TAHIMIK na lumabas ang dalawa mula sa loob ng restaurant. Habang hinihintay nila ang dalawang lalaki. Napagpasyahan nilang umupo sa mga bangkong nakahilera sa tabi ng guasaling ’yon. Dahil perfect ang pagkakatanim ng mga bulaklak ng bugambilla sa lugar at may pagka-romantic pa. Aakalain ng ibang tao nagde-date sila roon. Kalahating oras ang lumipas nakita ni Paulo na palabas na ang dalawang lalaki na kapwa maganda ang mga ngiti sa labi. Mabilis niyang sinundan ng tingin ang mga ito habang naglalakad patungo sa kabilang kalsada. Naalarma ang binata nang makit nitong sumakay ang dalawa sa tricycle. Kaya agad niyang inaya si Remedios para sundan ang mga ito. “Paano natin mapapatay si Dinglasan? Kung wala tayong dalang baril,” reklamo ni Remedios. Habang nagmamadali nilang tinawid ang kabil