GABI ng makauwi si Paulo galing sa kanyang kaibigan. Matapos umalis kaninang umga sa kanilang bahay nagpasyang siyang dalawin ang kaibigan niyang nasa Bacoor. Upang doon magpalamig ng ulo at dahil gustong makalimot sa problemang kinakaharap niyaya niya itong uminom. Masaya siya para sa kaibigan mabuti pa ito at nakapasa sa board exam, samantalang siya talunan.
Matapos niyang patayin ang makina ng motor. Dahan-dahan at walang ingay niyang binuksan ang gate nila. Itinabi ni Paulo ang motor at saka nilundag ang lagpas baywang nilang terrace. Nasurprisa siya ng walang nagbukas ng ilaw, pagpasok niya sa loob ng bahay. Hindi tulad ng dati matiyaga siyang hinihintay ng kanyang papa, upang sermunan. Ngayon malaya niyang tinawid ang sala papasok sa kanyang kuwarto. Bago ’yon sinilip muna niya ang kanyang ama, mahimbing na itong natutulog sa sariling kuwarto.
Matapos linisin ang katawan humiga si Paulo sa kanyang kama at saka kinuha ang cellphone. Na nasa itaas ng kanyang lamesa, pagbukas pa lang ng data sunod-sunod na ang mensahe na dumating sa kanya. Nang tingnan niya ito sa messenger halos nanggaling sa kanyang mama.
Mama Luisa.
“Anak, nasaan ka? Bakit ’di mo sinasagot ang tawag ko? May problema ka ba? Tell me nandito lang si mama,” mensahe ni Aling Luisa kay Paulo.
Mas lalong binabagabag ng kunsensiya si Paulo sa mga mensahe ng ina. Punong-puno ’yon ng pagmamahal at pag-alala sa kanya.
Nathalie Pangit.
“Kuya Paulo, sorry na sa mga sinabi ko. Nasaan ka na nag-aalala kami ni papa, sa ’yo? Kuya, uwi ka na,” chat ng kanyang kapatid.
May luhang umalpas sa mga mata ni Paulo matapos basahin ang mensahe ng kapatid. Pinunasan niya ’yon saka nagtipa ng mensahe para sa ina.
”I’m very sorry ma,” Paulo message her Mom, with emoji’s crying. Matapos ’yon pinatay ng binata ang cellphone at itinabi at saka ipinikit ang mga mata.
MAAGA pumunta si Remedios sa school nila. Para ibigay ang hinihinging requirements ng isa niyang professor. Balak kasi niyang mag-aplay ng tutor sa kaibigan ng kanyang guro, upang makaipon para sa darating na Licensure Exam for Teachers. Nahihiya na rin siyang humingi sa magulang dahil alam niyang hirap rin ang mga ito sa pera. Hindi tulad ng nag-aaral pa lang siya, libre ang lahat dahil scholar siya ng university. Bukod roon suma-sideline siya kay Tita Salud sa pagtitinda ng mga ihaw-ihaw tuwing hapon.
“Nandito na ba lahat ng sinabi kong requirements sa ’yo?” tanong ng kanyang professor habang binubuklat ang dala niyang folder.
Ngumiti si Remedios. ”Yes Ma’am. Kinumpleto ko po lahat ng sinabi ninyo.”
“Very good, Ms. Soriano. Tomorrow you can start. Dito na lang tayo magkita sa university. Ipapakilala kita bukas sa aking kaibigan,” masayang pahayag ni Mrs. Santos, ang kanyang guro.
Hindi maitago ni Remedios ang sayang nadarama. “Thank you po, Ma’am.”
“Your welcome hija. You go home and rest. Para bukas fresh ang beauty. Okay?” nakangiting turan ni Mrs. Santos. Inilagay sa bag ang bigay na folder ni Remedios.
Tumayo ang dalaga at magalang na nagpaalam kay Mrs. Santos. “Salamat po ulit. Mauna na po ako sa inyo.”
“Sige hija. Mag-ingat ka,” saad ni Mrs. Santos.
Binabay niya ang daan palabas ng university at saka nagpara ng trycikel. Ilang sandali lang masayang pumasok sa loob ng bahay si Remedios.
“Tita Salud! Tita Salud!” tawag ni Remedios na halos pumuno sa loob ng bahay ang kanyang boses.
“Nandito ako sa kusina!” mahinang sigaw ni Tita Salud. Abalang-abala sa paghahanda ng kanyang mga paninda.
Masayang tinungo ni Remedios ang kusina. Nais niyang ipaalam kay Tita Salud ang nangyari sa kanyang lakad. Isa kasi ang ginang sa tumulong para mabuo niya ang requirements na hinihingi ni Mr. Dela Piña.
“Oh, mukhang masayang-masaya ka. May magandang nangyari ba sa lakad mo?” tanong ni Tita Salud habang nagpupunas ng kamay.
Isang tili ang pinakawalan ni Remedios, bago sinagot si Tita Salud. “Yes tita. I’ll start tomorrow.”
“Talaga wow. I’m happy for you, hija,” masayang turan ni Tita Salud.
Niyakap ni Remedios ang ginang. “Maraming salamat po, sa tulong ninyo sa ’kin. Kun ’di dahil sa inyo ’di ko po iyon makakamtan. Malaking tulong po iyon sa ’kin.”
Ngumiti ang ginang saka pinahid ang luha ni Remedios.
“Wala iyon hija. Kahit narito ang mga kaibigan mo, ganoon rin ang gagawin nila. Sino pa ba magtutulungan? ’Di tayo lang rin.” Magaang hinaplos ni Tita Salud ang pisngi ng dalaga, pakiwari niya may tumutulak sa kanya na tulungan palagi si Remedios. Hindi niya alam kung bakit napakagaan ng loob niya dito.
“Salamat po talaga, Tita Salud. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo.” Mas lalo pang niyakap ng mahigpit si Tita Salud.
PAGSAPIT ng hapon tinulungan ni Remedios si Tita Salud na ilabas ang mga panindang ihaw-ihaw. Sa harap ng kanilang bahay.
“Nakaka-miss rin ’yong tatlong lukaret,” saad ni Tita Salud habang inihahanda ang uling sa ihawan.
“Oo nga po eh. Walang maingay at makulit sa bahay, nakakalungkot po,” turan niya.
Matapos kasi ang kanilang graduation agad nagpaalam ang mga kaibigan na sasama sa kani-kanilang magulang. Hindi tulad niya umuwi lang siya ng isang araw at agad rin namang bumalik. Halos ayaw pa rin nga sana siya pabalikin ng ina. Ngunit maayos siyang nagpaalam sa magulang na mag-summer job siya bilang tutor.
“Si Jasmine ’ata babalik sa mangalawa mag-aayos daw ng mga requirements. Nag-enroll pala siya sa riview center, via online. Para sa board exam n’yo,” pahayag ni Tita Salud. Nagsimula ng lagyan ng apoy ang uling.
Napailing si Remedios. Sabagay kayang-kaya ni Jasmine magbayad ng tuition fee sa center. Hindi tulad niya kailangan pa magbanat ng buto. Para sa mga pangangailangan niya.
“Ang suwerte po talaga ni Jasmine, tita. Kahit ano’ng gusto niya. Natutupad niya ng walang kahirap-hirap,” sabi ni Remedios. Medyo nakadama siya ng inggit sa kaibigan.
Lumapit si Tita Salud kay Remedios at saka inakbayan niya ito. ”Basta pagsumikapan mo ang iyong pangarap. Pasasaan ba’t lahat ng gusto mo sa buhay. Ay makukuha mo at matutupad ng walang inaapakang tao.”
Isang masayang ngiti ang umalpas sa labi ng dalaga. Napaka-blessed niyang tao dahil binigyan siya ng Diyos isang mabait, very supportive at mapagmahal na Tita Salud. “Thank you po tita, for everything.”
“Tita Salud, pabili nga po ng halagang one hundred pesos na ihaw-ihaw. Mixed- mixed na lang po,”
Sabay pa napalingon ang dalawa sa lalaki.
“Ikaw pala Bugoy. Pumili ka na,” nakangiting sabi ni Tita Salud. Humiwalay kay Remedios at tinungo ang ihawan. Habang ang dalaga kinukuha ang mga order ni Bugoy. Inilalagay sa isang plato at saka dadalhin sa ginang.
Umupo si Bugoy sa bangkong nasa harapan ng lamesa. Habang hinihintay ang pagkain.
“Hi! Remedios,” bati ni Bugoy sa dalaga. “Bakit parang wala ’ata ang mga kaibigan mo?”
Ngumiti si Remedios habang inilalagay sa isang lalagyan ang mga sauce para kay Bugoy.
“Umuwi na sila. Baka next month pa ang balik nila para sa board exam namin,” sagot niya.
Isa si Bugoy ang masugid na manliligaw ni Chloe. Ngunit binasted ito ng kaibigan. Pero matiyaga ang lalaki, desidedo para sa kaibigan.
“Sayang ’di ko na makikita ang asawa ko,” malungkot nitong turan.
Napangiti lang si Remedios sa narinig kay Bugoy. Masyado itong assuming kaya inayawan ni Chloe. Kahit pa may itsura ito may sinasabi sa buhay.
“Oh, heto na ang mga order mo Bugoy. Huwag kayo masyadong magpakalasing. Nakakaistorbo ang ingay ninyo sa ibang tao,” sermon ni Tita Salud. Bakod lang kasi ang pagitan nila. Kaya sa tuwing naririyan ang mga barkada nito. Happy-happy tapos ang iingay kapag nalalasing na ang mga ito.
“Pasensya na po Tita Salud. Hayaan ninyo pagsasabihan ko ang mga kasama ko,” sagot ni Bugoy. At saka kinuha ang plastic sa ginang. Na naglalaman ng kanyang binili.
Ngumiti si Tita Remedios. “Sige salamat. Ingat ka diyan.”
”Salamat po. Alis na ako.” Sabay talikod ni Bugoy at nagsimulang maglakad.
Pagkaalis ni Bugoy umupo si Tita Salud sa tabi ni Remedios na abala sa pagbugaw ng mga langaw. Na dumadapo sa mga lalagyan ng paninida nila.
“Alam mo ’yang si Bugoy sayang, ang gandang lalaki pa naman. Kung ’di lang mabarkada ’yan, tiyak magugustuhan rin ’yan ni Chloe. Mas inuna pa kasi ang mga barkada niya, wala namang mga kuwenta,” pahayag ng ginang.
“Hayaan n’yo na po siya, buhay n’ya po ’yan.”
“Tama ka d’yan hija.”
Ilang sandali isang bata naman ang bumili ng hotdog. Hanggang sa nasundan iyon at naubos ang kanilang paninda. Habang nililigpit ng dalawa ang mga gamit. Dumaan ang mga kaibigan ni Bugoy na mga naka-motor. Sumulyap pa ang isa sa mga sakay nito at binigyan sila ng nakakamatay na tingin.
“Nakita mo ’yon?” tanong ni Tita Salud. “Nakakatakot na talaga sa panahon, ngayon ang mga kabataan.”
“Opo. Bilisan po natin, baka bumalik sila,” takot na sabi ni Remedios. Nagmamadali niyang ipinasok sa loob ang ibang gamit.
Ngunit ’di nagpatinag si Tita Salud namaywang pa siya. “Subukan lang nilang galawin tayo. May kalalagyan sila sa ’kin.”
“Ang tapang-tapang naman ng aking tita. Para lang si Gabriela Silang,” biro ng dalaga, sabay tawa niya.
“Sige pagtawanan mo ako. Ikaw mamaya ang ibibigay ko sa kanila. Kapag bumalik ang mga iyon,” banta ng ginang. Na may kasamang biro niya rito.
“Huwag po mawawalan kayo ng magandang boarders.”
“Hala pumasok na tayo.” Pinagtulungan nilang ipasok ang lamesang ginamit at ang bangko.
KINABUKASAN suot ni Remedios ang bestidang iniregalo sa kanya ni Tita Salud nang kanilang graduation. Isa iyong off shuolder dress na may naka-print na bulaklak. Matapos sipatin ni Remedios sa salamin ang sarili. Napangiti siya ng makita ang hubog ng kanyang katawan. Nahiya tuloy siya sa suot niya masyadong seksi sa dress na suot. Nang masigurong nasa ayos ang damit. Kinuha niya ang puting rubber shoes at ’yon ang tinerno sa suot at saka bumaba.
“Ang ganda-ganda mo naman hija,” papuri sa kanya ni Tita Salud.
“Salamat po, tita. Tatanggapin ko po ’yan, pero syempre tayong dalawa ang maganda,” masaya niyang sagot. Saka kinuha ang bag na may lamang laptop.
Tumayo si Tita Salud at lumapit sa ginang. “Allowance mo pala. Halika na, hatid na kita.”
“Salamat po, tita.”
Inihatid siya ni Tita Salud hanggang labas ng gate. Nang may dumaang trycikel agad iyong pinara ni Remedios at nagpahatid sa university. Bago umalis ang sasakyan kumaway pa siya sa ginang. Pagkarating niya sa school masayang naghihintay sa kanya si Mrs. Santos.
Sakay sila ng kotse ni Mrs. Santos. Pinuntahan nila Remedios ang kaibigan ng guro. Na-surprise pa ang dalaga nang bumungad sa kanya ang isang bungalow na bahay. Sa bakuran pa lang nito namangha na siya. Napapaligiran kasi ito ng mga magagandang bulaklak at may mangilan-ngilan ring punong-kahoy.
“Ma’am nasa garden po, Sir Robert. Doon po kayo pinapapapunta,” pahayag ng katulong.
Sabay pa silang ngumiti sa katulong. “Salamat Josie. Tara dito tayo.”
Binabay nila ang gilid ng bahay papuntang garden. Mas lalong namangha si Remedios sa ayos at ganda ng kapaligiran na nasa harapan. Para kasi itong private resort sa ganda at halos kumpleto ang kagamitan. Mayroon ring maliit na hawla kung saan malayang nakakalipad ang mga ibon.
“I’don’t want! I’dont want tutor! I want my Mommy. Only my mom to teach for me!” Remedios heard a girl’s shout. Tiningnan niya ang bata na akay ng isang katulong papunta sa lamesa kung saan mayroon isang lalaki ang naghihintay roon.
“Stop Genieve! How many times do I have to tell you? That your mommy has left us,” Answer the baritone voice.