Chapter 17 PAKIRAMDAM ni Paulo siya na ang pinakamasayang tao sa kanilang nayon. Simula kagabi hanggang sa kasalukuyan ’di maalis-alis ang mga ngiti niya sa labi. Matapos kasi niyang halikan si Remedios kagabi nagpaalam siya rito na kung puwede siyang manligaw. Isang matamis na oo ang nakuha niyang sagot mula sa dalaga. Kasabay rin no’n umamin ang dalaga sa kaniya na may kakaibang nadarama ito. Kagabi bago sila naghiwalay nagbilin pa ang dalaga kay Paulo na isekreto muna ang kanilang relasyon. At makuntento kung ano’ng mayroon sila. “Mukhang masaya ka ha?” tanong ni Tiyo Lito. Magkatabi silang mag-tiyo habang nanonood ng basketball sa t.v. “Kasi darating na ang crush ni kuya. Kaya masaya siya,” singit ni Biboy. Sinaway agad ni Tiya Rosie si Biboy. Sinabihan rin niya ito na masama an