AN: Hello po goodmorning! Nasa chapter 16 na tayo mukhang malapit-lapit na matapos. Salamat pala sa mga support niyo dahil lagi kayong nangugulo sa notif ko.. ------------ Hanggang ngayon hindi talaga ako makapaniwala na sa sinabi niya na hindi talaga siya si, Hannah. Dahil may kinutaban talaga ako syempre paniniwalaan ko tong nararamdaman ko. Imbes na magtuloy sa kuwarto ko ay nagtungo ako sa daan kung saan naroon ang kuwarto ni Mina at Manang Susan. Palingon-lingon pa ako sa likod baka mamaya naroon si Mina. Nang matiyak ko na wala naman 'ay nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at lumiko, medyo kinakabahan na rin ako dahil sa ginagawa ko. Laking pasasalamat ko dahil bukas ang kuwarto dahil kung sarado naman ay pupunta ako sa kuwarto ni Manang Susan dahil baka naroon sa kanya ang mga sus