EXACTLY eight o’clock at night. From the window of his room he could clearly see Mister Dela Peña’s car leaving. Huminga ng malalim si Remedios saka naghintay ng sampung minuto bago gawin ang pagtakas niya sa mansyon ng amo ngayong gabi. Tinungo niya ang kabinet at kinuha ang backbag na naglalaman ng mga importanteng dukomento. Pagpatak ng alas-otso bente singko sa kanyang relo agad siyang nagbihis. Skinny jeans, cropped tank top na pinatungan niya ng jacket na may hood at white sneakers ang sapin sa paa. Matapos tingnan ang sarili sa salamin. Buong ingat siyang lumabas ng kuwarto. Pagdating niya sa sala halos madilim na ang buong kabahayan. Kaya dahan-dahan niyang tinungo ang front door. Pagkalabas ni Remedios walang ingay at mabilis niyang tinakbo ang gate. Dahil may CCTV agad siyang t