ISANG nakakabinging katahimikan ang sumalubong kay Remedios pagdating nila ng kaibigan sa mansiyon ni Mr. Dela Peña. Kapansin-pansin rin na walang sumalubong sa kanilang katulong, hindi katulad no’n na masaya siyang sinasalubong ni Genieve kasama si Talya. Agad niyang inihanda ang sarili kung saka-sakaling may gawing hindi maganda ang amo. Lalo’t nakilala na sila nito ni Paulo. Dumiretso si Jasmin at Remedios sa may garden kung saan madalas naroon ang bata na naglalaro o kaya’y naliligo sa swimming pool. Hindi nga sila nagkamali dahil papasok pa lang sila roon narinig na nila ang matinis na boses ni Genieve na nakikipaglaro kay Talya. “Genieve! Come here,” tawag ni Jasmin rito. Saka pinatago niya si Remedios sa isang halaman ng San Fransisco. Nang marining ni Genieve ang pagtawag ni