tahimik ay mabait. Mostly sa kanila ay nasa loob ang kulo." Natahimik na lang ako dahil sa totoo ay magaling ako sa negosyo pero kung about sa mga babae ay wala akong alam dahil si Summer lang ang naging malapit sa akin.