HINAWAKAN ni Paulo ang tali ng balsa saka hinila ito. Hindi niya alintana ang sunod-sunod na pagsabog na ginawa ni Mr. Dela Peña. Bagkus naging pursigido siya upang makaahon sila sa ilog at makatakas. Samantala mabilis tinungo ni Remedios ang duffel bag at kinuha ang dalawang baril. Nilagyan niya ito ng magasin at nagmadaling tinungo ang likod ni Paulo. Upang doon pumuwesto para madali niyang makita ang kalaban. Kinasa niya ang baril saka nagpakawala ng sunod-sunod na putok hindi rin niya alam kung may natamaan siya. “Bilisan mo, aabutan nila tayo!” sigaw niya kay Paulo at umiba ng posisyon. Pumunta siya sa harap ng binata para tulungan ito sa paghila ng balsa. Ilang sandali pa muling nagpakawala ng pagsabog ang kalaban nila. Mabuti nga lang at hindi sharp shooter ang may hawak ng ba