Chapter 36 Rule ni Jasmin

1778 Words

“JASMIN ’yang bibig mo. Papakainin na kita ng siling labuyo, napakabulgar mong babaeta ka!” saway ni Tita Salud kay Jasmin. Tiningnan niya ito ng masama. Sinimangutan ni Jasmin si Tita Salud. Sa tagal na niya itong kasama sa bahay sanay na siya sa mga sermon nito at pagsaway-saway sa kanila ng mga kaibigan. Lumapit ang dalaga sa kaibigan at agad niya itong niyakap. “Kumusta ka na? Na-miss kita ng todo. Saan ka ba nagsusuot nitong mga nakaraang araw? Si Genieve panay ang tanong niya sa ’kin, kung babalik ka pa raw,” pahayag ni Jasmin sa kaibigan. Bahagya niyang inilayo ang katawan kay Remedios. “Nami-miss ko rin ang batang ’yon. Bukas baka sumama ako sa ’yo, magre-report ako kay Mr. Dela Peña,” sagot ni Remedios. Ito na ang pagkakataon niya upang alamin ang tunay na pagkatao ng amo. At

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD