NANG makita ni Remedios na walang sakay na pasahero ang paparating na tricycle agad niya iyong pinara. Pumuwesto siya sa likod ng driver habang ang dalawang niyang kasama sa loob. Pagdaan nila sa harap ng bahay ni Aling Maty sinulyapan niya ang lumang modelo ng Mitsubishi na siguro kapanahunan pa niya. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang plate number nito na agad niyang tinandaan at inilagay sa phonebook ng cellphone. Pagkarating nila sa mall agad silang pumasok sa loob para maghanap ng bangko kung saan puwedeng e-cash ang cheque na ibinigay ni Mr. Dela Peña. Ilang sandali pa nasa harap na sila ng Landbank bagamat maraming bangko roon ’yon ang napili nila dahil kukunti ang tao sa loob. Mag-isa pumasok ng bangko si Jasmin upang makipagtransaksyon. Habang ang dalawa naiwan sa l