HABANG sa biyahe walang imikan ang dalawa. Seryosong nakatanaw sa labas ng bintana si Remedios habang si Paulo abalang-abala sa kanyang cellphone. Sandali pa lumapit ang kunduktor ng bus sa kanilang upuan. “Saan kayo boss?” tanong ng lalaki habang nakatingin sa kanyang ticket. Ngumiti si Paulo at saka dinukot ang kanyang wallet. “Calintaan, boss.” Mabilis binutasan ng kunduktor ang hawak na ticket saka pinilas at ibinigay sa binata. “Singkwenta pesos, boss.” Agad nag-abot ng pambayad si Paulo sa lalaki. Pagkaalis ng kunduktor napabaling ang paningin ng binata sa katabi. Halos nakasiksik na kasi ang katawan ni Remedios sa bintana para bang may gagawin siyang masama at takot na takot sa kanya. “Miss, malapad pa ang upuan. Baka gusto mong umusod, ’di naman ako nangangagat,” sabi ni P