SAKTONG pagpatak ng alas-sais ng umaga bumangon si Remedios sa higaan. Tiningnan muna niya si Jasmin sa kabilang kama bago nagpasyang tunguhin ang banyo. Nagdadalawang isip siya kung gigisingin niya ito o hindi na madalas niyang gawin no’n nang nag-aaral pa sila. Sa kabilang banda hinayaan na lang muna niya ito matulog at isa pa masyado pang maaga. Dahil eight pa naman ang punta nila sa mansiyon ni Mr. Dela Peña. Tinungo niya ang kabinet na laan para sa kaniya at binuksan ’yon para maghanap ng damit na maisusuot. Isang Skinny jeans na may butas sa magkabilaang tuhod saka humugot siya ng kulay gray na t-shirt at may drawing pa nang paborito niyang anime ang One Piece. Ipinatong niya ang mga damit sa kama at tinungo ang banyo. Habang sinasabunan ni Remedios ang sarili may napansin siyang k