Chapter 4
Desire
SHE couldn't sleep. Pabali-baliktad siya sa mamahaling kama, na mula pa sa pagkabata ay kama na niya.
Hindi mawaglit ni Desire ang mukha ni Midnight sa sistema niya. Nag-aalala siya sa pwedeng gawin ng lalaki dahil mukhang desperado iyon. Kapag nagkataon, isa sa apat na barako ng mga Castelloverde ang magkakaroon ng depression.
Her imagination got worse. She visioned Midnight hanging from the ceiling, lawit ang dila at sabog ang abot balikat na buhok.
Agad siyang napabangon at kumamot sa ulo. Bakit ba ito ang nasa isip niya? Nalalapit na ang kanyang hospital affiliation. That is only two days from now. That will be on Monday. She's being preoccupied by Midnight and his downfall.
Busy pa rin sa ibaba ang kanyang pamilya. Kasalukuyan na narito si Gian. Rinig niya ang hagikhik ng Ate Abby niya sa labas ng kwarto.
How could Abby act so happy while she just broke up with her other ‘boyfriend’? Nawiwindang si Desire. Kung sana ay katulad siya ni Abby na mala-dyosa ang kagandahan, sana ay alam niya ang pakiramdam kung paano ang maging playgirl. Kaya lang ay hindi.
She is the vice versa of Abby. Abby is sexy. Isa itong chinita, slim at parang artista habang siya ay hindi gano'n. Maganda rin siya pero magkaiba sila. She is quite chubby. Ang baywang niya ay 31. She is only 5’3 while Abby is 5’8. May pagkakataon na naiinggit siya lalo na kapag si Midnight ang pinag-uusapan. If she was only as pretty as her elder sister, perhaps she was the one who captured Midnight.
Tamad na tumingin si Desire sa kanyang smartphone nang tumunog ang message alert no'n. Daig pa ng dalaga ang namalik-mata nang makita na tumatawag sa Bodybook Messaging App niya si Midnight.
She grabbed it in an instant.
“Midnight!” Bulalas niya. Hindi niya talaga maatim na tawagin ito na Kuya. There are times she does but most of the time, she doesn't.
“Ang Ate mo? Pakisabi ay nabangga ako. I'm here at the hospital,” he declared in a tired way.
Her heart congested. Sobrang pag-aalala ang namayani sa puso niya para sa lalaki. Lalo siyang naawa rito dahil parang nawawalan na talaga ito ng direksyon. She just told him early this morning to take care. He never did. He was so careless or acting careless.
“S-Saang hospital?” That was her question.
Ang inisyal na kilos ni Desire ay kunin ang kanyang jacket at umalis, pero natigilan siya sa pag-abot no'n sa hanger nang maalala niyang hindi Abby ang kanyang pangalan.
Midnight needs Abby and not her, but how? Her sister was in her room, together with Gian. Imposible naman na basta lang matulog ang dalawa sa loob ng iisang kwarto. Kapag ang Ate niya ang kasama ng lalaki sa kwarto, pihadong may magaganap.
She had witnessed it once. She doesn't have to witness it twice to prove it.
“Will Abby come? I am here at St. Luke's,” he pronouced.
Desire was left speechless. She knows the situation. How is she going to tell him that her sister is with her soon to be brother-in-law?
She sighed and felt irritated, “You think she'll come? Were you even thinking?”
Hindi na rin niya naitago pa ang iritasyon. Paano nita itatago iyon ay napakatanga nito na para bang hindi nag-grade two.
“What happened to you ba?”
“Nabangga ako.”
Muli siyang bumuntong hininga at pinatay ang tawag nang walang paalam. She wanted to be always sweet to him but now, she couldn't. How will this man ever learn? Para naman itong mauubusan ng magandang babae sa mundo dahil lang sa naudlot na engagement. Mayroon ngang mga tinakbuhan sa mismong kasal pero naka-move on naman, ang isa namang ito ay nakipagbanggaan!
She grabbed her jacket and wore it. She also grabbed the key and walked hastily toward her door.
Walang tao sa itaas. Naririnig niya ang malakas na kwentuhan ng pamilya nina Gian at pamilya nila. Paanong hindi ay naroon ang mga tiyuhin nila ni Abby?
“Mom?” Lakas loob at simpleng tawag ni Desire sa ina, nakangiti nang tumigin iyon sa kanya sa may hagdan.
Sinalubong na kaagad siya ni Jemena.
“Where are you going, anak?”
“Mom, I just have to visit a friend at the hospital. I'll be quick. Wala pang ten, nandito na ako,” nakangiting pangako niya rito pero hindi ito sumangot, sa halip ay tumingin ito sa Daddy niyang nasa may portico, kakwentuhan ang ama ni Gian.
She got the meaning of that. Her mom was silently telling her that she must go and talk to her father about it.
Ngumiti lang siya at malakas ang loob ng lumapit sa ama.
“Excuse me, handsome men,” she accompanied her words with a beam.
Her father already looked at her, smile vanished.
“Leaving?” Pauna na kaagad ni Salvatore.
“Dad, I will just visit a friend At the hospital. I can't do it tomorrow. I'll be busy,” diretso niyang paalam sa amang istrikto pa siguro kay Hitler.
Salvatore glanced at his wristwatch.
“It's late.”
“Dad, late is 12:00 A.M. It's just seven. I'll be quick,” nakangisi pa rin niyang sabi.
Kaya naman niyang karinyuhin ang kanyang ama. Isa pa, kilala siya ng mga magulang na NBSB. Walang isip na masama ang mga ito sa kanya. She stays at home during weekends. She doesn't drink, she doesn't go out on a Friday night with friends to party. She goes to school, goes home and school again, home again. Sa maikling salita, sobra pa sa matino ang pagkakakilala sa kanya ng mga magulang kaya sa tuwing nagpapaalam siya sa mga ito, kung saan bilang lang sa daliri sa loob ng isang taon, hindi makatanggi ang mga ito sa kanya.
“Bring my bodyguard with you, kahit si Leroy lang.”
Desire shrugged, “Sure!” Maagap niyang sagot. She kissed her father on the cheek, and also Gian's Father.
“Bye handsomes,” aniya sa mga ito na nagpatawa sa bisita.
Her father remained looking at her. Ibinigay niya ang susi ng sasakyan niya kay Leroy. Wala naman problema na isama niya ang tauhan ng kanyang ama. Hindi naman papasok si Leroy sa loob ng ospital, o kung oo man, sa labas lang iyon malamang ng kwarto na inuukupa ni Midnight.
Thank God, pumayag si Daddy. Masaya na ako sa simpleng bagay na ito. I am able to see this half-fool longhaired man.
“Saan tayo, Ma'am Desire?”
“Sa St. Lukes,” maikli niyang sagot dito.
“Bibisita ka siguro sa boyfriend mo,” nangingiti na sagot naman ni Leroy sa kanya.
Kung ganoon nga sana ay di masaya, kaya lang ay hindi.
Leroy had been his Daddy's man since she was fourteen. Ex-military daw ito sa edad na bente pero umalis matapos ang apat na taon. Bata pa ito kung tutuusin. Puno ng bodyguards ang kanyang ama, na sumasama sa kanila sa mga pagkakataon na kailangan.
Pasalamat naman siya sa Diyos na kahit mataas ang posisyon ng Daddy niya sa military ay hindi naman na-kompromiso ang buhay nilang magkapatid. Wala naman siyang alam na kaaway ni Salvatore maliban sa ama ni Midnight. Negosyo ang dahilan no'n. Iyon ang pagkakaalam niya, pero palagay niya ay may mas malalim pang dahilan ang lahat, na hindi na nabigyan pa ng linaw.
She didn't ask. She didn't have the right to ask anyway.
“Hindi ko siya boyfriend,” she blandly replied.
“Hindi ako magsusumbong.”
“Kuya Leroy, wala ka naman talagang isusumbong kasi hindi ko naman boyfriend.”
Kaaway ang pupuntahan niya, at sa oras na malaman ito ng kanyang ama, patay siya.
“I'll see Midnight,” Desire casually replied.
Agad na napamenor si Leroy at itinabi ang sasakyan, na para bang ayaw na ng lalaki na tumuloy pa sa pupuntahan nila.
Desire remains unbothered. She looked at the man in the rearview mirror who was also looking at her.
“Malalagot ako sa Daddy mo. Alam mong pinalayas niya ang lalaki na ‘yon sa mansyon. Kaaway ang Hatinggabi na ‘yon, Ma'am Desire,” seryoso na sabi ni Leroy sa kanya pero ganoon pa rin siya, kalmado.
“He's not my enemy.”
“Hindi kita maihahatid do'n,” anito sa kanya pero napakibit-balikat siya.
“Okay. Hop out now and I'll go on my own,” utos niya sa lalaki na parang nagulat sa sinabi niya.
“Mas lalong hindi pwede.”
“Okay, kung hindi ka bababa at ibabalik mo ang sasakyan, ako ang bababa at magta-taxi. I can always make an alibi, kung saan di ka sasabit.”
Napabuntong-hininga si Leroy.
“Diyos ko. Kung hindi ka lang si Desire hindi mo ako mapapasunod,” napakamot na sabi nito sa kanya.
She smiled, “Ang kaso, ako si Desire.”
Leroy, with a shaking head, moved forward. She just looked outside the window and hid her smile.
Midnight will never be happy to see her. Hindi naman kasi siya ang kailangan ng lalaki na makita, pero walang magagawa.
Siya itong mas nag-aalala, dangan nga lang ay siya rin lang ang nakakaalam.