Tumikhim si Mrs. Santos upang kunin ang atensyon ng kaibigan. Agad naman silang nilingon ng lalaki at saka kumaway. Naunang lumapit ang guro ni Remedios samantalang siya nakasunod lamang rito. Mabilis tumakbo ang batang babae sa kanyang guro at nagpakarga.
“Hi po, Tita Leah,” bati ng bata.
“How are you, baby?” masaya niyang tanong sa bata.
“I’am okay po,” sagot ng bata. Sabay tingin kay Remedios. “Who is she?”
Inilapag ni Mrs. Santos ang bata sa upuan. Saka umikot sa kabilang side ng upuan, katabi ang kaibigan.
“Your tutor. Siya ang magtuturo sa iyo, Baby.”
Kita ni Remedios ang pag-irap ng bata sa kanya. Para tuloy gusto niyang mag-back out, dahil sa nakikita niyang ugali nito. She’s thinking over spoiled ang bata.
“Have a sit,” alok sa kanila Mr. Dela Piña.
Umupo si Remedios sa tabi ng bata, kaharap ang magiging amo. Habang si Mrs. Santos naman ay sa tabi ng kaibigan.
“Siyanga pala Bert. This is Remedios, one of my very kind student,” pakilala ni Mrs. Santos.
Nakangiting tumayo si Mr. Dela Peña saka naglahad ng kamay sa dalaga. “Nice to meet you. Ms. Soriano.”
Bahagyang nakadama ng pagkailang si Remedios. Sino ba naman ang ’di mahihiya? Sa gandang lalaki ni Mr. Dela Peña, siguro bato lang ang hindi maakit sa kanyang mga ngiti. Killer smile, ’ika nga nila. Walang nagawa ang dalaga kun ’di tanggapin ang kamay ng lalaki.
“Me too Sir,” nahihiyang sagot ni Remedios. Tapos kamayan ang lalaki.
“Robert na lang. Feeling ko matanda na ako, kapag masyadong formal. I’m only thirty-two,” saad ni Robert.
Kahit nahihiya isang tipid na ngiti ang isinagot ni Remedios kay Robert. Saka ibinaling sa bata ang paningin.
“Hi! What's your name?” She asked the child. Ngumiti pa siya rito.
Ngunit isang katakot-takot na irap ang nakuha ni Remedios bago siya sinagot.
“I’m Genieve Rose Dela Peña,” walang kangiti-ngiti niyang sagot sa dalaga.
Hindi naman nagpaapekto si Remedios kay Genieve. Inilahad niya rito ang kamay. “I’m Remedios Soriano. Your tutor.”
“Hindi kita gustong maging tutor. I don’t like you!” sigaw ni Genieve sabay takbo niya papunta sa loob ng bahay.
Laglag balikat si Remedios habang tinatanaw si Genieve. Hindi niya maiwasan ang mag-alala sa ugali ng bata. Iniisip rin niya baka ’di sila magkasundo oras na tinuruan niya ito.
Napailing naman si Robert sa ipinakitang ugali ni Genieve. Nagsisisi tuloy siya dahil na sobrahan ng husto ang pag-spoil nila ng dating asawa sa anak.
“Paano ba ’yan Bert? Mukhang ayaw talaga ni Genieve ng tutor,” seryosong tanong ni Leah.
Dahil sa galit kita nila pareho ang pag-igting ng panga ni Robert saka hinilamos ang kamay sa mukha. Na tila nahihirapan ito. Walang sabi-sabing iniwan sila nito. Halos matumba pa ang bangkong inupuan dahi sa bilis niyang makatayo.
“Bert!” tawag ni Leah.
Ngunit nagtuloy-tuloy ang lalaki papasok sa loob ng bahay. Muntik pa niyang mabangga ang isang katulong na may dalang meryenda.
“Salamat Lucy,” saad ni Leah sa katulong.
Inilok ni Leah si Remedios ng pagkain. Tumanggi ang dalaga, nag-aalala siya para kay Genieve. Bagaman sanay siya sa mga bata, halos sa nayon nila araw-araw ang mga ito ang parati niyang kasama. Also she thinking na mahihirapan siyang paamuin si Genieve.
Hinawakan ni Leah ang kamay ni Remedios. “Hija, h’wag kang mag-aalala. Mabait na bata si Genieve, nasaktan lang siya ng iniwan sila ng kanyang Mommy. Kaya medyo umiba ang ugali.”
“Nasaan po pala ang Mommy ni Genieve?” tanong ni Remedios.
Biglang sumilay ang lungkot sa mukha ni Leah. “Nangapit-bahay ’di na nakauwi.”
Naguluhan si Remedios sa sagot ng kanyang guro. Ibig sabihin dinukot ang Mommy ni Genieve, kaya ’di na nakauwi. O baka naman may aswang sa lugar, isa ang ginang sa nabiktima. Aniya sa isipan.
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?” seryoso niyang tanong.
Huminga ng malalim si Leah, na tila may nakabara sa kanyang dibdib na kailangang ilabas. Nang mabalitaan ang nangyari sa kaibigan isa siya sa nalungkot. Beside being bestfriend. They have also been together since their elementary and college days. Kaya gano’n na lamang siya nasaktan.
“’Yong Mommy ni Genieve sumama sa ibang lalaki,” sagot ni Leah ’di na napigilan ang pagtulo ng luha. Para sa mga kaibigan.
Doon lang nag-sink in lahat sa utak ng dalaga. Ang ibig sabihin ng guro. Mabilis siyang humingi ng depensa kay Leah. Batid niyang nasasakatan ito dahil panay-panay ang singhot nito. “I’m very sorry po, Ma’am.”
Ngumiti sa kanya si Leah. “It’s okay. I’m just like this when they talk about it.”
Kapwa natahimik ang dalawa. Iginalang ni Remedios ang pananahimik ng kanyang guro. Ilang sandali pa may lumapit sa kanila na isang katulong.
“Ma’am Leah, pinapasabi po ni Sir Robert. Puwede na raw po, mag-start sa Lunes si Ms. Soriano,” sabi ng katulong.
Iniangat ni Leah ang paningin sa katulong. Saka ngumiti rito. “Gano’n ba. Sige salamat Manang Selya. Pakisabi na lang kay Robert, aalis na kami.”
“Sige po Ma’am Leah. Ingat po kayo. Remedios balik ka ha. Huwag mong pansinin ang batang ’yon. May sumpong lang ’yon, kaya nagiging matigas ang ulo.” si Manang Selya.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Remedios kay Manang Selya. “Sige po alis na kami.”
Matapos pasalamatan ni Remedios si Leah agad siyang nag-abang ng trycikel. Ngunit nagtaka ang dalaga wala man lang naliligaw na sasakyan sa lugar na iyon. Huli ng napagtanto ni Remedios nasa exclusive subdivision pala siya. Halos mayayaman at may mga sariling sasakyan ang nakatira roon.
“Halika na hatid na kita,” yaya ni Leah.
Kahit nahihiya lumapit si Remedios sa kanyang guro. Pagkasakay niya dahan-dahang pinausad ni Leah ang kotse.
“Hanggang ngayon ba kay Tita Salud ka pa rin nanunuluyan?” tanong ni Leah habang seryoso ang mga mata sa kalsada.
“Yes Ma’am.”
MAS lalong uminit ang ulo ni Paulo nang makita ang traffic sa kahabaan ng South Luzon Expressway. Nagsisi tuloy siya kung bakit ’di niya dinala ang motor. Matapos ang away nilang magkapatid kagabi. Nagpasya siyang lisanin ang kanilang bahay. Sinisisi ni Dalle ang mga kaibigan niya kung bakit hindi siya nakapasa ng exam. Sinabihan rin niya na mga bad influence sa kanya ang mga ito. Sa sobrang galit ni Paulo kay Dalle nasuntok niya ito kagabi.
Matapos ang insedenteng ’yon sa kanila ni Dalle nagpasya si Paulo na tawagan ang tiyuhin na nasa Mindoro. Ipinaalam niya rito na doon muna siya pasamantala habang mainit pa ang pagitan nila magkapatid. Agad namang pumayag ang tiyuhin sa kanyang plano. Natuwa pa nga ito dahil matagal-tagal na rin silang ’di nagkita-kita.
Habang umuusad na parang pagong ang bus na sinasakyan ni Paulo. Napabaling ang kanyang paningin sa labas ng bintana. Kasabay no’n ang pag-alala niya sa naging away nila ng kapatid.
“Kapal ng mukha mo. Hindi ka na nahiya kay mama!” sigaw ni Dalle kay Paulo. Kakauwi lang niya galing sa shop.
Nagulat si Paulo sa sigaw ng kapatid. He was thinking kung may nagawa naman ba siyang mali. Kaya nagagalit ang kapatid. Halos ilang linggo na rin nga siyang ’di lumalabas ng bahay. Tinutulungan na lamang niya ang kapatid na babae sa mga gawain o kaya minsan sa kanilang shop.
“Ano bang problema mo sa ’kin?” galit rin niyang tanong sa kapatid. Tumayo siya at hinarap ang kapatid.
Ngunit ’di man lang natakot si Dalle sa kanya bagkus nakipagtitigan pa ito at mukhang lalaban pa sa kanya ng suntukan.
“Problema ko? Ikaw! Kay lalaking mong tao ikaw pa ang tambay rito sa bahay. Maghanap ka kaya ng trabaho, hindi ’yong palamunin ka lang rito!” sigaw ng kapatid.
“Put*ng *na mo!” mariin niyang mura kay Dalle. Sabay suntok sa panga ng kapatid. “Ang yabang mo! Ganyan pa lang ang ranggo mo. Kung makaasta ka akala mo kung sino ka na, bastos! Sayang lang ’yan pinag-aralan mo. G*g*.”
Ngumisi si Dalle kay Paulo. Balewala ang suntok na tinamo. “Totoo naman ’diba? Kaya nasasakatan ka? Pare-pareho lang kayo ng mga kaibigan mo. Mga palamunin ng pamilya!”
Hindi na pinatulan ni Paulo ang pasutsada ng kapatid. Sa halip iniwan niya ito sa sala. Papasok na sana siya sa kanyang kuwarto nang muling nagsalita si Dalle.
“Ayaw mo lang kasing tanggapin. Na ’yang mga kaibigan mo at ikaw mga bad influence ng bansa!” sigaw niyang muli kay Paulo.
Hindi na nakapagtimpi si Paulo. Mabilis niyang nilapitan si Dalle at saka kinuwelyuhan. “Tang*na mo. Hindi ka ba talaga titigil ha?”
Tumawa si Dalle ng nakakaloko na tila pinipikon niya ang nakakatandang kapatid. Sabay tabig sa kamay ni Paulo. “Eh, kung ayaw ko may magagawa ka.”
Tumalikod si Paulo na nagpipigil ng galit sa kapatid. Hangga’t maari ayaw na niyang patulan ito at pahabain ang away nila. May natitira pa naman siyang respeto para sa sarili at pamilya. Sinamantala niya pananahimik ni Dalle agad tinungo ang kuwarto.
“Batangas! Batangas!” sigaw ng kundoktor ng bus. Na sinakyan ni Paulo. Mayamaya pa umakyat siya sa loob ng bus. Upang tingnan kung may naiwan pang pasahero sa loob. Bawat bangko maingat niyang ininpeksyon hangang sa mapadako siya sa pinakahuling bangko sa likod.
Nang makita niya si Paulo na tulog. Agad niya itong ginising. “Boss, gising. Nasa Batangas na po tayo.”
“Hmm,” sagot ni Paulo. Sabay dilat ng mata at pinasadahan ang kapaligiran. Unang tumambad sa kanya ang mga naglalakihang container ban, mga pampasaherong barko at ang mga kapwa niya pasahero. Tumayo ang binata at kinuha ang duffel bag na nasa kanyang uluhan.
“Pasensya na boss. Nakatulog ako,” hingi niya ng paumanhin. Nang makitang siya na lamang ang pasahero sa loob ng bus.
Ngumiti ang kundoktor. “Ayos lang.”
Pagkababa ni Paulo sa bus. Muli niyang pinagmasdan ang Batangas Pier. Sa kabila ng paroo’t parito na mga pasahero napanatili nito ang kalinisan at kaayusan ng paligid. Ibinaling ng binata ang paningin sa mga tindahan na nasa gilid. Huminga muna siya sandali at saka tumungo roon.
“Miss, Marlboro red nga,” sabi ni Paulo sa tindera. Umupo siya sa bangkong kahoy na nasa harapan ng tindahan.
Mabilis kumuha ng isang kahang sigarilyo ang tindera. Kuntodo ngiti pa ito habang inaabot kay Paulo halatang nagpapa-cute sa binata. “Fifty pesos po ’yan, kuya.”
Ibinigay ni Paulo ang bayad sa tindera saka nagsindi ng isang stick na sigarilyo. Habang naninigarilyo siya naisipan niyang tawagan ang tiyuhin. Ngunit nagtaka ang ang binata. Out of coverage area ang signal nito. Muli niyang idinayal ang numero ngunit gano’n pa rin. Pinatay niya ang cellphone at hinihit ang hawak na sigarilyo. Iniisip niya paano kung ’di makontak ang tiyuhin. Paano na lamang siya? Matutulog siya ng walang sa oras sa bangketa? Ipinangako pa naman niya sa kanyang sarili na ’di siya uuwi ng Cavite hangga’t wala siyang napapatunayan sa pamilya.
“Kuya, baka want ninyo ng Lomi namin? Bukod sa masarap na mura pa,” masayang alok ng tindera kay Paulo.
Nginisihan ni Paulo ang babae at biniro. Kanina pa kasi niya napapansin na panay ngiti nito sa kanya. Tumayo ang binata at tiningnan ang kalderong may lomi. “Kasing sarap mo ba ito o mas masarap ang lomi?”
“Manyak!” mahinang sigaw ng tindera kay Paulo. Sabay irap sa kanya at nagmartsa papasok sa isang istante sa gilid.
Tawang-tawa si Paulo habang sinusundan ng tingin ang babae. Pero ang totoo talaga kanina pa siya nagugutom kaya lumapit siya tindera. Kung bakit naman kasi ’yon ang lumabas sa kanyang bibig. Sabagay ’di naman niya masisi ang sarili dahil sa kakaibang ngiti ang ibinibigay ng babae sa kanya.
“Miss, ’yong lomi ko.”
“Bahala ka sa buhay mo.”