BITBIT ang duffel bag tinungo ni Remedios ang isang bus na naghahatid ng pasahero papuntang sakayan ng bangka. Ni hindi siya tinanong ng driver kung ano’ng laman ng dalang bag. Isang ngiti ang ibinigay niya rito at mabilis na tinungo ang panghuling upuan ng sasakyan. Habang nakaupo ’di maiwasan ng dalaga na malungkot at mag-alala sa binata, nagi-guilty siya sa pag-iwan rito sa pila. Kun ’di niya ’yon ginawa baka dalawa pa sila mahuli ng mga alagad ng batas. Sumilip si Remedios sa bintana upang tingnan si Paulo. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa suot na pantalon habang seryosong nakasunod sa babae. “Kapag tumingin ka. Iki-kiss kita mamaya,” saad ng dalaga sa kawalan. Para namang may mahika ang usal ni Remedios tumingin si Paulo sa puwesto niya na nakakunot ang noo. Na tila nagtata