02

1133 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Napa-pokerface si Dahlia nang hindi pa siya nakakapasok sa room niya may ilan ng lalaki ang lumapit sa kaniya para abutan siya ng bulaklak na hindi niya alam kung anong klaseng bulaklak iyon dahil hindi niya makita ang kulay. Hindi sila pinansin ng babae at sinabing hindi siya interesado. Napairap sa kawalan ang mga babaeng kaklase ni Dahlia matapos makita ang ginawa ni Dahlia sa mga lalaking nanliligaw sa kaniya. Maraming nagbulungan na kung hindi lang daw ito maganda at maputi. Wala sa kaniya magkakagusto. Hindi na sila pinansin ni Dahlia. Masyado na siyang mature para patulan ang mga pambatang hinaing ng mga ito sa mundo. Humalumbaba si Dahlia sa lamesa at tumingin sa ilabas ng bintana. Tiningnan ang mga estudyante na mga nagkakatuwaan sa baba at ilang mga estudyante na naglalaro ng soccer. Napatigil si Dahlia matapos may makita siya muling mga aura. Pula iyon— hindi maalis ni Dahlia ang paningin sa dalawang tao na iyon na napapalibutan ng mga babae. Wala doon ang lalaking pumasok sa room niya. Ibig sabihin mga bampira din ang mga nilalang na iyon. Biglang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ng binata kagabi. Umiling si Dahlia at tumingin na muli sa unahan matapos pumasok ang professor nila. Napako ang tingin niya sa matandang professor na mukhang zombie na naglalakad. May pulang ugat siyang nakikita sa leeg ng matandang professor. Nanlalalim din ang mga mata nito "Anong nangyari kay professor Anne? Bakit nangulubot ang balat niya?" tanong ng seatmate ni Dahlia. Ang professor na iyon ang nagdala sa kaniya sa classroom na iyon. Maganda din ang professor na iyon at nasa 30s pa lang. Ngayon mukha na itong nasa 50s. "Maling skin care yata ang nagamit. Baka fake," ani ng ilang mga babae na nasa likuran ng kinauupuan ni Dahlia. Sinabi ng professor na manahimik at magsimula na ang klase. — "Sinadya mo ba akong hintayin ngayon gabi? Hindi ka nadadala?" pikon na sambit ni Nexus matapos makitang gising pa si Dahlia. Nakaupo ito sa kama habang may hawak na kakaibang libro at sa isang kamay nito ang isang salamin. Napaangat ng tingin si Dahlia at naibaba ang hawak na libro. Bukas ang ilaw ng gabi na iyon— titig na titig siya kay Nexus. Kulay berde ngayon ang mga mata nito— malayo sa nakita niyang kulay kagabi. "Ikaw ba iyan? Bakit iba mata mo ngayon?" ani ni Dahlia. Napasiksik ito sa head board at napayakap sa kumot. Sumama ang mukha ni Nexus. Sa isang iglap nasa harapan na ito ni Dahlia— naging pula ang mga mata nito at lumabas ang mga pangil. "Ikaw nga— kinabahan ako," ani ni Dahlia na napahawak sa dibdib. Natanga si Nexus dahil doon. Pumikit ng madiin si Nexus para pigilan ang sariling masakmal ang babae. Masyado itong engot. Paanong natakot ito sa normal niyang anyo at napantastikuhan ito sa vampire side niya. Minulat ulit ng mata si Nexus habang nakaupo sa gilid ng kama at hawak ang panga ni Dahlia na ngayon ay may hindi maintindihan na expression. "Anong nangyari mukhang anxious ka?" tanong ni Nexus at binitawan ang panga ni Dahlia. "Kinagat mo ako kagabi bakit wala akong nakitang kakaibang kulay ng roots sa gilid ng leeg ko?" tanong ni Dahlia. Kinuha niya ang salamin at kinapa ang bahagi ng leeg niya kung saan kumagat si Nexus. "Anong roots? Tinutukoy mo ba iyong Fallacy curse?" tanong ni Nexus na na parang nagtataka. Ang Fallacy curse ay isang marka na nilalagay ng mga bampira sa prey nila kung saan kapag nilagay nila ito kusang ma-absorb ng naglagay ng curse ang energy at blood nito ng hindi ito nilalapitan o kinakagat. "Fallacy curse? Oh my god iton 'yon? Nabasa ko sa libro na ito na kapag nalagyan ka 'non hindi tatagal ng 7 days ang buhay ng isang tao," ani ni Dahlia. Napa-pokerface si Nexus. "Nagbabasa ka ba tungkol sa akin?" tanong ni Nexus. Agad na umiling si Dahlia at sinabing matagal ng alam ni Dahlia ang tungkol sa mga bampira ngunut hindis siya pamilyar sa mga kaya nitong gawin. "Nag-check ako dahil may nakita akong dalawang nilalang na may katulad na kulay ng something na lumalabas sa katawan mo," sagot ni Dahlia. Kumunot ang noo ni Nexus. "Anong kulay sinasabi mo?" tanong ni Nexus. Tinuro ni Dahlia ang mata niya. "Katulad ng kulay ng mata mo kanina. Kaso iyong sa kanila— masyadong thick at creep—" Nagulat si Dahlia matapos hawakan ni Nexus ang balikat niya at magbagi ang kulay ng mata nito. "Anong sinasabi mo? Anong nakikita mo!" sigaw ni Nexus. Napangiwi si Dahlia at sinabing nasasaktan siya. Agad siya binitawan ni Nexus at napasapo sa noo. Tumayo si Nexus— medyo lumayo ito. "Isa kang hunter," bulong ni Nexus. Napatigil si Dahlia at malamig siya tiningnan ni Nexus. "Kung gusto mo mabuhay ng matagal mas mabuting itago mo ang kakayahan mo na iyan. Kalimutan mo na ang tungkol sa akin at last na ang pagpunta ko dito," ani ni Nexus. Parang pinagbagsan ng langit at lupa si Dahlia matapos marinig iyon. Bago pa siya makapagsalita. Sumampa na si Nexus sa railing at tumalon pababa. In some reason gusto ni Dahlia maiyak. Wala siyang maintindihan sa sinabi ng bampira. Ni hindi nito alam kung bakit ito biglang nagbago ang mood nito at sinabing iyon na ang huling beses na magkikita sila. — Lumipas ang isang linggo. Wala ngang Nexus ang nagpakita sa kaniya— gabi-gabi niya ito hinihintay ngunit katulad ng sinabi nito iyon na ang huli. Pakiramdam niya muling bumalik sa dati ang kulay ng mundo niya. Tiningnan ni Dahlia ang mga kamay at tumingin muli sa labas ng bintana. Napatigil si Dahlia at kinusot-kusot ang mata. Ang dami niyang nakikita Fallacy mark. Iyong curse na tinutukoy ni Nexus. Parang noong last week lang namatay ang professor anne nila. Natagpuan daw ito sa apartment nito na walang saplot at wala ng dugo. Pinag-iingat ang lahat sa mga bampira na gumagala nga daw sa siyudad. Napatakip ng bibig si Dahlia. Paano dumami ng ganoon ang curse. Isang beses lang maaring magbigay ng marka ang isang bampira ayon sa libro. Sa isip ni Dahlia maaring marami ng bampira sa lugar na iyon kaya mas marami siyang nakikitang may marka. "Class dissmised," ani ng professor. Agad na tumayo si Dahlia. Masama ang kutob niya sa mga nangyayari. Kailangan niya makaalis ngayon din sa university na iyon. Nauna pa siya sa mga kaklase niya na lumabas. Hindi na siya nag-abalang tumingin sa mga taong nadadaanan niya dahil sa pagkabahala. Bigla niyang naalala ang sinabi ng lola niya. Espesyal ang mga mata na iyon— dapat niyang ingatan. "Sumpa ito lola hindi biyaya," bulong ni Dahlia. Mga hindi ordinaryong nilalang ang nakikita niya sa mga mata na iyon. Hindi siya doon natutuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD