MATAPOS magbihis ang dalawa agad nilang tinungo ang restaurant na sinasabi ni Aling Daisy. Habang naglalakad nagtalo pa sila tungkol sa kainan kung saan ito makikita ni hindi man lang nila naitanong sa may-ari basta ang sabi lang nito kahilera ng kaniyang room for rent. Kaysa makipagtalo kay Paulo pinili na lamang ng dalaga na manahimik habang sinusundan ang binata. Ilang sandali pa bumungad sa kanila ang may ’di kalakihang restaurant. Pumukaw sa paningin ni Remedios ang nagagandahang bulaklak ng bugambilia sa harapan nito na ginawang arko sa entrance ng kainan. Mas lalo siyang namangha nang pumasok sila loob, agaw atensyon ang tatlong chandelier na nagsisilbing ilaw. At ang naglalakihang vase sa bawat sulok na may tanim na palm tree. Tamang-tama sa kanila ang ambience ng lugar, romantic