Chapter 3

1855 Words
Chapter 3 "TANGA ka ba?" Iyon ang malutong na tanong ni Dusk sa nakababatang kapatid na si Midnight. Walang humpay ang pagsilid nito ng pera sa bag, tila nagmamadali na parang hindi na aabutin ng bukas. Nakamasid siya rito. Ito ang adik niyang kapatid, adik sa sugal, na para bang mamamatay kapag hindi nakapunta sa Casino. Kaunti na lang, alam niyang quota na ito sa Papa nila. Si Midnight ay nakaupo sa sofa, sa loob ng kwarto nitong walang kaayusan. Kahit na mukha ng imbakan ng basura ang loob ng kwarto ng kapatid niya ay ayaw nito iyong ipagagalaw dahil nawawala raw ang pagkaka-organized ng gamit. Nahiya naman siya sa salitang 'organize'. Kung sabagay ay nakukuha niya ang punto nito. Kahit na gaano pa kagulo ang lahat ng bagay basta sila ang may kagagawan, kaya nilang hanapin ang mga bagay na hinaganap nila, pero sa oras na isalansan na ang mga iyon ng mga kasambahay, hindi na nila makita pa. "Babae lang 'yan na madaling palitan. Kung hindi ka ba naman dalawang kilong tanga, bakit ka nag-propose sa anak ng kaaway ni Papa?" Sermon pa nito na akala naman ay may ambag sa love life niya. "Labas ako dun," sagot niya sa iritadong boses. "Labas ka nga pero sila ay gustong idamay ka. And, if that woman…who's that again, Desiree…Desire—" "Abigail. Desire was the young one. Si Abby ang girlfriend ko," aniya rito pero binato siya nito ng bundle ng pera, na agad naman niyang sinipa, na sinalo naman nito, saka hinalikan. Mukhang pera. "Yaday naman sa girlfriend, parang gusto kong maniwala, kapatid!" Humalakhak ito at bigla naman na pumasok ang kanyang isa pang kapatid na si Chaos, nagluluwag ng suot na necktie. "Problem?" Tanong nito, seryosong nakatingin sa kanya. "'Yang kapatid mong sira ulo nag-propose sa anak ng kalaban!" Bulalas ni Dusk sabay halakhak ulit. Napangisi si Chaos at iiling-iling, "You're so foolish." "Isa ka pa naman," aniya saka pinukol iyon ng masamang tingin. Parang maling-mali na pumunta siya sa mga kapatid niya. Mas lalo lang sumasama ang loob niya dahil sa mga pinagsasasabi ng mga ito. What is he expecting from these guys anyway? Dalawa na nga lang ang naiwan sa kanya dahil istokwa na si Cain, lahat pa ay hindi matinong kausap. "If Papa hears this out, you'll be dead. Was this the woman you were constantly f*****g, anak ni Salvatore?" Tanong ni Dusk. "It was more than f*****g. I love her." Sabay na parang naduwal ang dalawa kaya napatayo na siya. Baka masuntok na ni Midnight ang mga kapatid niyang mga kulang-kulang. "Bahala kayo sa buhay niyo," naiinis na sabi niya. Naisip niyang mas mabuti pa sigurong pumunta na lang siya sa court at sumipa ng bola. Hindi niya akalain na ang career na ipinagpalit niya kay Abegail, para lang makasama yun ay mawawalan ng silbi. "Come on, boy," Chaos said, "Don't let them see you like that. Masyado kang malambot." Tumingin siya sa kapatid. Somehow, Chaos was right about it. "Mas lalo ka lang dudurugin ng kaaway kapag ganyan ka. You must learn how to fight back. Kunin mo ang nawala sa'yo. Kung ginago ka ni Salvatore, gaguhin mo rin siya. Kung may kinuha siya sa'yo na mahalaga, kunin mo rin ang mahalaga sa kanya. If he canceled the engagement, wala ka ng magagawa. Ang pinakatama mong gawin, gantihan mo sa paraan na masasaktan din siya tulad ng ginawa niya sa'yo," ani Chaos sa kanya at tumango naman si Dusk, sabay sukbit ng bag sa balikat. "I agree. Lalayas na ako bago pa dumating si Papa. Diyan na kayo mga mahal kong kapatid," Dusk said as he walked towards Midnight. Hinalikan siya nito sa ulo tapos ay ganun din si Chaos, saka ito nag-flying kiss, "To my prodigal brother, nasaang panty ka man nakasuot." Halos matawa siya dahil si Cain ang tinutukoy ng walang hiya. Na-realized niyang lahat sila hindi matino. Hindi niya alam kung kanino sila nagmana dahil matino naman ang Papa nila. Apat silang barako, na anak ni Leonardo Castelloverde. Iba't iba ang mga nanay nila, may mga kanya-kanya na ring mga pamilya. May mga kapatid sila sa ina pero silang apat talaga ang magkaka-close, magkaka-close sa paggawa ng kalokohan. Sa kaso naman ni Midnight, ang ina niya ay isang Photographer. Marami kasing uri ng negosyo ang Papa niya, may banking management, may agency, service business, may transport at kung anu-ano pa. Si Chaos ang halos nagmamanage ng lahat dahil wala silang interes sa negosyo. Nagrereklamo na nga ito dahil napapagod na raw pero responsable ito para sa kikitain ng lahat. Hindi uso sa kanila ang gulangan kahit na kung susumahin ay si Dusk ang nakakalamang dahil sa pagsusugal. Bata pa lang sila, habang lumalaki, parating sinasabi ng Papa nila na kapag nag-away sila sa pera at yaman, ipapakain sa kanila ang pera. Natakot sila do'n dahil kilala nila si Leonardo. Kapag may sinabi iyon, gagawin no'n kahit na gaano pa sila masaktan. Hindi raw kasi sila pwedeng i-baby dahil mga lalaki sila, at dapat na lumaki silang matatag at matapang. Si Cain ang kaisa-isang nasobrahan sa tapang, na lumayas sa poder ng Papa nila. Kahit na sila ay walang alam kung nasaan iyon. Ni hindi iyon sumulpot para humingi ng pera. Sometimes, he wonders if his little brother is still alive. Mahal nila iyon kahit iyon ay istokwa. Bumuntong hininga si Midnight sa sinabi ni Chaos, na sinang-ayunan ng panganay nilang si Dusk. Tumalikod siya at nag-iisip nang malalim. Bagay na hindi na nakikipag-usap sa kanya si Abby, baka sumunod na lang siya sa sinabi ng kapatid niya. May tama si Chaos. Kung damay siya sa away ng mga magulang niya at ni Abby, it's about time na idamay din niya ang lahat ng mahal ni Salvatore. Maayos naman kasi sana ang lahat, kaya lang ay humadlang ang iho de putang lalaking iyon, kaya malamang takot na takot si Abegail. He badly knows how his girlfriend fears that General. Kahit na nga kapag naroon iyon sa mansyon ay hindi sila halos magkita ni Abegail. Parati silang nagtatago na dalawa. Desire SMILING ear to ear, she entered the main door. She saw a family van outside their gate. Nag-iisip siya kung kanino iyon pero ngayon ay parang alam na niya. Nasa sala ang mga magulang ni Gian, kaharap ang mga magulang niya at mismong si Abegail. "Nandito na si Desire," imporma ni Jemena sa dalawang may edad na babae at lalaki. Matagal na niyang hindi nakikita ang mga iyon dahil matagal na rin silang hindi nagbabakasyon sa probinsya ng Ate niya. Naalala niya kung paanong sumasaya ang mga kababata nila roon kapag dumarating sila, pero siya lang naman talaga ang maraming kaibigan doon dahil halos siya naman ang maraming kaedad. Si Gian ang kaedad ng Ate niya kaya malamang ang dalawa ang naging close. Kahit na ang pagpupunta sa mga pasyalan ay ang dalawa ang magkasama. Hindi nga niya alam kung paano napunta si Abby kay Midnight, dahil mula noon pa man talaga, nakatatak na sa isip ni Desire na ang dalawa amg magkakatuluyan. Mutual understanding ang tawag sa relasyon ng dalawa mula pagkabata pa, but when they started to age and no longer able to visit the province, Abby developed something for Midnight Castelloverde. Nangyari ang pagkakakilala ng dalawa nang manood sila live ng game ng football player. Sa batang edad niya nun, ngayon niya napagtatanto na si Abby ang unang nagpahiwatig kay Midnight, habang nagpapa-autograph sila at nagpapa-picture. And she would never forget what she saw inside Abby's room. Doon unang na-corrupt ang batang isip niya. Hindi siya nun nakatulog ng ilang gabi. Hindi siya nun umiimik. Her mother thought there was something wrong about her, that she was sick. Naroong ipinalaboratoryo pa siya dahil baka raw may kung anong sakit na siya, kaya siya ay matamlay. Bumalik na lang siya sa normal nang lumaon na siya ay nalibang sa pagsama sa Mommy niya sa ospital. Since then, when Midnight comes, she hides. Natakot siya sa nasaksihan niya, na hindi naman tao pero sumusuka. "Ang laki na ni Desire!" Bulalas ng Mommy ni Gian sa kanya, nakangiti habang nakatitig sa kanya. "Tita Del!" Anaman niya saka lumapit sa mga iyon. Nagmano siya sa dalawa, "Nasaan po si Kuya Gian?" "Susunod siya, may sinaglitan lang na kamag-anak dito. Ngayon ang pamanhikan namin, Desire." Tumango siya at tumingin sa Ate Abby niya. Hindi niya maintindihan ang nakikita niya sa mukha nito. Parang balewala naman dito ang naudlot na engagement kay Midnight. Kahit siya ay nalito kung sino ba talaga ang gusto ni Abegail. Napapaisip siya sa mga sandaling ito na baka si Gian din talaga yun. "Wait lang po, magpapalit lang po akong damit," aniya dahil naka-uniform pa siya. Makahulugan ang tingin na ibinigay niya sa Ate niya dahil gusto niya itong sumunod sa kanya, pero mukhang hindi nito nakuha yun. She walked towards the stairs and composed a message. Desire : Ate, may sasabihin ako. Akyat ka. Pasimple niya lang na ipinag-send yun at saka siya dumiretso sa itaas. Nang nasa kwarto na siya ay narinig niya ang pagbukas ng kanyang pintuan. Pumasok doon ang inaasahan niyang kapatid, nakaarko ang mga kilay sa kanya. "Ate, si Kuya Midnight, hindi mo raw siya kinakausap." "Sira ulo ba siya?" Halos pabulong na tanong nito saka isinara ang pinto, na parang takot na marinig sila ng Daddy nila. "He wants an explanation, Ate." "Hindi pa ba malinaw na hindi ko na nga siya sinasagot, hindi ko siya kayang ipaglaban. Natatakot ako kay Daddy. Bahala siya." Napatanga siya saglit pero agad din na ibinaling ang mga mata sa pagkuha ng damit sa cabinet. She wore her dress and removed her shoes. "So, ano yun, ganun na lang?" "Oo. Dapat gets na niya yun. Hindi ko rin naman expected yung engagement niya na yun. Kung sinabi mo yun sa akin, ewan." Desire paused from removing her socks. Sa tono ng pananalita ni Abegail, malinaw na tatanggihan nito ang proposal ni Midnight, bagay na parang ikinasakit ng damdamin niya. Ayaw niyang magkatuluyan ang dalawa, pero ang marinig na parang ginawa lang ng kapatid niya na palipasan ng oras si Midnight ay nakakasakit ngayon sa puso niya. Siya ang sobrang naaaawa roon dahil wala yung kaalam alam sa mga nangyari. Siya man ay hindi niya napansin ang kawalang damdamin ng Ate niya kay Midnight. Akala niya nagsi-s*x ang dalawa ay mahal ng mga ito ang isa't isa. It seems like it was a one sided love affair. Mukhang si Midnight lang ang nagmahal sa Ate Abby niya. Sukat doon ay parang nakaramdam siya ng galit dito. Ang lalaking gusto niya mula pa noon ay sinasaktan lang nito ngayon. At ang isa namang yun ay walang kaalam-alam. Narinig niya ang paglabas ni Abby sa kwarto niya pero siya ay tuod pa rin sa kinauupuan. Hindi niya pwedeng sabihin kay Midnight ang nalaman niya. Mas lalong masasaktan yun kapag nalaman ang totoo, that her sister never invested any feelings for him. Posible pala yun, na kahit ilang taon na magkasama ay parang wala lang? Hindi niya alam, kasi siya naman ay kabaliktaran. Mula noon ay si Midnight lang, hanggang ngayon na nagduduktor na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD