Chapter 29 Robert Dela Peña SAMANTALA isang itim na SUV ang pumarada sa labas ng mansyon ni Dinglasan. Matapos iparada ng driver ang sasakyan agad lumabas ang sakay no’n. At tinungo ang gate. “Kumusta? Nagsisimula na ba ang party?” tanong ng may-ari ng SUV na walang iba kun ’di si Mister Robert Dela Peña. Ang isa sa kapatid ni Dinglasan–magkapatid lang sila nito sa nanay. Sumaludo ang bantay sa lalaki. “Hindi pa po boss. Busy pa si mayor sa taas, nagpa-deliver ng bebot.” Tumawa ang lalaki sa bantay saka pumasok sa loob ng bakuran. Bago pa man ito dumugin ng mga babae sa party. Ibinalik nito ang tingin sa bantay. “Akyatin muna si mayor, sabihin mo lumalalim na ang gabi. Masyado ng nagiging wild ang mga tao rito.” Halos dumugin kasi siya ng mga babaeng naroon na halos labas na ang