03

1338 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Tama ang hinala ni Dahlia. Napapalibutan na ng mga bampira ang lugar na iyon. Pilit na inayos ni Dahlia ang expression at nilampasan ang mga bampira na nasasalubong niya na kung mga umakto ay parang mga normal na estudyante lang. Unti-unti na hindi nagugustuhan ni Dahlia ang mga kulay dahil sa mga ito. Natatakot na siya dahil pakiramdam niya kakainin siya ng kulay pulang aura na nakikita niya sa mga nilalang na nadadaanan niya. "Hey babe— mukhang nagmamadali ka." Nanlamig si Dahlia matapos may tatlong lalaki ang humarang sa kaniya. Pulang-pula ang nakikita niyang mga aura dito. Umatras si Dahlia at sinabing kailangan niya na unuwi— nagmamadali siya. Tumakbo si Dahlia at nilampasan ang mga lalaki. Naramdaman niyang sinusundan siya ng mga ito. Naiiyak siya dahil sa takot— hindi umaayon ang instinct niya sa isip niya. Mas binilisan pa ni Dahlia ang paglalakad hanggang sa makalabas siya ng university. Nararamdaman niya pa din ang mga lalaki. Mabilis ang naging takbo ni Dahlia hanggang sa makarating siya sa lumang park kung saan niya unang nakita si Nexus. Pumasok siya sa loob ng park at tumakbo patungo sa gubat. "Nasaan ka! Tulungan mo ako— natatakot ako," umiiyak na sambit ni Dahlia. Lumingon si Dahlia habang tumatakbo— wala siyang nakikita ngunit naririnig niya at nararamdaman ang pagkilos ng mga ito. Palapit na ito sa kaniya. Mas binilisan ni Dahlia ang pagtakbo— narinig niya ang mga tawanan ng mga ito. "Ahh!" sigaw ni Dahlia. Sumabit ang paa nito sa ugat ng puno at nadapa siya. Nanlamig si Dahlia matapos makitang nagkaroon siya ng sugat. Mas lumakas nag sipol ng hangin at kaluskos. Pilit na tumatayo si Dahlia ngunit agad din siya bumagsak. Napatigil si Dahlia matapos makita ang tatlong bampira na handa siyang sakmalin. Naihara ni Dahlia ang mga braso sa mukha niya at pumikit. Ngunit lumipas ang ilang minuto. Walang sumakmal sa kaniya. Minulat niya ang mata at doon nakita niya ang pamilyar na bulto sa harapan niya. Kitang-kita niya kung paano nito tinanggal ng ulo ang isa sa mga bampira na humahabol sa kaniya. Out of nowhere, may sumulpot na apat na bampira at binali ang leeg ng dalawang hindi na makatayo— nasunog ang mga ito at naging abo. Pula ang mga mata nito at lahat sila napatingin kay Dahlia. Natakpan ni Dahlia ang mga sugat matapos lumingon sa kaniya ang apat na bampira na mukhang naakit sa dugo niya. Nakarinig si Dahlia ng ingay na parang nagka-crack mula kay Nexus. Napaatras ang apat at agad na tumakbo palayo. Nawala ang mga ito. Nakita ni Dahlia na humarap sa kaniya si Nexus— pula ang mga mata nito at mukhang handa din siya nito sakmalin. Kung si Nexus ang iinom ng dugo niya ayos lang. May kontrol si Nexus at siguradong makakatulog lang din siya katulad ng una. "Kanina nag-iiyak ka at takot na takot dahil hinahabol ka ng bampira tapos ngayon kung tingnan mo ako parang kulang na lang sabihin mong kagatin na kita," ani ni Nexus. Tumulo ang luha ni Dahlia dahil doon. "Alam ko kasi hindi mo ako papatayin," ani ni Dahlia na ngayon ay humihikbi. Maya-maya ngumawa ito sa takot— muntikan na siya mamatay kanina. Napailing na lang si Nexus at lumuhod. Hinila nito ang kamay ni Dahlia. May sugat ang mga palad nito. Napatigil si Dahlia matapos makitang halikan iyon ni Nexus at sa isang iglap nawala lahat ng sugat niya sa katawan. Pati iyong sugat niya sa tuhod. "Ito na iyong pang-apat na beses na nagkita tayo. Hi-hindi mo pa din sinasabi sa akin ang pangalan mo," ani ni Dahlia. Napatigil si Nexus— binitawan ang kamay ng babae at tumayo. "Hindi mo na kailangan malaman. Huwag ka na din babalik dito," ani ni Nexus. Sinuot nito ang itim na roba. Hahakbang ito paalis nang magsalita si Dahlia. "Nakita kong pinatay mo ang mga kasama mong bampira," ani ni Dahlia. Gumusot ang mukha ni Nexus at lumingon. "Kung hindi ka pumunta dito dala ang mga bampira na iyon hindi ko sila kailangan patayin," gigil na sambit ni Nexus. Tumingin sa kaniya si Dahlia na puno ng pag-asan. "Ginawa mo iyon para iligtas ako diba?" tanong ni Dahlia. Gumusot ang mukha ni Nexus at tumalikod. "Lumayo na kayo sa siyudad na ito. Isama mo ang lolo mo at pumunta kayo sa sumunod nitong siyudad. Iyon lang ang bahagi ng isla na hindi maabot ng mga bampira. Umalis na kayo," ani ni Nexus. Tumayo si Dahlia. "Ang lolo ko may fallacy mark siya pati na din ang mga kasama ko sa bahay. Wala na akong mapupuntahan at kahit pamilya ko inabandona na ako. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Wala na akong mapagkakatiwalaan," ani ni Dahlia na nangingilid ang luha. Sumama ang expression ni Nexus at lumingon. "Alam mo ba kung anong klaseng nilalang ang gusto mong pagkatiwalaan?" Biglang naglaho si Nexus at hinablot ang panga ni Dahlia at sinamaan ito ng tingin. "Pagkain lang ang tingin ko sa iyo at dahil sa pagiging istupida mo nawawalan ako ng gana kainan ka dahil hindi ka 'man lahg marunobg sumigaw. Alam mo ba nagiging masarap ang dugo ng mortal kapag nae-excite sila o natatakot?" ani ni Nexus na nakayuko at nakikipagsukatan ng tingin kay Dahlia. "Balewala naman sa akin kung inumin no ang dugo ko hanggang sa gusto mo. Huwag mo lang ako papatayin— about naman sa takot. Imposible na matakot ako sa iyo," ani ni Dahlia na ngayon ay nakapako ang tingin sa pulang mga mata ni Nexus. Paano magagawa ng dalaga kung malayo sa tingin at ginagawa nito sa kaniya ang binubuka ng bibig nito. Hindi talaga ni Dahlia maintindihan kung bakit pilit na ginagawang masamang tao ni Nexus ang sarili niya kay Dahlia. "Ang sunod na siyudad ay teritoryo ng mga lobo— nakikipag-ugnayan sila sa mga hunter na tulad mo at alam ko na magiging tulong ka para tapusin ang kaguluhan na nangyayari sa lugar na ito— hindi nakikipagkaibigan ang mga tulad mo sa mga bampira. Katulad ng sinabi ko— walang mabuting bampira," ani ni Nexus. Bibitawan ni Nexus ang panga niya nang hawakan ni Dahlia ang laylayan ng suot na hood ni Nexus at yumuko. "Nabasa ko sa libro ang tungkol sa nga vampire hunter na tinutukoy mo. May libro 'non ang lola ko— ngunit walang nakasaad sa libro na iyon na hindi pwedeng sumama ang hunter sa bampira diba?" Tumingin si Dahlia sa bampira. Hawak nito ng mahigpit ang kasuotan ni Nexus. "Kung maging vampire hunter ako choice ko iyon katulad ng naging choice mo din na iligtas ako kahit pa kailanganin mong patayin ang kauri mo." Hindi maintindihan ni Nexus kung bakit gusto ng babaeng iyon sa kaniya. Ngunit kung isasama niya ito malaking advantage para sa mission niya iyon. Kusang loob ibibigay ng babae ang needs niya at magiging bawas ito sa mga peste na walang ginawa kung hindi bulabugin siya at hunting-in sa dahilan na bampira din siya. Magagamit din niya ang kakayahan ng babae para makaiwas sa mga lobo at bampira. Kung isasama niya ang babae ngayon pabalik siya sa kaharian nila. Siguradong pagugulungin ng kapatid niya ang ulo niya sa altar. Isang mortal si Dahlia at may dugo itong hunter— dinala niya pa ito sa kaharian. Kung hindi niya ito isasana bukod sa 15% lang ang chance na makabalik sila ng ligtas sa kaharian— gagawing panghimagas ng mga bampira si Dahlia dahil hindi pa ito marunong proteksyunan ang sarili. Biglang sumakit ang ulo ni Nexus kakaisip ng mga posibilidad. Nagtama ang mata nila na Dahlia. Puno iyon ng pagmamakaawa— nevermind, sa isip ni Nexus. Habang naglalakbay sila pwede niya turuan si Dahlia ng ilang moves para protektahan ang sarili nito. Hindi na unfair iyon kapag iniwan niya si Dahlia bago pa sila makarating sa kaharian nila. Ngumisi si Nexus matapos makapag-decide. Hindi maganda ang pakiramdam doon ni Dahlia ngunit nakapagdesisyon na si Dahlia. Susunod siya kay Nexus kahit saan ito pumunta. "Ako si Nexus— Salvatore."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD