DUMADAGUNDONG sa buong paligid ang boses ng emcee nang e-annuonced niya ang pangalan ng dating mayor sa bayan na ’yon. “Please welcome! Ang nag-iisa at mahal nating lahat, mabait at madaling lapitan. Mayor Sevistre Dinglasan!” Palakpakan at sigawan ang mga tao nang umakyat si Dinglasan sa itaas ng stage. Isang kaway at matamis na ngiti ang ibinigay niya sa mamayan ng mga taga-Alfonso. “Mayor. Mayor. Mayor!” Nakakabinging sigawan ng mga tao. Muli kumaway si Dinglasan at kinuha ang microphone sa babae. “Magandang umaga sa ating lahat!” maawtoridad nitong bati sa mga mamamayan ng Alfonso. “Magandang umaga po, mayor!” ganting sigaw ng mga tao. “Mga minamahal kong taga-Alfonso, muli akong lumalapit sa inyo. Para hingiin ang inyong suporta, sa darating na halalan po, huwag n’yong kali