KAINIP-INIP kay Paulo ang mga araw na nagdaan. Pakiramdam niya ang bagal ng bawat oras. Apat na araw na niyang ’di nakikita ang dalaga nami-miss na niya. Mas lalo siyang nasasabik na makasama ito sa kanilang misyon. ”Tara training tayo.” Boses ni Allen ang nagpabalik sa kanyang kamalayan sa pagsesenti. Niyaya siya nito sa likod ng kubo kung saan naroon ang training field. Tamad na tumayo si Paulo sa upuan at sumunod kay Allen. Nakita niyang naghubad ng sando ang kasama saka buong lakas nitong itinayo ang isang gulong sa puno ng aritilis at pinagulong-gulong ’yon papuntang likod. Ginaya ng binata ang ginawa nito mabuti na lang nakapagsuot siya ng pang-basketball name short name bigay pa no’n ng isa niyang tropa. Kung sa katawan lang pagbabasehan pareho lamang silang dalawa. Matangkad la