HAPON ng biyernes masaya siyang nagpaalam sa kanyang estudyante. Monday to Friday ang tanging schedule ni Remedios para turuan si Genieve. Sabado at Linggo ang kanyang day-off. Nais niyang umuwi sa kanilang nayon halos dalawang linggo na rin siyang ’di nadadalaw ang magulang simula nang tanggapin ang pagiging tutor. At isa pa nami-miss niya ang mga munting bulilit sa kanilang nayon. Batid niyang bakasyon ngayon wala ang titser ng mga bata, ’yon sana ang pagkakataon niya para turuan ang mga ito kahit paunti-unti. Nalulungkot ang dalaga dahil ’di niya natupad ang pangako sa mga ito. Dasal lang ng dalaga na sanay maintindihan siya ng mga ka-nayon. “Oh, hija. Nandiyan ka na pala. Uuwi ka ba ngayon sa inyo?” tanong ni Tita Salud. Kararating lang niya galing sa simbahan. “Hindi po. Bukas na l