KINAMOT ni Paulo ang kanyang ulo habang sinisilip ang babae sa likod ng istante. Maya-maya pa pumasok ang isang babae na may dalang kaldero. Ngumiti siya kay Paulo habang isinasalin ang sa isang lalagyan ang laman no’n. “May kailangan ka hijo?” tanong ng babae. Matapos niyang isalin ang pagkain itinabi niya ’yon sa ilalim ng lamesa na patungan ng mga pagkaing paninda. Alanganing ngumiti si Paulo sa babae. “O-order sana ako ng lomi, Miss.” “Teka lang hijo.” Tumalikod ito kay Paulo at tinawag ang isang babae. Sandali pa at nakasimangot na lumabas sa istante ang babae na tila sa mukha niya parang nasermonan maigi. Napangisi tuloy si Paulo para inisin ito ngunit inirapan lamang siya habang nagsasalin ng lomi sa mangkok. Bitbit ang tray na may lamang lomi agad niya iyong isinerved kay