ALAS-ONSE nang gabi ng sapitin nila Paulo ang isang tahimik na barangay. Halos ang bahay roon ay yari sa hallow blocks at kahoy. Nasa bungad pa lang sila ng sabihan siya ni Mang Badong na patayin ang makina ng motor. Pagkatapos no’n itinabi niya ito sa bakanteng lote na may puno ng mangga. Saka lumakad sila papasok sa looban. Hindi maiwasan ng binata na kabahan lalo’t parehong tahimik ang kanyang mga kasama. Pagsapit sa isang kanto lumiko sila at tinungo ang pinakadulong bahay. Nang makita niyang naging alerto ang dalawa ginaya niya ito. Kahit papaano may alam siya pagdating sa self-defense. Hindi lang naman inuman ang ginagawa nila no’n ng mga barkada nag-eensayo rin sila ng mga martials arts tulad ng karate, boksing at marami pang iba. Kasama si Dalle nakahiligan rin nila magkapatid na m