Chapter 2

1218 Words
Chapter 2 "AY!" Ang lakas ng tili ni Desire nang papasok na siya sa university, sakay ng kanyang kotse pero may sumulpot na isang sasakyan sa harapan niya. Agad niyang naapakan ang preno na halos ikaalog ng ulo niya. Sinong siraulo? Agad siyang natigalgal nang tumingin siya sa windshield. Nakikita niya ang long hair na nilalang, pinakagwapong nilalang na nakita niya sa tanan ng buhay niya. Midnight. Bumuka ang bunganga nun pero di niya naririnig ang sinasabi, papalapit sa passenger's side ng kanyang kotse. Shit. Nataranta ang hormones niya. Ang kanyang great crush, papalapit, aburido. Kung sana lang ay nagmamadali ito dahil gusto siyang makita, ang saya sana ng buhay niya kaya lang ay hindi. Papunta ito malamang sa kanya dahil sa nangyari kagabi sa pa-engagement nito. Lumapit ito sa pinto ng sasakyan niya kaya naman agad niyang binuksan yun. "Desire, nasaan ang Ate mo?" He asked abruptly, holding her arms, shaking her a bit. Hanapan ba siya ng naunsyaming future wife? Hindi na siya ang dating Desire na kapag nag-aaway ang mga ito ay halos kargahin siya ni Midnight para lang magsabi siya ng totoo. Nakatulala siya rito. Hinawakan siya nito. Ngayon na lang ulit nangyari yun pagkatapos ng mahabang panahon. Ngayon lang siya nito muling hinawakan, dahil ang totoo ay umiwas din siya rito noong nakita niya ang p*********i nito na sumuka ng likido. Yet, she grew up, and when she took up Medicine, she was able to understand everything. s*x ang tawag sa ginawa ng dalawa. Normal iyon sa mga nagmamahalan para magparami, at palaguin ang mga damdamin, through physical contact. Yun ay para sa kanya, hindi niya alam ang pakahulugan ng iba. "Why me?" She asked him innocently. "Ikaw lang ang nakakaalam at makakapagsabi kung nasaan ang ate mo." "Isn't she contacting you?" Balewalang tanong niya. This man looked so desperate. Poor Midnight. Umiling ito kaya halos mapabuntong hininga siya. Kung sana ay siya na lang ang ginugusto nito, di sana ay walang problema. Wala nga ba kung hahadlangan din malamang ng Daddy niya? Wala dahil ipaglalaban niya ito, hindi tulad ni Abby na parang hindi naman talaga si Midnight ang mahal. Sa ginawa nun na hindi rito pag-contact, di ba malinaw na hindi talaga ito ang mahal ng ate niya? Para naman tanga ang ate niya. Bakit pa yun papayag sa engagement kung may iba namang gusto? Well, hindi nga pala nun alam ang tungkol dun. It was Midnight who invited her. Tumango siya nang sabihin nito na yayayain na nitong pakasal ang Ate Abby niya. Pakiramdam niya ay tatandang dalaga na lang siya. Wala naman kasi siyang ibang crush kung hindi ito lang. Hindi siya magpapakaipokrita. Masaya siyang hindi natuloy ang balak na kasalan ng lalaki. Nagbubunyi siya habang ang damdamin nito ay nagluluksa. Pero ngayon, naaawa siya rito. Kung sana ay pinahahalagahan lang ni Abby ang pagmamahal nito. Tingin naman niya ay kaya nitong ipaglaban ang Ate niya sa ama nito kung sakali man. "W-Wala akong magagawa, Midnight…K-Kuya Midnight. Si Ate na lang ang makakapagdesisyon nun. If I were you, tanggapin mo na lang siguro," sabi niya rito sa malambing na paraan. Binitiwan siya nito at pinakamasdan. "Kasalanan ito ng Daddy niyo," galit na sabi nito sa kanya pero wala naman siyang maisagot dahil totoo naman yun. She could see the pain and anger on his face. Alam niya ang iginive-up nito para lang parating masamahan ang Ate niya, it was his career as a player. Nakakatuwa ito dahil kahit napakagwapo at ang daming nagkakagusto, wala itong ibang gusto kung hindi ang Ate niya. Kung sana ay siya na lang si Abegail, naisaisip ni Desire. "K-Kung ako lang sana si Ate…" mahinang sambit niya kaya napakunot-noo ito. Nataranta ang buong sistema ni Desire at natauhan siya, "I mean…kung ako lang sana si Ate, kakausapin kita nang m-maayos para hindi ka na nanghuhula pa," kandautal na paliwanag niya. Naramdaman niya ang pawis sa pwet niya dahil dun. Hoo! Muntik na siyang mabuking. "Sige, Kuya Midnight, papasok ako. I have a class. Just be safe," paalam ng dalaga saka nagmamadaling tumalikod at sumakay sa kotse niya. Nakatingin pa rin sa kanya ang binata pero umalis na sa may kotse niya para bigyan siya ng daan. Mukhang hindi naman siya nun nahalata. Mabuti naman. Ayaw din naman niyang magsalita ng kung anu-ano. Bahala naman si Abegail na magpaliwanag kay Midnight dahil labas naman siya sa problema ng dalawa. Tumingin siya sa side mirror at nakita si Midnight na nakapamulsa, nakatingin sa simento at waring nag-iisip. He's still so damn hot even when he's so distressed. Abegail doesn't deserve Midnight. He deserves someone better. Hindi niya sinasabing siya yun pero baka ibang babae. Napabuntong hininga ang dalaga. Sana naman ay siya na lang dahil parang di niya kayang hindi na makita si Midnight, o masasaktan siya na sobra kapag nakita yun na may ibang kasamang babae, masaya. No… Kung hindi dapat si Abegail, dapat ay siya, hindi ibang babae. Yun ang nasa isip ni Desire. She has to make an effort. Kailangan niyang libangin si Midnight. She has to stay close to him to monitor his actions. Hindi pwedeng ibang babae ang makita ni Midnight. Dapat ay siya. Kung sa Ate niya ay kaya niya iyong ipaubaya, hindi sa iba. Pagkaparada niya ng sasakyan ay hinugot niya kaagad ang kanyang smartphone sa bag, para i-chat si Midnight. Hindi naman sila nag-uusap pero friends sila sa Bodybook App. Hindi online ang binata, one hour ago pa yun. Tahimik siyang nag-compose ng message. Desire: Don't do anything stupid, Kuya Midnight. Your life doesn't just end there. Iyon ang sinabi niya pero gustong-gusto na niyang sabihin na ibali ng na lang sa kanya ang lahat ng pagtingin nun. Nah! That will definitely make her so stupid and desperate. Kaya naman niyang lumapit doon na hindi yun sinasabi. Ang tanong, mapansin naman kaya siya ngayong wala na ang dalawa? "Ay nagpaparamdam na sa kuya-kuyahan!" Agad na naitago ni Desire ang smartphone at nilingon ang bestfriend na si Devi. "Bwisit ka! Akala ko kung sino! Kinabahan ako sa'yo." Natutop niya ang dibdib pero tinawanan siya nito. "Akala mo ako si Midnight?" "Hindi!" "O ako si Abegail?" Tumawa ito kaya natawa siya. "Sira ka talaga. Chinat ko lang kasi parang ang haggard niya." "Duhhh, sino ba ang hindi magiging haggard kung ni-refuse ng soon to be father-in-law ang engagement na plinano? Ang tanga naman ng ate mo para hindi ipaglaban si boy." Inakay siya nito papasok sa loob ng building. "Nasa Ate mo na lang yun no. The fact na hindi niya kayang ipaglaban si boyx means hindi ganun katatag yung pagmamahal niya kay Midnight. Kasi, ikaw ang nagmamahal nang totoo," tudyo nito sa kanya kaya sinimangutan niya ito. "Naaawa rin ako sa kanya kasi naiiyak siya. Mahal na mahal niya si ate Abby." "Pero hindi naman siya ganun kamahal ng Ate Abby mo." "I don't know, baka duwag lang si Ate kay Daddy. Alam mo naman na masungit si Daddy." "Sabagay," kibit balikat nito. Sana naman ay totoong huwag ng magkabalikan ang dalawa, hiling niya. Masama man ang hiling niya, gusto naman niyang siya naman ang makita ni Midnight, kasi sa kahit anong anggulo, ilalaban niya yun kahit na isumpa pa siya ng Daddy niya. Naniniwala siyang may karapatan siyang piliin ang lalaking mamahalin niya at gugustuhin na makasama habambuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD