MAKARAAN ang halos limang oras sa biyahe nakarating ang dalawa sa istasyon ng bus o paradahan. Nang tanungin ni Paulo ang kunduktor kung ano’ng lugar ang kanilang hinintuan, nakahinga ng maluwag ang binata nang sinabi nitong nasa San Jose na sila na dating binabaan rin nila no’n ni Remedios. Bago siya nagpasyang gisingin ang dalaga na mahimbing pa rin ang tulog sa kaniyang tabi. Patay malisya niyang sinulyapan ang loob ng bus, tiningnan niya kung naroroon pa ang mga tauhan ni Dinglasan. Nang masiguro niyang sila na pinakahuling pasahero ng dalaga dahan-dahan niya itong ginising. “Gising na.” Isang magaang tapik ang ginawa niya sa pisngi ni Remedios at inayos ng binata ang buhok ng dalaga na tumabing sa mukha nito. Iniahon ni Remedios ang katawan mula sa dibdib ng binata. “Saan na tayo?”