Blurb
I have a condition called Achromatopsia kung saan wala akong ibang nakikita bukod sa gray. Malungkot na kulay ito para sa akin. Ikaw ba naman walang ibang makitang kulay bukod sa gray diba?
Ngunit anong magagawa ko? Ganito na ako 'nong pinanganak ako. Kahit ang mga doctor ay walang magawa sa kondisyon ko.
Bumuga ako ng hangin at umupo sa lumang swing. Mukhang this time sobrang dissapointed na ang parents ko kaya iniwan na lang ako dito sa probinsya.
Ilang doctor na ang nilapitan namin tungkol dito at halos na naikot na namin ang buong mundo para makahanap ng gamot ngunit wala. Kahit ilan pang opera— walang nangyayari.
Tinulak-tulak ko ang sarili ko sa swing. Kung may paraan lang para makakita ako ng normal— kahit kapalit 'non ang buhay ko gagawin ko talaga.
Malungkot mabuhay ng ganito— 20 years old na ako nabubuhay ng halos walang nakikita. Mas gusto ko pa mabuhay ng bulag kaysa iyong ganito.
Sabi ng lola ko espesyal ang mga matang ito ngunit sa paanong paraan? Wala akong nakikitang kulay bukod sa gray.
Napatigil ako sa pagpapagalaw ng swing matapos ako makarinig ng mga kaluskos. Napalingon ako— gubat ang bahaging nasa likuran ko ngunit wala akong nakikita.
Pagharap ko nagulat ako matapos may makita akong dalawang lalaki sa lumang slide. As in nakikita ko sila— nakikita ko ng malinaw ang mukha at suot nilang damit.
May nakikita din akong ibang kulay na bumabalot sa kanila. Magkaiba ang kulay na iyon— sugatan ang lalaking may suot na itim na roba.
Nagulat ako matapos mag-anyong napakalaking lobo ang isa sa mga ito at patungan ang kalaban nitong sugatan din.
Hindi ako siguradong kung pareho ba silang mga tao o nanaginip lang ako pero kinuha ko ang bakal. Malakas kong hinampas ang lobo sa ulo dahilan para matumba ito at mawalan ng malay.
Nabitawan ko ang bakal at napaatras. Hindi ito maganda. Hindi maganda ang nakikita kong kulay sa mata ng nilalang na nakahiga ngayon sa sahig at nakatingin sa akin.
Umatras ako at tumalikod. Tatakbo ako para umuwi nang sa isang iglap may mga braso ng nakapulupot sa katawan ko— mula sa likod hawak niya ang panga ko.
Hindi ako makagalaw anong nangyayari. Inamoy-amoy niya ang gilid ng leeg ko. Ramdam na ramdam ako ang mainit nitong hininga sa leeg ko at nakikiliti ako dahil doon.
"Balak sana kitang gawing hapunan pero dahil niligtas mo ako kanina. Nagbago ma isip ko— kahit papaano may konsensya naman ako," malamig na sambit ng lalaki. Binitawan niya ang panga ko.
"Hanggang sa muli— Dahlia."
Paglingon ko— nawala na ang lalaki pati na din iyong lobo. As in sa mga oras na iyon— hindi ko alam kung totoo ba iyon o imahinasyon ko lang.
Parang walang nangyari doon isama pa na ang reyalidad na imposibleng makakita ako ng ibang kulay bukod sa grey.
"Dahlia! Wake up. Hindi iyon totoo," ani ko at sinapak-sapak ng mahina ang pisngi ko. Napatigil ako at napahawak sa gilid ng leeg ko.
Hindi ba talaga iyon totoo? Bakit ramdam ko pa din ang hininga at labi niya sa leeg ko. Pati iyong paghawak niya sa panga ko kanina.
"Ngunit hindi ako pwede magkamali. Nakita ko ang napakagwapo niyang mukha kanina— masyado iyong malinaw para maging panaginip."