BUHAT ni Paulo si Remedios nagmamadali niyang tinungo ang tricycle. Mabuti na lamang at hindi ito umalis, matiyaga sila nitong hinintay. Bago pa man sila abutan ng mga tauhan ni Dinglasan agad pinaandar ng driver ang sasakyan. “Ano’ng nangyari sa kaniya? Okay lang ba siya?” Nasa mukha nito ang pag-alala at pagtataka nang makita ang kalagayan ng dalaga. “Hinimitay po, eh,” tipid niyang sagot. Habang kalong niya ang dalaga hindi maiwasan ni Paulo na mag-alala sa kalagayan nito, batid niyang nahimatay lamang ito. Ngunit ’di pa rin niya maiwasan na sisihin ang sarili sa nangyari rito. Halos ito kasi ang gumawa ng paraan upang mapatay si Dinglasan. Hinahangaan pa nga niya ito dahil sa ipinakitang katatagan at tapang kung paano harapin ang isang demonyo. Pakiramdam ng binata wala siyang sil