Matapos ipaliwanag ni Tiyo Lito ang tungkol sa Pulang Watawat kay Paulo. Bahagyang nalinawagan ang binata sa mga bagay-bagay tungkol sa grupo. Alam niyang mali sa batas ang gawin ng mga ito ngunit nanindigan siyang kakayanin ang training para sa pagsali niya rito. Para sa kanya maganda ang layunin ng grupo. Na tulungan ang mga mamamayang naaapi. Bukod roon kinasasabikan rin niyang makasama at makatrabaho ang dalaga. Ngayon pa lang parang natutuwa na siya sa naging pasya. Excited rin siya ng ihayag ng kanyang tiyuhin na isasama siya sa misyon mamayang gabi. “Magpahinga ka na lang. Baka ’di mo kayanin ang training mo, mamayang gabi,” saad ni Tiyo Lito kay Paulo. Habang naghahanda ito ng kanilang mga gamit na dadalhin. Ngumiti si Paulo. “Hindi na naman ako makapagpahinga tiyo, excited ako