KINABUKASAN paggising ni Paulo agad niyang hinanap ang cellphone. Nagbabakasakali siyang baka may message ang dalaga. Una niyang tiningnan ang suot na pantalon kagabi. Nadismaya siya ng wala roon ang hinahanap. Pangalawa niyang tiningnan ay ang kaniyang duffel bag. Napamura ng mahina ang binata nang makita niya ang mga damit ng dalaga na naroon. Sa sobrang pagkataranta niya kahapon ni hindi man lang niya naibigay kay Remedios ang mga damit nito. Basta na lang binitbit ang bag at umuwi ng Cavite. “Saan na ’yon? Anak ng tinapa naman oh!” mariin niyang saad sa sarili. Halos hinalughog na niya ang loob ng bag at ’di pa ito nakuntento ibinuhos niya ang laman no’n. Inisa-isa ni Paulo ang mga damit na nagkalat sa itaas ng kama. Iniisip niya na baka natabunan lamang ’yon, ngunit hanggang doon wa