PAGSAKAY ni Remedios sa motor muli niyang sinulyapan ang binata sa pamamagitan ng suot nitong helmet. Kitang-kita pa niya ang pag-igting ng panga ni Paulo habang nakatingin rin sa kanya. Pakiramdam niya binuhay ng binata ang kanyang puso at may kakaiba siyang nadama na tila kinikilig siya. Mabilis niyang itinuon ang paningin sa kalsada at humawak sa balikat ni Allen. Muli niya itong tiningnan ngunit nadismaya ang dalaga. Dahil kausap na ito ng kanyang ama at Tiyo Lito. “Parang umiibig na ’ata ako?” aniya sa isipan. Pakiramdam ng dalaga nilamon ni Paulo ang buo niyang sistema. Simpleng pag-igting lang ng panga nito nagdulot na agad sa kanya ng kakaibang nadarama sa katawan. Ginalaw-galaw ni Remedios ang ulo at nag-concetrate sa biyahe. Bahagyang isinatabi sa isipan ang binata. Nasa misyon