KINABUKASAN maaga pa lang nagkagulo na ang mga tao sa San Clemente. Lalo na nang pumasok ang mobile ng pulis. Halos pagkamangha at takot ang nadama ng mga residente nang tumambad sa kanila ang dalawang bangkay ng grupo ni Otsenta at nakatali naman sa puno ang pinaka-leader nila. “Pulang Watawat ang dumali na naman dito Sir.” Sabay abot ng pulis sa imbestigador ng isang pulang tela. Pumalatak ang imbestigador nababanaag ang galit sa mukha nito. “Namumuro na sila. Nakikialam sa hindi nila trabaho, sabihan mo si Lopez manman ang grupo,” saad nito sa kapwa pulis. “Yes, Sir.” Saludo niya sa imbestigador. Matapos ang imbestigasyon agad ring umalis ang pulis. Naiwan tuloy sa residente ang palaisipan kung sino ang yumari sa grupo ni Otsenta. IMINULAT ni Paulo ang mga mata nang makarinig s