Chapter 1
Desire
Daig pa niya ang nanonood ng isang telenovela sa TV matapos ang kanyang nasaksihan na proposal, pero biglang dumating ang isang kontrabida, sa katauhan ng kanyang Daddy.
Tinutulan nun ang inaalok na kasal ni Midnight sa kanyang Ate Abby. Sayang ang kanyang damit at sapatos. Napaltos pa naman ang mga paa niya dahil sa pagsusuot ng sapatos na de takong, tapos napurnada lang ang lahat. Now, they're inside the mansion. Pinalayas ng Daddy niya si Midnight sa bahay nila at ayaw na raw makitang muli ang pagmumukha nun.
Her father was so mad. He just arrived from his trip to Hongkong. Inatasan iyon ng Presidente ng Pilipinas na pumunta roon. Desire's father, Salvatore is a General of the Armed Forces of the Philippines. Hindi pa iyon nagre-retire dahil bata pa.
"Babaan mo ang boses mo, Daddy," saway ng Mommy nila sa ama nilang halos mamula na sa galit, pero parang bingi lang naman yun sa mga sinasabi ng asawa.
"I never knew you were keeping that man in your pants, Abegail!" Duro nito sa kapatid niya. Nakaupo lang siya sa may piano, nakatunganga habang kumakain ng cake.
"Bakit hindi ka gumaya dito sa kapatid mong walang interes sa lalaki? Ikaw pa naman ang mas nakatatanda, di ka marunong magturo ng tama!"
"Wala naman akong interes, Dad. Isa lang naman ang interes ko, si Midnight," sagot naman ng Ate Abegail niya kaya naman napamadali siya sa pagsubo.
Napaubo siya kunwari. Weeeeh, 'di nga?
Nangangamoy high blood. Lalong maiirita ang daddy niya sa pagsagot-sagot nito, sigurado yun.
"Hindi ko alam kung anong kagagahan ang pumasok diyan sa kukote mo, Abegail. Noong nagbabakasyon kayo ni Desire sa probinsya nina Pareng Ramon, si Gian ang gusto mo. You even promised him when he asked for your hand. Your Tito Ramon valued that thing, and he wanted you to marry his son. Yet, when you're here, ang isa sa mga bastardo na anak ni Castelloverde ang gusto mo."
Hindi nakaimik ang Ate niya sa mga sinabi ni Salvatore dahil totoo iyon. Hindi nga lang si Midnight ang lalaking dumarating sa mansyon, may iba pa. Mahirap na lang magsalita pero hindi siya komporme sa sinasabi nitong si Midnight lang ang interes nito. Siguro, si Midnight lang ang mula pagkabata niya ay nakikita niya, just that.
Hindi sila tunay na anak ng mag-asawa. Napatay sa engkwentro ang mga magulang nila. Hindi sila magkaano-ano sa totoong buhay, hindi magkapatid. Mabuti na lang, nagmagandang loob ang mag-asawa na alagaan sila at ampunin, kaya naging mga legal silang anak nina Salvatore at Jemena.
Their mother is a doctor. Mula at sapol ay idolo niya ang kinilala niyang ina. Kasama siya nito sa ospital madalas. Nanonood siya ng mga pag-opera at kung anu-ano pa, basta related sa pagsasalba mg mga buhay ng mga pasyente.
Her mother was the reason why she chose to take up medicine, and she was quite happy with the career that she chose. Naroon ang puso niya.
"Ramon will come tomorrow," medyo humupa na ang Daddy niya at tumalikod na sa kapatid niya, "Mag-aasikaso na kayo ng kasal ni Gian."
Desire blinked when she heard it. Walang nagawa si Abby kung hindi ang tumungo. Bakit parang nakikita ni Desire na nalilito ito kung sino ang mahal sa mga lalaking dinadala sa mansyon?
Ang hirap naman maging maganda, naisip niya, pero bakit natutuwa ang puso niya na hindi natuloy ang engagement? Traydor siyang kapatid dahil ang tagal na niyang may paghanga kay Midnight, pero sport naman siya na tinanggap na ang Ate niya ang boyfriend nun. He was even too old for Desire anyway. At least that's what she thinks.
"Ikaw," baling sa kanya ng Daddy niya kaya naman nanlaki ang mga mata niya.
She pointed at her chest, "What about me, Daddy? Papakasak mo rin ako kay Tito Ramon?"
Humalakhak ang ama niya at parang nawala ang galit sa mundo.
"Silly. Nakisali ka pa sa engagement ng kapatid mo."
"Aba, gusto ko lang makikain. Libre ang foods."
Nangingiti ang Mommy niya sa kanya pero ang Ate niya ay matabang na tumalikod, kaya nasundan niya ng tingin.
There's no rivalry between the two of them. They manage their own lives. Hindi naman siya nakikialam dito kahit na marami siyang nakikita. Mas may edad naman kasi ito kaya naniniwala siyang alam na nito ang ginagawa sa buhay. Yun lang, iba't iba talaga ang mga lalaki ni Abegail. She doesn't get contented with one guy. Random guys were pulling down her undies for her and Desire just ignored it.
Abby's still her sister.
"Daddy," aniya sa ama nang mawala ang kapatid niya sa paningin niya.
"Don't you think you're being too harsh on her?"
Napakunot ang Daddy niya ng noo kaya medyo naalarma siya. Baka sa taong lipod siya nito ipakasal dahil sa pakikialam niya.
She remembers taong lipod when they spend a vacation in the province. Uso roon ang mga nuno, aswang at taong lipod, o yung mga laman lupa.
"I mean, gusto niya talaga si Midnight," kibit balikat niya sa ama.
"I know what I'm doing, Desire. Go to your room now and change. May pasok ka pa bukas," anitong tumalikod.
Tinanguan siya ng Mommy niya kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod.