Chapter 18 Challenge

2047 Words

MATAPOS niyang ihatid si Remedios sa kanilang bahay agad siyang tumungo sa kubo upang ibalik ang motor. Mabagal ang ginawa niyang pagpasok sa loob dahil abalang-abala pa rin ang dalawa sa ginagawa. Ibinalik niya ang susi sa sabitan at saka pumihit palabas. Nang akma na siyang nasa pintuan biglang nagsalita si Ka Badong. “Mukhang na-traffic ’ata kayo?” pasaring ni Ka Badong ng hindi inaalis ang mga mata sa ginagawa. Humarap si Paulo sa dalawa. Kita pa niya ang pag-ngisi ni Allen. “Pasensya na ho. Mabagal ’yong bus na sinakyan ng anak n’yo,” palusot ni Paulo. Iniangat ni Ka Badong ang paningin saka binigyan ng isang nakakamatay na titig si Paulo. Kung may apoy lang ang mga mata nito baka natusta na binata sa kinatatayuan. “H’wag na h’wag ka lang magpapahuli sa ’kin. Dahil ha-hunting

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD