Chapter 28 Chivas Regal

1222 Words

SAMANTALA hindi mapakali si Paulo habang palakad-lakad sa kitchen area. Masyado siyang nag-alala sa kalagayan ng dalaga ’di niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang mangyari rito. Bago pa man mahuli ang lahat agad nagpasya ang binata na muling puntahan ang dalaga sa kuwartong pinagdalhan rito. Bitbit ang alak na kunwaring order ni Dinglasan tinawid ni Paulo ang maluwang na dinning area. Pagkarating niya sa sala agad siyang tumingin sa front door baka may bantay. Nakahinga siya maluwag nang makitang walang katao-tao ro’n maliban sa labas ng bahay. Na patuloy pa rin ang kasiyahan, mga tawanan at ang maharot na musika. Huminga ng malalim si Paulo saka mabilis tinawid ang sala patungong hagdanan. Ihahakbang na sana niya ang kaniyang paa paakyat ng hagdan nang biglang may sumigaw mula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD